THE SECRET ISLAND

1195 Words
Chapter 8 -Gemmalyn- Kasalukuyan akong naggagamot ng tama ko ng baril ng bigla akong naduwal ng hindi ko alam kung bakit, basta nagtatakbo na lang ako sa sa may lababo at nnagsususka don. Bigla rin ako nakaramdam ng hilo at wala rin naman akong sinusuka kung di tubig at laway ko lang ang lumalabas. Napahilamos ako at tumingin sa salamin dito sa loob ng kuwarto. Nakatingin lang ako ng may biglang pumasok sa isip ko at kinalaki ng mata ko, napatakip rin ako sa aking bibig dahil sa mukhang tama nga ang aking iniisip nahimas ko rin ang puson para makiramdaman kung totoong meron nabubuhay don. At tumulo na lang ang aking luha ng malamang totoo ngang buntis ako. Kahit hindi pa ako nagpapacheck up ay alam kong tama na ang hinala ko at natitiyak kong buntis nan ga ako. Hindi ko naman ako nakaramdam ng kahit na anong galit para sa magiging anak ko, kaso nag-aalala lang ako kung magiging mabuti akong ina sa kanya lalo pa at hindi ko kayang harapin ang ama nito. Napaluha ako ng hindi ko namamalayan, dahil dahil sa kumikirot na sugat ko. Kung hindi dahil sa kung paanong may mangyari sa aking malala at maapektuhan ang baby sa aking tiyan. Si Jamil ang unang lalaking nakatabi ko at ama ng magiging anak ko, pero hindi pwde dahil malaking gulo kapag nalaman nito kung sino ako. Naalala ko pa ang huling gabi na nakasama ko ulit ito, wala akong nagawa sa tuwing aangikin nito ang katawan ko. Parang may sariling pag-iisip pa ang katawan ko at nagagawa nitong sumunod sa bawat paghalos ng kamay sa akin ni Jamil. Kasalanan ko rin naman ito kaya alam kong ako lang din ang dapat sisihin sa lahat ng mga nangyayari sa amin. Kinabukasan ay pinatawag na kaming lahat sa hide out ni boss queene, nagsuot na lang ako ng malaking jacket at naupo sa pinaka dulo ng sofa. Nakikinig lang ako sa paliwanag nito sa amin at sa kung anong plano nitong pagpasok sa kuwarto ni Jax De Lana para maangkin na nito ang binata. Nalaman na rin kasi ng binata kung ano ang tunay nitong pagkatao, ang sabi niya ay pagkatapos nito ay pwde na raw muna kaming magpahinga sa pagsunod sa mga De Lana. Iyon din kasi muna ang plano ko, balak ko rin sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin o hahayaan ko na lang na malaman nila ang totoo sa tamang panahon. Nasa ganoon akong pag-iisip ng sikuhin ako ni Nicole para itanong kung hindi pa raw ba kami aalis, lahat pala sila ay nakatayo na at ready na rin. “Pasensya na kumikot kasi ang sugat ko kaya hindi ko gaanong narinig na aalis na pala tayo.” Pagdadahilan ko na lang dito. Napatingin naman sa akin si boss queene at saka sumenyas na aalis na talaga kami. Nang gabing iyon ay ginawa ni boss queene ang lahat para masiguradong magkakaanak siya sa binata, kami naman ay naghihintay lang ng tawag mula dito. At paglipas pa ang ilang oras ay naayo na rin naming ang lahat para isipin ng binata na wala talagang nangyari at panaginip lang ang lahat. “Anong plano n’yo ngayon, sabi ni boss queene maghitigil na lang muna tayo sa mga ginagawa natin, ibig bang sabihin non pwde na tayong makaroon ng boyfriend o asawa.?” Tanong ni Nicole habang nasa loob kami ng kotse at pabalik ng hide out. Walang sumagot sa aming dalawa ni Mich, dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang isasagot. Umalis na si boss queene at kami lang ang sinabihan nito sa kung saan ito pupunta, pagkalipas ng ilang buwan ay binalita nitong buntis na siya at triplets ang magiging anak nila. Sakabilang banda naman ay nagpunta ng ibang bansa sina Mich at Nicole, nagliwaliw ang dalawa at talagang inubos ang kanilang ipon sa pamamasyal sa ibang bansa. Ako naman ay nagpunta at bumili ng isang isla sa samar dito ko na rin naisipan na ipanganak ang aking anak. Babae ang maging anak ko kaya masayang masaya ko dahil alam kong magkakaroon ako ng kakampi paglaki nito. Ilang buwan na lang din ay magaganak na ako, kaya talagang nagiging maingat na ako. May mga tao rin naman ako dito na pwdeng magbantay at utusan para sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. Ang totoo ay kinatatakutan ang islang nabili ko pero naisip kong mas maganda kung matatapang ang magiging tauhan ko at kayang ipagtanggol ang pag-aari ko. Pero hindi naging madali na mapapayag ko ang mga tao dito, nagkaroon pa ng labanan pero sinugurado kong ako ang mananalo dahil na titiyak kong manganganib ang buhay naming mag-ina kung matatalo kami sa laban. Mabuti na lang ay hindi gaanong hasa sa pakikipaglaban ang pinuno ng mga ito kaya naman naging madali ang lahat sa akin. Andito ako ngayon sa mansion na pinatayo ko at nakatanaw sa asul na karagatan, hindi rin madaling mapasok ang isla ko dahil naglagay ko ng mga device sa buong paligid na ako lang din ang nakakaalam. Kaya panatag akong ligtas kami dito ng aking anak, dahil hindi kayang malocate ang isla dahil sa nasa control ko ang lahat. Mabuti na lang at naituro sa kin ni Nicole ang paghahack ng mga locate at gamit ang isang device ay pwdeng ihide o itago ang isang location ng lugar. “Nariyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap” Sambit ni Mira ang boss at dating nangangalaga sa lugar na ito. Ngumiti ako dito at saka naman ito lumapit sa akin. “May problema ba ang mag tao mo?” Mahina kong tanong dito, mababakas kasi dito ang labis na pag-aalala sa kanyang mga nasasakupan. “Sayo ako nag-aalala at sa panganganak mo dito sa isla, hindi naman kasi sapat ang kaalaman naming dito para sa pangangaanak mo. Oo may mga gamit at gamot tayo dito pero paano kung mahirapan at hindi naming alam ang gagawin sayo. Ayokong may mangyaring masama sayo, mahal ka na naman dito at kahit kaylan ay hindi ko kami tinuring na kaaway o ibang tao.” Sagot nito at sa nag-aalalang boses. “Ayos lang ako, saka tiwala akong maipapanganak ko ang anak ko dito. At itong mga kamay na ito ang unang taong hahawak sa kanya at maglilitas sa kanya. Alam kong natatakot ka lang pero alam ko rin na kaya mo. Ikaw ang pinakamagaling na doctor na nakilala ko, diba ang sabi ko sayo kung gustong mong mag-aaral sa ibang bansa ng tungkol sa medicina ay kaya kong ipadala ka kahit sa anong bansa pa yan. Mas lalo mong matutulungan ang iba kung magiging isang magaling kang doctor namin.” Pagpapalakas ko ng loob dito. Sinabi ko kasi dito na ayaw kong manganak sa labas dahil alam kong may mga tao si Jamil na naghahanap sa akin, hindi ko man masabi ang totoong dahil dito pero alam kong nauunawan na ako nito. Mabait si Mira at alam kong totoo ang pinapakita nitong pag-aalala sa akin. Pero na ang loob kong dito lang kami ng aking anak hanggang’t hindi pa kami naayos ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD