“HI, GELAENA! Good morning!”
Mula sa pagdidilig ng mga halaman na nasa gilid ng gazebo ay napalingon si Gelaena sa lalaking bumati sa kaniya. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Goran habang papalapit ito sa kaniya at may bitbit na tasa ng kape. Nakasuot pa ito ternong pajamas at halatang kagigising lamang nito.
Ngumiti siya sa binata. “Good morning po, Sir Goran!” ganting bati niya rito.
“Oh, come on! I told you yesterday that you can call me Goran and do not use po when you talk to me. I know hindi pa naman nalalayo ang edad natin.” Nakangiti pa ring saad nito at tumayo dalawang hakbang mula sa kaniyang puwesto.
Saglit niyang pinatay ang hose na hawak niya. “Nakakahiya naman po sa inyo kung tatawagin ko lang po kayo sa pangalan ninyo samantalang anak po kayo nina Señor Salvador at Doña Cattleya.”
Humugot naman nang malalim na paghinga si Goran at banayad na pinakawalan iyon sa ere. Pagkatapos ay dinala nito sa bibig ang tasang hawak nito. “Hindi lang kasi ako sanay na tinatawag akong sir at gumagamit ng po ang kausap ko. Lalo na kapag kagaya mong dalaga at... maganda.”
Bigla siyang napatitig sa guwapong mukha ng binata dahil sa huling mga tinuran nito. Hindi niya iyon inaasahan!
Mataman niyang tinitigan ang mukha nito. Hindi nga talaga maipagkakailang kapatid ito ni Mayor Gawen. Halos magkahawig kasi ng hitsura ang dalawa. Parehong matangkad din na sa tingin niya ay nasa 5’9 ata. Makisig ang katawan na halatang alaga sa gym. Kagaya kay Gawen ay hindi rin nakasasawang titigan ang mukha nito. Makapal ang mga kilay. Matangos ang ilong. Mapupungay ang mga mata. Maayos din ang purma ng jawline nito at bagay na bagay rito ang manipis ngunit bahagyang mapula na mga labi nito. May lahi kaya ang pamilyang Ildefonso? Parang hindi kasi pangkaraniwang Pinoy lamang hitsura ng mga ito!
“Are you okay, Gelaena?”
Napakurap siya nang marinig niya ang boses ng binata. Mabilis din siyang tumikhim at nagbawi ng tingin dito.
“Um, sorry po, Sir Goran!”
Napailing ito. “Ano ba ang puwede kong gawin para hindi mo na ako tawaging sir?”
“Ano po ang ibig n’yong sabihin?”
“Napaka-pormal kasi ng pagtawag mo sa akin ng sir. Hindi bagay... I mean, paano naman ako nito makakapag-first move sa ’yo para alukin ka ng lunch date or dinner date maybe.”
Hindi na niya napigilan ang mapaubo dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ano raw? Lunch date or dinner date? Ano ang ibig sabihin nito sa kaniya? Kagaya rin ba kay Migo ay magtatapat ito sa kaniya na may gusto ito sa kaniya? Oh, my gulay! Pero kahapon lamang sila nagkakilala! Tapos ngayon magpaparinig o magpapahiwatig na agad ito ng damdamin sa kaniya?
Ganito ba talaga ang mga lalaki sa syudad? Walang preno at basta-basta na lamang magtatapat sa babaeng natitipohan ng mga ito?
Tumikhim siyang muli. “A-ano po ang sinabi ninyo, sir?” nauutal na tanong niya.
Ngumiti naman si Goran at humakbang pa ng isang beses palapit sa kaniya. Hindi niya napigilan ang mapalunok ng kaniyang laway at bahagyang napaatras.
“I know kahapon lang tayo nagkita at nagkakilala, Gelaena. But... do you believe in love at first sight?”
Napamaang siya dahil sa naging tanong nito sa kaniya. Gusto niya sanang magsalita, pero hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin dito. Nabigla siya sa mga sinabi nito!
Oh, my veggies!
“I actually don’t believe it. But yesterday...” anang Goran at tinitigan nang mataman ang kaniyang mukha, lalo na ang kaniyang mga mata.
Ewan, pero hindi niya magawang alisin ang kaniyang paningin dito.
Mayamaya ay umangat ang isang kamay ni Goran at walang sabi-sabi na hinawi nito ang hibla ng kaniyang buhok na nahulog sa tapat ng kaniyang mukha.
“DAMN IT.” Tiim-bagang na sambit ni Gawen habang nakatayo siya sa gilid ng may sliding door ng kaniyang silid. Palabas na sana ang binata kanina sa veranda ngunit natanaw naman niya si Gelaena na nasa gazebo at nilapitan ito ni Goran. Naiinis talaga siya sa kaniyang kapatid! Sinabihan na nga niya ito kahapon na taken na si Gelaena at hindi na puwedeng ligawan, pero hayon at nag-uumpisa na atang landiin ang dalaga!
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere habang seryoso pa rin siyang nakatitig sa dalawa. At mayamaya, mas lalo pa siyang nakadama ng kakaiba sa dibdib niya nang makita niyang hinawakan ni Goran ang mukha ni Gelaena.
Damn.
Naiinis din siya sa kaniyang sarili dahil sa nararamdaman niyang iyon. No’ng una, hindi niya lamang pinapansin ang nararamdaman niyang iyon kapag nakikita niya si Gelaena. Pero pagkatapos ng halik na nangyari sa kanilang dalawa sa ospital nang gabing iyon... bigla na lamang nagulo ang kaniyang isipan. Mas lalo ring lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib. At aminin man niya sa kaniyang sarili o hindi, tatlong araw na rin siyang parang excited kapag nagigising siya sa umaga. He’s excited to see her face, to hear her voice. Parang laging mataas ang energy niya kapag nasisilayan niya ang magandang mukha ng dalaga.
May gusto na ba siya kay Gelaena? Kaya ba ganoon na lamang ang pagtibok ng kaniyang puso sa tuwing nakikita niya ito? Kaya ba minsan ay bigla na lamang siyang naiinis kay Migo sa tuwing nakikita niya ang kaniyang PA na nakatitig kay Gelaena? Kaya ba pinagbawalan niya agad ang kaniyang kapatid kahapon na huwag ng ituloy ang balak nitong paglapit kay Gelaena? Posible ba ’yon? Posible bang magkagusto agad siya sa dalaga gayo’ng iilang araw pa lamang naman simula nang makilala niya ito?
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya ulit sa ere at pagkuwa’y hindi na siya nakatiis sa kaniyang kinatatayuan. Nagmamadali siyang lumabas sa veranda.
“Gelaena!” tawag niya sa dalaga habang nakatanghod siya sa gilid niyon.
Kaagad namang napatingala ang dalawa nang marinig ang kaniyang boses.
“Oh, hey, kuya! Good morning!” nakangiting bati sa kaniya ni Goran. Kumaway pa nga ito sa kaniya.
Pero hindi niya naman pinansin ang kapatid, sa halip ay magkasalubong ang mga kilay na tinapunan niya ng tingin si Gelaena.
“What are you doing?” pagalit na tanong niya.
“Um, nag... nagdidilig lang po ng halaman—”
“Iyan ba ang trabaho mo?” pinutol niya ang pagsasalita nito. “Come up here. Gisingin mo na si Emzara at mamaya lamang ay dadating na ang tuitor niya.”
“Pero... wala pong klase si Emzara ngayong araw, Yorme.” Anito. “Bukas—”
“Go inside and go to Emzara’s room.”
“But kuya. We’re talking and—”
“And you, leave the mansion. Wala ka namang gagawin dito.” Pinutol niya rin ang pagsasalita ng kaniyang kapatid. “Gelaena, what are you still doing?” nang hindi pa rin kumikilos sa puwesto nito ang dalaga.
“O-opo, Yorme!” anang Gelaena at kaagad na inilapag sa damuhan ang hawak na hose at nagmamadali ng umalis sa may gazebo.
Nang tapunan niya ng tingin si Goran, napapailing ito habang nakatingin din sa kaniya. Hindi na niya ito pinansin at tumalikod na rin siya upang bumalik sa loob ng kaniyang kwarto.
“WALA PA RIN bang balita kung nasaan si Gelaena?” seryosong tanong ng isang matandang lalaki na nakaupo sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa. May malaking tobacco ang nakaipit sa gitna ng mga daliri nito habang nakasuot din ng fedora hot. May manipis na bogite at balbas din sa mukha nito.
“Wala pa rin po kaming balita, señor!” sagot ng isang lalaki.
Humugot nang malalim na paghinga ang matandang lalaki ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Nagtiim-bagang pa ito kasabay niyon ang pagkuyom ng isang palad nito.
“Talagang pinaiinit ng batang iyon ang ulo ko.” Anito. “How about Alison? Where is she?”
“Hindi pa rin po umuuwi rito, señor.”
“Ginagawa n’yo ba talaga nang maayos ang mga trabaho ninyo?” galit na tanong nito mayamaya at matalim na titig ang ipinukol sa lalaking nasa tapat ng mesa nito. Samantalang ang ibang tauhan nito na nakatayo sa gilid ng malawak na silid na iyon ay tahimik lamang na nakayuko at hindi makatingin nang diretso sa matandang lalaki.
“Señor, ginagawa po namin ng maayos ang trabaho namin. Sadyang—”
“Mag hijo de puta!” singhal nito at malakas na pinalo ang ibabaw ng mesa nito kaya lumikha iyon ng ingay. “Kung ginagawa n’yo talaga ng maayos ang trabaho ninyo, hindi sana kayo nakatakasan ni Gelaena! Isang babae lamang ang babantayan ninyo pero natakasan pa kayo.”
Hindi naman nakasagot ang lalaki. Sa halip, maging ito ma’y nagyuko na rin ng ulo.
“Go on! Lumayas kayo sa harapan ko at hanapin ninyo si Gelaena. Huwag kayong babalik dito hanggat hindi ninyo siya nakukuha. Naiintindihan ba ninyo ako?”
“Opo, señor!”
“Magsilayas kayo sa harapan ko!” singhal pa nito at itinuro ang nakapinid na pinto.
Kaagad namang nagsikilos ang mga tauhan nito at lumabas sa silid na iyon. Mayamaya ay pumasok naman ang isang babae na maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling damit at alahas at may mamahaling bag din ang nakasabit sa braso nito.
“Ano na naman ang ingay na iyan, Carlos?” tanong nito habang naglalakad palapit sa matandang lalaki.
“Where have you been, Alicia?” sa halip ay balik at galit na tanong nito sa asawa.
Bumuntong-hininga naman nang malalim ang babae at huminto sa paglalakad nang nasa tapat na ito ng mesa. “Sa mga amiga ko! Saan pa ba ako magpupunta, Carlos? Hindi naman ako puwedeng maglagi rito sa mansion at wala naman akong ginagawa!”
“At naglustay ka na naman ng salapi?”
“You have a lot of money, so why are you worried about me wasting your money every day?”
“Damn it, Alicia! Sinabi ko na sa ’yo... magdahan-dahan ka sa paggagastos ng salapi sa ngayon.”
“Gusto mong tipirin ko ang sarili ko?” tanong nito at namaywang pa. “Carlos, mayayaman din ang mga amiga ko. Alam mo ’yon. Hindi puwedeng hindi ako gagastos ng malaking pera sa isang araw. Baka isipin nila na naghihirap na ako kaya hindi na ako makasabay sa kanila at hindi ko na magawa ang luho ko.”
Tiim-bagang na napabuntong-hininga nang malalim ang lalaki at matalim na titig ang ipinukol sa asawa. “Alicia—”
“Magtatalo na naman tayo tungkol sa bagay na ito, Carlos,” sabi nito kaya naputol sa pagsasalita ang asawa. Muli itong bumuntong-hininga. “I’m tired and I want to rest.” Anito at kaagad na tumalikod at hindi na nagpaalam sa asawa. Hanggang sa makalabas ito sa silid na iyon.
Napasandal na lamang sa swivel chair ang matanda at dinala sa bibig nito ang malaking tabako at hinithit iyon. Pinakawalan din agad nito sa ere ang makapal na usok niyon.
“BES, MAY TANONG AKO SA ’YO!”
Nilingon niya si Arlene. Pareho silang nakahiga sa lounge chair na nasa gilid ng swimming pool. Natutulog na ang mga kasama nila sa loob ng mansion. Nag-aya na naman kasi sa kaniya si Arlene na tumambay sila roon saglit. Tutal at hindi pa naman siya inaantok, sumama na siya rito. Pareho din silang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Walang buwan, pero maraming nagkalat na mga bituin sa kalawakan. Ang sarap pagmasdan! Isama pa ang malamig na pang-gabing simoy ng hangin. Mabuti na lamang at nakapagdala siya ng shawl niya kaya hindi siya masiyadong giniginaw ngayon.
Saglit niyang nilingon si Arlene bago niya ibinalik sa kalangitan ang paningin niya. “Ano ’yon, bes?” tanong niya.
“May napapansin ka ba kay Señorito Goran?” tanong nito.
Bahagyang nangunot ang kaniyang noo at muling napalingon sa kaibigan. “Ano’ng napapansin?” tanong niya rin.
“Kasi... simula kanina, napapansin kong panay ang titig niya sa ’yo. Siguro... may gusto rin siya sa ’yo!” anito at lumingon din sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. “Nako, huwag mo na lang pansinin ’yon, Arlene,” wika niya.
“E, napapansin ko nga, bes! Parang... may kakaibang ibig sabihin ang mga titig ni señorito sa ’yo,” sabi pa nito. “Nako, huwag lang talaga siya magtapat sa ’yo na may gusto siya sa ’yo. Hindi puwedeng maging magkaribal sila ni Yorme mo. Alam kong guwapo rin si Señorito Goran, pero... hindi siya bagay sa ’yo, bes. At bilang President ng GaGe labtim, hindi ako papayag na mas mauna pang magkaroon ng label ang GoGe kaysa sa GaGe.”
Halos mag-isang linya na ang kaniyang mga kilay nang lingunin niya ulit ang kaibigan. “Ano’ng GoGe na naman, Arlene?” nalilitong tanong niya. Talaga nga naman! Hindi niya maintindihan ang mga salitang binubuo nitong si Arlene.
“GoGe, Goran at Gelaena.”
Inismiran niya ito.
“Mas bagay pa rin kayo ni Mayor.”
“Arlene, puwede bang... tigilan mo na ang kakagawa sa mga love team na ’yan? I mean, napakalabo naman kasi na magugustohan ako ng magkapatid na ’yon.”
Oh, kahit sinabi naman sa ’yo ni Sir Goran kanina na gusto ka niya? Tanong ng kaniyang isipan.
Oo nga! Kaninang umaga nang lapitan siya nito sa may gazebo at magkausap sila, inamin nga sa kaniya ng binata na bigla raw itong nagkagusto sa kaniya. Oh, holy lordy! Hindi niya talaga inaasahan ang mga lalaking ito. Si Migo at si Goran. Walang pangudangang nagtapat agad sa kaniya samantalang kakakilala lamang nila!
“Aba’y hindi puwedeng tigilan ko ito, amiga,” sabi ni Arlene na napaupo pa sa puwesto nito. “Alam ko at nakikinita ko ng may gusto rin sa ’yo si Yorme mo. Kaya hindi puwedeng hindi matuloy ang love team ninyo. I swear, amiga... bagay na bagay kayo ni Mayor. At isa pa, hindi ka niya hahalikan doon sa ospital kung wala siyang crush sa ’yo ’no!”
Napailing na lamang siya ’tsaka muling itinuon sa kalangitan ang kaniyang paningin.
“Maniwala ka sa akin, Gelaena. Isa sa mga darating na araw... panigurado akong magtatapat din sa ’yo si Mayor na gusto ka rin niya. At pagkatapos niyan... magiging official na rin kayo. At hindi na ako makapaghintay na mangyari ’yon, bes. Oh, kinikilig talaga ako kapag ganito ang usapan natin. Pakiramdam ko, inililipad din ako ng ihip ng hangin.”
“Baka inaatok ka lang, Arlene?” saad na lamang niya upang putulin na ang kanilang usapan.
Nawala bigla ang ngiti sa mga labi nito at tumitig sa kaniya. “Oo nga, bes! Inaantok na ako.” Anito. “Tara, pasok na tayo!”
“Sige na! Mauna ka na at susunod ako mayamaya. Hindi pa naman ako inaantok.”
“Sigurado ka?”
Tumango naman siya. Tumayo na rin si Arlene mula sa pagkakaupo nito sa lounge chair.
“Huwag ka na rin magtagal dito sa labas, bes. Malamig na ang hangin at baka sipunin at ubuhin ka pa niyan.” Anito at nagsimula na ring maglakad palayo sa kaniya.
Malalim na paghinga ang muling pinakawalan niya sa ere nang maiwan na siyang mag-isa roon. Tahimik lamang siyang nakatitig sa kalangitan habang kung anu-ano na naman ang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Nang maghikab na siya, nagdesisyon na rin siyang pumasok na sa mansion upang magpahinga na! Kumilos siya sa kaniyang puwesto at tumayo. Saktong pagkapihit niya para sana maglakad na siya... laking gulat naman niya nang nasa harapan na niya si Gawen. Seryosong nakatitig sa akin!
“Jusko!” gulat na sambit niya. Mabuti na lamang at hindi siya napasigaw. “Yorme! Ayan na naman po kayo sa panggugulat ninyo sa akin.” Naiinis na saad niya.
“It’s already late, Gelaena. What are you still doing here?” sa halip ay bale-walang tanong nito sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya upang tanggalin ang kaba sa dibdib niya. Nag-iwas din siya ng tingin dito. “Nag... nagpapahangin lang po, Yorme,” sagot niya.
“Go inside, Gelaena. Mahamog na rito sa labas.” Anito.
Saglit niya itong sinulyapan pagkuwa’y inayos niya ang kaniyang shawl sa ibabaw ng kaniyang mga balikat at niyakap iyon. Pagkatapos ay tumango siya. “Good night po, Yorme!” aniya at nilagpasan niya na ito.
Pero apat na hakbang pa lamang ang kaniyang nagagawa nang marinig naman niya ang pagtawag ni Gawen sa kaniya kaya napahinto siya at lumingon dito.
“Gelaena!”
“Yes po, Yorme?”
Pumihit si Gawen paharap sa kaniya. Hindi agad ito nagsalita, sa halip ay tinitigan siya nang mataman at pagkaraan ng ilang segundo’y humakbang ito palapit sa kaniya.
Heto na naman ang pagkabog ng kaniyang puso nang tuluyang makalapit sa kaniya si Gawen. Isang hakbang na lamang ang pumapagitan sa kanilang dalawa. At dahil matanggad nga si Gawen, bahagya siyang tumingala rito.
“B-bakit po... Yorme?” nauutal na tanong niya nang hindi pa rin ito nagsalita at nanatiling nakatitig lamang sa mga mata niya.
Mas lalong lumalakas ang pagkabog ng kaniyang puso!
Umawang ang mga labi ni Gawen, ngunit hindi naman nito naituloy ang gusto sabihin sa kaniya. Sa halip ay nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at bumuntong-hininga nang malalim.
“No... nothing,” sabi nito at mabilis na tumalikod.
Saglit niyang tinitigan ang malapad na likod nito pagkuwa’y tumalikod na rin siya upang umalis.
“Gelaena!”
“B-bakit po, Yorme?” muli siyang napahinto at napapihit paharap dito nang muli siya nitong tawagin.
Nakita niya pa ang paglunok nito ng laway ng ilang beses at pagkuwa’y napamura...
“Damn it!” anito at inilang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Walang sabi-sabi at kaagad nitong kinabig ang kaniyang batok at baywang at mariing siniil ng halik ang kaniyang mga labi.
Kagaya sa unang beses na hinagkan siya ni Gawen doon sa ospital, hindi agad siya nakakilos sa kaniyang puwesto dahil sa pagkabigla niya. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata habang nakatitig siya sa kawalan. Ramdam na ramdam niya ang mainit at malambot nitong mga labi na nakalapat sa mga labi niya. Ang kabog ng kaniyang puso’y mas lalong tumindi. Mayamaya, naramdaman niya rin ang pamimigat ng kaniyang mga talukap. Nang makita niyang nakapikit si Gawen, hinayaan na niya ang kaniyang sarili na pumikit at ninamnam ang pagkakalapat ng kanilang mga labi.
Jusko! Hinalikan niya na naman ako? Bakit?
Ilang segundo pa’y naramdaman niya ang masuyong paggalaw ng mga labi ni Gawen. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin sa mga sandaing iyon. Gawen was her first kiss and it was their second kiss kaya wala siyang ideya kung ano ang kaniyang gagawin. Paano ba siya tutugon dito?
Hindi niya alam kung gaano katagal na naghinang ang mga labi nilang dalawa. Basta, nang maramdaman niyang dahan-dahang lumayo sa kaniya ang mga labi ni Gawen, unti-unti rin siyang nagmulat ng kaniyang mga mata.
Titig na titig sa kaniya si Gawen. Hindi pa rin nito binibitawan ang kaniyang batok maging ang baywang niya.
Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi nito bago siya nagsalita. “B-bakit... bakit mo po ako... hinalikan ulit, Yorme?” nauutal na tanong niya.
Oh, mabuti na lamang at may salitang lumabas sa kaniyang mga labi. Ang akala niya’y mauumid na ang dila niya!
Marahan siyang hinila ni Gawen papunta rito kaya naramdaman na naman niya ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. “I heard you and Arlene talking in the kitchen yesterday. Gusto mo kamong malaman kung masarap ba o hindi ang halik ko, right?”
What? Narinig ni Yorme ang pag-uusap namin ni Arlene?
Umawang ang kaniyang mga labi.
Mayamaya ay ngumiti sa kaniya si Gawen. Binitawan nito ang kaniyang batok at hinawi ang hibla ng kaniyang buhok na nahulog sa tapat ng kaniyang mukha. Inipit iyon ng binata sa likod ng kaniyang tainga.
“So, what do you think? Is it taste good or what?”
Hindi niya napigilang mapalunok ulit.
Oh, no! A-ano... ano ba ang isasagot ko sa kaniya? Oo. Hindi. Ewan.
“P-puwede... puwedeng isa pa?”
Oh, s**t! Bakit naman iyon ang sinabi mo, Gelaena?
Mabilis na sumilay ang nakalolokong ngiti sa mga labi ni Gawen dahil sa sinabi niya.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi. “Ibig kong sabihin—”
Ngunit hindi naman niya nagawang tapusin ang kaniyang nais sabihin nang muling inangkin ni Gawen ang kaniyang mga labi. Mabilis na muling pumikit ang kaniyang mga mata. Sa pangatlong pagkakataon, inangkin ulit ni Gawen ang kaniyang mga labi.
Oh, my gulay!
“Open your eyes, Gelaena!” anang Gawen nang pakawalan siya nito makalipas ang ilang saglit.
Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. At ang nakangiting mukha ni Gawen ang kaniyang nasilayan.
“So, what do you think?” mahinang tanong nito na dumampi pa sa kaniyang mukha ang mainit at mabango nitong paghinga.
Ewan, pero hindi na niya naitago ang ngiti sa mga labi niya. Marahan siyang tumango upang sagutin ang tanong nito. “Ma... masarap nga!”
Natawa naman ng pagak si Gawen. “Silly woman!” anito at hinila siya papunta sa malapad nitong dibdib. Niyakap siya nito!
Nang una ay nag-aalangan pa siya kung gaganti ba siya sa pagyakap dito o hindi. Pero sa huli, tila may sariling isip ang mga braso niya at kusa iyong umangat at pumulupot na rin sa katawan ni Gawen. Malapad ang ngiti at kinikilig na ipinilig niya sa dibdib nito ang kaniyang ulo.
Oh, my gosh! Totoo ba talaga ito? Baka naman... nananaginip lang ako?