REAL HUMANITY

1076 Words
Chapter 11 -Gemmalyn- Nasa ibang bansa kami ngayong tatlo at tinutulungan si boss mother na maghiganti sa mga taong may kinalaman sa pag ambush at pagtangkang pagpatay kay Jax De Lana. Mula sa simula ay binabantayan na namin ang buong pamilya ng mga De Lana na hindi nito nalalaman. Pero akala lang pala naming na wala silang alam pero nagulat pa kami ng sabihin ni boos mother na alam lahat ni Mr. Jacinto De Lana ang kanilang ama ang ginagawa namin. Nasa gitna naman kami ng labanan ng tumawag sa akin si Mira, hindi ko agad ito nasagot dahil sa nakikipaglaban ko. Kaya ng matapos agad ang gulo at mabilis akong sumakay ng kotse ko para wala rin makarinig sa akin sa mga sasabihin ko. “Hellow! Mira kamusta kayo ni Mhica yan?” Pinasigla kong tanong dito at na may tama ako sa balikat at nagdurugo iyon. “Gemm, huwag ka sa nang mabibigla sa sasabihin ko ha. Nasa hospital ngayon si Mhica dahil sa dnapuan ito ng sakit na dengue. Pero ok na rin naman dahil sa nasalinan na ito ng dugo, mabuti na lang talaga at magkatype kami ng dugo kaya mas naging mabilis ang pagkilos ng mga doctor dito sa bayan at nailigtas na rin nila ang anak mo. Pasensiya ka na kung nangyari iyon sa kanya patawarin moa ko Gemm” Umiiyak na nitong pahayag sa akin. Nanahimik naman ako dahil sa mga naririnig ko, pero habang pinapakinggan ko ito ay nagtataka ako kung paano na naging mag kapareho sila ng dugo. Kasi kung akong tunay na ina ay hindi match ng dugo sa aking anak. Gumana ang in sticking kong para meron pa akong dapat na malaman kay Mira. Pero ganon pa man ay nagpasalamat na rin ako dito dahil sa naririto ito sa tabi ng aking anak sa oras na katulad nito. “Sige Mira, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. At ikawa huwag ka munang magkikilos dahil aka mahilo ka pa kakakuha pa lang ata sayo ng dugo. Sisikapin kong makauwi ng bansa at nang maalagaan ko kayo ng aking anak. Salamat Mira magpagaling kayo yan. Ihalik mo na lang ako sa aking anak.” Paalam ko dito at saka ibinababa ang tawag. Pagkatapos pa ng ilang labanan ay napasok na namin ang huling hide out na susugurin ay tinapos na rin naming ito ng mabilis at malinis pagod na rin kasi kaming lahat at kaylangan na ni boss mother na alagaan ang nobyo nito dahil sa nagkamatay na rin naman si Jax. Kami namang tatlo ay nagkakanya-kanya na ulit dahil alam na rin naman naming magiging maayos na ang lahat dahil sa napatay na rin naming halos lahat ng kalaban ng mga De Lana. Pababa na ako ng bangkang demotor ng matanaw kong tumatagbo papalapit sa akin ang aking anak na si Mhica at nasa likod lang nito si Mira na masayang nakangiti sa akin. Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Mhica at ito naman ay umiiyak na makita ako. May benda pa ako sa balikat pero hindi ko ito ininda dahil sa nasasabik akong makita at makasama ang aking anak. “How is my baby here?” Tanong ko dito at saka pinunasan ko ang luha nito na patuloy pa rin sa pagtulo. “I'm fine Mommy, Tita Ninang is taking care of me. She doesn't let me be alone.” Sambit ng aking anak sa maliit na boses. Natawa pa ako dahil napanguso pa ito sa Tita ninang niya. Tinignan ko naman si Mira at lihim din itong natatawa sa aking anak. Naging masaya ang pagdalaw ko ng araw na iyon at nanatili ako doon sa Isla ng halos isang buwan rin. Nakita ko rin unti-unting umuunlad ang mga tao roon at natututo na rin silang mamuhay at makasabay sa ibang Isla. Katulad pa rin ng dati ay bantay sarado ko pa rin ang lugar na yon. At lahat ng tauhan ko dun ay araw-araw na nagsasanay makipaglaban at para mas mapaayos ang katahimik don at maging handa sa kung ano man ang darating sa kanila. “Alam kong malapit ka ng umalis?” Biglang tanong sa akin ni Mira mula sa likuran ko. Andito kasi ako ngayon sa tabing dagat at nakatanaw sa malawag na karagatan. “Wala na talaga akong maililihim sayo Mira.” Turan ko naman dito. “Wala ka talagang maitatago sa akin, dahil kilala na kita mula ulo hanggang paa.” Nakangisi naman nitong sagot sa akin at saka naupo sa dalampasigan at nagbabato ng batao sa tubig. Habang pinag-mamasdan ko ito ay may nakikita ako ditong kamukha nito, kaso imposible naman dahil alam kong nag-iisang anak ang pagkakalilala ko sa taong tinutukoy kong kamukha nito. “Anong sasabihin mo at kanina ka ba natatitig sa akin, huwag mong sabihing type mo at ngayon pa lang sinasabi ko sayon a hindi tayo talo. Lalaki pa rin ang hanap ko noh.” Mataray namang nitong sambit sa akin at ako tinignan ng masama. “Gago, hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. Mukha lang akong lalaking kumilos pero babae pa rin ako saka mas masarap parin na itlog kaysa sa tilapia” Natatawa ko naman sagot dito. Pero habang natatawa ako ay hindi ko sinasadyang napatingin ako sa mata nito at kinabahan ako sa aking nakikita sa mata nito. Hindi na lang ako nagpahalata dahil alam kong malakas pa rin ang pakiramdam nito. At tulad nga ng inaasahan ay ng gabi ding yon ay umalis ako sa Isla dahil sa kailangan ko ng mareport kay boss mother. Samantalang bago ako pumunta sa hide out naming ay nakipagkita muna ako sa isang dati kong kaibigan na alam kong matutulungan din ako. “Dala mo na ba ang impormasyon na kailangan ko Luiz?” Tanong ko sa isang lalaking na nakatalukbong ng hood naka mask din ito at mata lang ang kita dito. Wanted kasi ito dahil s amaraming kasong napasukan. At ang alam ko ay hinahanting din ito ng mga De Lana kaya double ingat ang ginagawa nitong pagtatago. Inabot sa akin nito ang isang black envelop at saka biglang umalis ng walang pasabi. Hindi ko na lang din muna binuksan at doon ko na lang iyon gagawin sa loob ng kotse ko, mahirap na rin dahil alam kong confidential ang pinahahanap kong tao. Lumayo muna ako sa lugar at ng makahanap na ako ng tamang lugar ay saka ko lakas loob na binuksan ang envelop na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD