Chapter 06 “Willow, sige na. Pumayag ka na. Tiyak na marami akong magiging customer sa bagong bistro kapag ikaw ang unang kumanta roon,” pangungulit sa akin ni Auntie Marta Hindi ko talaga siya totoong Auntie pero malaki ang utang na loob namin sa kanya ni kuya dahil sa kanya ako tumitira kapag hindi nakakauwi si kuya galing trabaho noon.
Kailan ko lang nalaman na nandito na si Auntie Marta sa Metropolis dahil kinuha siya bilang manager ng isang maliit na bistro rito. At kasalukuyan niya akong kinukulit dahil gusto niya akong kumanta sa lugar na ‘yon. Aayaw sana ako dahil ang tagal na simula nang huli akong kumanta. Noong wala pa kasi ako rito sa Metropolis at nasa San Fierro pa ako ay kay Aling Marta ako umeekstra para magkaroon ng dagdag na pera. Maayos naman ang kitaan doon. Kung tutuusin ay maraming kumukuha sa akin para kumanta sa kani-kanilang restaurant or bistro. Natigil nga lang naman ‘yon nang pumunta na ako sa Metropolis para hanapin si kuya.
“Saka huli na ‘to. Lilipat na kayo ni Lilienne sa bagong bahay diba?” sabi pa niya sa akin na nagpapaawa. Tumango ako. Totoong lilipat na kami ng bahay bukas dahil pagkatapos ng successful task ko kay Sir Alaric ay sinabi sa akin ni Mrs. Jang na may benefits ang pagiging secretary ko sa kanya. May libre akong condominium unit na makukuha na malapit lang mismo sa SGC. Bayad na raw at hindi daw ibabawas iyon sa sahod ko na siyang ikinatuwa ko. Iyon nga lang, medyo nagkakaproblema dahil gusto ni Lilienne na isama ko si Bryan na alam niyang ayaw ko. Dahil bakit ko isasama ang taong palaging sinasaktan ang kaibigan ko? Kapag ginawa ko ‘yon ay ano pang sense ng paglayo naming dalawa sa boyfriend niya?
Sa huli ay napapayag na rin ako ni Auntie Marta sa gusto niya. Kaya naman mamayang ala-sais ay pupunta ako sa nasabing bistro para kumanta. Babayaran daw niya ako kaya pumayag na rin ako dahil kailangan ko pa rin mag-ipon sa pangdagdag gastusin sa bahay.
“Lili, nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ko sa kanya pagkabalik ko ng bahay. Bumili kasi ako ng pagkain namin pangtanghalian dahil kakatapos lang namin maghakot ng mga gamit namin dito para sa paglipat bukas.
Hindi umimik sa akin ang kaibigan ko. Mabigat akong bumuntong-hininga. “Hindi kita pipilitin kung gusto mo talaga siyang makasama. Ang sa akin lang, alam mo naman siguro ang ugali ng boyfriend mo. Kung hahayaan kita sa kanya, sigurado akong paglalatayan ka ulit niya ng kamay,” sabi ko sa kanya. Totoo naman ‘yon eh. Simula nang makita ko kung paano pagbubuhatan sana ni Bryan ng kamay si Lili ay nakabantay na ako sa kanilang dalawa palagi.
Humingi pa nga ng tawad si Bryan sa akin noong isang araw dahil sa ginawa niya noong lasing siya. Pero alam kong hindi sincere ‘yon at sinabi niya lang ‘yon para utuin ang kaibigan ko na magbabago siya. Gusto kong sermonan si Lili sa pagpili niya kay Bryan kesa sa kanyang kapakanan. Pero anong magagawa ko kung ayaw niya naman makinig sa kahit anong sermon ko?
Ngumiti sa akin si Lili at hinawakan ang kamay ko. “Thank you ha, Willow? Dahil kahit minsan, absurd na ang reason ko, nagagawa mo pa rin akong intindihin at suportahan sa mga bagay na alam kong ayaw mo sang-ayunan,” sagot naman niya sa akin.
Dumating ang ala-sais nang hapon kaya kumaripas akong pumunta sa nasabing address na ibinigay sa akin ni Auntie Marta. Hindi naman ako naligaw dahil hindi naman siya tago. Sinalubong ako ng hindi gaanong kalakas na tugtugan sa loob. Marami rin tao ang kumakain sa loob nito. Siguro ay dahil bago itong bukas at saka alam kong masasarap na pagkain ang narito dahil si Auntie Marta ang manager.
Dati kasi siyang cook sa isang karinderya sa San Fierro noong hindi pa kami napapadpad ni kuya rito sa Metropolis. Kadalasan ako ang tumutulong sa kanya sa pagluluto kapag kailangan ako iwan ni kuya sa kanya.
Habang pinagmamasdan ko ang lugar, nakita na ako ni Auntie Marta kaya naman itinuro niya ang backstage kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko para maghanda sa pagkanta ko. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang itinuro niyang backstage dahil kaagad ko iyon nakita. Abala ako sa paglalagay ng make-up sa mukha ko dahil dito ko lang hindi nakakalimutan na babae nga pala ako at hindi isang lalaki. Naglagay din ako ng pulang mahabang wig at inayos iyon para hindi makita ang kulay itim kong buhok. Nang makaayos na ako ay saka ako lumabas at umupo sa upuan na inihanda sa akin sa stage.
Sinimulan ko ang pagstrum ng gitara at kinanta ang isa sa mga paborito kong kanta hanggang ngayon.
Be My Fairytale
Moira Dela Torre
Can you be my fairytale?
Can you make this ship set sail?
My mind is left in wonder
As I fix you in my gaze
Can you make my heart beat twice
Everytime I think it dies?
My mind is left in wonder
As I fix you in my eyes
I... I need a Savior now
I... I need to love you now
May pumasok na mga matatangkad na lalaki sa loob ng bistro. Medyo kinabahan ako ng kaonti pero mukhang wala naman silang gagawing masama. Sabi nga nila, don’t judge book by it’s cover.
Be my fairytale, make this ship set sail
You're the real love I've been hoping for
Be my fairytale, I know this love won't fail
I need a knight in shining armor to say
"Hey hey, be my fairytale"
Napansin ko ang paglinga-linga ng mga lalaki sa loob ng bistro hanggang sa nakita nila iyong lalaki na nakaupo malapit sa akin. Kaagad nila siyang pinuntahan at tinapik pa ang braso nito.
Can you be my destiny?
Can you stay right here with me?
My mind is left in wonder
As I fix you in my dreams
Nang lumingon ang lalaki sa kanya ay kaagad itong inambahan ng suntok na ikinatili ng mga tao sa loob ng bistro. Hindi ko na natapos ang pagkanta ko dahil nagkakagulo na ang mga tao sa loob. Ang mga kasama noong lalaki na nakaupo kanina ay nakipagsuntukan na rin sa mga lalaking pumasok dito.
Tumalsik ang lalaking nakaupo kanina malapit dito sa stage na siyang nagpatili sa akin. Pero kahit na tumalsik na siya at puno na ng pasa ang mukha ay nagawa pa rin nitong tumayo na parang hindi ininda ang natamo nitong pagtalsik.
“Are you hurt?” tanong niya na nagpakurap sa aking mga mata. Iiling pa lang sana ako nang magsalita ulit siya. “Stay here and don’t move. Ayokong masaktan ka.”
Hindi na ako tuluyang nakapagsalita dahil sinugod niya ang lalaking sumuntok sa kanya kanina na naging dahilan ng pagkakagulo sa loob ng bistro. Kaagad na napangiwi ang lalaki dahil tinamaan siya nito sa tagiliran at sa may dibdib. Sinuntok niya ito ng malakas sa mukha na tuluyang nagpabagsak dito. Bumagsak na ang lalaking nagsimula ng gulo pero nakikipagsuntukan pa rin ang mga kasama niya.
“Sa likuran mo!” sigaw ko nang makita ko ang isang lalaki sa likod na aakmang hahampasin sana siya. Mabuti na lang at nakaiwas kaagad ito at binigyan ng malakas na sipa sa kanyang tiyan na sinundan ng malalakas at mabibigat na suntok.
“Ako na ang makikipag-usap sa pulis,” rinig kong sabi noong lalaki kanina. Tumawag si Auntie Marta ng mga pulis para hulihin ang mga lalaking nanggulo sa bistro. Matagumpay naman na nahuli ng mga pulis ang mga nanggulo dahil doon sa lalaki kanina. Pagkatapos niya matalo iyong lider pati na rin iyong mga kasama nito ng mga kasama niya ay wala siyang sinayang na oras at itinali sila sa poste hanggang sa makarating ang mga pulis.
Ang mga kasama noong lalaki kanina ay tumulong sa pag-aayos ng nagulong bistro.
“Pasensya ka na Aling Marta. Hindi ko sinasadyang guluhin ang negosyo niyo,” wika noong lalaki. “Naku! Okay lang ‘yon Grey. Mabuti nga at nandito ka dahil kapag nanggulo ‘yon at wala ka, mas lalo akong mapapahamak.”
“Salamat Aling Marta. Babayaran na lang naming kayo sa mga basag na mga gamit para naman hindi kayo lugi,” dagdag pa niya na siyang ikinatango naman ni Auntie Marta.
Lumapit naman sa akin si auntie at umupo sa aking tabi.
“Ayos ka lang ba iha? Hindi ka ba nasaktan?” tanong sa akin ni auntie. “Okay lang ho ako,” sagot ko naman sa kanya.
“Naku. Mabuti naman. Nakakahiya sayo at nasali ka pa sa gulo. Ilang beses na nakulong ang mga lalaking iyan pero hindi pa rin talaga sila tumitigil sa kakagulo at pinupuntirya pa rin si Grey.”
“Grey?” kunot-noo kong tanong sa kanya.
Itinuro niya iyong lalaki na nasa malapit sa akin kanina. Siya iyong nagsabi sa akin na huwag akong gagalaw at manatili lamang ako sa isang pwesto dahil siya na ang bahala. Jung tutuusin ay wala sa mukha niya na magaling siyang makipag-laban dahil sa height na mayroon siya. Maliit lang kasi siyang lalaki at hindi ganoon kapayat. Halata rin naman na nagpupunta siya sa gym dahil sa biceps na mayroon siya. “Oo hija. Grey ang pangalan niya. Matagal ko na siyang nakikita rito at madalas habulin nga ng mga gulo. Noong hindi pa ako kinukuha bilang manager dito sa bistro at karinderya pa lang ang negosyo ko, siya madalas ang tumutulong sa akin.”
Hindi ako umimik. Base sa mga nakita ko kanina, bihasa siya sa pakikipaglaban. Hindi biro ang sampu tapos lima lang kayo. At saka sigurado akong vital organs ang mga pinatamaan niya ng suntok kanina kaya hindi na agad nakalaban iyong mga kasama noong mga nanggulo. Hindi ako magaling sa pakikipaglaban pero pamilyar ako sa mga parte na pinatamaan niya. Kitang-kita iyon ng mga mata ko habang nakaupo sa isang sulok at hindi makagalaw dahil nga nakikipaglaban siya sa mga nanggulo kanina.
Iniwan muna ako ni auntie sa isang sulok dahil nakikipag-usap ito sa mga pulis para i-report ang nangyari kanina. Ang sabi pa sa akin ni auntie ay kaya raw nakakalaya ang mga iyon kahit ilang beses na sila nanggulo ay dahil may nagpipyansa daw sa kanila na mayaman.
Napapailing na lang talaga ako. Wala ba talagang magawa ang mga mayayaman ngayon at pinagpapyansa na lang ang mga taong wala naman ginawa kundi ang manggulo? Hindi ba dapat imbes na magwaldas sila ng pera sa kung anu-anong bagay ay dapat mas ibinibigay nila iyon sa nangangailangan.
“Are you hurt?” tanong muli sa akin noong Grey nga raw ang pangalan nang lumapit ito sa akin. Mabilis akong umiling sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango bago tumabi sa akin.
“Mabuti naman kung ganoon. Nangamba ako na nasaktan ka nila,” sabi niya sa akin. Isang matamis na naman na ngiti ang kanyang pinakawalan at tinignan ako ng mabuti. Na-concious tuloy ako at medyo kinabahan dahil baka nagulo na ang wig na suot ko.
“Bago ka lang ba rito? Bakit ngayon lang kita nakita?” tanong niya sa akin. “Part time lang.”
“I’m Grey. You are?” tanong niya sa akin. Nakita ko pang inabot niya sa akin ang kamay niya. Medyo nahiya ako nang abutin ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo kong pangalan sa kanya eh. Napansin niya siguro na hindi ako kumportable sa tanong niya sa akin kaya mabilis niyang binago ang tanong.
“Sabi mo part time ka, saan ka nagtatrabaho?”
“Sa— “Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang tinawag ng mga kasama niya. Ang sabi ay kinakailangan nila pumunta sa presinto para ihayag ang nangyaring gulo sa bistro. Tinanong ko nga si auntie kung kailangan kasama ako pero sabi niya ay hindi na dahil guest lang naman ako roon at sumakto lang ang gulong nangyari.
Binayaran na lang niya ako kaya noong gabing iyon ay umuwi na rin ako. Pagod na pagod pa akong umuwi dahil sa daming nangyari no’n. Mabuti na lang at nakatulog ako kaagad.
Kinabukasan ay naging abala ako sa paglilipat. Hindi ko inaasahan na malaki ang unit na lilipatan ko. Buong akala ko ay maliit lang dahil wala naman sinabi sa akin si Mrs. Jang tungkol sa kung gaano kalaki ang unit. Bukod pa roon ay malapit lang ito sa SGC at kaya-kaya pang lakarin kaya naman makakatipid ako sa pamasahe.
Ang unit ay may loft bed. Sa ilalim ng loft bed ang malaking salas. Sa tabi naman no’n ang kusina at ang dining room. Sa kaliwa naman makikita ang CR na kung tutuusin ay malaki na para sa akin. Sayang lang at ayaw sumama sa akin ni Lilienne dahil kay Bryan. Kung nandito lang siya ay siguradong masaya kaming dalawa ngayon.
May ekstra rin kuwarto na nasa ibaba. Balak kong gawing opisina ‘yon dahil wala naman si Lilienne dito at kung nandito man siya ay paniguradong magkatabi lang din kami matulog kagaya noon.
Inabot ako ng gabi sa pag-aayos ng gamit. Naglinis din ako dahil iyong iba ay naalikabukan na sa bahay ni Bryan noong nandoon pa ako. Pagkatapos ko mag-ayos ay pumunta rin ako ng grocery dahil wala akong stocks ng pagkain sa aparador. Mabilis lang ang ginawa kong pag-grocery dahil kaonti lang naman ang bibilhin ko at isa pa, kinakailangan ko magtipid dahil wala pa akong sweldo sa SGC.
Naging abala ako sa trabaho pagdating ng lunes. Simula kasi nang mabalitaan na nakapagset ako ng meeting sa Royale ay sunod-sunod ang trabahong ibinigay sa akin ni Sir Alaric. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na pinapahirapan niya ako ngayon dahil hindi niya akalaing magagawa ko ang sinasabi niya.
Dahil nga may meeting na, naghahanda ang lahat para sa pagpipresent ng presentation. Lahat ng mga ideas para sa proposal ay inayos ng maigi para maisarado na ang deal na pilit namin kinukuha.
“Bakit ho ako?” tanong ko kay Sir Alaric. Kakapatawag niya lang sa akin dito sa office at sinabi niya na ako ang magsasalita para sa presentation. Hindi ko makuha ang point niya kung bakit ako ang kinakailangan magsalita dahil unang-una ay secretary niya lang naman ako.
“You made your research properly, right?”
Tumango ako. Hindi niya ako tinitignan dahil busy siya sa pagbabasa ng mga papel na nakatambak na naman sa lamesa niya na ilang araw ko na nakikita.
“Then we have no problem. You can present our presentation properly,” sagot naman niya sa akin ng walang kagatol-gatol na para bang isang simpleng bagay lang ‘yon. Yes, I made my research properly. Ilang araw nga akong nagpuyat para roon pero hindi ko naman akalain na aabot sa point na ako ang pagsasalitain sa mismong presentation.
“Pero sir, akala ko po ba si Sir Liam ang magsasalita?” Sa pagkakaalala ko ay si Sir Liam ang inutusan niya na magpresent ng powerpoint presentation para sa RGC at pagkatapos no’n ay si Sir Alaric ang magpapaliwanag sa mas detalyadong paraan.
“Liam can’t come. Kaya nga ikaw ang sinasabihan ko ngayon.”
Hindi ako nagsalita. Panibagong pagsubok na naman ba ‘to? Nilingon niya ako. Kagaya noong isang beses na sinusubukan niya ako ay nakataas ulit ang kanyang isang kilay habang mataman na nakatingin sa akin.
“Hindi mo ba kaya?” nanghahamon na tanong niya sa akin.
“Kung hindi mo naman kaya, pwede akong magsabi sa iba pero kinakailangan mong umalis dito sa kumpanya ko, Willow,” seryoso niyang wika sa akin. Bumuntong-hininga ako at napailing sa aking isipan. Sabi ko na at pinapahirapan niya na naman ako. Siguro ay panibagong pagsubok na naman ito para matignan kung hanggang saan na naman ang kaya ko. Mabilis akong umiling at isinagot sa kanya ang sagot na gusto niya marinig mula sa akin.
“I will do it sir,” determinado kong sagot sa kanya. There’s no way that I would give up on this. Marami na akong nagawa at huli na para magawa ko pang sumuko. He gave me a chance to prove myself kahit na hindi niya direktang sinabi sa akin iyon kaya hindi ko iyon sasayangin.
After three weeks of preparing the presentation, dumating na ang araw para sa proposal. Ang CEO ng Royale na si Sir August Dela Fuente at si Sir Raymond na siyang secretary niya ang kasama namin sa meeting na ito ngayon.
“Shall we start?” tanong ni Sir Gus sa amin. Mabilis naman akong tumango. Unang nagdiscuss si Sir Trystan para sa mga naunang projects ng SGC. After that, ako na ang nagsalita. I pointed all the facts that I needed for the presentation na madalas ay nami-miss out ni Sir Al. Though he’s very sharp, hindi niya masyadong pinapansin ang mga maliliit na detalye.
Sinabi ko rin ang pros and cons ng proposal. The cons were manageable though kaya alam kong hindi sila mahihirapan. Ang isa pang sinabi sa nabasa ko ay dapat maging totoo ka lang sa sinasabi mo during the proposal. At higit sa lahat magtiwala ka na matatanggap ang proposal mo kahit anong mangyari.
After that meeting, saglit na nanahimik ang lahat na siyang kaagad na binasag ni Sir Augustus. “I like your new secretary, Mr. Samaniego.”
Pumalakpak pa ito ng tatlong beses. Hindi ko tuloy alam kung successful ba ang meeting na ‘yon o hindi. Nakita ko naman na may pinirmahan si Sir Augustus at ibinigay iyon kay Sir Raymond bago ibinigay sa akin.
Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang pirma ni Sir Augustus bilang bagong partner ng SGC.
Does it mean that they accepted our proposal?
Tumayo na si Sir Augustus at lumapit kay Sir Alaric. Nakipagkamay siya rito at ngumiti.
“I will look forward on the next meeting.”
Umalis na sila pareho. “Congratulations, Willow. You convinced them to accept our proposal,” natutuwang bati sa akin ni Sir Trystan. Dahan-dahan akong tumingin kay Sir Alaric na tahimik pa rin pagkatapos ng kamayan na ginawa nito kay Sir August.
“Sir Al…”
“What? Do you want me to tell you that you did a great job?” tanong ni Sir Alaric sa akin. Narinig ko pang tumawa si Sir Trystan sa inakto nito. “Does it mean that I did a great job, Sir?” tanong ko muli sa kanya. Gusto ko lang marinig mula iyon sa kanya. Mukhang ayaw niya sabihin dahil nakakunot ang noo nito at magkasalubong pa ang kilay. Siguro napansin niya na hindi ako aalis sa harap niya hangga’t di ko naririnig ang gusto kong sabihin niya kaya inis siyang bumuntong hininga bago ako tignan sa mata.
“Fine. You did great, My Secretary.”