Chapter 05

3719 Words
Chapter 05 “Ano na naman bang binabasa mo riyan, Willow at sobrang busy ka?” tanong ni Lilienne sa akin. Pagkatapos namin mapalayas sa apartment na tinitirhan at manirahan ng ilang araw sa sauna ay kasalukuyan kaming nakikitira ngayon sa bahay ng boyfriend niya. Noong una, medyo nagdadalawang-isip pa ako na pumayag dahil parang hindi maganda tignan ang magiging set-up naming tatlo sa iisang bahay pero kalaunan ay naisip ko na temporary lang naman ito at hindi permanente. Hindi ko rin kasi gusto ang ugali ng boyfriend niyang si Bryan. May pagkayabang kasi ito at higit sa lahat ay maraming bisyo. Duda akong seryoso siya kay Lilienne dahil masyadong mabait ang kaibigan ko para sa kanya. Kung minsan pa nga ay naaabutan kong may mga pasa siya sa katawan. Ayaw niya lang sabihin sa akin na si Bryan ang may gawa no’n dahil tiyak na aawayin ko ito. Sinabi kong makipaghiwalay na siya pero ayaw niya dahil masyado niya raw itong mahal. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayokong pilitin si Lilienne sa bagay na labag sa kalooban niya kahit alam kong makakabuti ito sa kanya. Matanda naman na siya at may pag-iisip. At isa pa, baka sabihin ni Bryan na nilalason ko ang isip ni Lilienne upang maisipan nitong makipaghiwalay dito. Kapag nangyari ‘yon ay may posibilidad na saktan niya nga si Lili na ayokong mangyari. Hindi ko alam kung hanggang kailan magpapakamartyr si Lili sa kanya dahil para sa akin ay wala akong makukuha na kahit na ano sa pagiging martyr lalo na kung si Bryan lang din naman ang paglalaanan no’n. Kahapon lang sinabi sa akin ni Sir Alaric ang proposal niya. It’s not actually a proposal but a test if I am worth it to be his secretary. Talagang sinusubukan niya kung hanggang saan ang ipinapakita kong determinasyon sa kanya huwag lamang ako matanggal. Kung tutuusin ay nakakainis talaga ang approach niya sa akin pero tama rin naman siya sa kanyang mga sinabi. Para rin kasi sa akin ay may mga tao naman talagang karapat-dapat sa posisyon pero hindi ganoon ka-competitive pero tama nga rin naman siya na required iyon lalo na at dito sa kumpanya ako nagtatrabaho. Lahat ng mga nag-aapply na empleyado rito sa SGC ay mga competitive na employee. If I am not competitive as they are, hindi nga siguro ako karapat-dapat na maging secretary niya kahit na mayroon akong skills na wala sa ibang tao. Ang hindi ko lang nagustuhan ay para kasing pinapamukha niya sa akin na hindi ako karapat-dapat kung hindi ako competitive. Sa sobrang prangka niya ay hindi man lang niya naisip na i-filter ang mga salitaan niya. Talagang hinamon niya pa ako at parang nanadya. He could approach me in a nice way naman na para bang hinihikayat niya ako na maging competitive dahil ganoon dito sa SGC. Pero hindi eh. Talagang hinamon niya muna ako at pinamukha sa akin na kung hindi ko tatanggapin ay dapat na akong umalis. Gusto ko ngang magwala noong mga oras na ‘yon dahil halata namang sinusubukan niya talaga ang bawat hibla ng pasensya ko. Kaya siguro palaging nagreresign ang mga secretary niya ay dahil ganyan siya. Mabuti na lang at matyaga akong tao at may pagkamahaba rin ang pasensya. Hindi ko rin makakalimutan ang pagtaas niya ng kilay noong mga oras na ‘yon habang kino-corner ako sa sitwasyon. Para bang kaya niya sinabi sa akin iyon ay dahil dalawa lamang ang pagpipilian ko. Iyon ay kung magiging official secretary ba ako o hindi at dahil sa sobrang hirap ng pinapagawa niya. So instead of saying no, I said yes to him. I accepted the challenged with full of determination kahit na walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari. Sabihin na nating isang patibong ‘yon para mapaalis ako sa kumpanya pero papatunayan ko na hindi ‘yon ang magiging dahilan ng pag-alis ko rito. At isa pa, iisa lang naman ang alam ko ngayon at iyon ay kinakailangan kong gawin ang lahat para manatili sa kumpanyang ‘to. Gusto niya na magset ako ng meeting sa Royale. Kaya lang para magawa iyon, kinakailangan mong gawing posible ang isang bagay na imposible. Royale is an international security company. Maraming kumpanya ang naghahabol sa kanila para makipag-set din ng meeting at mabigyan ng chance para i-present ang mga inihandang proposal nila. Kung hindi maganda ang proposal ay duda akong tatanggapin nila ‘yon. They can reject the proposal right away without waiting a number of days. Maswerte na nga kung inabot pa ng isang linggo dahil ibig sabihin ay nagtagal sa mismong table ng CEO nila ang proposal na inihanda, Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung paano ko makakausap ng direkta ang boss nila na hindi ako idinadaan sa secretary niya. Simula kasi nang pumayag ako sa gusto kong gawin ni Sir Alaric, hindi ko na tinigilan ang pagtawag sa kanila dahil pursigido akong ipakita sa kanya na karapat-dapat niya akong maging secretary. Kaya lang sa tuwing tatawagan ko sila ay palaging sinasabi na babalikan na lang o tatawagan ako mamaya kaya hindi na ako naniniwala. Isang linggo lang ang mayroon ako tapos sobrang hirap pa. Mukhang kinakailangan kong puntahan ng personal ang office nila para makausap ng direkta ang boss nila. Hindi pwedeng hayaan ko na lumipas ang araw na wala akong ginagawang paraan. “RGC? Para ba ‘yan sa sinusubukan mong i-close na deal para matanggap ka roon?” muling tanong niya sa akin matapos makita ang makapal na papel na kanina ko pa binabasa. Pagod akong tumango sa kanya. Ikinuwento ko rin sa kanya ang gustong ipagawa sa akin ng boss ko. Hindi pa niya nakikilala si Sir Alaric. Kinukwento ko lang sa kanya palagi ang nangyayari sa office sa tuwing dumarating ako galing trabaho at eto nan ga ‘yon. Umuwi ako na halo-halo ang emosyon ko kung saan ay nangingibabaw ang inis para sa aking boss. Kung hindi lang dahil sa kuya ko ay baka hindi ko na rin talaga siya tyinaga katulad ng mga naging sekretarya niya dahil sa ugali na mayroon ka. Pansin na pansin ko rin ang pag-push niya ng button sa bawat taong nakakasalamuha niya. Hindi ko alam kung hobby niya ba ‘yon o talagang sinasadya niya para malaman kung hanggang saan tatagal ang taong kausap niya dahil sa ugali na mayroon siya. Kung ganoon ang makakasalamuha mo sa araw-araw ay hindi na ako magtataka kung bakit mas maraming hurtful comments tungkol sa kanya sa internet kesa sa positive comments. Kaso si Sir Alaric ata iyong tipo ng tao na walang pakialam sa mga sinasabi sa internet dahil sigurado naman akong aware siya roon at hindi lang siya nagsasalita. “Eh hindi ba kilala silang kumpanya internationally? Natitiyak akong mahihirapan ka riyan,” nag-aalalang sabi sa akin ni Lilienne. Alam niya kung gaano ko kagusto makita ang kuya ko at alam din niya na kaya ko ginustong makapasok sa SGC ay dahil doon. Alam niya rin ang tungkol sa pagpapanggap kong lalaki. Kung tutuusin nga ay ilang beses niya ako winarningan sa gagawin ko dahil baka mapahamak ako. Alam ko naman ‘yon kaya lang desperado na ako makahanap ng impormasyon tungkol sa kuya ko. At isa pa, kung hindi ko talaga magagawa ang simpleng ipinagawa sa akin ni Sir Alaric ay wala nga siguro akong karapatan na pumasok sa kumpanya niya kaya naman ganoon na lang ako kapursigido para magawa ang ipinapagawa niya kahit gaano pa ito kahirap. Biglang bumukas ang pinto na tinutuluyan namin, senyas na nandito na si Bryan. Tinago ko lahat ng mga papel na inuwi ko rito sa gamit ko. Hangga’t maaari ay hindi pwede malaman ng kahit na sino na nagtatrabaho ako sa SGC dahil alam naman ng lahat na puro lalaki lang ang tinatanggap doon. Sa oras na makaabot ang balitang iyon sa nakakataas ay siguradong tanggal na kaagad ako. Si Lili lang ang sinabihan ko nang tungkol sa pagpapanggap ko dahil alam ko ang ugali ng boyfriend niyang si Bryan. Hindi malabong i-blackmail niya ako in the near future sa oras na malaman niya ang totoong ginagawa ko sa loob ng isang kumpanya na kagaya ng SGC. Sinalubong ni Lilienne si Bryan sa may pinto. Medyo nakainom pa ito kung kaya’t wala sa sarili at lumalabas na naman ang masamang ugali nito na siguradong ayaw ni Lilienne na makita ko. Alam ko kasing may tendency siya na nanakit kapag lasing dahil iyon ang sab isa akin ni Lili. Kaya ilang beses ko rin siyang kinumbinsi na kung kaya niya ay patigilin niya si Bryan sap ag-inom dahil hindi naman sa lahat ng oras ay gagawin siya nitong punching bag. Kaya lang naging masamang resulta iyon dahil noong sinabihan siya ni Lili tungkol sa pag-inom ay nauwi iyon sa matinding p*******t at pambubugbog kung kaya’t siya ay nagkapasa at nagkasugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Syempre ako ay galit na galit noong mga panahong ‘yon at gusto na siya ipakulong dahil sa ginawa niyang p*******t. Kaya lang pinigilan ako ni Lili kung kaya’t napilitan akong manahimik na lang sa isang tabi. Hindi niya raw kasi kayang makita na makulong ito kaya imbes na magsalita ako ay nanahimik na lang ako alang-alang sa kaibigan ko. Ang sabi pa niya sa akin ay nagsisisi na raw si Bryan sa ginawa niya kaya hindi na ako umimik pa. Pero para sa akin ay wala ng pag-asa na magbago pa ang ganoong lalaki. At may pakiramdam akong alam ‘yon ni Lili pero nanahimik lang siya at tinatyaga si Bryan. Ngumiti lang siya sa akin ng matipid nang magwala ito at nagpupumiglas. Kahit nagpupumiglas si Bryan ay nagawa pa rin siyang alalayan ng kaibigan ko papunta sa sofa. Kaagad naman siyang nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape para sa kanya. Minsan kong tinanong si Lilienne kung anong trabaho ni Bryan. Ang sabi niya ay nagtatrabaho ito sa pabrika ngunit nalugi raw ito kaya ngayon ay nagsusumikap siyang maghanap ng trabaho pero hindi iyon ang nakikita ko. Kakatanggap lang ni Lilienne sa isang sideline sa karinderya nang mapaalis kami roon kay Aling Belinda. Maliit lang ang kinikita niya roon dahil nga sideline lang naman. Ang alam ko ay balak niya mag-ipon para s akanila ni Bryan pero hindi iyon nangyayari dahil sa panay ang hingi ng pera nito sa kanya. Kapag hindi naman nakakapagbigay ang kaibigan ko ay isang malutong na sampal naman ang natatanggap ng kaibigan ko mula sa kanya. Katulad na lang kaninang umaga. Muntik na naman siyang masampal kung hindi ko naiharang ang kamay ko sa kamay ni Bryan na sasampalin si Lili. Inis naman siyang tumingin sa akin at sinabihan na huwag akong mangialam pero ang sagot ko naman ay mangingialam ako hangga’t nakikita kong siya ang mali at hindi ang kaibigan ko. Nang dahil doon ay walang pasabing umalis si Bryan kanina at iniwan kami ni Lili.  Napapansin ko rin na sa loob ng ilang araw naming pananatili rito ay lagi siyang umuuwi na nakainom. Kung minsan pa nga ay humihingi pa siya sa kaibigan ko ng pera para sa pang-inom niya. Hindi naman makatanggi ang kaibigan ko dahil ayaw niyang mag-away sila. Ayokong mangialam pero kapag nagpatuloy pa ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko naman mapahamak ang kaibigan ko dahil sa kabalastugan na ginagawa ng boyfriend niya. Kung may sapat lang akong pera para makahanap ng bagong matutuluyan ay nagawa ko na para lang mailayo si Lilienne kay Bryan kaso wala akong sapat na pera sa ngayon dahil hindi pa naman ako opisyal na tanggap sa trabaho bilang secretary ni Sir Alaric. Allowance lang ang natatanggap ko para may magamit akong papunta at pabalik sa kumpanya na kailangan ko pang tipirin para mapagkasya ang pangkain namin nila Lili sa araw-araw. Hindi naman kasi kami pwedeng umasa ka Bryan dahil isa pa ‘yon na walang trabaho. Bago ako matulog ay nakagawian ko munang mag-ayos ng bahay. Kaya inayos ko muna ang mga gamit dito at nag-walis ng kaonti. May trabaho si Lilienne kahit sabado at linggo kaya ako lang at si Bryan ang naiiwan dito sa bahay. Ayokong maiwan dahil masama ang kutob ko sa boyfriend niya kaya naman iginugugol ko ang sabado at linggo ko sa paghahanap ng murang malilipatan kapag nakaipon na ako sa allowance. Alam iyon ni Lilienne at naiintindihan niya iyon. Habang nagwawalis ako ay may umakbay sa akin. Hindi na ako nagulat nang malaman kong si Bryan iyon. Namumula pa ang mukha nito dahil sa kalasingan. “Balita ko naghahanap ka ng malilipatan…” mahinang sabi niya sa akin. Bumulong pa siya sa aking tenga kaya tumindig ang balahibo ko. Bahagya ko siyang itinulak at lumayo bago tumango sa tanong niya. “Bakit? Para saan? Hindi hamak na malaki ang kinikita ko. Dito na lang kayo ni Lilienne.” Gusto ko umismid sa kanyang sinabi. Kung malaki ang perang kinikita niya ay hindi na dapat siya humihingi pa ng pera sa kaibigan kong kapos din sap era dahil sideline lang naman sa karinderya ang pinagkakaabalahan niya. At dahil humihingi pa rin siya kay Lili ng pera ay hindi ako naniniwalang ganoon kalaki ang sahod niya o di kaya’y may trabaho talaga siya. “Ayokong umasa sa kinikita mo para buhayin kami ng kaibigan ko. Hindi rin naman kita kaano-ano,” matuwid kong saad sa kanya. “Gusto mo ba maging kaano-ano kita? Bakit kaya… hindi ka na lang makipagrelasyon sa akin? Iiwanan ko ang kaibigan mo para sayo,” bulong niya sa aking tenga habang nakakapit sa aking bewang. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti. Malapit ang mukha niya sa akin at tatangkain na hahalikan ako pero isang matunog na sampal ang natanggap niya mula sa akin. Para tuloy biglang napuno ng galit ang dibdib ko dahil sa mga narinig kong salita na nanggaling mismo sa kanyang bibig. Wala siyang respeto sa kaibigan ko at hindi na rin siya nahiya! Paano natitiis ni Lili ang ganitong tao dahil kung ako siya ay matagal ko na itong hinawalayan noon pa. Bakit ako magtitiis sa isang palamunin na kagaya niya? “Bakit mo ako sinampal?” galit na tanong niya sa akin. Masama na ang tingin niyang ipinupukol ngayon sa akin pero hindi ako natatakot. Kung si Lilienne ay kaya siyang unawain sa kahit anong oras ay ibahin niya ako. Hindi ko alam kung anong nakita ng kaibigan ko sa kanya para hayaan niya itong tratuhin siya ng walang sapat na respeto. “Talagang tinatanong mo ‘yan sa akin?” gulat na tanong ko sa kanya at saka tumawa ng bahagya. Sasagot pa sana siya nang biglang lumapit sa amin si Lilienne at sinaway siya. “Bryan,” suway ni Lilienne sa kanya. “At talagang siya pa ang kinakampihan mo? Nakita mo naman na sinampal niya ako kahit wala akong ginagawa sa kanya!” sigaw niya rito na siyang nagpapikit sa kaibigan ko. “Nakita ko ang ginawa mo. Hindi magagawang magalit ni Willow ng walang dahilan,” giit niya rito. Imbes na hindi magalit ay lalo pang sumiklab ang galit nito na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit siya nasampal ng ganoon. “Eh di magsama kayo ng kaibigan mo! Pesteng buhay naman ‘to!” padabog niyang saad sa aming dalawa at lumabas na ng bahay. Kaagad naman siyang hinabol ni Lilienne para pigilan pero sadyang matigas ang ulo ng lalaki at ayaw makinig. Ano bang nakita ni Lilienne sa kanya? Tsk “Teka Bryan… Saan ka pupunta? Gabi na.” “Sa lugar na wala kayo!” Susundan pa sana siya ni Lili hanggang sa labas pero pinigilan ko siya. “Huwag mo na siyang habulin, Lili. Babalik din iyon dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan bukod dito.” Pagkatapos ng gulong iyon ay maaga naman akong gumising kinabukasan. Naabutan kong naghuhugas ng plato si Lilienne at tila wala sa sarili. Alam niya na hindi naman ako nagagalit ng basta-basta. Marahil iniisip niya na may sinabi sa akin si Bryan na ikinagalit ko dahilan para masampal ko siya. Umalis ako sa bahay pagkatapos ko kumain ng agahan at nagpunta na sa opisina. Hindi ko masyadong nakausap si Lilienne dahil malilate na ako.  Hindi pa naman ako pupwede malate ngayon dahil pupunta ako sa office mismo ng Royale para hanapin at kausapin ang boss nilang si Sir Augustus. Kung hindi nila ako magawang ipakausap sa boss nila through phone, pwes ako na mismo ang kakausap sa kanya ng personal. Ginawa ko ang lahat ng mga kailangan ni Sir Alaric noong umaga kaya naman pagpatak ng alas-dose nang hapon ay kaagad akong umalis at pumunta sa Royale. Ang akala ko ay maaabutan ko si Sir Augustus sa opisina niya pero nagkamali ako dahil may client siyang kakausapin ngayon para sa bago nilang project. Dali-dali tuloy akong pumunta sa parking lot dahil sabi sa akin ay kakaalis lang nito pero hindi ko siya naabutan doon. Inis tuloy akong napasalampak sa sahig habang naghahabol ng hininga. Iisang paraan na lang ang naiisip ko. Kung hindi gumana ang plan A ko, baka gumana ang plan B.  Naghihikahos naman akong umuwi ng bahay pagkatapos dahil tumawag sa akin si Lilienne kanina lang na nasa presinto raw si Bryan at kailangan ng pangpyansa. Nagmamadali tuloy akong pumunta sa presinto pagkatapos ko magbihis dahil iyak ng iyak si Lilienne. Hindi ko masyadong naintindihan ang nangyari. Basta ang alam ko lang ay nanggulo si Bryan sa isang bar at namboso pa ng babae. Nagreklamo ang biktima sa pulis at sinampahan siya ng kaso na kaaagd inapelahan ni Lilienne. Pagkapunta ko sa presinto ay nakita ko kaagad ang kaibigan ko na namumugto ang mata sa kakaiyak, mapalaya lang si Bryan. Wala akong nagawa kundi magpahiram sa kanya ng pangpyansa ni Bryan dahil siguradong hindi ito matatahimik hangga’t hindi siya nakakalaya. Matagal na kaming magkasama kaya kilala ko siya. Pagod akong pumasok sa opisina pagdating ng opisina dahil sa puyat sa nangyari kagabi. “Will!” sigaw ni Sir Justine dahilan para mawala ang antok ko sa tili nito. Nasa kanan ang mahabang bangs nito ngayon habang nakasuot ng white na polo at asul na pantalon. Bitbit niya ang isang shoulder bag gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwa naman ay bagog mainit na kape ang hawak. “Anyare sayo? Puyat na puyat ka?” Umiling ako at tinawanan si Sir Justine ng bahagya. Kapag sinabi ko sa kanya ang nangyari ay tiyak akong mas kukumbinsihin niya lang ako na doon tumira sa kanila. “Wala Sir, may nangyari lang kagabi.” “Baka naman hindi ka nakakatulog doon sab ago niyong tinutuluyan ha? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng bagong matutuluyan. May ekstra naman kasing kwarto roon sa amin. Pwede mo rentahan ‘yon kung gusto mo,” alok niya sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagpatawag ng meeting si Sir Alaric tungkol sa project na sinimulan nilang gawin noong nakaraang buwan. Wala akong alam doon kaya nagsulat na lang ako ng mga importanteng notes habang on-going ang meeting. Pagkatapos ng mahabang meeting na iyon ay bumalik ulit ako sa RGC. Sinundan ko si Sir Augustus hanggang sa makarating ito sa tapat ng sasakyan niya. When I am about to approach him, someone pointed his gun at me. Hindi tuloy ako makakilos at makapagsalita dahil alam kong isang galaw ko lang ay pwede akong mamatay. Wala akong nagawa kundi ang titigan si Sir Augustus na inilagay ang gamit sa sasakyan bago lumingon sa akin. “Gabriel, you can let him go.” “Pero Sir…” Ibinaba noong Gabriel ang baril niya at pinakawalan ako. Nakangiting tumingin sa akin si Sir Augutus. Bakit ba ngayon ko lang narealize na kagaya ni Sir Alaric ay may mga nagbabantay din sa kanya. “Are you Alaric’s secretary?” Tumango ako. “I’m here to talk to you about the meeting.” “You should talk to my secretary then.” “Pero ginawa ko na iyon. Palaging ang sinasabi ay babalikan nila kami para sa schedule pero narealize ko na isang robot na lang ang nakikipag-usap sa akin sa telepono.” Narealize ko ulit iyon nang tawagan ko ang secretary niya. Magkaibang-magkaiba ang boses na ‘yon sa totoong boses ni Sir Raymond. Kaya siguro ang iba ay nawawalan na ng pag-asa na makipagset ng meeting sa Royale dahil doon. Bakit ng aba kasi isang robot ang nakikipag-usap sa amin? Paano na lang kung importanteng client iyon? Kumunot ang noo niya sa akin. “How did you know that it was a robot?” “Well. I recognize the voice of your secretary and compared it to the robot that I’ve been talking for a past few days now,” sagot ko naman sa kanya. Sa totoo lang ay matagal-tagal din bago ko narecognize na robot pala ang kausap ko. Mabuti na lang at nirerecord ko ang bawat tawag kaya nai-compare ko ang dalawang magkaibang boses. Tumawa si Sir Augustus at napailing. “Wala pang gumawa no’n maliban sa’yo,” nakangiting wika niya sa akin. “I like you. I will call Raymond about this.” Ilang beses ako nagpikit-mulat dahil sa narinig ko. Alam kong halata pa rin sa mukha ko ang gulat. “Is that a yes, Sir?” “Yup.”  Tumingin siya sa bodyguard niyang si Gabriel. “You can give your number to Gabriel para maibigay niya iyon kay Raymond.” “Sir…” Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya gamit ang malalamig kong mata. “That trick won’t work on me. I made my research.”  Muli akong nakatanggap ng tawa mula sa kanya at pagkatapos ay umiling. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang telepono at pagkatapos ay nagdial. “Raymond. Set a meeting with Samaniego Group of Corporation.” “I changed my mind. Alaric found a new secretary.” Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi hanggang sa ibaba niya ang tawag. “Thank you, Sir,” pormal kong sagot sa kanya. Tumalikod na ako dahil tapos na ang trabaho ko rito. I made sure that he called Raymond, his secretary to set a meeting with us. Kung hindi ko ginawa iyon, paniguradong balewala lahat ng pinaghirapan ko. “What is your name again?” tanong ni Sir Augustus na nagpatigil sa akin sa paglalakad. “Willow.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD