Chapter 03Maaga ako pumasok dahil ito ang unang araw ko sa kumpanya bilang secretary ni Sir Alaric. Kailangan hindi ako pumalya para maging official na akong secretary ni Sir Alaric.
Sa sobrang on-time ko nga ay nakalimutan ko na kumain ng breakfast. Dali-dali tuloy akong dumeretso sa pantry na malapit sa office ni Sir Alaric para doon magkape at kumain ng biscuit. Wala pa kasi siya sa office.
Nagtanong-tanong din ako kung anong madalas na ginagawa ng secretary. Nag-search na nga rin ako sa google. Buti na lang ay marami akong nahanap na sagot doon kaya kahit papaano ay may alam ako.
Binigyan na rin ako ni Mrs. Jang ng warning tungkol sa ugali ni Sir Alaric. Hindi siya madaling pakisamahan. Bukod pa roon ay marami na rin umalis na secretary itong si Sir Alaric dahil hindi matagalan ang pag-uugali. Maswerte na raw kung aabot ng isang buwan ang secretary ni Sir Alaric. Usually daw kasi, dalawang linggo lang ang itinatagal.
Malakas naman ang paniniwala ko na aabot ako ng ilang buwan dito o ng taon.
Nang malaman nila Sir Justine na opisyal na nga akong sekretarya ni Sir Alaric ay kaagad nila akong pinuntahan sa desk ko kung saan katapat lang ang office ni Sir Alaric at binati dahil muli akong na-hire at hindi totally na natanggal dahil sa kapalpakan na ginawa ko kahapon.
Alas-otso nang umaga dumating si Sir Alaric. Binigay na sa akin ni Mrs. Jang ang schedule niya ngayong araw kaya ang gagawin ko na lang ay sabihin iyon kay Sir Alaric. Puro meetings lang naman ang schedule niya ngayong araw. Medyo gina-guide pa ako ni Mrs. Jang sa trabaho ko dahil ayaw niyang pumalpak ako. Patuloy niya ako iga-guide hanggang sa masanay na ako sa trabaho at makapag-adjust nang tuluyan sa environment dito sa SGC. Isinoli ko na rin kanina ang uniform na pangbody-guard na pinoprovide mismo ng kumpanya dahil nga secretary na ako ngayon. Sa pagiging secretary naman ay wala namang required na uniform as long as mukhang formal ang kasuotan at presentable dahil haharap na ako ngayon sa mga tao bilang secretary ni sir.
Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Kaagad ko siyang nakita na nakaupo sa kanyang swivel chair at nakaharap sa kanyang laptop. Seryoso itong nagtatype habang suot-suot ang nerdy glasses na sadyang bumagay sa kanya. Pansin ko rin na mahilig siya sa kulay black pagdating sa mga damit dahil naka-all black siya ngayon. Pati ang interior ng kanyang office ay mostly black din ang makikita na pinartneran ng kulay puti para magmukhang moderno.
Tinignan niya ako pero mabilis lang dahil inilipat niya kaagad ang tingin sa laptop niya. I also found some papers on his desk.
Lumapit ako sa kanya at sinabi ang schedule. I also asked him kung may ipag-uutos pa ba siya bukod sa ipagtitimpla ko siya ng kape. Mrs. Jang told me that I should make coffee for him three times a day. No coffee mate and sugar.
“Get me five boxes of bond paper from the storage room. And don’t ask anyone’s help.” matigas niyang sabi sa akin at pagkatapos ay ibinalik na muli ang tingin sa kanyang laptop.
“H-Ho?” gulat na sabi ko. Tama ba ang narinig ko na pinapabuhat niya ako ng limang boxes na naglalaman ng mga papel. Alam kong gusto niya ako pahirapan pero hindi ba sobra naman ata iyon? Tapos ang gusto pa niya ay hindi ako magpatulong na magbuhat ng mga ‘yon. Nagbibiro ba siya? Pero kung isa nga ito sa mga pagsubok na kailangan kong lampasan ay willing naman akong gawin ‘yon. Kaya lang para sa akin ay sobra pa rin iyon pero mukhang wala naman na akong magagawa.
Muli siyang tumingin sa akin nang mapansin niya na hindi ako kumikilos. Umangat ang isa niyang kilay sa akin at saka nagsalita.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I need those bond papers now,” masungit na sabi niya habang nakatitig sa mata ko ng seryoso.
Grabe! Ganito ba talaga siya kasungit? Pakiramdam ko ay may mas isusungit pa siya at hindi ko gugustuhin na makita ang klaseng kasungitan niya na ‘yon. Kaya naman pala napapasuko ng ganoon na lang ang mga hina-hire na secretary para sa kanya ay dahil sa ugali na mayroon siya. Pero syempre hindi ako susuko.
Hindi na ako pwede matanggal ngayon. Kailangan magawa kong i-secured ang posisyon ko bilang secretary niya. At isa pa, kung hindi dahil kay Mrs. Jang ay baka nasa bahay na ako ngayon at hindi alam kung ano ang gagawin. Pero nang dahil sa kanya ay nagkaroon ulit ako ng paraan para mahanap ang kuya ko. Hindi ko pupwede sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin na muling makapagtrabaho rito.
Mabilis at punong-puno ng determinasyon naman akong tumango bilang sagot sa kanya at lumabas nang kanyang opisina. Medyo nagtataka nga lang ako kung bakit kailangan ko pa pumunta ng storage room kahit na may mga bond papers naman na available sa ibang floors.
Nagtanong-tanong ako kung nasaan ang storage room at nalaman ko na nasa 10th floor ‘yon sa kabilang building. Kinakailangan ko pa pumunta sa kabila para kunin ang mga pinapakuha niya sa akin. Gusto ko sanang magreklamo dahil malayo pero kung ito lang naman ang isa sa mga paraan para may malaman ako tungkol sa kuya ko ay kakayanin ko. Ano ba naman iyong puntahan ko iyong 10th floor kapalit ng impormasyon kung nasaan na si kuya.
Hindi ko nga lang alam kung nanadya rin ba ang araw ko ngayon dahil sira ang elevator at kasalukuyan itong inaayos Wala tuloy akong choice kundi gumamit ng hagdan para makaakyat sa sinasabing storage room.
Malapit na ako mawalan ng hininga sa ginawa kong pagtakbo dahil sa pinag-uutos ni Sir Alaric sa akin. Mabuti na lang talaga na biniyayaan ako sa pagtakbo ng mabilis. Noong makarating ako sa storage room, doon ako nagkaroon ng panibagong problema dahil sarado ito.
Kinakailangan ko pa tuloy tumawag sa utility area para buksan ang storage room. Mabuti na lang at may number nila ako for emergencies like this. Akala ko kasi ay makakapasa ako sa pagiging bodyguard kaya kinuha ko lahat ng mga numbers na nakadisplay sa may bulletin board sa bawat department at sinave ‘yon sa cellphone ko. Kaya lang literal na expectation vs reality ang nangyari dahil nga hindi ako nakapasa at nafire pa ako.
“Maraming salamat po Kuya Jim,” wika ko sa kanya. Si Kuya Jim ang janitor rito sa kumpanya. Kahit hindi pa ako masyadong matagal dito ay ka-close ko na kaagad siya dahil nakikita kong mabuti siyang tao. May dala-dala siyang timba at isang mop nang samahan niya ako para buksan ang storage room. Talagang hinanap ko pa siya dahil siya lang naman madalas ang may hawak ng mga susi raw dito dahil madalas siyang maglinis sa mga storage area.
“Naku. Walang anuman ‘yon, Willow,” nakangiting wika niya sa akin.
Pagkabukas na pagkabukas ni kuya ng pinto ay kaagad akong pumasok sa storage room para kunin iyong mga bond papers. Binuhat ko iyon pababa hanggang sa madala ko kay Sir Alaric iyong bond papers. Mabuti na lang at magaan dalhin iyong mga papel kaya kahit mag-akyat-baba ako ay walang problema.
“Tulungan na kaya kita?” tanong sa akin ni Kuya Jim.
“Naku kuya. Huwag na. Bilin po kasi sa akin ni Sir Alaric ay huwag akong hihingi ng tulong sa iba. Baka po madamay pa kayo kapag nakita niyang tinutulungan moa ko sa pagbubuhat,” wika ko naman sa kanya.
“Sigurado ka ba ne?” nag-aalangan niyang tanong sa akin.
“Opo.”
Hingal na hingal ako at pawis na pawis pa nang makabalik ako. Pero hindi ko alintana ang mga ‘yon dahil gusto kong maipakita kay Sir Alaric na hindi siya magkakamali na i-hire ako bilang secretary niya. Akala ko nga rin ay huli na ‘yon pero marami pang ipinagawa sa akin si Sir Alaric pagkatapos no’n na parang hindi na parte ng pagiging secretary dahil literal na ako iyong nagdadala ng mga errands niya eh hindi naman ako isang errand boy. Bukod doon ay may ipinagawa pa siya sa akin na labis kong ikinainis at muntik na ikaubos ng aking pasensya.
“Ibalik mo iyong apat na boxes ng bond paper sa storage room,” wika niya sa akin. Halos magulantang ako s autos niya. Pinakuha-kuha niya ako roon tapos gusto niyang ibalik ko rin? Nababaliw na ba talaga siya?
Gusto ko magwala pero nang titigan niya ako gamit ang kanyang seryosong mukha ay doon ako natauhan. Hindi ako pwede maubusan ng pasensya dahil kapag nangyari ‘yon ay siguradong katapusan ko na.
Hindi ako nagsalita at binuhat pabalik ang apat na boxes ng bond paper na kinuha ko kanina mula sa storage room.
Hindi pa doon natapos ang pagpapahirap niya sa akin dahil may pinapadala siya sa akin na package na kailangan ko dalhin sa courier para sila ang magdeliver. Metropolis Express ang pangalan noong courier kaya lang hindi ko alam kung saan ‘yon nakalocate. Hindi naman kasi talaga ako taga-Metropolis talaga. Sa San Fierro ako nanirahan sa buong labing-walo na taon akong nabubuhay. Halos apat na taon ang inabot bago ako makapunta rito sa Metropolis dahil nga nagtrabaho ako bilang office clerk bilang part-time habang nag-aaralng maikling kurso sa isang maliit na unibersidad dito sa Metropolis. Wala akong oras na magbulakbol dahil noong mga oras na ‘yon ay doon na nagsimulang hindi umuwi ang kapatid ko.
Eh di ayun nga, dahil hindi ko alam kung saan ang opisina ng Metropolis Express, kailangan ko pa gumamit ng GPS para lang malocate iyon. Mabuti na lang at malakas ang signal kaya mabilis na nagload iyong map. Nagtaxi ako papunta sa sinasabing location ng Metropolis Express.
Medyo mahaba iyong pila nang pumasok ako sa loob. Buti na lang may special services sila kapag empleyado ng SGC ang kaharap nila. Mabilis lang din iyong process kaya hindi ako masyadong natagalan.
Bumagal lang ako ng kaonti nang umulan nang malakas. Wala tuloy akong masakyan na taxi pabalik ng opisina. Hapon na pero hindi pa rin ako nakakabalik ng office. Hindi naman ako makakapaglakad dahil wala akong dalang payong sa bag. Hindi ko naman kasi alam na uulan ngayon.
“Oh bakit?” tanong ko nang sagutin ko ang tawag na nagmula sa aking kaibigan na si Lilienne. Matalik kaming magkaibigan nitong si Lilienne dahil pareho na rin kaming halos walang pamilya. Nakilala ko siya sa dating pinagtatrabahahuhan ko sa bar noon.
“Pumunta ka rito bilis! Pinagtatapon ni Aling Belinda iyong mga gamit natin dahil ilang buwan na tayong hindi nakakabayad ng renta!”
Mabilis kong ibinaba ang tawag at naghanap ng bus na pwede sakyan. Ilang minuto lang ang itinagal at nakarating na ako sa tinitirhan namin ni Lilienne. Totoo ngang pinagtatapon ni Aling Belinda ang mga gamit namin. Nakita ko itong nakakalat na sa daan at isa-isang pinupulot ni Lilienne.
“Aling Beli— “Pinapalayas ko na kayo rito! Hindi na kayo pwede pang manatili rito dahil ilang buwan na kayong hindi nagbabayad ng upa!” wika niya sa akin. Nakabusangot ang mukha nito ngayon habang nakatingin sa akin. Kapansin-pansin ang suot niyang bagong bestida na kulay puti habang nakapuyod ang kanyang mahabang buhok. Siguro ay galing ang damit na ‘yon sa kabit niya. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero kalat na kalat ang balitang ‘yon dito at tinatanggi niya lang. Kung masama lang siguro akong tao ay binlackmail ko na itong si Aling Belinda na sasabihin ko sa asawa niya ang totoo kapag hindi niya kami pinayagan na manatili pa rito kaya lang hindi naman ganoon kasama ang ugali ko.
Nakapamewang din siya sa amin ni Lilienne at tila galit dahil sa hindi naming pagbayad sa renta.
Bumuntong-hininga ako. Ilang beses ko naman ipinaliwanag sa kanya na hindi pa ako makakabayad dahil kakasimula ko pa lang ng trabaho. Magbabayad naman ako kaagad kapag sumesweldo na ako pero mukhang napuno ko na ata si Aling Belinda at pinapalayas na kami ngayon.
“Magbabayad naman ho ako eh. Bigyan niy— “Ilang beses ko na narinig ang dahilan na ‘yan pero hanggang ngayon ay wala pa rin! Lumayas na kayo!” sigaw niya sa amin at marahang isinarado ang gate. Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya pero talagang hindi na kami nito pinansin na para bang walang naririnig. Wala tuloy kaming nagawa ni Lili kundi pulutin ang mga gamit at maghanap ng pansamantalang titirhan.
Ilang buwan na kasi akong hindi nakakabayad ng renta kay Aling Belinda dahil nga kapos na kapos ako. At saka ngayon lang naman ako natanggap. Mababayaran ko naman sana ng ilang buwan iyong hindi naming nabayaran lalo na at nagtatrabaho na ako sa SGC kaya lang hindi na makapaghintay si Aling Belinda na paalisin kami. Siguro ay may gusting magrenta roon pero dahil nandoon pa rin kami ay hindi mapatira ni Aling Belinda.
Ang sabi ni Mrs. Jang sa akin ay saka ko pa lang makukuha ang ipinangako sa aking apartment kapag nakaisang buwan na ako sa SGC. Kaya hindi ko alam kung saan kami titira ngayon.
Malungkot kami ni Lilienne na naglalakad papuntang dry sauna. Buti na lamang at may dry sauna rito sa Metropolis na pwedeng pansamantalang tirhan. Magastos nga lang dahil sa pagkain. Wala naman kasing lutuan sa dry sauna na pwede mo gamitin para paglutuan.
“Hindi ka pa ba babalik sa trabaho mo? Baka pagalitan ka.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya agad-agad kong iniwan ang gamit ko sa kanya at bumalik sa opisina. Tumigil na rin ang buhos ng ulan pero madilim pa rin ang langit kaya mukhang may susunod pa.
Tumatakbo ako habang nakalagay sa aking ulo ang bag pansalag sa ulan dahil umaambon na naman nang makarating ako sa SGC. Ngunit ang ambon na iyon ay naging malakas na ulan kung kaya’t ang bag na ginagamit ko sa pansalag sa ulan ay balewala na.
Hinahabol ko ang paghinga ko nang makapasok ako sa loob. Nakayuko pa ako habang hinahabol ang paghinga. Para akong basang sisiw nang pumasok ako sa loob. Mabuti na lang at hindi masyadong halata na nabasa iyong sa may chest part ko dahil makapal iyong uniporme na suot ko. Bukod doon ay may suot pa akong sando sa loob ng puting polo. Iyong laylayan lang at ang magkabilang gilid ng aking balikat ang tuluyang nabasa pati na rin ang aking buhok.
Kaagad naman akong nakita ni Sir Justine at hindi alam ang gagawin. “Willow! Bakit basang-basa ka? Kanina pa kita hinahanap,” nahahabag na wika niya sa akin. “Ah… eh… mahabang kwento, Sir. Pero okay lang naman po ako.”
“Bakit ka ba kasi basta-basta na lang umaalis? Lahat kami ay natataranta na sa iyo dahil bigla ka na lang nawawala!” natatarantang wika niya sa akin. Kaagad naman siyang nagdial sa kanyang telepono at may kinausap.
“Sir, nandito na si Willow. Papupuntahin ko po ba sa office niyo?” rinig kong wika niya sa kausap. Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ba si Sir Alaric ang kausap niya? Pinapahanap ba niya ako? Hindi ba ay alam niyang pupunta ako sa courier para doon sa package niyang pinapahatid sa akin?
“Saan ka ba talaga galing at basang-basa ka? Jusko ghorl! Nakakaloka ka! Pati ako natataranta sa’yo!” I
Sinamahan ako ni Sir Justine sa pantry para uminom ng kape. Pinahirap niya rin ako ng maliit na towel para tuyuin ang buhok ko. Galing iyon sa locker niya.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari dahil kanina pa niya ako tinatanong kung anong nangyari sa akin. Kaya sinabi ko lahat mula umpisa hanggang kanina. Hindi ko lang binanggit iyong sa dry sauna dahil ang awkward naman kung pati iyon ay ssabihin ko pa.
“Kaya naman pala ang tagal mo! Natataranta ako sa’yo dahil minu-minuto akong tinatawagan ni Sir Alaric at tinatanong kung nandito ka na ba sa opisina!”
Hindi ako nakasagot dahil napaisip ako bigla sa kanyang sinabi. Ako? Hinahanap ni Sir Alaric?
“Bakit ka pala natataranta?” tanong ko sa kanya.
“Eh kasi nga kanina ka pa sa amin hinahanap ni sir. Ang alam ko nga ay may inutos sa’yo kaya ganoon na lang ang pagtataka ko dahil sa maya’t maya niyang pagkulit sa amin doon sa department. Siguro ay natagalan sa pagbalik mo,” paliwanag niya naman sa akin. Kung sabagay, masyado nga akong nagtagal sa labas dahil hindi ko naman pupwedeng iwanan si Lilienne doon dala ang mga gamit naming pinagtatapon ni Aling Belinda. At isa pa, kailangan din naming maghanap ng pansamantalang matutuluyan lalo na at pabugso-bugso minsan ang ulan.
“Sana sinabi mo sa akin kaagad at nangutang ka muna sa akin ng pambayad sa renta mo para hindi ka napalayas,” wika ni Sir Justine sa akin.
“Naku sir! Ayos lang po. Huwag na po kayong mag-alala sa amin ng kaibigan ko,” nakangiting saad ko sa kanya.
“Teka? May nahanap ka na bang matutuluyan mo? Pwede ka naman makitira sa amin ng kaibigan mo kung sakali,” wika niya sa akin. Gusto ko sanang pumayag sa paanyaya niya dahil sino ba naman ako para tumanggi. Kaso masyadong risky para sa akin iyon lalo na at walang alam si Sir Justine tungkol sa totoo kong pagkatao. Staying with him is a high-risk.
“May nahanap na po kami kaya huwag na po kayong mag-alala.” Hindi ko pupwedeng sabihin na sa may sauna kami nanatili ngayon ni Lili dahil kapag ganoon ay baka pilitin lang ako nitong si Sir Justine na makituloy muna sa kanila.
“Pero bakla ha,” wika niya at saka pinalantik ang kanyang kanang kamay sa ere bago nangalumbaba sa mesa. “Eto ang first time na nangulit si Sir Alaric at hinahanap kung nasaan ang secretary niya,” sabi niya sa akin. Nagtataka naman akong tinignan siya. Hindi ba ay normal lang na hanapin ng boss ang kanyang empleyado kapag hindi pa ito bumabalik sa oras ng trabaho? Para kasing napaka-out of character sa isang boss na mawalan siya ng pakialam sa empleyado niya lalo na at hindi pa tapos ang office hours.
Pero kung sabagay, kung si Sir Alaric nga naman ang tipo ng tao na hindi hinahanap ang empleyado niya kahit oras pa rin ng trabaho ay baka nga hindi na ako magtaka.
Magrereak sana ako sa sinabi niya nang pumasok ang lalaking kasalukuyan namin pinag-uusapan. Pareho tuloy kaming napatahimik dalawa lalo na nang tumingin ito ng seryoso sa amin.
Wala siyang sinabi na kahit na ano at tinitigan lang kaming dalawa bago tumalikod at lumabas na ng pantry.
Okay?
What was that?