Chapter 04Nag-inat-inat muna ako bago tuluyang pumasok sa opisina ni Sir Alaric para ibigay iyong ipinabibigay sa kanya ng HR. Nagsisimula na naman kasi manakit ang likuran ko dahil ilang araw na kami natutulog ni Lili roon sa sauna.
Pagkatapos ko mag-inat ay saka ko inayos ang sarili ko at saka pumasok na sa loob ng opisina. Sa katunayan nga, si Sir Justine dapat ang pupunta mismo sa opisina pero marami pa itong ginagawa kaya hindi niya ito mapuntahan. Bukod doon, medyo rush din dahil kailangan iyong pirma ni Sir Al doon sa documents. Kaya si Sir Justine na ang nagpakiusap sa akin na ako na lang ang magpapirma tutal ako naman ang secretary niya.
“Good morning, sir. Eto po iyong documents na pinapapirmahan sa inyo ni Sir Justine,” wika ko sa kanya. Tumango lang siya kung kaya’t pumasok na ako ng tuluyan sa loob at saka lumapit kay Sir Alaric. Abala kasi ito sa pag-type sa kanyang laptop. Nakita ko pa itong nakasuot ng kanyang eye-glasses na pang-nerd ang style na bumagay naman sa kanya.
Nakasuot ito ng kulay maroon na long-sleeve at pants habang sa ilalim naman nito ay puting teeshirt. Imbes na magmukha siyang respetadong CEO ay mas nagmukha siyang artista ngayon sa aking paningin. Kulang na nga lang ay camera at aakalain mong nasa isa siyang photoshoot dahil sa lakas ng dating niya kahit nakaupo lang siya sa mesa habang may ginagawa.
Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanya. Sandali niya akong tinignan. Nginitian ko siya pero wala akong natanggap na kahit anong reaksyon mula sa kanya. Mabilis kong ibinigay sa kanya iyong documents na pinapapirmahan sa akin ni Sir Justine.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ayokong sundin iyong sinasabi ng instinct ko lalo na at hindi ko pa naman masyadong kilala si Sir Alaric. Maraming nagsasabi na walang pakialam si Sir Alaric sa mga nagiging empleyado niya. Ang sabi pa ng iba ay ginagawa nito ang kahit anong gusto niya na hindi inaalala ang nararamdaman ng iba. Pero pakiramdam ko ay hindi iyon totoo.
Kung hindi siya nag-aalala sa mga empleyado kagaya ng sabi ng iba, hindi niya siguro aabalahin si Sir Justine na tawagan at tanungin kung nakabalik na ako. At katulad nga ng sinabi ni Sir Justine sa akin kahapon ay iyon ang unang beses na mangyari. Alam ko na si Sir Alaric iyong tipo ng tao na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya unless it would affect him. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang gulat ng iba dahil hinahanap niya ako. Hindi na ako magtataka kung makakarinig ako ng mga tsismis sa kanila na hindi iyon kailanman nangyari hanggang sa dumating ako rito.
People misunderstood him because of the way he talks and treat other people. Nakalimutan na ata ng tao na mas klarong sagot ang actions kesa sa purong salita lamang. Hindi ko rin naman mapapagkaila na sadyang mahirap basahin ang kagaya ni Sir Alaric pero naiintindihan ko rin kung bakit siya ganoon. He’s aloof and temperamental. Mahirap talagang basahin ang mga ganoong tao na may ganoong pag-uugali.
Napakurap-kurap ako nang ilahad na niya sa akin pabalik ang dokumentong pinapapirmahan ko sa kanya. Umangat ang tingin niya sa akin nang mapansin niya na hindi ko pa ito kinukuha.
"Kukunin mo ba o hindi?" masungit niyang wika sa akin. Doon ko lang naintindihan ang sinasabi niya kaya mabilis kong kinuha iyon habang kinakabahan. Nakaangat na naman kasi ang isang kilay niya habang masamang nakatingin sa akin.
Yumuko na ako at maglalakad na sana palabas ng kanyang opisina nang bigla siyang magsalita na siyang ikinalingon ko.
"Come with me later. I have a meeting. I need my secretary there,” malamig niyang wika sa akin. Tumango naman ako at saka lumabas na ng kanyang opisina. Nagmamadali akong tumakbo ng IT Department para ibigay kay Sir Justine ang pinapapirmahan niya. Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil nandoon siya sa table niya at nakaupo habang nakaharap sa kanyang laptop.
Ayoko sana siya istorbohin dahil mukhang abala siya sa kanyang ginagawa kaya lang kanina pa niya kailangan ito. Ganito pala si sir kapag focus na focus sa trabaho. Kung sabagay, hindi naman siya malalagay sa position na head ng IT Department kung wala siyang ganoong characteristic.
Lumapit ako sa kanya at maingat na tinapik ang kanyang balikat.
“Sir Justine, eto na iyong kailangan mo. Napirmahan na ‘yan ni Sir Al,” wika ko sa kanya. “Naku! Salamat naman. Kanina pa kasi ito hinihingi sa akin eh,” sagot naman nito sa akin. Umalis na ako sa department at bumalik sa pantry para ihanda ang kape ni Sir Alaric. Mamaya pang alas-dos ang meeting niya kasama ang board members. Balita ko ay marami silang pag-uusapan dahil ipinaliwanag na iyon ni Mrs. Jang sa akin kanina. May ilang oras pa rin akong natitira bago ang meeting na ‘yon para kumain ng lunch at tapusin iyong ibang pinapagawa niya.
Binilisan ko na ang kilos. I get rid the things that makes me easily distracted. Maayos kong inayos ang table ko at itinago ang mga hindi ko kailangan sa aking lamesa sa drawer at pagkatapos ay sinimulan na ang trabaho.
Pumatak ang alas-dos ng hapon. Kumaripas ako ng takbo sa opisina para sabihan siya na nandoon na lahat ng tao sa board room. Ito ang unang beses na makakapunta ako sa isang meeting kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari roon. Basta ang alam ko ay kinakailangan ko magtake down ng notes at ng mga agenda na masasabi sa meeting at ayusin iyon pagkatapos.
"Sir, nasa conference room na po sila,” wika ko sa kanya.
Isang matipid na tango ang isinagot sa akin ni Sir Alaric. Tinitigan ko siya. Binitbit naman niya ang kanyang laptop at saka naglakad papunta sa pinto, palabas ng kanyang opisina nang tawagin ko siya.
Kinunotan niya ako ng noo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang kinakabahan. Nanginginig akong inabot ang kanyang gusot na long-sleeve at inayos iyon upang magmukha siyang presentable. Not that he’s presentable but I just want him to look good.
Sa bawat pag-aayos ko ay ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig niya sa akin na para bang binabantayan ang bawat kilos ko. Para tuloy akong hindi makahinga kaya binilisan ko na ang aking kilos. Nang matapos ko iyon ay saka ako umatras bago inagaw sa kanya ang dala-dalang suitcase.
Nauna siyang lumabas ng opisina habang ako ay nakamasid at nakasunod lang sa kanya. Nandoon na lahat ng major investors sa loob ng conference room nang pumasok kami ni Sir Alaric doon. Syempre kahit ito ang unang beses na makaatend ako ng ganitong meeting ay nagresearch din naman ako kahit paano para may alam ako.
"Let's begin," rinig kong sabi ni Sir Alaric sa kanila. Pito ang bilang ng taong nasa board room, kasama na roon si Sir Al na ngayon ay nakaupo sa pinakadulo habang pinapakinggan ang nagsasalita sa unahan.
Seryoso lang itong nakatingin sa presentation na para bang may malalim na iniisip. Kasalukuyang ipinapaliwanag ng head ng taga-Marketing Department na si Sir Henry ang sales ng kumpanya. At base sa nakikita ko ay tumaas ito hanggang sa nakaraang buwan kaya walang problema sa sales.
After that presentation, diniscuss din ni sir ang project ngayong taon. They are preparing to upgrade their security systems and release new gadgets. At dahil dito ay mas ginanahan ang investors na mag-invest pa ulit para sa susunod na project ng kumpanya matapos sabihin ni Sir Alaric ang mga plano para sa SGC.
Mukhang magiging abala ang kumpanya sa natitirang buwan.
Pagkatapos ng meeting na iyon ay nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang pwesto. As usual, nakasunod ang ilang body guard ni Sir Alaric sa kanya at isa na nga rito si Zevron na parang nagulat pa ata nang makita ako.
Hindi niya siguro alam na natanggap ako sa pagiging secretary ni Sir Alaric matapos akong tanggalin nito sa pagiging body guard.
Nasa desk ako at abala sa pag-aayos ng appointments at meetings ni sir nang ipatawag niya ako sa loob. Nagmamadali tuloy akong pumasok sa loob ng opisina niya.
“Sir, bakit po?” tanong ko sa kanya.
“Study these terms and make a presentation. I need it on Monday,” mabilis niyang saad sa akin bago ibinigay sa akin ang folder.
“Lahat po ito?” naniniguro kong tanong sa kanya dahil baka nagkamali lang siya ng bigay sa akin. Makapal iyong folder. As in sobrang kapal. Marami rin akong nakikitang sticky notes na iba’t ibang kulay nang pagmasdan ko ito. Matatapos ko kaya ‘to? Thursday na ngayon at kailangan na niya ito sa lunes.
Binuksan ko ang folder. Isang malaking ‘Red Wolf Security’ ang bumungad sa akin.
“Red Wolf Security? Hindi ba ito iyong famous na computer system na sinubukan ihack ng mga suspect pero imbes na mahack, naging baliktad ang sitwasyon dahil ang system ang nakahanap sa kanila kung saan nila ginawa ang panghahack?” mahabang litanya ko sa kanya.
Pinag-usapan ito ng mundo at halos lahat ng media ay alam ang kwentong ito. May hinahack kasi na malaking system ang mga suspect na ‘yon at kakalabas lang ng Red Wolf Security no’n sa merkado kaya masyado itong minaliit ng mga tao. Inspired lang naman kasi ang RWS sa isang security system na hindi naman ganoon pumatok sa bansa. Bukod pa roon ay hindi rin ito masyadong kilala pero para sa mga kagaya ng kapatid ko na mahusay sa mga ganito ay alam niya kung gaano kahusay ang isang system na katulad nito.
“Yes.” Tumayo muli siya at lumapit sa akin. “It was release four years ago. Unang achievement ng SGC.”
“SGC po?”
“Yes. Samaniego made that.” Tuluyan ng umawang ang labi ko. Kung ganoon, hindi malabo na nagkrus ang landas ni kuya at ni Sir Al dito sa kumpanya. Kilala niya kaya ang kuya ko?
Hindi lingid sa kaalaman ko pero si kuya ang gumawa noong Red Wolf Security. Iyon ang first project niya sa SGC na siyang ipinagmamalaki niya sa akin at ipinagmamalaki ko rin sa ibang tao. Kaya ang dahil sobrang bumida ang security system na ‘yon ay marami rin nagtangka na magnakaw no’n. Kaonti lang ang nakakaalam na si kuya ang gumawa dahil sigurado ng ana magsisilabasan ang mga magtatarget kay kuya at nagkatotoo nga ‘yon. Isang pen name na pangalang ‘Lockhart’ ang ginamit ni kuya nang ipublish ang RWS kaya walang masyadong nakakaalam na si kuya ‘yon.
Ang suspetsa ko nga ay may nakaalam na si kuya ang gumawa no’n kaya hindi na siya nakabalik. Hindi rin nakaligtas sa akin ang posibilidad na baka nakidnap na si kuya noon at may nangyari nang masama sa kanya. Sinubukan ko magtanong-tanong at magresearch pero parang literal na naglaho na parang bula sa internet ang impormasyon tungkol sa kapatid ko. Inisip ko nga rin kung sinubukan ba na hanapin ng SGC ang kapatid ko dahil parang wala akong nabalitaan na ganoon sa TV noon.
“What are you looking at?” Mabilis akong umiling at pagkatapos ay yumuko na. Siguradong magtatanong siya kapag sinabi ko ang tungkol sa kuya ko kung sakaling kilala niya ito. Ayokong pagdudahan niya ako dahil alam ko kung gaano kahirap kunin ang tiwala ng isang tao. Nagpaalam na ako na lalabas na ako ng opisina nang magpatimpla siya sa akin ng kape. Nagmamadali tuloy akong pumunta sa pantry pagkaiwan ko noong makapal na folder sa desk ko para ipagtimpla siya ng kape. Sabi sa akin ni Sir Justine, ang gusto daw na timpla ni Sir Al sa kape ay iyong mapait pero matamis ng kaonti.
Bumalik ako sa office niya na may dalang kape pagkaraan ng ilang minuto. Tahimik kong ibinaba iyon sa table niya at pagkatapos ay umalis na. Bumalik naman ako sa desk ko para simulan kong pag-aralan ang Red Wolf Security na pinapaasikaso niya sa akin.
“Willow,” masayang tawag sa akin ni Sir Justine.
“Bakit po?” tanong ko sa kanya. Abala ako sa pagbabasa nang dumating si Sir Justine at tinitignan ang office ni sir kung may ginagawa ba ito o wala. Kaya lang kagaya kanina ay nakatitig pa rin ito sa kanyang laptop at mukhang seryosong-seryoso.
“Napirmahan ba?” tanong niya sa akin. Bahagya akong umiling. “Busy pa siya kaya lahat ng mga pinapapirmahan, nasa table pa eh.”
May pinapirmahan na naman kasi siya kay Sir Alaric at may ipapaconsult din sana. Pero dahil abala si sir y iniiwasan na may mang-istorbo sa kanya lalo na at kanina pa siya hindi lumalabas sa kanyang office simula nang matapos ang meeting sa mga investors.
“Ah. Gano’n ba?” Muli akong tumango sa kanya. Nakita naman niya ang binabasa kong folder at sinisimulan i-summarize para mas maintindihan ko lahat ng nakalagay.
“Red Wolf Security?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. “Pinapagawan ni Sir ng presentation sa akin.,” sagot ko naman sa kanya.
“Ahh. Malapit na naman kasi ang meeting sa Royale kaya pinapag-aralan na naman niya ‘yan.”
“Meeting sa Royale?”
Ang simpleng tanong ay nauwi sa mahabang tsikahan. Kung hindi lang tinawag si Sir Justine sa IT Department ay baka may nalaman pa ako. Matagal na palang nakikipagcollab si Sir Al sa Royale Group of Corporation. Isa rin silang Security Company katulad ng SGC. Ang kaibahan nga lang ay International na sila at marami na silang narating. Maraming nakikipagcollab sa kanila pero wala ni isa ang naging successful sa mga deals nila sa Royale.
Isa nga naman malaking achievement sa SGC kapag naclose ang deal sa Royale. Naging malaki rin issue noong malaman na hindi naclose ni Sir Al ang deal nila sa Royale lalo na sa pamilya niya. Kaya pala ganito na lang siya kasobrang focus dahil alam niyang kailangan niya na talaga ma-close ang deal. Lalo tuloy akong naging determinado na pag-aralan ng mabuti ang Red Wolf Security. Naisip ko rin na magkaroon ng karagdagang research tungkol sa mga system na nagawa ng RGC nang sa ganoon ay magkaroon kami ng ideya kung paano maisasarado ang deal.
Wala akong masyadong alam sa security na ginawa ng kapatid ko pero nagkakaroon na ako ng ideya kung bakit hindi pumasa ang deal na ginagawa ni sir sa RGC. Nakalagay kasi sa folder na ‘yon kung anu-ano ang mga proposal na ipinasa nila sa RGC na may malaking reject ana tatak doon.
Marami pang sinabi sa akin si Sir Justine kanina tungkol sa RGC. Na mas mapapadali raw ang buhay ko kung gagawa ako ng tamang research sa kanila. Hindi lang ‘yon dahil matutuwa rin daw si Sir Alaric kapag nagawa ko ‘yon. Kaya lang ang isa ko pang problema ay marahil sobra nang pamilyar si sir sa RGC dahil ilang beses na siya nagpasa ng proposal doon pero rejected pa rin. Kailangan ay mas malaman akong bago na hindi nila alam.
Pumunta ako sa CR ng mga lalaki at nagkunwaring papasok dahil naiihi ako. Nakita ko pa nga si Zevron na lumabas kaya kinabahan ako. Hinintay ko muna siyang umalis at mawala ang mga tao sa hallway bago lumipat sa CR ng mga babae sa kabila. Nang makaCR ako ay saka ulit ako pumunta sa CR ng mga boys at nagkunwaring kagagaling lang doon.
Bumalik ako sa office ni Sir Al dahil imbitado siya sa party ng Cortez Empire. Ayon sa invitation na ipinadala through email ay Anniversary Party iyon ng Cortez Empire na siyang ginagawa taon-taon.
“Sir Al, nagpadala po ang Cortez Empire ng invitation through email,” sabi ko nang makapasok ako sa loob ng office niya. Tamad siyang sumandal sa kanyang swivel chair at tinignan ako.
“Reject it.”
“Po?”
“Reject the invitation. I have something important to do that day.” Tumango ako at pagkatapos ay isinulat iyon sa notebook na palagi kong dala.
Paalis na sana ako nang tawagin muli ni Sir Al ang pangalan ko.
“May ipag-uutos pa po ba kayo?” tanong ko sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at humakbang papalapit sa akin. Sumandal siya sa kanyang lamesa habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
“I have a proposal for you,” seryosong wika niya sa akin. Medyo kinabahan naman ako dahil ito ang unang beses na nagsabi siya ng ganito sa akin. Ano naman kayang proposal iyon? Sana ay madali lang para hindi ko na masyadong isipin pa.
“P-Proposal sir?” Tumango siya sa akin. Lumabas ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
“Set a meeting with Royale,” seryosong utos niya sa akin.
“Iyon lang po ba? Sige po— “Do it within one week.” Napanganga ako sa sinabi niya. One week? Tama ba ang narinig ko? Ang hirap-hirap tumawag sa kanila. Laging on the process or tatawagan na lang pabalik tapos gusto niya one week?
“If you failed, then you’re fired,” dagdag pa niya sa kanyang sinabi na lalo kong ikinanlumo. Alam kong alam niya kung gaano kahirap magset ng meeting sa RGC. Syempre given na iyon dahil nga international sila. Maraming gusto makipagcollab sa kanila kaya lang ayon sa mga nabasa ko, kapag hindi kainteresante ang proposal o ang mismong kumpanya ay iri-reject na kanila kaagad ‘yon tapos gusto niya one week? Iyong iba nga ay sumusuko na lang eh.
“But if you succeed, you will become my official secretary. I won’t fire you until you give me your resignation letter. And you will have all the benefits that SGC give to their employees,” mahabang litanya niya sa akin. Kahit na nakakatempt ang mga sinabi niya sa akin ay papalpak pa rin ako. Mahirap makipagkumpetensya dahil hindi lang naman kami ang kumpanya na gusto makipagcollab sa kanila. Marami kami.
“P-Pero Sir, parang imposible naman po iyon. Marami pong tumatawag sa kanila,” mahinahon kong paliwanag sa kanya. Akala ko ay maiintindihan niya ang sinasabi ko lalo na at siya ang boss. Alam kong alam niya na imposible ang gusto niya pero si Alaric Jace Samaniego nga pala itong kausap ko.
“Hindi mo kaya? Then you’re not worth to be my secretary. If you can’t do it then take all your things with you and you’re free to go. I don’t need incompetent employee here on my office.”
Tinitigan ko siya at ilang segundo rin nanahimik. Talaga bang sinusubukan niya ang kaya ko gawin? Kung sabagay tama siya. Maraming tao ang gusto maging secretary niya kahit gaano pa kasama ang ugali niya. Kaya lang hindi ko maiwasan makaramdam ng inis sa sinasabi niya ngayon. Hindi ko lang naman ito ginagawa para sa sarili ko kundi para hanapin ang kapatid ko na minsan ng nagtrabaho rito. Hangga’t hindi ko nakikita si kuya, hindi ako pupwede sumuko.
“Go. Take all your— “I will do it, Sir.”