Chapter 4

1295 Words
Trey's POV     Nandito ulit ako sa tapat ng bahay ng mga Valdez. Pagka-door bell ko ay pinapasok agad ako nung maid, natandaan n’ya siguro kung sino ako.     Pagpasok ko pa lang ng gate nila ay natanaw ko sa garden ang mommy at daddy n’ya.     "Magandang araw po," sabi ko at nagmano paglapit ko sa kanila.     "Oh Trey, ikaw pala. Anong sadya mo rito?" Nakangiting tanong sa akin ng mama n’ya.     "Didiretsuhin ko na po kayo. Gusto ko pong makausap ang anak nyo."     "Sinong anak Trey?" Tanong sa akin ng daddy n’ya.     "Si Liza po sana." Sabi ko at natanaw ko syang papalapit sa gawi namin. Bigla naman s’yang namutla at akmang aalis ngunit tinawag sya ng kanyang mama.     "Liza! Halika at kakausapin ka daw ng kaibigan ng ate mo!" Tawag nito kung kaya't lumapit si Liza dito sa garden.     "Anong kelangan mo? Pakidalian at ay pupuntahan pa ako." Sabi nito nang hindi makatingin sa akin ng diretso.     "Gusto ko sanang makausap ka, in private?" Sabi ko dito. Napansin ko naman si Louisa sa tabi nito at ang mga parents nyang nagtataka kung bakit ko kakausapin ang kapatid n’ya.     "S-Sige dun tayo sa kotse mo. Magpapahatid na din ako." Sabi n’ya at nagpaalam na sa mga parents n’ya.   --     "Anong sasabihin mo?" Diretsang tanong n’ya habang nakatingin ng diretso sa daan nang makapasok kami sa kotse.     "Ikaw ba ang nagtangkang pumatay kay Louisa?" Diretsang tanong ko na naging dahilan ng panginginig n’ya.     "Hindi! Kapatid ko s’ya at wala akong balak na iba sa kan’ya!" Bulyaw nito habang nanginginig.     "Then ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin nito!" Balik sigaw ko at inabot sa kan’ya ang papel na nakita ko sa hospital. Tiningnan naman n’ya ito at bigla syang namutla.     Nakita ko si Louisa sa tabi nya at tumingin sa akin na parang di n’ya nagustuhan ang pagsigaw ko sa kapatid n’ya.     "Hindi. Hindi ko yun magagawa sa kan’ya..." sabi n’ya at humagulgol ng iyak.     Liza's POV   Flashback   "Ang taas naman ng mga marka mo Lou! Dahil d’yan, anong gusto mong uwi namin sa ‘yo?" nakangiting sabi sa kanya ni mama habang pinupuri sya.     "Oo nga, Lou. Bibisita kami sa Japan this week. Anong gusto mong pasalubong?" Nakangiting tanong naman ni daddy habang tinitingnan ang card at test papers ni ate.     "Naku naman Ma, Pa, maski umuwi lang kayong ligtas sapat na sa akin." Nakangiting sambit n’ya.     'Sipsip ka! Alam ko namang gustong-gusto mo ang magpauwi ng mga gadgets at designer clothes mula sa kanila!' sa isip ko.     "Ang sweet naman ng ate namin, ikaw Liza? Patingin nga din ng card at test papers mo." Sabi sa akin ni Mama.     Binigay ko naman agad sa kanila ang hinihingi nila. Confident naman ako at matataas ang grades ko noh!     "Bakit ganito kababa ang marka mo Liza?" Tanong sa akin ni Papa.     Huh?     "Ano po?"     "Tingnan mo ang grades mo, puro dos! ‘Di ka gumaya sa ate mo na puro uno ang nakukuha!" Sabi nito sa akin. "Dahil d’yan, wala kang uwi mula sa amin. Grounded ka sa iyong ATM Cards at ‘di ka pwedeng gumamit ng kotse hangga't di kami nakakauwi. Maliwanag ba?" Diretsang sabi ni dad sa akin.     Bakit gano’n?! Anong mali sa dos? E mataas din naman yun ah! Bakit ba lagi nila akong kinukumpara sa kanya?! Damn her!     "Yes dad," sabi ko at tumakbo pataas ng kwarto. I glared at Louisa then I saw her worried face, or should I say  'fake worried face'? Kung hindi ako nagkakamali nagpa-party na yun sa loob n’ya dahil napagalitan na naman ako!   --   "Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong n’ya sa akin . Ilang linggo ko na din s’yang di pinapansin.     "Wag mo akong kausapin. Hindi kita kilala," sabi ko at iniwan s’ya.     "Anong kelangan kong gawin para patawarin mo ako?" Sabi nya nung nahabol n’ya ako.     "Kailangan mong ilakad ako sa best friend mo," sabi ko at humarap sa kan’ya.     "Si Lin?" inosenteng tanong n’ya.     "Tonta! Si Carl Dominguez! Alam mo kung gaano ko s’ya kagusto ‘di ba? Para mapatawad kita ay dapat tulungan mo akong mapalapit sa kanya." Diretsang sabi ko at iniwan syang nakatulala.   --   "Hello Liza, lunch tayo? Libre kita." Aya sa akin ni Carl isang araw.     Tiningnan ko ang maamo n’yang mukha. Ang matangos n’yang ilong at magandang mata.     "Liza? Kung ayaw mo may ibang araw pa naman eh." Bawi n’ya sa sinabi nang mapansing ‘di ako sumasagot.     "Ha? Ah sige sige! Tara na!" sabi ko sa kan’ya at hinila s’ya.     Di naman s’ya nagpahila at sinabing,     "Teka Liz, Pfft umaga pa lang. Ihahatid na lang muna kita sa class mo." Sabi n’ya at hinatid nga ako.     Bago pa kami makapunta sa room ko ay nadaanan namin si ate kasama yung boy friend n’yang si Kent. Nginitian ko si Ate at nginitian nya din ako pabalik ngunit pagtingin nya kay Carl ay umiwas sya ng tingin dito.     Anong meron? ‘Di ko nalang pinansin at hinila si Carl papunta sa room ko.   --   "Salamat Liz at pumayag kang mag-lunch with me. Anong gusto mo? My treat." Sabi n’ya nang nagpunta kami sa caf.     "Ikaw..." Wala sa sariling sabi ko habang nakatitig sa kan’ya.     "Pfft di ako kasali sa menu eh." Nakangiting sabi nya na nagpapula ng husto sa mukha ko.     "T-Teka sabi ko ikaw bahala, ano ka ba?" Sabi ko habang tumatawa ng peke.     "Wala. Sige intayin mo ako."     'Lagi naman akong naghihintay sayo,' sa isip ko.     15 minutes later...   Ano ba ‘yan, kanina pa ako nag-iintay wala pa rin s’ya. Kumakalam na ang sikmura ko at malapit ng matapos ang lunch break namin.     Naisipan kong mag CR muna bago ko sya hanapin. Siguro naman ay may magandang reason s’ya kung bakit di s’ya nakabalik ‘di ba?     Papasok na ako sa CR ng may marinig ako. Sumilip muna ako at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin at ang ate ko na magkausap. Hindi nila ako nakikita dahil parang seryoso ang pinaguusapan nila.     "Come on Lou! I already told you! I love you not your sister! Why can't you just accept that?!" Sabi nung kausap n’ya na nakumpirma kong si Carl.     "Come on Carl! May Kent na ako! Kay Liz ka na lang!" Bulyaw n’ya.     "H’wag mo akong itaboy sa kan’ya! Nilapitan ko lang s’ya dahil gusto mo!" That's the cue para umalis ako doon habang lumuluha.     Mang-aagaw ka talaga, Louisa. Bakit hindi ka na lang mamatay?   --   "Liz! Tara sa hospital! May tama ng saksak at baril daw ang ate mo!” Sigaw sa akin ni mama habang nagmamadali.     Alam kong ayaw ko sa kan’ya at gusto kong mamatay na s’ya pero hindi ako ganoon kasamang tao para patayin ang sarili kong kapatid!     End of Flashback     Trey's POV   "Kung wala ka ng sasabihin puwes pasensya na! Dahil wala akong alam d’yan!" Sabi nya sabay labas ng kotse ko.     "Tingin mo nagsasabi s’ya ng totoo?" Tanong ko kay Louisa na ngayon ay nangingilid ang luha. Tumango naman s’ya at sinabing umuwi na kami na sinunod ko naman.     Loveliza Valdez? Tatanggalin kita pansamantala ngunit pag nalaman kong nagsisinungaling ka ay hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa ‘yo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD