Chapter 11“Talaga bang nag-good morning sa atin si Sir kanina?” tanong ni Sir Christian sa akin. Kasalukuyan na kaming nagla-lunch ngayon dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaget-over sa pagbati sa amin ni Sir Alaric ng good morning dahil sa ilang taon niyangh pagtatrabaho rito ay ito ang unang beses na narinig niyang bumati si sir. “Maganda siguro ang gising ni Sir kanina,” sagot ko sa kanya. Umiling siya sa akin. Ginalaw niya pa ang hintuturo niya na parang hindi sumasang-ayon sa sinabi ko. “No. Diyan ka nagkakamali, Willow. Kahit maganda pa ang mood ni Sir, hindi ko siya narinig na bumati ng ganoon. Something happened. And I am sure it’s because of Ms. Aleandra,” wika niya sa akin. “Ms. Aleandra? Iyong personal doctor ng Sir?” takang-tanong ko sa kanya. Tumang