Chapter 02

2168 Words
 Chapter 02 “You’re fired.” Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Sir Alaric ay agad itong lumabas ng clinic. Kaagaran ko rin naman siyang sinundan.  Mabibilis na paglalakad ang ginawa niya kaya naman mabilis akong napagod. Bukod pa roon ay malalaki rin ang hakbang niya. Hindi ako pupwede matanggal sa trabaho. Paano ko na lang makikita ang kapatid ko kung matatanggal kaagad ako rito? Ito lang ang tanging clue ko sa kuya ko. Hindi ako pupwedeng tumigil dito. “Sir! Saglit lang naman po. Talagang seryoso ka po sa sinasabi mo?” hindi makapaniwalang wika ko. Ganoon na lang ba kung magtanggal sila ng empleyado? Basta-basta? Porket hindi nagawa ng maayos ang trabaho ay tanggal na kaagad? Hindi pwede bigyan ng second chance? Hindi ako nilingon ni Sir Alaric at naglakad pa rin ng dire-diretso tila walang pakialam sa akin kahit magkandasigaw-sigaw na ako rito. Buti na lang ay nagawa ko siyang abutan. Hingal na hingal ako sa ginawa kong paghabol sa kanya dahil sa mabilis niyang paglalakad kaya wala na akong nagawa kundi ang sumigaw. “Sir Alaric!” sigaw ko. Tumigil siya saglit sa biglaang pagsigaw ko at saka lumingon sa akin gamit ang malalamig niyang mga mata. Nakataas ang kilay niya nang maangas itong naglakad papunta sa akin. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras dahil doon.  “T-Talagang tanggal na po ba ako?” nanginginig na wika ko. “Ano ba sa salitang fired ang hindi mo maintindihan?” masungit niyang sabi sa akin. “P-Pero wala naman po akong ginawang mali.” “Walang ginawang mali? Instead of saving me, I saved your freaking life! Hindi ba mali iyon?” sunod-sunod niyang sabi sa akin. Doon na ako tuluyang napatahimik. Oo nga at tungkulin ko siyang protektahan. Pero hindi ko naman akalain na gagamit ako ng baril sa pagpoprotekta sa kanya! Hindi ko rin naman alam na gano’n ang mangyayari! Hindi ako nabrief noong pinagtanungan ko! Sana nag-aral muna ako ng martial arts! “Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng pulis para damputin ka.” “Pero Sir, hindi ba pwedeng humingi ako ng second chance. I’ll prove myself na karapat-dapat akong maging body guard niyo!” “I don’t like giving second chances,” malamig niyang wika sa akin. “Paano ko papatunayan na karapat-dapat ako na maging body guard mo kung ayaw mo ako bigyan ng isa pang pagkakataon? Just give me one more second chance Sir,” pagmamakaawa ko. Sandali niya akong tinitigan pero hindi niya pinansin ang mga hinaing ko at pagkatapos ay umalis na sa aking harapan. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. May pakay ako rito kaya kinakailangan ko matanggap pero unang araw pa lang ay tanggal na agad ako. Wala na bang pag-asa na kumbinsihin si Sir Alaric? Alam kong mali. I didn’t even know how to shoot using a firearm. Pero willing naman ako na mag-training para roon kung kinakailangan. Hindi naman ako aatras kung sakali. Kaya lang base sa mga nakita ko kanina ay wala na talagang pag-asa. I even tried to talk to him pero mukhang desesido na siyang ipatanggal ako kaagad sa trabaho. Naiiyak akong pumunta sa HR para ireport ang nangyaring kapalpakan. Irereklamo ko rin sana iyong hindi pag-brief sa akin na ganoon palang protekta ang gagawin ko sa boss nila! Kung alam ko lang eh di sana nag-enroll muna ako sa martial arts classes para hindi ako palpak! Akala ko simpleng pagbabantay lang ang gagawin ko. Hindi ko akalain na hahawak ako ng baril at dahas para protektahan siya. Alam ko rin na maraming nagbabanta sa buhay niya pero buong akala ko ay puro death threats lang na pwedeng pulis ang mag-asikaso once na maireport. Medyo ang oa ng dating sa akin ng mga nababasa ko sa internet tungkol sa kanya at kung paano nagbabanta sa buhay niya. Iyon pala ay totoo ang lahat nang ‘yon! Ang isa pang ipinagtataka ko, bakit kahit kailan ay hindi niya inireport sa mga pulis ang ganoong pagbabanta? Bakit pilit niyang inilalagay sa kanyang mga kamay ang batas na pwede namang ipagawa niya sa kapulisan? Mayaman naman siya. Kung gugustuhin niya ay pwede niya utusan ang mga pulis na hanapin at ipadampot ang gumagawa no’n sa kanya. Kung ganoon sana, eh di hindi sana ako tanggal sa trabaho ngayon! Wala akong choice kundi sabihin sa HR kung ano ang nangyari at fired na kaagad ako. Siguradong alam na nila ang balita dahil nasabi na sa kanila siguro ni Sir Alaric ang nangyari kanina. Pero nang magpunta ako sa HR Office ay nakita ko silang nagkakagulo roon. “Hanapin niyo iyong papel! Bakit ba kasi hindi kayo organized? Ilang beses ko na sinabi na dapat organized lahat dahil tayo ang malilintikan! Lalo na ako!” sigaw noong beki. May tinatanggap pala silang ganoon dito? Akala ko ba allergic si Sir Alaric sa ganitong mga tao? “Jusko, nakakaloka kayo!” sigaw pa niya at pagkatapos ay nag-flip pa ng hair. Nakita ko ang tag name niya at Justine ang nakalagay doon. Siya pala ang head ng IT Department dito sa kumpanya pero kung siya ang head, anong ginagawa niya rito sa HR? “Hoy ikaw! Ano pang ikinatutunganga mo dyan? Bilisan mo at tulungan mo kami rito! Bilis!” sabi niya sabay turo sa akin.  Lumingon-lingon pa ako sa likuran ko dahil baka nagkamali lang siya ng itinuro pero wala naman tao sa likod ko. “Ikaw! Oo, Ikaw! Tumulong ka rito bilis! Bagong hire ka lang ba?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Sa taranta ko ay napa-oo na lang ako at tumulong sa paghahanap noong papel na kanina pa pala nila hinahanap. Buti na lang at nahanap din namin iyong papel na nawawala. Importanteng papel daw iyon dahil doon daw nakalagay iyong records na hinahanap ni Sir Alaric sa kanila. Grabe daw kasi magalit ‘yon kapag may nawawalang file kaya ganoon na lang ang taranta nila. Lalo na itong si Sir Justine dahil siya iyong mapapag-initan. “I like you na Will. Buti na lang at nahanap natin iyong papel,” sabi niya sa akin sabay akbay sa braso ko. Ngumiti ako ng tipid sa kanila. Tinulungan ko na rin sila mag-organized noong mga documents dahil sobrang gulo sa dami ng papel sa mga desk nila. Buti na lang may experience ako sa pag-aayos ng files. Dati kasi akong nagtatrabaho bilang office clerk sa isang kumpanya noon. Part-time lang naman dahil kailangan ko ng pera para tustusan ang pag-aaral ko. Noong mga panahon na ‘yon kasi ay hindi ko na nakita si kuya. Hindi na siya umuwi kaya kinakailangan ko magkayod mag-isa at para na rin mahanap siya pagdating ng panahon. Sa kabutihang palad ay nakaipon naman ako at mas maayos na nakatira sa maliit na apartment na kung saan ay si Aling Belinda ang tinatawag na landlord. “Hindi ka rin kasi organized, bakla ka! Alam mo naman na sobrang detailed na tao ng boss natin,” sabi naman ni Sir Kyle. Siya naman iyong assistant head ng HR Department. Naiwan daw pala kasi ni Sir Justine dito iyong papel kaya dito sila naghahanap. Kung si Sir Kyle ang assistant head, si Mrs. Jang na siyang nakausap ko noong orientation ang head naman ng HR Department. Kaya nga lang hindi ko siya nakikita rito sa office. “Sorry na. Alam mo naman na tarantakels ako pagdating sa mga nawawalang files,” sagot ni Sir Justine. “Dapat kasi mag-hire na nang bagong secretary yang si Sir. Ayan tuloy, tayo ang nanagot kapag hindi maayos iyong file,” reklamo naman ni Sir Kyle. Sa pananatili ko sa HR Department, hindi ko na namalayan na hindi ko na nasabi ang pakay ko kung bakit ako nandito. Dapat kasi ay kakausapin ko si Mrs. Jang dahil siya ang naghire sa akin dito pero wala siya.   Wala talaga silang hina-hire na mga babaeng empleyado rito sa main ng SGC maliban kay Mrs. Jang na siyang auntie ni Sir Alaric. Sa ibang branch ng SGC ay doon sila tumatanggap ng mga babaeng empleyado. Kung tutuusin ay naisipan ko na doon mag-apply kaya lang nakalimutan ko na sa main nagtatrabaho si kuya kaya kapag doon ako sa branch nila nagtrabaho ay wala pa rin akong makukuhang impormasyon tungkol sa kapatid ko. Ang pinsan ni Sir Alaric na si Sir Trystan ay ang COO nitong kumpanya at naghahandle ng ibang branch ng SGC. Pero sa kabuoan ay si Sir Alaric talaga. Dito nakapwesto si Sir Trystan sa main branch pero paminsan-minsan ay pumupunta siya sa ibang branch para kamustahin ang nangyayari roon. Siya kasi ang naka-assign sa mga business operation at madalas na pinagrereport ni Sir Alaric kapag may mga meetings.   At saka kung kahit sa ibang branch eh lalaki lang ang kinukuha, tiyak na kukulangin sa tao kaya nag-hire na sila ng babae roon. Sabi pa nga nila, sobrang hirap daw pumasa sa screening kapag babae ang nag-aapply kasi ginagawa pa rin nilang minimal ang mga female employees sa bawat branch para hindi magalit si Sir Alaric. Ilang beses ako nag-search sa internet kung bakit ayaw ni Sir Alaric sa mga babae pero walang lumalabas doon. Hindi ko alam kung na-erase na ba ‘yon o isang haka-haka lang ‘yon na gawa-gawa ng mga taong ayaw sa kanya. Medyo nagkaka-idea na nga ako kung bakit hindi sila tumatanggap ng babae sa SGC at dahil iyon sa maraming nagbabanta sa buhay ni Sir Alaric pero ang hindi ko pa rin maintindihan ay pwede naman silang tumanggap ng babae sa ibang department. Bakit kailangan ay lalaki pa rin ang dapat i-hire sa ibang department? At pwede rin naman na mag-hire si Sir Alaric ng mga babaeng bodyguard kung gugustuhin niya. Nagsisitawanan kami nang dumating si Mrs. Jang. Siya iyong auntie ni Sir Alaric at siya rin ang head ng HR Department. “Wala na ba kayong problema? Nahanap na ang files?” tanong ni Mrs. Jang sa amin. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan na kulay puti. May hawak siyang mga papel nang pumasok siya rito sa loob ng office. “Opo Ma’am,” magalang na sagot ni Sir Justine “Sa katunayan nga, iyong bagong hire ang nakahanap noong papel, ma’am.” Tinuro ako ni Sir Justine.  Kumunot ang noo ni Mrs. Jang bago tumingin kay Sir Justine. Kita sa kanyang mukha ang pagtataka. “Bagong hire? Hindi ba ikaw iyong nabalitaan kong na-fire na bagong body guard ni Al kanina lang?” tanong nito. Doon na ako napangiti ng tipid dahil sa hindi pagsasalita kanina. “Hala! Body guard ka pala! Hindi mo sinabi!” natatarantang sabi ni Sir Justine sa akin. “Bakla ka! Bakit hindi mo sinabi! Jusko! Kaya ka pala nanahimik dyan!” dagdag pa niya. “What’s with the noise?” Isang baritonong boses ang nagpatahimik sa amin lahat. Iyong iba pa nga ay napatayo at napatigil sa paggawa ng mga ginagawa nila dahil sa biglaang pagdating ni Sir Alaric sa HR Department. Lahat sila ay nakayuko maliban sa akin dahil hindi na naman mapuknat ang tingin ko kay Sir Alaric. Nakita niya ako. Namuo ang pinaghalong pagtataka at pagkainis sa kanyang mukha. “You! Why are you still here? You’re already fired,” inis niyang wika sa akin na parang ayaw na niya akong makita pa rito sa office. Medyo nakaramdam ako ng takot doon pero ininda ko iyon at pinilit na itago ang saglit na takot na aking naramdaman. “Uh…” Umisip ka ng sagot Willow! Jusko! “Sir Alaric, he— “Am I talking to you?” malamig na tanong niya kay Sir Justine na nagpatahimik at nagpayuko rito. “That body guard of yours helped us to find the papers that you need for your important meeting tomorrow. He also helped us to organized those documents,” paliwanag ni Mrs. Jang at saka itinuro iyong mga dokumento na nasa mahabang mesa. “Kung hindi dahil sa kanya, hindi namin mahahanap ang papel na kailangan mo sa meeting mo bukas. At kung hindi dahil sa kanya, hindi organized lahat ng mga ito ngayon mismo,” kalmadong sabi ni Mrs. Jang. Kumunot ang noo ni Sir Alaric at pagkatapos ay tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Mrs. Jang. “So, what are you trying to say, old hag?” “Why don’t you make him your secretary instead of firing him because of his mistake he did a while ago?” He’s good on organizing things. Mas mapapakinabangan siya kesa sa maging body guard mo.” Hindi umimik si Sir Alaric. “Let’s make a deal then. Give her one month. Kapag pumalpak siya sa pagiging secretary niya, ikaw na mismo ang magpalayas sa kanya,” wika ni Mrs. Jang. Nagkatinginan na naman kami ni Sir Alaric. Walang tigil sa pagkabog ang puso ko lalo na ng makita ko ang pag-asim ng mukha nito dahil sa suhestisyon ni Mrs. Jang. Pero hindi ko akalain na ang isang maikli at napakatipid na s**o tang magpapangiti sa akin nang husto. “Fine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD