Chapter 07May labing-limang minuto na lang akong natitira sa oras ko para mag-time in ngayong umaga dahil ayaw ni Sir Alaric na nalilate pero heto ako ngayon, nasa tapat at nakukuha pang titigan ang dalawang naglalakihang gusali na pagmamay-ari mismo ng SGC.
Ang parehong gusali ay mayroon lang naman na benteng palapag. Ang gusali ay halatang dinesenyo na naaayon sa gusto ni Sir Alaric dahil sa mga security features na mayroon ito sa buong gusali na siyang naging bagong standard para sa mga disenyo sa office sa mga kumpanyang ganito sa Metropolis.
Dahil nga isang security company ang SGC, hi-tech din ang mga gadgets na ginagamit sa kumpanya. Hindi kami gumagamit ng ID dito para makapag-time in dahil face recognition ang ginagamit nila na siyang correct most of the time. Nagpoprovide naman sila ng ID pero para sa mga outside work purposes lang.
Nag-alarm ang cellphone ko. Senyales na kinakailangan ko na talaga pumasok sa loob at tigilan itong ginagawa kong pagtitig dahil ayaw ni Sir Alaric ng nali-late na empleyado. Dali-dali akong pumasok sa loob at umakyat gamit ang elevator papunta sa 19th floor kung saan ang office ni Sir Alaric.
Habang papalapit ako sa office ni Sir Alaric ay nakita ko si Mrs. Jang. Muli tuloy akong napababa dahil sinabihan niya ako na pumunta sa opisina niya para magpaliwanag ng mga ilang detalye at impormasyon tungkol sa pagiging secretary ko kay Sir Alaric.
“A-Ano ho?” gulat kong sabi sa kanya.
“Ang sabi ko ay hindi lang sa umaga natatapos ang pagiging secretary mo kay Alaric kundi sa gabi rin.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mrs. Jang. Hindi naman siguro parte ng trabaho ko kung ano man iyong tumatakbo sa isip ko ngayon hindi ba? Maayos ang SGC at sa tingin ko ay hindi naman sila aabot sa maruming gawain katulad noong iniisip ko. Pero ano naman kaya iyong sinasabi niya? “You need to make him happy all of the time,” kaswal na sabi niya sa akin.
Happy? Bakit iba ang takbo ng utak ko sa sinasabi ni Mrs. Jang sa akin? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Parang wala naman sinabi sa akin ang HR sa mga ganito na extended ang trabaho ko at sa gabi pa talaga?
“There are some sorts of business that you need to do with him every night. So, keep your line open dahil hindi ka pupwede mawala kapag kinailangan ka niya. Do you understand Will?”
Mabilis akong tumango kahit tempt na tempt na akong tanungin si Mrs. Jang tungkol sa sinasabi niya. Marami pa siyang sinabi tungkol sa mga company rules at sa mga work rules na ginagawa nga sa gabi. Hindi ko raw pupwede sabihin ang tungkol doon dahil kahit ang ibang empleyado rito ay walang kaalam-alam tungkol sa trabahong iyon. Sa oras na may makaalam ay tanggal na raw ako sa trabaho at hindi na ako bibigyan ng chance pa na makabalik katulad noong una.
Kung ganoon pala ay hindi lang pala sa pagtawag, set ng appointments or meetings, pag-ayos ng schedule ahead of time iikot ang trabaho ko kundi pati rin sa confidential work na sinasabi ni Mrs. Jang sa akin.
Pagkatapos no’n ay bumalik na ulit ako kay Sir Alaric para sabihin ang schedule niya ngayong araw. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Akala ko nga ay sasabihan niya ako ng late pero mukhang alam na niya na ininform muna ako ni Mrs. Jang sa mga magiging trabaho ko rito.
“You have three consecutive meetings this morning starting ten until three in the afternoon. Pagkatapos po ng meeting na ‘yon, you have a private dinner wit— “Cancel the last one.”
Saglit kong natitigan si Sir Alaric sa sinabi niya. Ang kaninang walang bahid na emosyon sa kanyang mukha ay nakitaan ng galit at puno ng pagkamuhi. Sasagot pa sana ako at tatanungin sana kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya dahil private dinner sana iyon ng pamilya niya pero bigla kong naalala na ayaw niya na kinukwestyon ang mga desisyon niya o pinapakialaman ang buhay niya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumango sa kanya at umalis na.
Ano naman kayang mayroon sa magulang niya at bigla niya na lang pinapa-cancel? Dahil kung ako ‘yon ay tiyak na matutuwa pa ako. Wala kasi kaming magulang ni kuya. Pareho na kaming ulilang lubos kung kaya’t habang nag-aaral pa ako ay si kuya na ang tumatayong pangalawa kong magulang sa akin. Siya ang nagtaguyod sa akin at nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng kuya na katulad niya. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako rito ngayon.
Inayos ko ang pinapa-cancel niya na private dinner. Pagkatapos no’n ay naghanda na ako para sa sunod-sunod na meeting na magsisimula ngayong alas-diyes ng umaga. Nang makatapos ako maghanda ay muli kong binalikan si Sir Alaric at nagsabing malapit na magsimula ang meeting.
Tumango naman siya sa akin at itinuro ang kanyang necktie. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya habang siya ay nakakunot na ang noo. Nang magets ko ang gusto niya sabihin ay kaagad ko siyang nilapitan at inayos ang magulo niyang necktie.
For his outfit, he’s wearing a white long-sleeve shirt and black pants. Ang kanyang brown na buhok ay nakabrushed-up. Kapansin-pansin din ang suot niyang relo na sigurado akong mahal.
“Did you cancel the dinner?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya pagkatapos habang abala pa rin sa pag-aayos niya ng necktie. Nang maayos ko iyon ay pati ang collar niya ay inayos ko na rin upang magmukha siyang presentable.
“You’ll fix my neck tie from now on.”
Hindi na ako umangal sa sinabi niya dahil baka sisantehin niya ako bigla kapag sinabi ko ang mga napapansin ko sa kanya simula nang magtrabaho ako rito. Sinigurado ko rin na walang gusot ang kanyang teeshirt na suot upang mas magmukha siyang presentable.
Hindi ako sumama sa meeting ni Sir Alaric dahil kailangan ko tapusin iyong pinapa-encode sa akin sa database. Bukod doon ay may kailangan pa akong ayusin na report na kailangan ni Sir Alaric sa susunod na linggo. Kailangan ko magawa lahat nang iyon ngayong linggo para wala na akong iisipin pa.
Hindi naman nagreklamo si Sir Alaric na hindi ako sumama sa kanyang meeting kasama ang mga department head. Kung tutuusin nga rin ay parang siya ang nagsabi na huwag na akong sumama dahil sandali lang naman ‘yon at wala naman masyadong gagawin kung sasama pa ako kahit na alam naming pareho na parte ng pagiging secretary ang pagsama sa kanya sa bawat meetings dito sa opisina.
Sinamantala ko ang pagkakataon habang wala si sir na tapusin ang lahat ng mga kailangan ko tapusin. Pati na rin iyong mga iba pang gagawin sa mga susunod na araw na kaya namang gawin ngayon ay tinapos ko na rin. Sa kabutihang palad ay natapos ko naman ‘yon bago bumalik ulit si sir sa kanyang opisina. Pagkabalik niya ay dali-dali naman akong naghanda sa kanya ng kape at ilang biscuit na galing sa pantry bago tuluyang dinala ‘yon sa kanyang office. He must be hungry because of four hours meeting.
May pagkain naman akong hinanda para sa meeting. Kung tutuusin ay dahil nga alam kong magtatagal ang meeting na ‘yon ay nag-order ako ng pagkain kanina para sa kanila. Kaya lang nakalimutan kong hindi pala masyadong kumakain si sir kapag may meeting dahil gusto niya ay nakafocus ang isip niya roon. Hindi ko alam kung paano siya nakakatagal dahil sumasakit kaagad ang aking ulo kapag hindi kumakain sa tamang oras at hindi na makapag-isip kaagad ng maayos. Mukhang bukod sa pagsusungit ay may iba rin palang talent itong si sir.
Pagkatapos ko siya dalhan ng pagkain ay babalik na sana ako sa table upang ayusin naman ang mga importanteng agendas ngayong buwan nang tawagin naman ako ni Sir Justine para ayain na kumain ng lunch sa cafeteria.
Sumama ako kay Sir Justine na kumain dahil wala naman akong kasabay tuwing kumakain ako. Mabuti nga na may nakakausap ako ngayon kahit paano at nagkakaroon na ng mga kaibigan. Si Sir Justine ang head ng IT Department dito pero kanina ay wala siya roon dahil kinakailangan niyang lumabas. May pinapaasikaso kasi sa kanya si sir na siya lang daw ang bukod-tanging makakagawa kaya wala siya roon sa meeting kanina. Bumalik tuloy siya dito na gutom na gutom.
Kasama namin si Sir Christian na siyang marketing analyst ng kumpanya. Siya ang nagsasabi kung anong magandang product or more like software ang pupwede ibenta sa mga customers.
Panay lang ang kuwentuhan nilang dalawa sa harap ko. Hindi ako masyadong sumasali sa usapan dahil mas gusto ko ang nakikinig sa mga kuwento nila kesa sa ako iyong nagkukwento. Habang nagkukwentuhan sila, panay lang ang masid ko sa paligid. Malaki ang cafeteria ng SGC. Ang alam ko ay may cafeteria rin sa kabilang building. Ang pera na ginagamit dito ay exclusive card ng SG na kakabigay lang sa akin ni Mrs. Jang kaninang umaga.
Bale may pera na nakalagay sa loob mismo ng card at ita-top up mo na lang sa tuwing may gusto kang bilhin. Kapag naubos, may top up machine sa office kung saan pwede ka magreload ulit.
The whole cafeteria has modern and wood interior design. Ang buong pader ay kulay puti habang ang mga lamesa ay kulay light brown na pangkahoy ang texture. Nagmukha tuloy malinis ang buong lugar dahil doon. Kahit ang ilaw na nasa cafeteria ay pinag-isipan din. Nakapasok na ako sa kusina ng cafeteria dahil sinamahan ako ni Mrs. Jang para magtour sa buong SGC at sobrang laki talaga.
Ang talagang nakapagpa-amaze sa akin ay may sariling maliit na parang hotel ang mga bodyguards ni Sir Alaric kung saan pwede sila roon matulog kapag nakaduty sila o di kaya’y ayaw nila umuwi ng kani-kanilang bahay kapag off-duty na.
“Will, sama ka sa amin bukas!” yaya sa akin ni Sir Justine.
“Saan?” Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Sir Christian. Kung nakita koi yon, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pasimpleng kakaiba niyang galaw na katulad kay Sir Justine na pilit niyang itinatago. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya iyon tinatago dahil si Sir Justine nga ay malayang nakakagalaw at napapagmalaki na isa siyang beki na hindi naman tinututulan ni Sir Alaric dahil kung tutol siya ay matagal na niyang dapat pinatanggal si Sir Justine sa trabaho.
“Iinom. Parang welcoming party para sayo.”
Pumayag ako sa gusto ni Sir Justine dahil hindi naman masama ang pagliliwaliw kung paminsan-minsan. At saka malapit ko na rin matapos ang pinapa-encode sa akin ni Sir Alaric sa database. Isang folder pa lang kasi ang natatapos ko at tatlong folder pa ang nasa akin.
First time kong iinom na kasama sila kung sakali. Hindi ako fan ng alak dahil hindi naman ako umiinom. At kung umiinom naman ay sobrang occasional lang noon.
May isa pa rin pala akong problema. Iyong sinabi sa akin ni Mrs. Jang tungkol sa pagiging extended secretary ko sa gabi kay Sir Alaric. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang bagay na ‘yon dahil hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang kailangan gawin ni Sir Alaric kung saan kailangan niya ng secretary sa gabi. Sana nga ay hindi sumaktong kailanganin niya ako dahil paniguradong magtataka sila Sir Justine. Sigurado akong hindi kaagad ako makakaisip ng idadahilan sa kanila kung bakit ako bigla na lang nawala basta kung sakali.
Hindi pa kami tapos kumain sa cafeteria nang dumating si Sir Trystan at nakisali sa amin. Yinaya rin siya ni Sir Justine na maki-join sa amin sa welcoming party bukas. Kagaya ng inaasahan ko, pumayag siya. Kahit magpinsan silang dalawa ni Sir Alaric ay pansin na pansin ko ang pagkakaiba nilang dalawa. Napaka-outspoken nitong si Sir Trystan samantalang si Sir Alaric ay hindi. Kung si Sir Alaric ay introvert at hindi palakaibigan ay baliktad no’n si Sir Trystan. Pero balita ko ay close silang magpinsan kahit malayo ang ugali nila sa isa’t isa.
“Anong oras ba ang welcoming party para kay Willow?” tanong ni Sir Trystan. Nakasuot siya ng asul na long-sleeve shirt at pants na sinamahan ng violet na necktie na may stripes na design. Ang kanyang buhok ay nakababa at hindi nakabrushed-up na katulad noong kay Sir Alaric. At kagaya niya ay kapansin-pansin din ang lakas ng dating nitong si Sir Trystan. Mukhang nasa genes nila ang ganong datingan kung saan mapapalingon ka talaga kapag sila na mismo ang naglakad.
Kung tutuusin nga ay para na nilang ginagawang fashion show itong office sa tuwing maglalakad sila papasok ng office dahil talagang ang mga empleyado at maging ako rito sa opisina ay napapatingin sa kanilang dalawa ni sir.
“Ala-sais po ng hapon, Sir. Pagkatapos ng trabaho,” sagot niya naman dito.
“Sasabay na lang ako kay Christian,” sagot naman ni Sir Trystan.
Pare-pareho tuloy kaming napatingin kay Sir Christian dahil sa sinabi niya. Hindi siya kaagad napaimik at isang tango lamang ang isinagot. Siguro kung ibang tao lang ako, hindi ko mahahalata kung ano talaga siya at kung anong meron si Sir Trystan sa kanya pero hindi naman kasi bago sa akin ang mga ganito. Ang dami naming kapitbahay ni Lili doon sa tinitirhan namin dati na nagpapanggap na lalaki para lang hindi maasar na paminta or something like that.
Para sa akin, wala namang masama kung gano’n ang sexuality na mayroon ka. Nirerespeto ko ang mga ganoong tao dahil alam kong napakatagal bago nila natanggap sa sarili nila kung ano talaga sila. Siguro sa kaso ni Sir Christian, kaya pilit niyang itinatago ay dahil may pumipigil sa kanya.
Umuwi ako sa bahay. Pero sa pag-uwi ko, hindi ko inaasahan na makikita ko roon si Bryan. He’s smirking like he’s planning something evil. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. Lili made a promise that she will never tell Bryan where I am dahil nga sa trabaho ko sa SGC. Marahil ay pinilit niya si Lili para magsalita o kaya ay sinaktan na naman niya ito. Kumuyom ang palad ko nang makita kung anong hawak niya.
He's trying to know where I live. Hindi ko alam kung anong orihinal na pakay niya sa akin ngayong wala naman akong kinalaman sa kanilang dalawa ni Lili. Yes. I gave her advices. A lot. Pero kailanman ay hindi ako nangialam sa kanilang relasyon. Desisyon ni Lili kung susundin niya ang lahat ng payo ko o hindi.
Umakto ako na hindi ko siya kilala habang papasok ako sa unit ko. Natatakot akong mamukhaan niya ako dahil sa itsura ko. Mabilis niyang hinawakan ako sa braso na siyang naging dahilan ng pagtulak ko sa kanya mula sa akin.
“Alam mo ba kung saan ‘to nakatira?” He showed me my picture. Iyong hindi ko pa ginugupit ang buhok ko. Doon ko narealize na walang sinabi si Lili na kahit na ano kay Bryan. Pero paano niya nalaman na dito ako nakatira?
Malabong mamukhaan niya ako dahil noong nandoon pa ako nakatira ay nakasuot ako palagi ng wig dahil ang alam ng ani Bryan ay mahaba pa ang aking buhok. Pero naiwan ko ang wig doon sa kanila. Sana lang ay maayos na tinago iyon ni Lili upang hindi makita ni Bryan. Pero kung nandito siya ngayon at kasalukuyan akong hinahanap ay marahil alam na nga niya ang tungkol sa wig. Ang hindi na lang niya alam ay iyong sa SGC dahil kung alam niya ay paniguradong hindi siya rito didiretso kundi sa opisina.
“Hindi ko alam,” malamig kong saad sa kanya at saka binuksan ang pinto papasok sa loob. Mabilis ko iyong sinara at ni-lock para hindi na siya makapagtanong sa akin. Tinignan ko siya mula sa may maliit na butas na may salamin sa pintuan kung nakaalis na siya pero hindi pa rin. Mukhang hinihintay niya talaga ako. Ano kayang kailangan niya sa akin?
I should visit Lilienne this weekend.
Kinabukasan ay tinapos ko lahat ng mga trabaho ko para wala na akong poproblemahin. Tapos ko na rin ang ineencode ko sa database pati na rin iyong report na pinapaasikaso sa akin ni Sir Alaric noong lunes. Inuwi ko kasi ang mga ‘yon sa bahay para tapusin dahil may pinoprovide na laptop ang kumpanya sa bawat empleyadong nagtatrabaho sa SGC for their work. Bukod pa roon ay tapos ko na rin sagutin ang mga tawag ng clients niya na sunod-sunod nagpapaset ng meeting. Naayos ko na rin ang schedule ni Sir Alaric kaya wala na akong problema.
Dumating ang hapon, sabay-sabay kaming nag-out nila Sir Justine kasama ang iba pa namin katrabaho para pumunta sa malapit na bistro rito sa Metropolis District. Dahil nga isang welcoming party daw iyon para sa akin, nag-order kami ng maraming alak at pagkain. Lahat kami ay nagsasaya habang ine-enjoy ang tugtugan.
Unang beses ko na sumali sa ganito dahil wala namang ganito sa kumpanyang pinagtatatrabahahuhan ko noon. Part-time lang naman kasi ako roon bilang office clerk at wala rin masyadong ka-close kaya sinong maghahanda ng welcoming party sa akin? Ganito pala kasaya kapag lumalabas ka kasama ang mga katrabaho mo. Kung alam ko lang ‘yon ay tiyak na nakipagkaibigan na ako sa mga katrabaho ko roon noong office clerk pa ako.
Maya-maya pa ay kinakailangan ko pumunta sa CR kaya naghanap ako ng tiyempo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Sir Christian na siyang ikinagulat ko. Itinuro ko ang CR na siyang ikinatango niya. Dali-dali naman akong pumunta sa CR at nag-ayos. Iisa lang ang CR dito kaya walang magsususpetsa kung galing akong women’s restroom imbes na men’s restroom.
Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Sir Christian na masama ang tingin sa akin na tila ba hinihintay akong lumabas. Hinubad niya ang kanyang jacket at inilagay sa katawan ko na siyang ipinagtaka ko. Hindi pa ako nakakapagsalita nang hilahin niya ako papunta sa likod ng bistro.
“S-Sir?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng seryoso at pinagmasdan mula ulo hanggang pa ana para bang may tinitignan siya sa akin na pilit niyang inaalam. Kinabahan tuloy ako dahil doon.
Hindi naman niya siguro alam na…
Bumuntong-hininga ako at umiling. Imposible namang alam niya na babae ako dahil wala akong matandaan na may ginawa ako para mahalata niyang babae ako at nagpapanggap na lalaki.
“You. Aren’t you a woman?”