THE ISLAND BABY

1156 Words
Chapter 10 -Gemmalyn- Napagising ako ng wala sa oras ng maramdaman ko ang masakit sa aking tiyan, humihilab ito ng para akong natatae, tapos ay sasakit ng hindi ko alam kung sana ko hahawak dahil sa sadyang masakit na talaga. Inabot ko ang botton na malapit lang sa ulunan ko, nakakonek kasi ito sa buong mansion kapag tumunog ito ay siguradong maririnig ng lahat. At ilang sandali lang ay nagdatingan ang mga tao ko at maging Mira ay nakikita akong humahangos papasok ng aking kuwarto. “Kamusta anong nararamdaman mo Gemm?” Natataranta nitong tanong sa akin “Ayos lang ako, pero parang manganganak na ako.” Pabiro ko pang sabi dito kahit na nahihirapan na ako. “Buwisit kang babae ka, manganganak ka na nagbibiro ka pa yan.” Galit naman nitong turan. Natawa na lang ako dito at saka ko pinakita sa kanya na malaki ang tiwala kong siya ang magpapaanak sa akin. Ngumiti ako dito at ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na umaandar na ang kama ko papuntang elevator dahil na sa ibaba ang clinic na pinatayo ko para sa aming lahat. Naisip ko agad na bigyan sila ng ganitong gamutan dahil alam kong kulang sila sa maraming bagay, lalo na panggagamot. Nasa loob na kami ng clinic at nakikita ko parin ang pangangamba sa mukha ni Mira. Kaya naman hinawakan ko ito sa kamay at saka tumango, nagbuga naman ito ng hangin at saka naming sabay na pinatulungan na maipanganak ko ang aking anak ng normal deliver. Ilang ire pa ang ginawa ko at habang nahihirapan ako ay ang mukha ni Jamil ang nakikita ko. Gusto kong isipin na narito lang siya at kasama ko habang nilalabas ko sa mundo ang una naming anak. Nang maramdaman ko ang paglabas ng aking anak ay nakita kong binuhat ito ni Mira at umiiyak na inilagay sa ibabaw ng aking tiyan. “Ang maganda mong anak Gemm” Masaya at naiiyak nitong sambit sa akin. Hinagkan ko ang aking anak sa kanyang mukha at kahit na may dugo pa ito ay makikita na maganda nga itong batang babae. Hindi ko rin maipaliwanag kong ano ang nararamdaman ko ngayon dahil sa halo-halo imosyon na meron ako ngayon. Pero nawalan ako ng malay at nagdilim ang aking paningin. Narinig ko pang pagtawag sa akin ni Mira, pero nilamon na ako ng kadiliman. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulong at sa pagmulat ng aking mata ay si Mira na tulong sa aking tabi at hawak ang aking kamay na may suero. Napangiti pa ako dahil alam kong ligtas kami ng aking anak. Babangon sana ako ng bigla itong gumalat at nagmulat ng mata. Nabigla pa itong makita akong gising na ta mabilis akong niyakap nito ng mahigpit at saka umiiyak na parang batang iniwan ng kanyan ina. “Ayos lang ako, huwag ka nag-umiiyak sinabi ko naman sayong kaya mong ilabas sa mundo ang anak ko.” Pagaalo ko dito at saka dina ako yumakap dito. “Tinakot mo ako alam mo ba yon ha?” Inis pa nitong sagot sakin. “Sorry na, promise hindi na mauulit. Ikaw naman gumising naman ako oh. Saka hindi pa ako mamamatay hindi ko pa nakakasama ang ama ng anak ko at sympre baby pa si Mhica natin.” Masaya kong sambit dito. Sumisinghot pa ito ng humiwalay sa akin. “Natutulog pa ang anak mo kaya huwag kang maingay.” Pairap pa nitong sabi at saka umikot sa kabilang kama at nakita kong mag crib dun ng baby mas lalo naman ako naging masaya ng makita kong may natutulog nga dun na baby. Hindi ko rin mapigilan na mapaluha dahil sa sabrang sayang isipin na isa na nga akong ganap na ina. Lumipas pa ang ilang buwan at lumalaki na rin ang aking anak na si Mhica. Palagi itong nakay Mira at tuwing hapon ko na lang ito nakakasama. Habang lumalaki ito at nakikita ang girl version ni Jamil. Minsan na ring nagtanong si Mira tungkol sa ama nito pero tikom pa rin ang aking bibig na sabihin dito kung sino ang tunay nitong ama. Wala naman akong dahilan kung bakit ayaw kong sabihin, para lang kasi meron tumututol sa akin na sabihin pa ang totoo. Lumaking bibo at talagang maharot at matalino din ito, dahil sa edad nitong limang taon at marami na itong nasasabi na English kahit na hindi ko naman ito ituturuan pa. Kaya madalas ay si Mira lang ang kausap nito dahil sa ang ibang tauhan ko ay hindi nakakaunawa ng english o nakakapasalita. Kaya naman dahil sa kanilang pagmamahal sa aming mag-ina at nagpatayo ako ng maliit na paaralan para makapag-aral ang mga Kabataan hindi kayang puamsok sa kabilang isla. Katulong ko si Mira sa bawal pagsubok ko sa akin anak, sa lahat ng birthday nito ay halos wala rin akong maging gastos dahil ang buong tao sa Isla ay sila ang gumagawa ng paraan para maipagdiwang ang kaarawan ng aking anak na masaya at maayos. Hanggang sa isang gabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mich na kaylangan naming puntahan si boss mother dahil meron itong malaking problema sa Binatang si Jax na pinagtaguan rin nito ng anak ng ilang taon. “Alam kong kaylangan mong umalis Gemm, huwag kang mag-alala sa anak mo at kami ang bahalang magpaliwanag kung bakit mo kaylangang umalis. Matalino ang anak mo at alam kong maiintindihan niya ano man ang naisin mo.” Mahinahon na sambit ni Mira, habang na sa kuwarto kami ni Mhica at pinapatulog ko ito. Hinimas ko ang kulot na buhok ng aking anak at saka muling tumingin sa kaibigan ko. “Salamat, dahil sa simula pa lang at tinulungan mo na ako. At ngayon si Mhica naman ang inaalagaan mo hindi ko alam kung paano pa kita mababayaran sa lahat ng tulong na binigay mo sa aming mag-ina.” Mahina kong sagot dito. “Bumalik ka ng ligtas at kahit na may tama ka pa ayos lang sa akin basta ang importate ay ligtas ka pa rin maliwanag ba? Dahil kapag hindi ka bumalik dito sisiguraduhin kong hindi muna makikita si Mhica.” Seryoso salita nito kaya napakuno’t-noo akong tumingin dito. “Babalik akong walang kahit na anong tama ng baril, saka subukan mo alng ilayo ang anak ko sakin makikita mo agad ng mga lahi mo sa impreyno.” Matigas kong sabi dito at saka ko ito tinignan ng masama. Natawa naman ito ng mahina at saka ako sinuntok sa balikat. Ganito lagi si Mira tuwing aalis ako ng Isla, sobrang protective lang nito sa aming mag-ina, pero alam kong mahal na mahal nito ang aking anak. Kaya naman lihim akong gumagawa ng paraan para makita at makilala ko ang tunay nitong mga magulang. Hindi ko pa alam ang buong kuwento sa pagkatao nito pero sa pagkakaintindi ko ay may kapatid itong isang lalaki at nagkahiwalay lang sila ng lumubog ang barkong sinasakyan nila papuntang manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD