Chapter 00
Scarlett Willow Vermont
“Ikaw ba ang isa sa bagong body guard ni Sir Alaric?” tanong noong isang lalaki. Mas matangkad siya sa akin nang kaonti at malaki ang pangangatawan. Halatang sanay sa pakikipaglaban ang isang ito dahil sa porma. Naisip ko tuloy kung matagal na ba siyang nagtatrabaho rito?
Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
“Zevron,” pakilala niya sa sarili niya. Inilahad niya ang kanang kamay sa aking harapan at hinihintay na tugunin ko iyon.
“Willow,” maikling sagot ko habang nakangiti sa kanya. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa kong ‘yon.
“Bago ka rin ba rito?” I asked, trying to get some information.
Tumango siya sa akin. Kung ganoon ay pareho lang kaming bago rito. Wala akong makukuha sa kanya tungkol kay kuya.
Napaayos kami ng tayo nang makita namin ang paparating na bulletproof na sasakyan papunta sa amin. Naghintay lang kami ni Zevron sa pwesto namin hanggang sa makababa si Sir Alaric. May mga body guards din siyang kasama sa loob ng sasakyan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na siya. He’s wearing his black two-piece suit which suits him very well. His black hair was brushed up that makes him even more handsome and manly. Nakita ko na siya sa mga pictures sa internet pero hindi ko akalain na may mas iga-gwapo pa pala siya sa personal. Totoo nga na hindi lang siya mayaman. He must be a good Samaritan on his past life kaya siya nabigyan ni lord ngayon ng magandang buhay.
Napalunok ako nang lumapit siya sa amin ni Zevron. Hindi ko na nagawang yumuko pa dahil sa sobrang pagka-intimidate ko sa kanya.
“Are you the new body guards?” tanong niya sa malamig na tono. Pareho kaming tumango ni Zevron. Sandali niyang tinitigan si Zevron bago inilipat ang tingin sa akin. His forehead creased. At pagkatapos ay napailing na lang.
Akala ko ay magiging tahimik ang pagtapak niya sa SGC pero sadyang habulin siya ng kapahamakan dahil hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nagkaroon na ng malakas na putukan ng baril.
“s**t,” he cursed.
Zevron and the other body guards began to move. Nagsisipalitan sila ng putok ng baril habang ako ay nanginginig pa rin.
“Willow! Take Sir Alaric into a safe place,” sigaw niya. Sa sobrang pagkataranta ko ay hinila ko si Sir Alaric sa likuran ng sasakyan.
“Damn! You supposed to protect me!” sigaw niya sa akin.
“Do you even know how to shoot?” Kinuha ko ang baril sa aking bulsa at pagkatapos ay sinubukan itong ikasa. Pero paano ko nga pala iyon ikakasa kung hindi naman ako marunong gumamit ng baril?
Sunod-sunod ang mura niyang narinig ko bago ako sinamaan ng tingin.
Nakita kami noong isang lalaki na may hawak ng baril. Nadaplisan si Sir Alaric ng bala sa braso. Buti na lang ay daplis lang dahil nagawa ko siyang padapain sa sahig para hindi tuluyang tumama ang bala sa kanya kundi ay mananagot ako. My priority is his safety pero unang araw ko pa lang ay palpak na ako. I don’t know how to shoot but atleast I’m doing my job. Kinuha ni Sir Alaric ang baril ko at mabilis na binaril ang lalaki sa harap namin dalawa.
Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa clinic at pinapanood si Sir Alaric na gamutin ng doktor na nagngangalang Dr. Lopez.
“Ilang beses pa ba kita gagamutin, Alaric? Akala ko ba ay hindi na makakalapit sa’yo ang mga taong gusto ka patayin?” sermon ng doktora sa kanya. Hindi ko alam pero mukhang malapit sila sa isa’t isa. Kilala niya kaya ang kuya ko?
“Shut up, Aleandra. Hindi na ito mauulit.”
“You already said that a week ago,” napapailing na sabi ni Dr. Lopez sa kanya.
Marahang ipinikit ni Sir Alaric ang kanyang mata sa upuan habang binebendahan siya ni doktora. Si Zevron naman at ang ibang body guard ay naghihintay sa labas ng clinic nitong opisina. Ako lang ang tanging pinapasok ni doktora dahil ako ang kasama ni Sir Alaric nang madaplisan ito ng bala.
Pagkatapos nito bendahan ang kaliwang braso ni Sir Al ay tumingin sa akin si doktora. “Okay na ang sugat niya. Kailangan lang palitan at linisan ang sugat niya. Ayaw niyang pinapakialaman siya kaya pagpasensyahan mo na. Kailangan mo siyang pilitin unless lalong lalala ang sugat niya,” tuloy-tuloy na sabi niya sa akin.
“Why are you saying those kind of things to him? You should tell Ulysses instead,” masungit na sabi nito.
“Wala rito si Ulysses. At saka body guard mo naman siya diba?”
“Not anymore,” malamig niyang sagot sa kanya bago ako tignan. Halos manigas ako dahil sa kung paano niya ako titigan gamit ang malalamig at malalalim niyang mata.
“You’re fired.”