Chapter 2

2593 Words
Trey's POV   Nagising akong masakit ang ulo. Uggh! Ansama ng panaginip ko. Buti panaginip lang. Buntong hininga kong sabi sa aking sarili.     Tumayo na ako at nagdiretso sa kusina. Ngunit bago ako makarating sa kusina ay bigla akong kinilabutan ng mapadaan ako sa sala. Magkarugtong lang kasi ang kwarto patungong sala at kusina. Bigla kong naalala yung sa panaginip ko. May babaeng nakaluhod at lumingon sa akin.     Iiling-iling kong ipinilig ang ulo dahil ayaw ko ng maalala ang bangungot na yun.     Kumuha ako ng tubig sa ref at bumalik sa kwarto. Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko kung kaya't hinanap ko kung nasaan ito. Nakita ko itong nasa ilalim ng kumot. Kukunin ko na sana ito para malaman kung sino ang tumatawag at para masagot ito ng makita ko ang nakabaliktad na papel katabi nito. Kinuha ko din ito at nabitawan ko bigla ang hawak ko ng mabasa ang nakasulat dito.     "Tulong. Tulungan mo ako." Nakasulat ito gamit ang Dugo.     Bigla akong kinilabutan at pinagpawisan ng malamig. Ang kaba ko ay napalitan ng takot ng makumpirmang hindi panaginip ang nangyari kanina.     Ang kaba ko ay dumoble nang makita ko ang babaeng duguan na nasa harap ko na . Aalis na sana ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko at paulit ulit na sinabi ang mga katagang...     "Tulong. Tulungan mo ako."     Yung takot ko kanina ay biglang napalitan ng awa. Tiningnan ko ang kabuuan nya.     Maputi sya at medyo petite. Nakalugay ang maitim at mahaba ngunit magulong buhok. Namumutlang mga labi at walang emosyong mga mata.     Matagal kong tinitigan ang kanyang mata. Maganda ito. Ngunit parang walang kabuhay buhay habang umaagos ang mga luha nito.     Hinawakan ko ang kamay nito para itayo sana ngunit nabigla ako ng bigla na lamang tumagos ang kamay ko sa kamay nya. Bigla ulit akong kinilabutan habang tinititigan ang mga mata nyang ngayon ay nakatingin sa akin habang humihingi ng tulong.     Takot man ay nagsalita na ako.     "Anong tulong ang kailangan mo?" Medyo nanginginig na tanong ko.     "Tulungan mo akong maalala at hulihin ang taong gumawa saakin nito at tulungan mo akong makabalik sa katawan ko." Direktang sabi n’ya.     Sa mga salitang binitawan nya ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok patungong kamay ngunit di ko nalang ito pinagtuunan ng pansin.     "Bakit ako? Bakit kita nakikita?" Naguguluhang tanong ko.     "Dahil bukas ang iyong ikatlong mata. Saka, ikaw ang gumambala dito sa aking kwarto kaya bilang kapalit, ikaw ang tutulong sa akin para mabuhay ulit ako."     "Kapag ba natulungan kita ay hindi mo na ako guguluhin?" Naniniguradong tanong ko     "Hindi na. Pangako," sagot n’ya. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi nya ay ang pagbabago ng hitsura nya. Ang kanyang magulong buhok ay naayos at parang naging bagong rebond ito. Ang maputla nyang labi ay biglang naging pula at ang damit nyang basa ng dugo kanina ay napalitan ng isang simpleng puting bestida. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang kanyang mga mata, dahil hanggang ngayon ay wala parin itong kabuhay buhay.     "Tutulungan mo na ba ako? At anong pangalan mo?"     "Payag na akong tulungan ka." Sagot ko na may ngiti sa labi.     Ito ang unang pagkakataon na magagamit ko ang napag-aralan ko sa pagiging detective.     "Ako si Trey Jules Monterereal, isang baguhang detective. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko rito.     "Louisa. Ako si Louisa. Ang tunay na umuupa sa kwartong ito. Ako lang naman Ang room mate mong MULTO."   --   "Louisa. Ako si Louisa. Ang tunay na umuupa sa kwartong ito. Ang room mate mong MULTO." Sabi nito sa akin. Medyo kinilabutan ako sa huling sinabi nya.     "Upang matulungan kita, kailangan kong malaman ang nangyari sayo at kung bakit ka naging multo." Curious na sabi ko at saka s’ya nagkuwento.     Flashback. (7 months ago.)   Lou's POV     "Bes!" tawag sa akin ng bestfriend kong si Lin habang kumakaway.     She's Lindana Elizandro. Culinary Arts student. Graduating na kami next March and it's 3 months from now. Kakatapos lang ng aming sembreak kaya balik pasukan ulit kami.     "Oh bakit, Bes?" Tanong ko ng makalapit ako sa table nila. Break time ngayon kaya naman halos lahat ng section ay nasa cafeteria.     Magsasalita na sana s’ya ng biglang may umakbay sa ‘kin.     "Hello Babe. Tara, date tayo?" nakangiting aya sa akin ni Kent.     He's Jaze Kent Franco. My beloved boyfriend. Graduating na rin ‘yan just like us. Engineering student yan. Talino n’ya ‘di ba?     "Sure babe. Dating Lugar?" Malambing na sagot ko.     "Yup. Ditch na lang tayo ng class. Last subject na naman ‘di ba?" Tanong nito.     "Yup. Sige ihanda mo na lang yung kotse. Mag papaalam lang ako." Nakangiting sabi ko.     "Dalian mo ha? You know? I Jaze Kent live without you." Nakangiting sigaw n’ya nung medyo nakakalayo na sya.     Napa "Ayieee!" naman ang mga tao sa cafeteria habang ako ay naiwang namumula sa table.     After a few moments ay nagpaalam na ko.     "Bes? Sorry huh? Later na lang tayo mag usap or text mo na lang ako. You know... My Jaze Kent live without me." Namumulang paalam ko kay Lin.     "Sure sige, I understand. Later na lang. Enjoy your date.” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na ‘di umabot hanggang mata ang ngiti n’ya o hindi. Hindi gaya nung halos di na makita ang kanyang chinitang mata sa sobrang laki ng ngiti kapag ako ay nagpapaalam sa kanya kapag may date kami ni Kent.     Pinagwalang bahala ko nalang ito as I waved my hand as a sign of goodbye habang naglalakad palayo. Nakalingon parin ako sa kanila kung kaya't hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko.     Nabangga ako sa katawan ng isang lalaki. Ang lalaking iniiwasan ko ngayon .     "Hey long time no see Lou," nakangiting sabi nya.     "Hey! Good to see you again Carl. Sorry, I'm in a hurry. Gotta go." Nagmamadaling sabi ko at sinubukan ng maglakad palayo.     Hindi pa ako nakakalayo ng hinablot nya ang braso ko.     "Iniiwasan mo ba ako Louisa Uy Valdez ?" ang kaninang nakangiti n’yang mukha ay naging seryoso .     "Hindi naman Carl Jake Dominguez. It's just that..." sabi ko. "May date kami ni Kent e." Halos pabulong ko ng sinabi ang huling linya.     Napabitaw naman sya sa braso ko.     "After all I've done for you ito lang ang igaganti mo? Tandaan mo Louisa, Hindi pa tayo tapos." malamig na sabi nya sabay naglakad palayo. Habang ako ay naiwang nakatulala sa huling linyang binitawan nya. He was my bestfriend. WAS. Nilayuan ko lang s’ya nung maging kami ni Kent 11 months ago lang. Dahil na rin nung umamin s’yang gusto n’ya ako. Well, wala naman akong magagawa kasi alam ko namang maganda ako. Hindi ko sana sya lalayuan ngunit in-insist ni Kent dahil nagseselos daw sya.     Naglalakad na ako papunta ng parking at nakita ko si Kent na nakasandal sa may pintuan ng kotse nya. Nang makita nya ako ay nagliwanag ang kanyang mukha.     "What took you so long, Babe?" Tanong nito ng makalapit ako sa kinaroroonan nya.     "Nothing Babe. May nabangga lang."     "If you say so." Sagot nya sabay pasok sa loob ng kotse. Pumunta na rin ako sa shotgun seat at sinimulan na n’yang magmaneho.     Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano ano sa byahe ng biglang may tinanong sya out of nowhere.     "Babe? Anong gagawin mo pag may ibang babae ako?"     Napaisip naman ako sa tanong n’ya.     "Well, I will sue that b***h for stealing my property... For stealing you," nakangiting pahayag ko.     "What if that "b***h" your talking about is important to you? Will you still sue her?"     Nagtataka man ay sinagot ko ito.     "Well, it depends on how important that b***h is. The only thing that matter is that you're mine. Mine and mine alone." Possesiveness is evident in my voice.     "That's my girl." Sabi nito at ngumiti. Isang ngiting alam kong peke.     Kaysa tanungin kung anong nangyayari, iniba ko na lang ang topic dahil ayaw ko namang mag-away kami lalo na't malapit na ang 1st year anniversarry namin.     "Babe? Anong gusto mong gawin next week? It's our 1st Anniversary right?" Nakangiting tanong ko.     "Yeah"   Magtatanong na sana ako ng bigla nyang ihinto ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto.     Nandito na kami sa usual favorite place namin. Isa itong park but the scenery is so captivating. Madaming puno ang tumutubo at mga bulaklak na sumisibol. Madami ding butterflies sa paligid at may falls at river dun sa may bandang dulo. One word to describe this place...      Paradise.   -- Our date went well.     Nandito na kami sa labas ng apartment na aking tinutuluyan. Inaya ko s’yang magmeryenda muna sandali ngunit s’ya na ang tumanggi. May aasikasuhin daw muna s’ya.     Well, bilang understanding girlfriend ay nagpaalam na ako at tuloy-tuloy na pumasok sa room ko.   -- One week later   Isang linggo na ang nakalipas. Mas naging sweet sa akin si Kent kaya madalas kami ang magkasama. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi kami masyadong nagkakausap ni Bes. Madalas ko ding nakakasalubong si Carl ngunit ako na ang umiiwas kapag napapansin kong gusto nyang makipag-usap. Napapansin ko din ang palitan ng matatalim na tingin nila Kent at Carl pag nagkikita ito.     I thought everything is still fine around me. Pero di ko inaasahan ang nangyari kinabukasan pag gising ko.     I was so happy dahil ngayon ang first year anniversary namin. And it's also his birthday!     Ginawa ko na lahat ang morning routine ko at naghanap ng simple yet elegant dress. Balak kong pumunta sa condo n’ya at surpresahin s’ya. I baked a sweet chocolate cake with personalized design. I learn that from my Mom. In the center of the cake are the words "Happy 1st year of love babe! I love you.   -Always and forever, Louisa     Papasok na ako sa condo n’ya ng bigla akong hinarang ni Carl.     "What are you doing here?" I asked him suspiciously.     "I just want to warn you. Don't go to his suite." Seryosong sabi n’ya.     "And who do you think you are para pigilan ako?" I sarcastically asked.     "Me? Yeah right. Why would I warn you anyway gayong nasa hospital si Mom at s’ya dapat ang inaasikaso ko kaysa sa ‘yo? I just warn you because I still love you. But it seems like you don’t care anymore. So suit yourself. I won't push myself anymore. Just don’t come to me crying and don’t tell me I didn’t warn you in this." Mahabang litaniya nito at naglakad paalis.     Pumunta muna ako sa comfort room at nag ayos ng sarili. After putting on some lipstick ay napagpasyahan kong tumaas na sa suite n’ya habang dala ang cake na binake ko.     Nasa tapat na ako ng suite nya ng bigla akong kinabahan.     ‘What's the matter ba?’ I stupidly asked myself.     Then bigla kong naalala yung sinabi ni Carl kanina sa lobby.     No.     Nothing's wrong.     Nothing Lou okay?     Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. I'm confused dahil hindi ito naka-lock.     Pagkapasok ko ay walang tao sa sala. Tulog pa siguro ‘yon sa kwarto. Iniwan ko muna sa fridge ang cake na dinala ko at naglakad papunta sa kwarto n’ya.     Sumilip ako sa may pinto dahil medyo nakauwang ito. Lumapit pa ako ng kaunti at nakita sa sahig ang mga nakakalat na damit. Itutulak ko na sana ang pinto nang may nagsalita.     "Jaze, I can't take it anymore. Leave her and be mine officially. Nagi-guilty na ako sa panloloko natin sa kan’ya." Boses iyon ng babae at halatang umiiyak ito.     "Sshh... Don’t cry Dana, I'm here. I'll break up with her soon." Naniniguradong sabi ni Kent ngunit bakas ang lungkot sa boses nito.     "Jaze, may kailangan akong sabihin sayo. I'm ---" Hindi na n’ya natapos ang sasabihin dahil pabalya kong tinulak ang pinto.     Shock were written in their eyes. As well as guilt.     "How could you both do this to me?!" I shouted while tears are streaming down my face.     "I-it's not what you think Bes!" Nagpa-panic na sabi ni Lin habang mabilis na tumayo sa kama at binalabal ang kumot sa kan’yang hubad na katawan.     Yeah. The b***h who slept and make-out with my boyfriend is my bestfriend. Well, she's a stranger to me now.     "Oh really? Gaano katagal nyo na akong niloloko ha? Kelan pa?!" I shouted sabay sampal sa kanang pisngi n’ya. My hands are trembling because of anger. Tumayo naman at lumapit sakin si Kent para pigilan ako.     "3 months, bes." She is sobbing hard.     Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulak ko s’ya habang sinasabunutan. She fell on the floor.     "Stop it Lou! I'm so over you!" sigaw sa akin ni Kent habang pinipigilan ako. Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko at kinaladkad ako palabas.     Pagkabitaw n’ya sa braso ko ay sinampal ko s’ya ng ubod ng lakas.     "How could you Kent? ‘Di ba sinabi mong mahal mo ako?" I desperately said. Desperada na kung desperada. Ang mahalaga mabawi ko sya.   "Do you know why Jaze is my first name?" Naka-smirk na tanong nito habang hawak ang pisnging sinampal ko. "Because I am Jaze kidding you." Huling sabi nito sabay pabalibag na isinarado ang pinto.     I just stand there helplessly. I felt so used up. I’ve been betrayed by my boyfriend and my bestfriend. Which are now strangers for me.     Umiiyak akong tumakbo palayo habang binubuksan ang pinto ng kotse ko.     I just cry inside my car like hell. After an hour of sobbing ay pinaharurot ko na ito at nagpark sa garage ng apartment ko.     Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.     Nagising ako sa kamang maga ang mata.   -- 2 weeks later...   Buti na lang at bumabagyo ngayon dito ng malakas kung kaya't suspended ang klase.     *toktok*     May kumakatok sa pinto. Sa pagkakatanda ko wala naman akong ka-close dito sa inuupahan kong apartment. Kinuha ko ang jacket ko at nagsuot ng tsinelas dahil malamig since parang bumabagyo na ata sa labas.     Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit sya narito?     Halo halo ang nararamdaman ko. Nandoon ‘yong galit. ‘Yong pain. ‘Yong pagka-miss sa kan’ya. Pero nangingibabaw ang takot ko nang makita ang hawak n’ya.     Isang baril na may silencer.     Sht! Katapusan ko na ba? Pero bata pa ako...     "Anong ginagaw—uggh!" ‘Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binaril n’ya ako sa tagiliran.     "It's payback time Louisa."     Those last words hit me.     No!     Why?     Bakit ikaw pa?     I've heard one last gunshot and everything went black.     End of Flashback   Trey's POV   Nililista ko ang mga pangalang binabanggit nya habang nag iisip kung possible bang sila ang pumatay sa kanya.     Based sa kwento n’ya, tatlo pa lang ang nasusulat kong possible suspects.     Carl Jake Dominguez - Ex best friend n’ya at suitor.     Jaze Kent Franco - Ex boyfriend.     Lindana Elizandro - Ex best friend.     "Sino ang muntik nang pumatay sa ‘yo?"     "Hindi ko maalala ang mukha n’ya dahil blurred pa ito masyado." Nakatungong sambit n’ya.     "Well, don’t worry, we'll find the killer sooner or later." Naniniguradong sabi ko sa kanya ng may determinasyon sa boses ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD