Chapter 9
-Jamil-
Nagliliparan ang mga papel sa kuwarto ni Jax ng pumasok kami ng mga kapatid ko at ni Daddy. Nakita rin naming ang bago nitong secretary na umiiyak dahil hinagis lahat sa mukha nito ang mga dokumento na gustong papirmahan nito sa kanya.
Naging maiinitin ang ulo nito mula ng umalis si Marie ang babaeng naging sunodsunuran dito ng ilang taon. Naglaho na lang ito ng parang bula at wala nakakaalam kung nasaan nga ba ito.
Ang totoo ako man ay naiinis at nagagalit dahil sa hanggang ngayon ay tuluyan ko na ring hindi nakita si Gemmalyn, kahit anong gawin kong paglolocate dito ay wala akong malaman kung nasaan ang dalaga.
Naisip kong sabay pa kami ng pinagdadaanan ni Jax, pero ang pinagkaiba namin ay ang kanya ay alam ng buong pamilya, samatalang ang sa akin ay walang nakakaalam. Ayokong sumabay sa maraming iniisip ni Daddy at Mommy, dahil sa nakikita nila kay Jax ngayon at natitiyak kong pinakikilos na ni Daddy ang lahat ng koneksyon nito.
“Dude, stop it because your secretary is not to blame for what you are going through, so please don't blame her for your nonsense.” Inis na sambit ni Jehem at saka tinulungan ang babae na pulutan ang mga papel na nagkalat sa sahig. Kumindat pa ito bago pinalabas ang dalaga, napapailing na lang talaga ko sa pagiging babaero nito.
“Son, better if you go on vacation first Jax, I'll take care of your other business first.” Komento ni Daddy dito.
“Don't worry, Daddy, I can still work. Then my secretary was just stupid so I scolded her. But I'm fine, don't worry about me.” Sagot nito pero ang mata ay nakakatutok pa rin sa computer.
Nagkatingin naman kami nila Daddy at nagkibit balikan na lang din ako para ipaalam sa mga ito na hayaan na lang din naming muna si Jax sa gusto niya.
“Ok, but if you need help, just call me, or your brothers.” Sambit ni Daddy at saka tumayo na para umalis.
“Get your lives in order because, I don't want to see your Mommy worry about you. Your mommy has been through a lot, so please give her happiness. It's not just the problem you're giving her.” Galit na salita ni Daddy bago tuluyang umalis ng office.
Sa pagkakataon yong alam na naming na may alam na si Daddy sa kung ano ang nangyayari sa amin. Magaling si Daddy sa maraming bagay kaya hindi ka pwdeng maglihim sa kanya lalo na kung tungkol sa mga babae ang problema. Napatingin naman ako sa mga kapatid ko at mukhang iniisip ang sinabi ni Daddy. Tumayo na ako dahil may lunch meeting pa ako.
Sumabay naman sa akin si Jehem at Julo, iniwan naming walang kibo si Jax pero alam naming tinamaan ito sa sinabi ni Daddy kanina lang. After ng meeting ko ay dumarecho na ako sa condo ko para magpahinga na ng may matanggap akong text mula sa isang unknown number. Hindi ko na lang sana ito papansinin pero isang litrato ang pinadala nito sa akin.
Isang babaeng buntis at masayang nakikipagtawan sa mga kababaihan sa paligid nito, pero napahawak ko ng mahigpit sa cellphone ko ng makilala kung sino ang babaeng buntis at laking gulat ko ng makita si Gemmalyn ang buntis at natitiyak kong malaki na ang tiyan nito. Mabilis kong inadial ang number pero out of service na ang sim, mukhang ginamit lang ito para ipadala sa akin ng litrato.
Mabilis akong lumabas ulit condo ko at tinawagan ko si Aries para magkita kami sa hideout ko. Dapat kong malaman kung san kuha ang litrato at kung totoong buntis nga ito. Nang makarating ako sa lugar ay naghihintay na sa akin si Aries, hinagis ko ang phone ko dito at mabilis rin naman nitong nasalo.
“Trace where the picture came from and I want to know where it is.” Sambit ko dito ng makuha nna nito ang phone ko, naupo naman ako sa isang upuan at saka lumagok ng alak. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Tumango naman ito sa kin at saka kumilos ay umupo sa isang compter, isa si Aries sa pinakamamagaling kong IT kaya alam kong malalaman nito ang lugar.
Napabuga pa ako ng usok na mula sa sigarilyo at nakailang lagok na rin ako ng alak ng makita kong papalapit na sa akin si Aries at pinabalik ang phone ko, pero makikita sa mukha nito ang kabiguan. Pero tinigan ko lang ito at hinantay ang paliwanag.
“I'm sorry Master, I can't locate where the picture is from, because the device I'm using can't read the place. No location appears every time I try to locate the place. I'm really sorry Master.” Kinakabahan nitong paliwanag sa akin. Dahil sa inis ay binalibag ko sa pader ang cellphone ko naghiwalay-hiwalay ang mga parts nito.
“Did you find any clue? Is there even a small area where we can start searching?” Tanong ko dito ng hindi ito tinitignan.
“The closest place I can see is Samar province, but nothing appears in the exact place there.” Sagot nito kaya naman napatingin ako dito at napangiti sa aking isipan. Ngayon pwde akong magsimula sa lugar na yon at iisa-isahin ko ang bawat isla na meron don.
At kahit bilhin ko pa ang buong isla ay bibilhin ko makita ko lang ang dalaga at kapag nasigurado kong buntis ito at itinago sa akin ang aking anak ay ikukulong ko ito sa kuwarto ko para parusahan na alam kong hindi niya kayang tanggihan.
Ang mga tao ko ang kumilos sa lahat ng paghahanap halos lahat ng sinabi ko ay ginawa ng mga ito, hinanap nila sa buong lugar kung saan pwdeng makita si Gemmalyn. Pero halos abutin ng taon ay wala silang nakita kahit na ang anino nito. Kaya ngayon ay nagpupunyos ako s agalit dahil wala akong makitang linaw na pwde ko ng makita at makasama ang dalaga.
Lahat ng isla don ay napuntahan at nakita nila ang lugar pero wala talaga, at ngayon nga ay maglilimang taon na ang nakakaraan ay wala pa rin nakakapagsabi sa akin kung nasaaan ito. Sadyang magaling itong magtago at mahusay sa paglalaro.
Hindi ako makapaniwala na isang babae ang magpapaikot sa akin ng ilang taon. Bukod tangi itong nagbibigay ng sakit ng ulo ko at puson.
Nagigising kasi ako minsan na may humihimas sa alaga ko, pero paggising ko ay wala naman, kaya ang ending ay iniimagine ko ang mukha nito habang ng mamaryang palad muna ako sa bangyo.