MIRACLE, MHICA AND ME

1195 Words
Chapter 13 -Jamil- Mula ng marinig ko ang boses ni Miracle sa kabilang linya ay hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko ito nahahanap. Hanggang sa nakita ng mga tauhan ko ang ginamit nitong pay phone machine sa isang bayan sa probinsiya ng Samar. Dali-dali akong nagpunta dun at naghanap sa paligid ang totoo ay sa tagal ng panahon na hindi ko ito nakita ay natitiyak kong malaki ang nagbago sa itsura nito. Pero magkaganoon man ay may isang bagay akong pagkakalilanlan dito. At natitiyak kong makikilala ko agad ito oras na makita at makaharap ko na ito. Halos isang linggo din akong nanatili sa lugar nalibot ko na rin ang buong isla at bayan nito pero wala akong nakita maging ang anino nito. Nakatanaw ako ngayon sa malawak na karagatan ng makitang kong meron parating na isang bangkang de motor. Tatalikod na sana ako ng marinig kong nagsalita ang isang batang babaeng kasama nito ng isang dalaga. “Tita Ninang, I want to eat ice cream again, promise I won't tell my Mommy” Matining na sambit ng batang babae sa dalagang may nakalagay na belo sa ulo. Tinignan ko sila hanggang sa mapadaan sila sa lugar na kinaroroonan ko. Bigla naman ako kinabahan na hindi ko malaman ng mapatingin ko sa batang sa akin din pala nakatingin. Hanggang sa nawala na ang mga ito at humalo na sa karamihan, pero pabalik na sana ako sad ala kong yacht ng may mapagtanto ako. Nang laki pa ang aking mata ng ma realize ko kung san ko nakita ang bata, at kinuha ko agad ang aking cellphone at tinignan ang wallpaper na naroroon. At laking gulat ko ng makita na kamukha ito ng batang babae na dumaan sa akin kanina lang. Nagmamadali naman akong nagtatakbo at tinitignan ko ang lahat ng batang nakakasalubong o nakikita ko, dahil hindi ako pwdeng magkamali dahil ang nakita kong bata kaninang at anak ni Gemmalyn at natitiyak kong anak ko rin ito. Halos hingalin ako sa kakatakbo para hanapin ang dalawa. Pero nagtataka pa ako ng maisip na hindi nito kasama ang kanyang ina. Napapahilamos na ako sa aking mukha dahil sa galit at kabang nararamdaman ko naghahalo-halo na ang imosyon na meron dahil sa nasa malapit lang ang anak ko sa akin. Hanggang sa naalala ko ang sinabi ng batang babae na gusto nitong kumain ng ice cream, kaya naghanap ako ng tindahan ng ice cream at hindi naman ako nabigong makita ko nga itong kumakain kasama ang isang babaeng nakatalikod sa akin. Lalapitan ko na sana ang mga ito ng makita kong paalis na ulit ang mga ito kaya naman kumilos na ako para hawakan sa braso ang dalagang kasama ng aking anak. Pero parang natulos naman ako dahil ang kasama nito ay walang iba kung di Miracle, at hindi ko pwdeng magkamali dahil nakita ko rin sa mata nito ang gulat at kalungkutan. “Kuya” Mahinang tawag nito sa akin. Naluluha naman ang mata nito kaya mabilis ko itong niyakap at hinagkan sa kanyang ulo. Halos lamunin na ako ng takot na baka hindi ko na ito makita pero ngayon at nasa tabi ko na ito at ang malaking katanungan ay kung bakit nito kasama ang anak naming ni Gemmalyn. “Kuya, paano mo nalaman na andito ako?” Umiiyak na nitong tanong sa akin habang nakayakap pa rin sa akin. “It's a long story but the important thing now is that I saw you and I won't let you leave me again.” Sagot ko lang din dito at muli kong hinagkan ang buhok nito. “Tita Ninang, who is he?” Natauhan naman ako at napatingin sa batang kanina pa pala kami pinanonood. Magsasalita na sana ko ng pigilan pa muna ako ni Miracle. “Baby ko, kapatid ko siya ma hellow ka sa kanya.” Sagot ni Miracle, at binigyan ako nito ng makahulugang tingin. Napatango na lang ako kahit labag sa aking kalooban, mukhang may nangyayari na hindi pa alam at dapat ko iyong malaman. “Hellow po my name is Mhica. And you what is your name sir?” Tanong nito sa maliit na boses. Mhica pala ang pangalan nito. Maganda ito at kamukha ni Gemmalyn. Mananagot talaga sa akin ang babaeng yon oras na maayos ko na gulong ito. “Ahm baby ko, is it okay if Kuya Jamil and I talk first?” Paalam ni Miracle sa bata habang nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Tumango lang ito at kami namang dalawa ng kapatid ko ay naupo sa kabilang mesa habang parehong nakatanaw sa bata. “Kuya” Seyosong pagtawag sa akin Mirracle. Tinignan ko naman ito ng makahulugan kaya narinig ko ang pagbuntong hininga nito, ngayon alam ko na may tinatago ito sa akin. “Ako ang nagpapadala ng mga litrato ni Mhica sayo.” Panimula nito at ngayon ay nakatingin na sa bata. “Una ko palang makita noon si Mhica at nagkaroon na ako ng idea na ikaw nga ang ama ng bata. Alam ko rin marami kang tanong sa mga maraming bagay pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang panahon na sabihin sayo ang totoo. May ina si Mhica at alam kong mas maganda kung sa kanya mang gagaling ang buong storya kung bakit niya nagawang ilayo sayo ang anak mo.” Mahabang paliwanag nito sa akin. “Tell me Gemmalyn Nicolas Ramirez is her mother?” Tanong ko dito at saka tumingin ulit sa aking anak. Tumango lang ito kaya naman napakuyom ang aking kamo dahil sa nagawa kong pagtaguan ng mahabang panahon tapos ngayon makikita ko na lang ng hindi sinasadya ang aking anak. “Gem has a reason why she did that thing so I hope you don't get mad at her like that. Because I was a witness to the hardships she went through when she was still pregnant with Mhica.” Mahinahong paliwanag nito at hinawakan pa ang aking kamay. “Shes wouldn't have been in trouble if she had told me the truth and she hadn't walked away and I didn't hear a single word from her.” Madiin ko namang sagot dito. Inalis naman nito ang kamay nakapatong sa kamay ko. Aalm kong naramdaman nito ang galit sa puso. “Let me go and I'll talk to Gem about you. And when she agrees you can see your daughter Kuya.” Sagot nito sa akin at saka lumapit na sa bata para umalis. Pero pinigilan ko ito at saka ko hinila papuntang yacht ko dahil ako mismo ang kakausap sa babaeng iyon para sa anak ko. “Kuya, ano bang giangawa mo?” Tanong nito habang papalapit na kami sa yacht ko. “Take me to where that girl is and I will talk to her for my right to our child.” Galit kong sagot dito. Nang laki naman ang mata nito at mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero wala na rin itong magagawa dahil buo na ang desisyon ko na harapin na ngayon si Gemmalyn, magalit man ito ay wala na akong makialam. Sa tagal nitong pinagtaguan ko hindi na ako makakapayag na mawala pa sa piling ko ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD