3| One Team

1046 Words
I was saved by Arundell. I was shocked and I felt everyone's eyes are on me again. Sa gulat ko ay utal akong nagsabi ng 'thank you' habang tinititigan na naman yung magagandang mata niya. Yeah, habit ko na ata yun. Umiwas siya ng tingin na para siyang napapaso. Bumalik ulit sa pagiging mayabang ang expression niya at umupo na ulit. Napangiti ako dahil sa pagsalo niya sa upuan ko. Pero nang mapalingon ako kay Caden nakita kong namumula siya sa galit at parang gusto niyang punitin ang mga labi kong nakangiti. Pero natigilan siya nang magring ang bell, indicating the end of class. Bigla naman akong nabuhayan ng loob. I stood up carrying my already fixed things at nagmadaling lumabas ng classroom. I just felt that I need to. Lalo na sa galit na itsura ni Caden. When I reached the door, I half ran when someone grabbed my arms. Napahinto ako at napalingon. Nakita ko isa ito sa mga transferees at ito yung singkit na maputi. Tiningnan ko siya with pleading eyes kasi pag nahabol ako ni Caden mabubutas na yung tyan ko. "Easy may gusto lang kaming sa--" Siniko ko siya nang aakbayan niya sana ako at tumakbo na papalayo. Nang makita ko na ang classroom ng second subject ko ay agad kong hinanap yung upuan ko. At agad ng sumalampak. Naasar ako. Lalo na naman madadagdagan ang mga nambubully sa akin. Kingina. Nagsidatingan na yung mga kaklase ko sa subject na ito. At laking pasasalamat ko ng hindi ko kaklase yung tatlo saka yung mga kaibigan ni Caden. Pero hindi pa rin mawawala ang mga avid mantrip sakin dito. Shit, bigla naman akong napabalik sa wisyo at tumayo. Tiningnan ko kung may thumb stacks o baka dumikit yung palda ko sa upuan katulad ng mga cliché na nangyari na dati. Napansin ko namang wala. Wala ngayong delikado at panira ng araw ko kaya okay lang pala. Dumating na yung prof namin. At totally nakahinga ako ng hindi ko kaklase si Alisha at mga followers niya, si Caden at ang Populars, at mas buti na lang di ko kaklase yung tatlo. Nagsimula na ang klase namin. English. Natapos ang mga klase ko at 30 minutes break. Agad akong lumabas ng school dahil pwede naman at agad na pumunta sa medyo malayong 7 eleven sa school at agad na bumili ng cup noodles. Iniintay ko itong lumambot para makain ko habang nagbbrowse ako sa isang underground site ng mga favorite kong underground street racers. Yung mga delikado. Rank 1 South Rank 2 West Rank 3 East Rank 5 Wren Eliminated as Rank 1 Drace Red Nagulat naman ako nang makita ang mga rising racers na sila South at East Narinig at nakita ko na yang East na yan kaso malabo. Di ko masyadong matandaan sa tindi at dami ng alak na nilagok ko last time. Basta I heard that name. Pang top 3 si East. Tapos yung South naman. Bagong salta yun. Siya ang pumalit sa trono ko. Hindi ko pa nakakalaban. Pero sa alam ko. Ako pa rin ang may pinakamabilis na overall track record. At yung si Drace Red nailiminate na rin siya dahil nga, nawala na ako sa racing at di na ako nakikipagrace dahil sa mga bagay-bagay. Nakakalungkot. At oo ako siya. Ako si Drace Red. Nagulat naman ako nang may humablot ng phone ko. Napatayo ako at nakita kong yung chinitong maputi ulit. Yung si ano, pangalan ba neto? Si Uehara. "Don't worry about my surname, minsan ako rin nakakalimutan ko to. Call me West." Napakunot naman ako ng noo, di ba hindi sila pwedeng tawagin sa kahit anong pangalan pwera sa apelyido nila? "Haist, ako na nga nagsabi you can call me West." Hawak pa rin ang cellphone ko. "Paano mo nababasa ang utak ko?" Medyo gulat kong sabi. "HAHAHA! Buang, Hindi ko nababasa. Bumubulong ka kaya." Nahiya naman ako, so pabulong ko palang nasabi yun. Tsk, lagi nalang nangyayari to. "Ah sige, kain muna ako." I heard him smirk. Umupo siya sa may tabi ko. Nang tiningnan ko siya naanigan ko rin yung dalawa pa. Si Arundell at si.... Sino ba yung isa nakalimutan ko na. Yung naka-aviators kanina pero naka malaking salamin na siya ng pang nerd. s**t, definitely my type. "Call me South." "Huh? Pero sabi niyo kanina. Itatawag lang sa inyo surnames niyo. Ano nga ulit yun?... Di ko na maalala." "Probably kasi si East lang iniisip mo." Hindi kaya mas bet ko si South! Nagulat ako nang may umupo sa kabilang side ko at yon yung teacher namin sa first subject. "Oh sir, naparito ka?" Sabi ko at nagtawanan naman sila. "Call me North, kapag tayong lima lang." Nangunot na talaga yung noo. Di ko nalang muna sila pinansin at kumain nalang ng cup noodles. Maanghang yung kinuha ko eh. "Hindi maganda sa tyan ang noodles." Napatingala naman ako habang di pa napuputol yung noodles sa bunganga ko at sa cup. Nagsalita tuloy akong may noodles ang bunganga. "Walang hindi maganda o panis sa taong gutom." Umirap ako nang mapagtangtong yon yung maganda ang mata. Umupo naman siya sa tabi ni West. Nagtatawanan sila sa epic ko daw na itsura. "Para kang ano." Sabi ni Sir. "Ano? sige sabihin mo!" Sabi ko pa rin habang may laman pa rin ang bunganga. "Para kang yung sa the ring yung babeng may kain kain na buhok HAHAHAHA." Sabi ni Sir. "Lol ser, kaderder. Nasira ang pagkain ko. Bakit ba kayo nandito? Ibubully niyo rin ba ako, ah?" Natahimik naman silang lahat. "Hindi ano bang mapapala namin do'n?" "Popularity? Respect? Ewan ko, tanong niyo mga katropa ni Caden, Tapos igang up niyo na rin ako para happy, para lalo dumami pasa at putol na ribs ko." Sarkastiko kong sabi habang lumalamon. Tahimik lang sila. Naalala ko naman yung phone ko na binbrowse naman ni West. Hinablot ko iyon mula sa kanya. "Hoy! Grabe ka naman. Kasuhan kita ng invasion of properties. At trespassing." Nagtawanan na naman sila. "Pre, kelan pa naging bahay ang phone?" "Simula ng sinabi ni Jorey na trespassing daw ako sa cellphone niya. HAHAHAHA!" Sagutan nila West at Sir. Tumawa na rin ako kasi feeling ko ngayon belong ako. Ngayon ko lang naramdaman to. Yung may kaibigan. "Teka nga ho. Sir, Uehara, Hill at Arundell, bakit niyo ako sinundan dito?" Inubos ko na ang sabaw ng noodles at saka umalis saglit at tinapon ito. "Hmmm. Dahil poprotektahan ka namin, we will be your knights and friends." Napakunot na naman ako ng noo at inistretch ni Hill ang kilay ko para bumalik ito sa dati, kinilig naman ako, type ko kasi siya mukha siyang matino. Hihihi, kinikilig ako! "Don't arch your brows." Sabi ni Hill "Okay." Gusto kong mapakagat labi. HAHA-harot ko! HAHAHAHA! "Teka guys, seriously answer me!" "We will be your friend. We will be one team.'' At doon ako humagalpak sa tawa. Hindi makapaniwalang may gustong kumaibigan sa akin. +++++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD