Chapter 3

1371 Words
Trey's POV   "So where do we start, Mr. detective?" She asked.     "Well, we'll start from the very beginning. I need to know everything about you. Your age, your home, your family background, your parents, friends, enemies, cousins and even ex'es. So, saan naka-locate ang house ng parents mo?" I asked. I feel the excitement of finding the culprit rushing through my veins.   --   Nagbihis na ako at sumakay ng kotse. Ipagbubukas ko sana sya ng pinto ng makita kong tumagos lang sya mula doon. Naalala kong ng isa na nga palang multo ang room mate ko.   --   Nakarating na kami sa destinasyon namin.     Isang hindi kalakihang bahay ang bumungad sa akin. Kumbaga, may kaya sila ganoon.     "Is this your house?" I asked while looking at her.     "Yup. Di naman kami masyadong madami kaya di namin kailangan ng malaking bahay. Ang mahalaga masaya kami."     Medyo naiinggit ako sa kan’ya dahil maski average lang sila, atleast buo at masaya sila. Di kagaya ko na kumpleto nga at mayaman, di mo naman ramdam ang pagmamahal ng haligi ng tahanan.     Napansin kong nagtataka at yung iba ay nagbubulungan tuwing dadaan sila sa tapat ko.     "Ay sayang, gwapo sana kaso mukhang baliw ata e."     "Oo nga sis. Nakakabaliw pala talaga pag sobrang gwapo noh?"     Bigla kong naalala na ako lang ang tanging nakakakita sa kan’ya.     Or maybe akala ko lang ay ako.     Dahil nakatingin kay Louisa ang isang lalaking di naman kalayuan sa pwesto namin.     Makikita mo ang gulat sa ekspresyon nya, at noong lumingon sa kan’ya si Louisa ay bigla itong namutla at tumakbo.     Sinuot ko muna ang earphone ko para kunwari ay may kausap ako sa phone bago ako magtanong sa kan’ya.     "Kilala mo sya?"     "Yup. S’ya si Jeivon Dale Ynarez. Kababata ko. Pero nung naging kami ni Kent ay bigla na lang syang umiwas sa ‘kin."     So, another name will be added on the list.     Isinulat ko ang kanyang pangalan sa mini notebook ko.     Carl Jake Dominguez - Ex bestfriend nya at suitor.     Jaze Kent Franco - Ex boyfriend     Lindana Elizandro - Ex best friend     Jeivon Dale Ynarez - Kababata     Meron akong conclusion in mind pero ayaw ko munang mag-conclude habang wala pang matibay na ebidensya.     Pinindot ko na yung doorbell pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.     "Sino po sila?" magalang na tanong nung maid.     "Uhmm kaibigan po ako ni Louisa. Maaari ko po bang makausap ang parents n’ya?"     "Saglit lang po at tatanungin ko."     Pumasok ulit sya sa loob at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik din sya at pinagbuksan kami ng gate.     "Pasensya na po Sir at natagalan. Pasok po kayo."     Sinamahan nya ako papasok sa loob ng bahay patungong sala kung saan nadoon ang mga magulang at dalawang kapatid nya. Isang babae at isang lalaki.     "Magandang hapon po," bati ko.     "Oh hijo, maupo ka muna. Manang Selia ipaghanda n’yo nga po s’ya ng juice at kahit anong makakain d’yan." Utos n’ya sa matandang maid na napag-alaman kong si Manang Selia.     "Ay h’wag na po, hindi naman po ako magtatagal." Tutol ko sana ngunit ‘di naman natuloy dahil nakaalis na yung inutusan nila kanina.     "Ano pala Ang kailangan mo hijo?" Tanong sa akin ng Mama n’ya.     Tiningnan ko muna si Louisa na katabi ko sa mahabang sofa nila. Nakatingin s’ya sa mga parents at kapatid n’ya habang teary-eyed sya. Bakas ang pagka-miss sa mukha nito.     "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kan’ya.     Sasagot na sana s’ya ng bigla kaming in-interrupt ng kuya n’ya.     "Excuse me, pero sinong kausap mo?" Tanong nito kaya awtomatikong napalingon ako sa kan’ya.     "Ah heheh." Sabi ko na lang sabay pakawala ng isang pekeng tawa.     "So what brought you here young man? Manang Selia said that you are a friend of our dear Louisa." Maawtoridad na sabi ng Dad nito. Somehow, para s’yang si Dad kung magsalita.     "I'm Trey. I don’t know if you'll believe me but your daughter asks me to help her find her killer." Sinserong sabi ko.     "And what makes you think that we'll believe that huh?" Bulyaw sa akin ng kuya n’ya na nagliliyab ang mga mata sa galit.     "Tell them that you can see me." Bulong sa akin ni Louisa na nasa tabi ko.     "My sixth sense is open. Meaning, I can see and talk to her," sagot ko.     "Then give us proof!" Naghi-hysterical na sabi ng Mama nya.     "Let me enter you..." Bulong ulit sa ‘kin ni Lou.     "Huh?!" Nagtatakang sagot ko.     "Do you th---" Naputol ang sasabihin ng Papa n’ya ng bigla na lang sumapi sa katawan ko si Lou.     "Mom, Dad."     "Louisa..."     Then everything went black as I felt her soul taking over my body.   --   "I’m in coma..."     Sabi n’ya pagkagising ko. Nakita ko na lang ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko without remembering anything.     "What? What happened?"     "Nothing. I just show them the proof they need to believe you."     "Okay. So, sa anong gospital ka daw naka-confine?"     "St. Luke's."     "Tara." Aya ko at nangunang lumabas.     Gabi na kaya madilim na ang buong paligid. I started the engine of my car habang iniintay s’yang pumasok or should I say, tumagos sa pinto.   --   St. Luke's     Naabutan namin si Liza Valdez sa kwarto ng kanyang kapatid.     "Bakit ka nandito? Kaano-ano mo si ate?" Tanong nito.     "Friend ko sya from school," pagsisinungaling ko.     "Ah sige. Ikaw na muna bahala sa kanya . Bye" Paalam nito at tinungo ang pintuan.   . Tiningnan ko ang mukha ng babaeng nakahiga sa kama . May kung ano-anong aparato ang nakakabit dito.     "Now, ganyan ba talaga kalala ang nangyari sayo at kung ano ano ang kinabit nila sayo?" Sarcastic na tanong ko.     "Ambut sa imo (awan sa iyo). Adulla Ammum (dami mong alam)." Dinig kong bulong nya, or nagpaparinig lang talaga s’ya?     Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwartong ito.     Natigil lang ako sa pagmamasid ng may mapansin ako sa side table.     "Ano to?" Tanong ko     "Malay ko. Buksan mo kaya ano?" May dalaw ba tong babaeng ‘to at ang sungit? Teka, nagkakaroon ba kahit multo na? Haaay nakoo.. girls will be girls.     'Still alive eh? Don’t worry. You'll meet Satan very soon...   -Love'     "Love?"   Sino ka, Love? Bakit mo s’ya pinagtangkaan? Anong kasalanan n’ya? I'll find it out sooner or later. So be ready. I'm gonna hunt you.   --   Love?   "Louisa? Sino sa tingin mo ang susulat nito?" Tanong ko habang sinisipat ang papel na iniwan ng killer dito sa side table ng ospital.     "Ewan ko lang eh. What if i-check natin ang mga bumisita dito sa room ko?" Suggestion n’ya.     "Good idea."     Dumiretso na kami sa receptionist     "Excuse me, Miss? Sino-sino po ang pumasok sa room ni Miss Louisa Valdez? Puwede ko bang makuha ang listahan ng mga pangalan nila?" Magalang na tanong ko. Sumenyas naman ito ng sandali at kinopya ang mga pangalan nila.     Binigay nya agad ito sa akin at dali-dali ko itong tiningnan.     Visitor's of Miss Valdez   Mr. and Ms. Valdez Carl Jake Dominguez Lindana Elizandro Jaze Kent Franco Liza Valdez Jeivon Dale Ynarez   "Ito lang?" Nagtatakang tanong ko.     "Yes sir. Wala pong masyadong bumibisita sa kan’ya bukod sa family and friends n’ya." Tumango na lang ako habang naglalakad pabalik sa kotse. Sumunod naman s’ya.     "We'll remove Mr. And Mrs. Valdez sa suspect list and then we'll add Liza Valdez, your younger sister. Is it fine?"     Tumango nalang ito bilang pagsang-ayon.     "Sino sa tingin mo si Love?"     Ina-analyze ko pa ang mga possibility kung sino sa kanila si Love nang bigla syang nagsalita.     "Liza. Her full name is Loveliza Valdez. Kapatid ko s’ya and were not in good terms. Pero, it's quite impossible naman ‘di ba? Di n’ya ako magagawang pagtangkaan?"     "Sshh.. malalaman natin yan." Sabi ko na lang.     Loveliza Valdez? If you're the killer then get ready. I'm gonna make you pay if I knew that you are involved in this mess.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD