Chapter 01
“Kaya mo ito, Willow.” bulong ko sa sarili ko. Kasalukuyan akong nakatitig sa salamin. Binalutan ko ang aking dibdib ng breast tape roll para hindi halata. At pagkatapos ay saka isinuot ang unipormeng kakakuha ko lang sa office kahapon. Isang pares na black two-piece suit at pantalon ang suot ko ngayon. Kakagupit ko lang din ng mahaba kong buhok na umabot na rin sa bewang. Ang kulay pula kong buhok ay kinulayan ko na rin ng itim.
I’m sure that Lilienne will freak out once she saw my hair. Sa ilang taon namin pagkakaibigan ay palagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya ang buhok ko. Palagi niya rin tinatali ang buhok ko at kung minsan pa nga ay ginagawa akong Barbie doll.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa salamin. “Gagawin mo ito para sa kuya mo, Willow. Hahanapin mo siya,” dagdag ko pa para mas lalong lumakas ang loob ko.
Ngayon kasi ang unang araw ko sa Samaniego Group of Corporation bilang body guard ni Sir Alaric Jace Samaniego. Ang President ng Samaniego Group.
Marami na akong naririnig na kung anu-ano sa kanya lalo na sa social media. Madalas ay pangit ang sinasabi dahil nga may pagkamasungit siya. Pero sa social media lang naman naglalakas ng loob ang mga tao na magsabi nang masama sa kanya dahil malayo ang mga ito sa kanya.
Balita ko nga ay marami na rin nagtatangka sa buhay niya noon pa man. Marami na kasi siyang napabagsak na kumpanya. Bukod pa roon ay matalino rin siya. Ang isa lang sa pinaka-weird na ugali niya para sa akin ay hindi siya tumatanggap ng babaeng empleyado sa opisina niya.
Kaya ngayon ay napasubo ako sa trabaho na hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi. Pero mukhang kinakailangan ko kayanin kung gusto ko mahanap iyong taong matagal ko nang hinahanap.
Mahigpit si Sir Alaric sa oras. I already made some research about him para hindi mauwi sa kapalpakan itong trabaho ko. Ayaw niya nang may nalilate na empleyado sa oras ng trabaho kaya trenta minutos bago ang ala-siete ay nasa SGC na ako.
Sinabihan na ako nang head ng HR na kailangan ay nasa tapat na ako ng opisina niya bago mag-ala-siete. Pero biglang nagbago ang protocol na ibinigay dahil kinakailangan ko raw abangan si Sir Alaric sa mismong parking lot para ihatid sa mismong opisina niya. Grabe! Ganoon ba talaga karami ang nagbabanta sa buhay niya para may palaging body guard na nakasunod sa kanya?
May binibigay na cellphone ang HR para sa mga body guards na ginagamit pang-connect kapag may nangyaring aberya. Medyo bago ako sa usapin na ito kaya medyo nangangapa pa ako. Sana lang ay hindi ako pumalpak.
“Ikaw ba ang isa sa bagong body guard ni Sir Alaric?” tanong noong isang lalaki. Mas matangkad siya sa akin nang kaonti at malaki ang pangangatawan. Halatang sanay sa pakikipaglaban ang isang ito dahil sa porma. Naisip ko tuloy kung matagal na kaya siyang nagtatrabaho rito?
Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
“Zevron,” pakilala niya sa sarili niya. Inilahad niya ang kanang kamay sa aking harapan at hinihintay na tugunin ko iyon.
“Willow,” maikling sagot ko habang nakangiti sa kanya. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa kong ‘yon.
“Bago ka rin ba rito?” I asked, trying to fish some information.
Tumango siya sa akin. Kung ganoon ay pareho lang kaming bago rito. Wala akong makukuha sa kanya tungkol kay kuya.
Napaayos kami ng tayo nang makita namin ang paparating na bulletproof na sasakyan papunta sa amin. Naghintay lang kami ni Zevron sa pwesto namin hanggang sa makababa si Sir Alaric. May mga body guards din siyang kasama sa loob ng sasakyan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na siya. He’s wearing his black two-piece suit which suits him very well. His black hair was brushed up that makes him even more handsome and manly. Nakita ko na siya sa mga pictures sa internet pero hindi ko akalain na may mas iga-gwapo pa pala sa personal. Totoo nga na hindi lang siya mayaman. He must be a good Samaritan on his past life kaya siya nabigyan ni lord ngayon ng magandang buhay.
Napalunok ako nang lumapit siya sa amin ni Zevron. Hindi ko na nagawang yumuko pa dahil sa sobrang pagka-intimidate ko sa kanya.
“Are you the new body guards?” tanong niya sa malamig na tono. Pareho kaming tumango ni Zevron. Sandali niyang tinitigan si Zevron bago inilipat ang tingin sa akin. His forehead creased. At pagkatapos ay napailing na lang.
Akala ko ay magiging tahimik ang pagtapak niya sa SGC pero sadyang habulin siya ng kapahamakan dahil hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nagkaroon na ng malakas na putukan ng baril.
“s**t,” he cursed.
Zevron and the other body guards began to move. Nagsisipalitan sila ng putok ng baril habang ako ay nanginginig pa rin.
“Willow! Take Sir Alaric into a safe place,” sigaw niya. Sa sobrang pagkataranta ko ay hinila ko si Sir Alaric sa likuran ng sasakyan.
“Damn! You supposed to protect me!” sigaw niya sa akin.
“Do you even know how to shoot?” Kinuha ko ang baril sa aking bulsa at pagkatapos ay sinubukan itong ikasa. Pero paano ko nga pala iyon ikakasa kung hindi naman ako marunong gumamit ng baril?
Sunod-sunod ang mura niyang narinig ko bago ako sinamaan ng tingin.
Nakita kami noong isang lalaki na may hawak ng baril. Nadaplisan si Sir Alaric ng bala sa braso. Buti na lang ay daplis lang dahil nagawa ko siyang padapain sa sahig para hindi tuluyang tumama ang bala sa kanya. Kundi mananagot ako. My priority is his safety pero unang araw ko pa lang ay palpak na ako! I don’t know how to shoot but atleast I’m doing my job. Kinuha ni Sir Alaric ang baril ko at mabilis na binaril ang lalaki sa harap namin dalawa.
Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa clinic at pinapanood si Sir Alaric na gamutin ng doktor na nagngangalang Dr. Lopez.
“Ilang beses pa ba kita gagamutin, Alaric? Akala ko ba ay hindi na makakalapit sa’yo ang mga taong gusto ka patayin?” sermon ng doktora sa kanya. Hindi ko alam pero mukhang malapit sila sa isa’t isa. Kilala niya kaya ang kuya ko?
“Shut up, Aleandra. Hindi na ito mauulit,” masungit niyang wika rito. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ganoon kaagad ang naranasan ko sa unang araw ko sa trabaho. Wala akong ideya na sobrang dami ng nagbabanta sa buhay niya pero kahit ganoon ay hindi ko siya nakitang natakot kanina. Nakipag-one-on-one pa siya kanina sa lalaking may baril na parang hindi kinakatakutan ang sarili nitong buhay.
“You already said that a week ago,” napapailing na sabi ni Dr. Lopez sa kanya.
Marahang ipinikit ni Sir Alaric ang kanyang mata sa upuan habang binebendahan siya ni doktora. Si Zevron naman at ang ibang body guard ay naghihintay sa labas ng clinic nitong opisina. Ako lang ang tanging pinapasok ni doktora dahil ako ang kasama ni Sir Alaric nang madaplisan ito ng bala.
“How about you? Willow, is it?” tanong niya sa akin. Kaagad akong tumango. “Are you okay? You must be traumatized for what happened. Hindi mo siguro inaasahan na ganoon kaagad ang mangyayari sa kanya.”
“O-Okay lang naman po ako,” pagsisinungaling ko. She’s right. I am traumatized on what happened earlier pero mukhang kailangan ko mas galingan mula ngayon lalo na kung ganoon ang nangyayari. Hindi na pwede maulit ang bagay na ‘yon.
“Mabuti naman kung ganoon.”
Pagkatapos nito bendahan ang kaliwang braso ni Sir Al ay tumingin sa akin si doktora. “Okay na ang sugat niya. Kailangan lang palitan at linisan ang sugat niya. Ayaw niyang pinapakialaman siya kaya pagpasensyahan mo na. Kailangan mo siyang pilitin unless lalong lalala ang sugat niya,” tuloy-tuloy na sabi niya sa akin.
“Why are you saying those kinds of things to him? You should tell Ulysses instead,” masungit na sabi nito.
“Wala rito si Ulysses. At saka body guard mo naman siya diba?”
“Not anymore,” malamig niyang sagot sa kanya bago ako tignan. Halos manigas ako dahil sa kung paano niya ako titigan gamit ang malalamig at malalalim niyang mata.
“You’re fired.”