Chapter 08
Dumating na ang kinakatakutan ko. Ang may makaalam ng totoo kong sikreto at sabihin ito mismo kay Sir Alaric. Hindi ko nga lang inaasahan na si Sir Christian ang makakakalam nito. Kasalukuyang nakatitig siya sa akin ngayon at pinapanood ang bawat galaw o reaksyon ko.
Ngumiti ako nang pilit sa kanya habang pinapakalma ang puso sa kaba. “H-Hindi ko alam kung anong sinasabi mo,” kinakabahang sagot ko sa kanya. Lalong tumalim ang kanyang mga matang nakatingin ngayon sa akin dahil sa aking sagot. Para bang sinasabi niya sa akin na huli na nga ako pero dinedeny ko pa rin.
“Don’t deny it. I already know the truth. Kahit sino, malalaman ang totoo mong pagkatao kung makikita nila ‘yang nasa pantalon mo,” giit niya sa akin.
Tumingin ako sa pantalon ko. Wala naman akong makita. “Wala dyan. Sa likod. You… You have red spot.”
Napakagat ako sa ibaba kong labi nang malaman ko kung ano ang tinutukoy niya. Kahit itim ang pantalon ko, mahahalata nga naman ‘yon lalo na kung basa pa.
“Now that you know. Tell me what are you doing inside our company. Espiya ka ba? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?” sunod-sunod na sabi niya sa akin. Halata ko rin ang pagkainis sa boses niya.
Umiling ako sa kanya ng dahan-dahan. “Hindi ako espiya. May hinahanap lang akong impormasyon tungkol sa taong hinahanap ko. Ilang taon na ang nakakaraan simula noong huli ko siyang makasama. D-Dito rin siya nagtatrabaho noon kaya naisipan ko na baka may malaman ako kapag dito ako nagtrabaho,” I said without removing my gaze to him. Kailangan kong ipakita sa kanya na totoo ang sinasabi ko dahil iyon naman talaga ang ipinunta ko rito.
“Pero dahil lalaki lang ang tinatanggap, naisip mo na magpanggap kahit delikado?” pagtutuloy ni Sir Christian sa sinabi ko. Yumuko ako at dahan-dahan na tumango sa kanya.
“C-Can you keep my secret?” nanginginig na tanong ko sa kanya.
“Ano naman ang makukuha ko kung itatago ko ang sikreto mo? Saka paano kung tulungan nga kita pero wala ka naman impormasyon na makuha tungkol sa taong hinahanap mo? Sayang lang ang pagod nating dalawa. Bukod pa roon ay mananagot pa tayo kay Sir Alaric. Hindi mo ba alam kung gaano katakot magalit ang lalaking ‘yon?” mahabang litanya niya. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang reaksyon niya sa akin. Kahit sino ay magiging ganito ang reaksyon kapag nalaman nila na ang isa sa mga empleyado ay nagpapanggap bilang lalaki. At kahit ano pang rason ang ibigay ko, hindi maja-justify no’n ang panloloko na ginawa ko at gagawin ko pa sa mga susunod na araw. Maaaring mapahamak din siya at madamay sa galit ni Sir Alaric kapag nalaman niya na tinatago ko ang totoo kong katauhan.
Hindi lingid sa kaalaman ko na ayaw ni Sir Alaric ng mga taong traydor sa kumpanya niya. Syempre sino ba naman ang magkakagusto sa empleyadong niloloko ka na pala. Pupwede niya nga rin tanggalan ng trabaho si Sir Christian kapag nalaman niya na tinutulungan niya ako na pagtakpan ang sikreto ko pero wala na akong choice. Masasayang ang pagod ko sa wala kapag hindi ko siya nakumbinsi na itago ang sikreto ko ngayon.
“I will help you with Sir Trystan,” wika ko sa kanya.
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Tinignan ko siya nang diretso sa mata kung saan nakikita ko ang pangamba niya sa sinabi ko. “I know you like him.”
“W-What are you saying?” nauutal na tanong niya sa akin. Hula ko lang talaga iyong sinabi ko na gusto niya si Sir Trystan dahil sa mga panakaw-tingin na ginagawa niya rito pero mukhang tama rin pala ako. Lalo na at kitang-kita ko ang pamumula ng tenga niya dahil sa sinabi kong tutulungan ko siyang mapalapit dito.
“You like him. If you keep my secret, I will help you with him. I will also keep your secret that you have secret feelings for him.”
May kutob akong hindi rin naman niya sasabihin ang totoo kay Sir Alaric dahil unang-una ay wala naman siyang makukuha na benepisyo mula sa pagsabi ng katotohanan kay Sir Alaric. Pangalawa, kung intension niya talagang sabihin ang totoo ay dapat ngayon pa lang ay sasabihin na niya ang tototo kay Sir Alaric. Baka nga hindi na niya sabihin sa akin na alam niyang babae ako at dumeretso na sa boss namin basta-basta.
Pumikit siya nang mariin at pagkatapos ay huminga ng malalim bago muli akong tinignan at tumango. Nagliwanag ang mata ko sa sagot niyang iyon.
“Just be careful next time. I didn’t want to be in trouble,” walang nagawang wika niya sa akin. Kahit na alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil parang blackmail ang labas ay malaking bagay pa rin sa akin na pumayag siya rito kahit na alam kong sa huli ay maaaring mapahamak kaming dalawa. Kapag nangyari ‘yon ay handa akong depensahan siya.
“S-Salamat.”
“Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa kanila. They can’t see you like this,” sabi niya sa akin at nakuha pa akong alalayan.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Doon na ako sa likod ng bistro dumaan para walang makakita sa akin. Pinaalalahanan pa ako ni Sir Christian na labhan ko ang polo niya na ipinantakip niya sa akin kanina. Siguro kung hindi ko siya nakumbinsi na itago ang sikreto ko, baka ngayon ay namomoroblema na ako kung paano ang gagawin ko.
Umuwi ako sa unit at kaagaran akong naligo. Pagkatapos no’n ay tinawagan ko si Lili para kamustahin pero hindi ito sumasagot. Lalo tuloy akong kinabahan lalo na at kasama pa niya si Bryan. Ilang beses ko na siya tinatawagan simula noong makita ko si Bryan na napadpad sa may condo. Mabuti na nga lang at nakapangbihis lalaki ako no’n at hindi ako mamukhaan.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho. Maaga rin pumasok si Sir Alaric kasama ang isang bata at isang matandang babae na nasa late 30s na siguro. Masayang naglalakad ang batang lalaki habang tumitingin sa paligid at hawak-hawak ang kamay si Sir Alaric.
Sir Alaric was wearing his purple suit which is one of his favorite color. Napansin ko iyon dahil sa madalas na kulay ng kanyang necktie. He’s wearing his usual poker expression with his brushed up hair that makes him more handsome and noticeable. Ang batang kasama naman niya ay nasa edad na limang taon ang hula ko dahil sa tangkad nito. He’s also wearing a blue cap and a small backpack. Hindi ko rin maitatanggi na kahit bata pa lang siya ay gwapo at malakas din ang appeal katulad ni Sir Alaric.
“Good morning, Sir,” bati ko sa kanya. Hindi niya ako inabalang tignan at pumasok lang sa office kasama ang batang lalaki. Sino kaya ‘yon? Medyo may hawig siya kay Sir Alaric. Baka nakababata niyang kapatid o kaya pamangkin.
Pagdating ng alas-otso, kumatok ako sa office niya at saka pumasok sa loob.
“Sir, Sir Hidalgo is waiting at the lounge room.” Kumunot ang noo niya sa akin.
“Hidalgo?”
“Yes, Sir. Hidalgo of Cortez Empire.”
Nakita ko ang paggalaw ng kanyang labi na parang may binubulong at pagkatapos ay tumayo na. Kaagad naman na humarang ang batang si Trevor at hinawakan si Sir Alaric sa kanyang kamay.
“Uncle, where are you going?” wika niya kay Sir Alaric. Nakahawak ito sa laylayan ng suit niya habang nakaangat ang mukha.
“Trevor…” mahinang sabi sa kanya noong babae na parang sinusuway ang bata. Siguro ay siya ang nag-aalaga rito. Yumuko si Sir Alaric sa bata para magkatapat sila ng mukha at pagkatapos ay ngumiti ito na siyang ikinagulat ko talaga dahil iyon na ata ang pinaka-genuine na ngiting nakita ko mula sa kanya ngayon.
“Uncle need to talk to someone important at the lounge room. Can you stay here for a while?” tanong niya rito at saka hinawakan ang buhok ng bata.
“Can’t I go with you, Uncle?”
“It’s an important meeting. Play with your toys or use your gadget and connect it to our company wifi so you could watch movies that you want. Be a good boy okay? I’ll be back in two hours.” Tumango si Trevor sa kanya at saka lumabas na ng opisina. Hindi na ako nag-abala na ihatid si Sir Alaric sa lounge room dahil sabi niya ay silang dalawa lang dapat ang mag-usap. Mukhang importante at pribado kaya ayaw niya ng may kasama.
Dumating ang lunch kaya naman sumabay na ako kela Sir Justine. Nakita ko si Sir Christian kaya kumaway ako. Tumango naman siya sa akin habang may bitbit na pagkain bago naglakad papunta sa table namin. Tumabi ako kay Sir Justine sa upuan tapos kaharap ko naman si Sir Christian na kasalukuyang tahimik.
“Will! Bakit ka ba nawala noong welcome party mo?” tanong ni Sir Justine sa akin.
“A-Ah…” Tumingin ako kay Sir Christian at pinindalatan ako ng mata. Wala akong maisip na magandang dahilan dahil hindi naman ako nakapaghanda sa tanong niya. Mabuti na lang at gumana ang utak ko at nakaisip kaagad ng gasgas na dahilan dito kay Sir Justine. “S-Sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako.”
“Sayang tuloy. Hindi ka namin nakasama sa pagvi-videoke tapos mag-isa lang akong umuwi dahil si Christian, sumabay kay Sir Trystan noong gabi dahil iisang subdivision lang sila nakatira,” madramang sabi sa akin ni Sir Justine. Tinignan ko si Sir Christian at kita ang pamumula ng tenga nito sa sinabi niya.
Habang nagsasalita si Sir Justine, sakto naman na nakita ko si Sir Trystan na naghahanap ng mauupuan kaya kumaway ako. Tumingin tuloy iyong dalawa sa akin kung sino ang kinakawayan ko. Muli ko na naman nakita ang pamumula ni Sir Christian nang makita niya si Sir Trystan na papalapit sa aming apat. Ewan ko ba kung bakit hindi nahahalata ng kahit na sino ang pamumula niya kapag papalapit na si Sir Trystan.
Totoo naman talagang gwapo si Sir Trystan. Kahit sinong babae, magkakagusto sa kanya. May pagkamatangkad kasi siya at moreno naman ang kulay ng kanyang balat. Bilugan ang kanyang mata at matangos naman ang ilong. Higit sa lahat, matalino at athletic siyang tao na isa sa mga rason kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.
Inabala ko ang sarili ko kahapon sa pag-iistalk kay Sir Trystan kahapon sa social media para lang matulungan si Sir Christian na mapalapit dito. Gumawa rin ako ng bagong social media accounts at tinanggal iyong dati ko para hindi nila malaman ang totoo kong identity. Sa ginawa kong pang-iistalk, nalaman kong isang biker si Sir Trystan at sobrang concern sa health niya. Wala rin siyang bisyo na alam kong isa sa mga nagustuhan ni Sir Christian sa kanya.
Pwede nila gawing bonding iyon kung sakali. Ang isa nga lang problema nitong si sir ay sadyang habulin talaga ng mga babae itong si Sir Trystan.
Umupo si Sir Trystan sa bakanteng upuan. “Kamusta ka Willow? Basta ka na lang umuwi na hindi nagpapaalam. Akala namin kung napano ka na. Mabuti na lang at hinatid ka pala nitong si Christian.”
Umakbay pa si Sir Trystan sa kanya na nagpangiti sa lalaking kaharap ko ngayon. “Oo nga, sir eh. Pasensya na kayo. Bigla lang talagang sumama ang pakiramdam ko.”
Pagkatapos namin kumain ng lunch, hindi muna ako bumalik sa desk ko. Pansin ko rin na wala iyong pamangkin ni Sir Alaric sa loob ng office niya. Siguro ay kumain din sila ng tanghalian kaya wala sila. Hindi pa rin bumabalik si sir galing lounge room. Mukhang mahaba-haba pa ang gugulin nilang oras para sa pag-uusap nila. Mabuti nang samantalahin ko na ang pagkakataon na ito para magtanong-tanong.
Umalis muna ako sa desk ko at nagmasid-masid sa paligid. Lunch time ngayon kaya walang masyadong tao. Hindi ako pupwede pumasok sa mga kanya-kanyang opisina rito para maghanap sa mga drawers dahil magmumukha akong kaduda-duda lalo na at nagkalat ang CCTV sa buong kumpanya.
Nakita ko si Kuya Jim na siyang isa sa mga janitor ng kumpanya na kaclose ko na. Palagi ko siyang tinutulungan kapag may oras ako dahil may edad na rin kasi siya.
“Kuya Jim.”
“Ikaw pala ‘yan, Sir Willow. Ano pong kailangan mo?” Ngumiti ako nang pilit sa kanya at bumulong. Kita ko ang pagdududa sa request ko sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya na baka sakaling may makukuha siyang impormasyon tungkol kay Knight Vermont na dito rin nagtatrabaho. Pero para magawa iyon, kailangan niyang pumunta sa HR Department para tignan kung may record pa si kuya roon. HR kasi ang may hawak ng mga impormasyon tungkol sa mga dati at bago nilang empleyado. Hindi madaling makuha iyon dahil unang-una, restricted ang files na ‘yon.
“Sige na kuya. Kahit hindi niyo lang tignan o kunin. Baka may makuha lang kayong impormasyon.”
“Sige na nga. Tutal palagi mo naman akong tinutulungan sa paglilinis kahit tapos na ang trabaho mo kay sir,” napapailing na sabi ni Kuya Jim na nagpangiti sa akin. “Salamat kuya!”
Pagkakumbinsi ko kay Kuya Jim, bumalik na ako sa desk ko. Naabutan ko si Trevor na umiiyak sa loob ng opisina ni Sir Alaric kaya pumasok ako.
Nakita ko ang pagkagulo-gulong desk na kanina ay maayos pa bago ako umalis. Nakakalat ang basag na vase sa sahig at mga ilang papel. Parang bigla kong nakita ang nakakatakot na mukha ni Sir Alaric sa isipan ko.
“Naku, Trevor. Lagot tayo sa Uncle Alaric mo!” nahahabag na sabi noong yaya niya.
“Sowi Yaya. H-Hindi ko naman sinasadya eh,” naiiyak na sabi niya at pagkatapos ay pumalahaw na naman ng iyak. Lumapit ako sa kanila at binigyan ng pamunas si Trevor.
“Huwag ka ng umiyak. Ako na bahala magpaliwanag sa Uncle mo. Hindi ‘yon magagalit,” mahinahon kong paliwanag kay Trevor at pagkatapos ay ngumiti. Tumigil na siya sa pag-iyak pagkatapos no’n. Pinasalamatan pa nga ako ng yaya niya sa ginawa kong pagpapatahan doon sa bata dahil hindi niya raw ito mapakalma lalo na at alam nito kung paano magalit ang uncle niya. Sakto rin naman na susunduin na siya ng magulang niya kaya umalis na sila at ako na lang ang naiwan.
Habang hindi pa nakakabalik si Sir Alaric, nilinis ko muna ang kalat na naiwan ng pamangkin niyang si Trevor. Winalis ko iyong mga bubog at pagkatapos ay inayos ko ang desk niya. Napansin kong nakaayos ito sa alphabetical order kaya inayos ko iyon sa ganoong ayos ang mga papel na nalaglag sa sahig kanina nang may isa pang nahulog na lumang dyaryo.
Ha? Bakit may ganito rito?
Pinulot ko iyon at binasa.
Kidnap—Hindi ko na natapos na basahin iyong title dahil may bigla na lamang humablot nito mula sa akin dahilan para mapatingin ako rito.
Isang katakot-takot na mukha ni Sir Alaric ang bumungad sa akin. “What do you think you are doing?”