Chapter 10 “S-Sir Alaric?” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Bryan. Ibinalik niya muli ang tingin dito at tinanong. “What are you doing to my secretary?” “Ha? At sino ka naman? Taga-ligtas ng taong ‘yan? Bakit ba ang daming nangingialam sa inyo eh away naman namin ‘tong magsyota! Pinapabalik ko lang itong si Lilienne sa bahay pero ayaw na niya at tinakot pa akong magsusumbong siya sa pulis!” “H-Hindi na ako babalik sayo, Bryan.” Kung naiiba lang ang sitwasyon ay sigurado akong nagtatalon ako sa tuwa ngayon sapagkat natauhan na rin sa wakas ang kaibigan ko. Pero hindi koi yon magawa bagkus ay kinakabahan pa nga ako dahil baka may masabi si Bryan na magbubuking sa katauhan ko. “Anong hindi? Hindi ako makakapayag. Pagkatapos