Chapter 12
-Jamil-
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang makakapagturo sa akin kung nasaan ngayon ang babaeng si Gemmalyn. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko na malaking tao ang nasa likod nito kaya ganoon na lang kahirap para sa akin na mahanap ito, at dahil na rin sa galing nitong magtago ay inabot pa ng ilang taon ang paghahanap ko dito.
Actually, sa lumipas na ilang taon ay patuloy pa rin na may nagpapadala sa akin ng mga picture nito at alam ko ring nanganak na ito ng isang batang babae. Inipon ko at pinaprint ang lahat ng picture na pinadadala sa akin at gumawa na rin ako ng isang kuwarto ng baby, dahil sa malakas ang kutob kong anak ko ang batang kasama nito.
Pero malaking palaisipan kung sino ang nasa likod ng nagpapadala ng mga picture sa akin. Kahit anong gawin kong trace ay wala akong makita kung saang lugar ito naroroon at kung bakit hindi malocate na kahit na sinong IT expert ang lugar.
Napapaisip na akong napaglalaruan ako, pero sino naman ang gustong kumalaban sa akin ng tulad nito. Alam ko rin naman hindi ito magagawa ni Gemmalyn dahil halata naman dito na ayaw nitong sabihin na may anak kaming dalawa.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng pumasok si Tonio ang secretary ko at kasama nito si Jannah ang babaeng iniwan ako sa ere. Masama ang pinukol kong tingin dito dahil sa loob din ng ilang taon ay hindi rin ito tumigil sa pangungulit nito na makipagpalikan sa akin. Puwes wala na akong panahon sa kalandian nito, tapos na kami at ayokong kumain ng kinainan na rin ng iba.
“Why?” Pagalit kong tanong dito.
“Invite sana kita ng dinner kahit sandali lang naman.” Malambot nitong sagot sa akin.
“I'm still full” Walang gana kong sagot dito.
“Even now, you still can't forgive me even if we become friends, Jamil, that's fine with me.” Nakayuko na nitong sagot sa akin.
“I forgave you before. But being your friend is something I can't give to someone like you. So, if I were you, just go back to where you came from.” Sagot ko dito ng hindi ito tinitignan.
Papalabas na sana ako ng office ko ng bigla na lang itong hinimalay, kaya naman mabilis ang pagkilos ko na nagpatawag ng ambulance. Dinala ko ito ng hospital at saka ko pinatawag sa secretary ko ang mga magulang nito.
Pero papalabas naman na ako ng emergency roon ng makita kong humahangos ang mga magulang ni Jannah, napatingin pa ang mga ito sa akin pero ang atensyon nila ay nasa kanilang anak.
“Doctor, kamusta na po ang aming anak?” Narinig kong tanong ng Mommy ng dalaga. Nakahiga ito at wala pa rin malay.
“The patient's condition is fine, he just needs rest and it would be better if a bigger hospital can see her, so that she can be properly checked.” Magalang na sagot ng doctor sa Ginang.
Umalis na lang ako at hindi ko na rin inantay pa kung magigising ito dahil alam ko sa sarili ko na maiikita lang din naman ako. At isa pa ay narito na rin naman ang kanyang mga magulang na hindi nito pababayaan ang babae.
Papasok na ako ng kotse ko ng makita kong may tumatawag sa phone ko na isang unknown number. Hindi ko san ito sasagutin pero imbis na cancelled at answer ang napindot ko. Papatayin ko na lang sana ng marinig ko ang boses mula sa kabilang lingya.
“Kuya” Isang salita na nagpahinto sa mundo ko.
“Who are you?” Tanong ko sa kabilang linya.
“Ako ito si Miracle, Kuya Jamil” Sagot nito sa naiiyak na boss. Napahawak naman ako sa phone ko dahil kabang nararamdaman ko. Ang tagal nan ang panahon na hinanap ko rin ito at walang nagawa ang yaman ko para mahanap ito.
May naglandas na mga luha sa mata ko ng marinig ko ang boses nito. Pero kaylangan kong makasiguradong kapatid ko nga ito na matagal ng mawalay sa akin.
“Let's meet if you're really Miracle, and if I find out that you're just fooling me, your life will be in exchange, remember that.” Madiin kong sagot dito.
“Sige pero hindi pa sa ngayon kuya, dahil hindi pa ako pwdeng umalis sa kung saan ako ngayon naroroon. Pero pangako kapag maayos na ang lahat ay ako na ang kusang pupunta sayo para magkasama na ulit tayo Kuya Jamil.” Salita nito at saka nawala na ito sa kabilang linya.
Napasuntok pa ako sa manubela dahil galit na meron ako. Napatingin akong muli sa number nito at nakaisip ako ng plano kung paano ko malalaman kung ito nga si Miracle ang kapatid ko sa ina.
Nang mamatay ang aming ina ay sinabi nito sa aming dalawa ang tunay naming mga ama, bata pa kami noong mga panahon na namatay ang aming ina dahil sa sakit sa baga. Mahirapa ng naging buhay naming sa probinsiya at walang kamag-anak ang gustong tumulong samin ng aking kapatid. Hanggang sa ng desisyon kaming hanapin ang mga tunay naming mga ama.
Lakas loob kaming sumakay ng barko papuntang maynila, para don simulan ang paghahanap ang sabi ng aking ina ay kilalang tao ang aking tunay na ama at pinakita pa nito ang lumang larawan ng isang lalaki at sinabing ito daw ang aking ama.
Pero nasa kalagitnaan na kami ng paglalayag ng biglang masunog ang barko at kasalukuyan naman akong nasa dulo ng barko para sana magpahangin at iniwan kong natutulog si Miracle sa puwesto namin.
Mabilis kumalat ang apoy at ang mga tao ay nagtalunan na lang sa karagatan, ako naman ay sumisigaw at tinatawag ko ang pangalan ng aking kapatid ngunit nagulat na lang ako ng may biglang tumulak sa akin at nahulog na rin ako sa dagat, nawalan pa ako ng malay dahil sa may tumamang parang kahoy sa ulo ko.
Nang magising ako ay nasa ibang bans ana ako at hindi ko na rin alam kung paano ako napunta dito at kung ano ang nangyari kay Miracle, at kung buhay pa ba ito. Hanggang sa isang katotohanan ang sumabog sa akin.
Dahil ang mga tao palang sumagip sa akin ay mga tauhan ng aming Lolo ang tunay na ama ng aking ina. Isa itong mafia lord at kami lang ni Miracle ang apo nito dahil si Mama lang din ang nag-iisa nitong anak.
Maging ito ay bigong makita si Miracle, kaya hanggang sa naging kamatayan nito ay pinangako kong hahanapin ko ang aking kapatid buhay man o patay. Naging mabilis ang paglipas ng panahon at ako na ang humalili sa pamumuno ni Lolo sa buong bansa ng Europe, natutunan ko ang lahat pero hindi naging madali dahil sa mas dumami pa ngayon ang nagiging kaaway ko.