CHAPTER 21

3735 Words
“WALA pa rin bang balita?” tanong ni Gawen sa investigator niya nang puntahan siya nito sa kaniyang opisina sa City Hall. Ilang araw na niya itong hinihintay na bumalik simula nang huli nilang pag-uusap, ngunit ngayon lamang ito dumating para kausapin siya. Bumuntong-hininga nang malalim ang lalaki na nakaupo sa visitor’s chair. “Pasensya na po Mayor, pero sa ngayon po ay wala akong maibibigay na magandang balita sa inyo tungkol sa kasong ito.” Anito. “Kahapon po nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong pulis na kasama sa nag-iimbestiga sa kasong ito. Nakakuha na raw po sila ng lead kung saan naglalagi ang lalaking isa sa pumatay kay Ms. Hernandez, pero nang puntahan namin ang bahay na tinitirhan ng lalaking iyon... wala na rin siyang buhay.” Pagkukuwento nito sa kaniya. Wala sa sariling napasandal siya sa kaniyang swivel chair at napabuga rin siya nang malalim na paghinga. Ipinatong niya ang kaniyang mga siko sa magkabilang armchair at ipinagsalikop ang kaniyang mga palad. “But don’t worry po Mayor, hindi po ako titigil hanggat wala po akong may naibibigay sa inyo na magandang balita tungkol sa pagkamatay ng kaibigan ninyo.” Tumango siya. “Thank you,” sabi niya. “Please do everything. I’m willing to pay you any amount.” “Makakaasa po kayo sa akin, Mayor. Gagawin ko nang maayos ang trabaho ko.” “Thank you again!” Tumayo ang lalaki mula sa inuupuan nito at inilahad ang kamay sa kaniya na kaagad naman niyang tinanggap. “Mauuna na po ako, Mayor.” Isang tango na lamang ang ibinigay niya rito bago ito tumalikod at nilisan na ang kaniyang opisina. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at napatitig sa kawalan. Naglalaro na naman sa kaniyang isipan si Eula maging si Emzara. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin talaga siya para sa bata. Nasa ganoon siyang posisyon nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng kaniyang opisina. Umayos siya sa kaniyang puwesto. “Come in!” aniya. Bumukas naman ang pinto at pumasok doon ang kaniyang kapatid na si Goran. “Hey, kuya!” anito sa kaniya. “Goran. What are you doing here?” tanong niya at muling binuksan ang laptop na nasa harapan niya. Saglit na naantala ang kaniyang trabaho kanina nang dumating ang investigator niya. Naglakad si Goran palapit sa kaniyang mesa. Umupo ito sa visitor’s chair na iniwan ng lalaki kanina. “I saw your investigator. Nagkausap kayo?” anito sa halip na sagutin ang tanong niya. “Yeah,” sagot niya. “So, kumusta ang kaso? Nahanap na ba kung sino ang pumatay kay Eula?” “Sad to say, not yet!” aniya. “Pinatay raw ang lalaking pumatay kay Eula. Hindi na raw naabutang buhay ng mga pulis ang lalaking ’yon.” “Bakit kasi hindi ka na lang humingi ng tulong kay Kuya Pablo?” anito. “I mean, mas marami siya connection tungkol sa bagay na ito. I’m sure mas mapapadali ang paghahanap kung sino ang nagpapatay kay Eula kung kay Kuya Pablo ka hihingi ng tulong.” Saglit niyang itinigil ulit ang pagbabasa sa important documents sa laptop niya at sinulyapan ang kapatid. “Alam mong hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya hanggat hindi siya nakikipag-ayos kay papa, Goran.” “Pero napakaimportante ng bagay na ito, Kuya Gawen. Hindi mo ba puwedeng isantabi muna ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni kuya? I mean, mahalaga rin naman para sa ’yo ang buhay ni Eula hindi ba? Even Emzara. So—” “Ginagawa ko ang lahat para lang mahanap at malaman kung sino ba talaga ang pumatay kay Eula. I think that’s enough... for now. Pero hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya.” “Pero kuya—” “This conversation is done, Goran.” Putol niya sa pagsasalita ng kaniyang kapatid. “If you have nothing important to do or say anything else to me, you may leave my office. I still have a lot of work to do.” Aniya at muling ibinalik ang kaniyang paningin sa monitor ng kaniyang laptop. Bumuntong-hininga naman si Goran at tinitigan ang kapatid. Mayamaya ay ngumiti ito. “Well, dumaan lang ako rito para makita ka. Papunta ako ngayon sa mansion.” Anito. Muli siyang napahinto sa ginagawa niya at napatingin ulit sa kapatid. Magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay. “At ano naman ang gagawin mo sa mansion?” tanong niya. Biglang natawa ng pagak si Goran. “Kuya, what kind of question is that?” tanong nito. “Para namang hindi ko rin bahay ang mansion dahil sa klase ng tanong mong ’yan.” “Just asnwer my question, Goran.” Naiinis na saad niya sa kapatid. Naalala niya rin bigla si Gelaena. Walang pasok ngayon sa eskwela si Emzara kaya nasa mansion lang ito ngayon kasama si Gelaena. At sigurado siyang magkikita ang dalawa roon kapag umuwi itong kapatid niya. Ngayon pa lamang ay naninibugho na naman siya dahil kay Goran. “Well, pupunta ako roon para makita si Gelaena,” sabi nito. Damn it! Sa isip-isip niya at napatiim-bagang pa siya. Ngumiti si Goran sa kaniya nang malapad. “Hindi kasi kami nakapag-usap no’ng isang araw dahil inisturbo mo kami roon sa gazebo. E, hindi niya pa kasi sinasagot ang tanong ko sa kaniya kung papayag ba siyang sumama sa akin na mag-lunch date kami or maybe dinner date.” Fuck! Parang gusto niyang ibato sa kaniyang kapatid ang laptop niya dahil sa labis na inis na biglang nabuhay sa dibdib niya. Nananadya ba ito sa kaniya? Talagang harap-harapang sinabi nito sa kaniya ang bagay na iyon? Well, kung sabagay... hindi naman alam ni Goran na may lihim siyang pagtangi sa yaya ng kaniyang anak! Damn. Kung sana kagaya lamang siya kay Migo at dito sa kapatid niya na may lakas ng loob na magtapat agad kay Gelaena, ginawa na niya! Pero inuunahan siya ng kaba at hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Pero, sa tingin naman niya ay may gusto rin sa kaniya si Gelaena! May gusto nga ba? E, hindi naman siguro masisiyahan si Gelaena roon sa halik na kanilang pinagsaluhan kagabi kung wala rin itong espesyal na nararamdaman para sa kaniya! Kung wala ring pagtingin sa kaniya ang dalaga, marahil ay nagalit ito bigla sa kaniya kagabi nang basta na lamang niya itong hinalikan. Pero hindi naman iyon nangyari kaya ang iniisip niya ngayon ay okay na silang dalawa. “You asked her on a date?” tanong niya. “Wala namang problema roon, kuya!” Seryosong titig ang ipinukol niya sa kapatid. “Well, aalis na ako, kuya. Mukhang... busy ka nga. Bawal kitang isturbuhin.” Pagkasabi niyon ni Goran ay kaagad itong tumayo sa puwesto nito. “Bye, kuya!” Wala siyang nagawa kun’di ang maikuyom na lamang ang kaniyang mga kamao na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa habang sinusundan ng tingin ang kaniyang kapatid na palabas na sa kaniyang opisina. Bumuntong-hininga siya nang malalim pagkuwa’y naiinis na pinindot niya ang entercom na nasa gilid ng kaniyang mesa. “Migo, come inside.” Ilang segundo lang ay bumukas nga ulit ang pinto ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang PA. “Yes po, Mayor?” tanong nito habang palapit na sa kaniyang mesa. “Call Gelaena,” sabi niya. “Ano po ang sasabihin ko kay Gelaena, Mayor?” Hindi agad siya nakasagot. Ano nga ba ang kaniyang ipasasabi kay Gelaena? Wala naman siyang kailangan sa dalaga, e! Saglit siyang nag-isip! “Mayor!” tawag sa kaniya ni Migo. Napatingin siya rito ng diretso. “Ano po ang sasabihin ko kay Gelaena, Mayor?” tanong nitong muli. “N-nothing,” sabi na lamang niya nang wala siyang maisip na puwedeng idahilan upang tawagan nito ang dalaga. “You can go back to your table. Sorry.” Tumango naman ang binata kahit halata sa mukha nito ang pagtataka dahil sa inasta niya ngayon. NAIINIS na naisarado ni Gawen ang kaniyang laptop at napasandal muli sa kaniyang swivel chair. May halos kinse minutos na simula nang umalis ang kaniyang kapatid, pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya. Dahil sa sinabi nitong aalukin nito ng date si Gelaena, hindi na siya nakapag-concentrate sa kaniyang trabaho. Nabulabog na ang kaniyang isipan, maging ang t***k ng kaniyang puso. Naiinis talaga siya kay Goran! Tumayo siya sa kaniyang puwesto at nagparoo’t parito nang lakad. Ilang beses na malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere upang tanggalin ang paninikip ng kaniyang dibdib. Napahawak siya sa kaniyang batok at tumingala sa kisame. “Ugh, Gelaena! What did you do to me?” naiinis na tanong niya na para bang nasa harapan niya ngayon ang dalaga at ito ang sinisisi sa nararamdaman ng kaniyang puso ngayon. “My mind has never been so messed up. Only now. And it’s because of you. Why? Damn it.” Laglag ang mga balikat na muli siyang napabuga nang malalim na paghinga. Mayamaya ay huminto siya sa kaniyang paglalakad. Tiningnan niya ang oras sa suot niyang wristwatch. Mag-a-alas dose na ng tanghali. Marami siyang kailangan na tapusing trabaho ngayon... pero kung ganito naman ang estado ng kaniyang puso’t isipan... hindi niya magagawa nang maayos ang kaniyang trabaho. Wala sa sariling naglakad siya palapit sa kaniyang mesa at pinatay ang kaniyang laptop. Kinuha niya rin sa ibabaw ng kaniyang swivel chair ang kaniyang coat at isinuot iyon pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang na naglakad siya palabas ng kaniyang opisina. “Mayor, saan po kayo pupunta?” tanong sa kaniya ni Migo na kaagad namang napatayo sa puwesto nito. “Just stay here, Migo! Uuwi lang ako sa mansion.” Tumango naman ang binata at hindi na nagawang sumagot nang kaagad siyang naglakad papalayo. Palabas na sana siya sa City Hall nang makasalubong naman niya si Governor Alcantara. “Hijo, tamang-tama at nagkita tayo ngayon.” Anang matandang gobernor sa kaniya. Sa halip na magdiretso sa kaniyang sasakyan, naglakad siya palapit sa gobernor. “Good morning, Gov.” Bati niya rito at nakipagkamay siya. “Good morning, hijo!” “Hi, Gawen!” bati rin sa kaniya ni Ella na ngayon ay pababa na sa backseat ng kotse na sinakyan ng gobernador. Lihim siyang napabuntong-hininga. At nang makalapit sa kaniya si Ella, kaagad itong humalik sa magkabilang pisngi niya. “Hi, Ella!” bati niya rin sa dalaga. “May importanteng lakad ka ba, hijo?” “Um, babalik lang sana ako sa mansion, Gov.” “Oh, well... kung wala ka namang importanteng lakad. Puwede ba kitang makausap ngayon? I mean, sinadya talaga kitang puntahan dito ngayon.” Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang tingin sa mag-ama bago siya bumuntong-hininga ulit nang banayad at tumango. “Yeah, sure. Let’s go to my office, Governor Alcantara.” Aniya ’tsaka niya iminuwestra ang kaniyang kamay upang paunahin na sa paglalakad ang matanda. Si Ella naman ay walang sabi-sabi na yumakap sa kaniyang braso at umagapay sa kaniyang paglalakad. Hindi niya na ito sinaway at hinayaan na lamang na kumapit sa kaniyang braso. “I missed you, Gawen.” Anito sa kaniya. Nilingon niya ito at tipid na nginitian lamang. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makapasok sila sa City Hall. MALAPAD ANG ngiti sa mga labi ni Gelaena habang nakatayo siya sa harap ng full-sized mirror. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon at pinagmamasdan ang kaniyang sarili, lalo na ang kaniyang mga labi na kanina pa nakanguso. Hindi pa rin talaga siya maka-move on sa halik na nangyari sa kanila ni Gawen kagabi. Hanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya ang kilig sa kaniyang puso, maging ang malambot at mainit na mga labi ni Gawen na nakalapat sa mga labi niya. Oh, maging ang mainit at matigas na katawan at mga braso ng binata nang yakapin siya nito. Pagkatapos nang nangyari sa kanila kagabi sa swimming pool, hindi na niya maalala kung ano ang sumunod na nangyari sa kanila ni Gawen at kung paano siya nakapunta sa kwarto ni Emzara. Hindi siya sigurado kung sabay ba sila ni Gawen na pumasok sa mansion at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Basta ang naalala lang niya... iyong halik. Wala ng iba pa! Bahagya niyang kinagat-kagat ulit ang kaniyang mga labi at dinilaan pa iyon at muling ngumuso-nguso. Oh, Gelaena! Nababaliw ka na ata dahil sa halik ninyo ni Yorme kagabi. Hindi ka na nakalimot. Nakangiti pa ring saad niya sa kaniyang isipan. Sabagay, sino ba ang makakalimot sa masarap na halik ng crush mo, hindi ba? Diyos na mahabagin! Hindi halatang wala siyang tulog sa buong magdamag dahil sa kakaisip niya sa halik na iyon. Ang aliwalas ng kaniyang mukha, maging ang kaniyang mga mata ay nagniningning simula pa kaninang umaga. “Why are you happy, Gelaena?” Napalingon siyang bigla kay Emzara nang marinig niya ang tanong nito. Oh, nawala na sa isipan niya ang batang kasama niya sa silid na iyon! Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya pagkuwa’y naglakad siya palapit sa sofa. Nasa tapat ng center table si Emzara at gumagawa sa assignments nito. Sa halip na tulungan niya ito kagaya sa parati nilang ginagawa, hayon at nasa harapan tuloy siya ng salamin at ninanamnam na naman ang kilig ng puso niya. “I’m just happy, Ezmara,” sagot niya sa bata. “Because of the kiss?” Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay kasabay niyon ang paglalaho ng ngiti sa mga labi niya at napatitig sa maliit na mukha ng bata. Mayamaya ay naramdaman niya rin ang pag-iinit ng buong mukha niya. “P-paano...” “How did I know about that kiss?” tanong nito. Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway. “Well, I’m sleeping next to you, Gelaena. I woke up last night because of your thrilled screams,” wika nito. “You are thrilled, Gelaena. And that’s because of the kiss you shared with Daddy Mayor.” Dagdag pa na saad nito sa kaniya. Napamaang na lamang siya dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Emzara. Oh, mukhang pati pa pala iyon ay nakalimutan niya kagabi. Magkatabi sila ni Emzara pero tudo pala ang kilig niya kaya nagising ito. Kagat ang pang-ibabang labi ay ngiwing ngumiti na lamang siya sa bata. “Halika, tapusin na natin itong assignments mo. Huwag mo ng pansinin ang kilig ko.” Saad na lamang niya. “WHERE is Gelaena, Arlene?” tanong niya sa dalaga pagkababa pa lamang niya sa kotse ay nakita niya si Arlene na papasok na rin sa main door. “Ah, nasa itaas po, Mayor. Sa silid po ni Señorita Emzara,” sagot naman ng dalaga. “Thank you!” pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang naglakad papasok sa main door at pumanhik sa mataas na hagdan. Habang naglalakad patungo sa silid ng kaniyang anak, ilang banayad na buntong-hininga pa ang pinakawalan niya sa ere upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Halos tatlong oras din ang naging pag-uusap nila ni Governor Alcantara kanina sa kaniyang opisina kaya hindi agad siya nakaalis para umuwi sa mansion. Kahit ukopado man ni Gelaena ang kaniyang isipan sa mga oras na iyon, kahit papaano ay nagawa naman niyang pakinggan nang maayos ang mga sinabi ng matandang gobernador. Pinag-usapan nila ang tungkol sa nalalapit na eleksyon. Ito na ang huling termino ni Governor Alcantara kaya hinihikayat siya nitong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon. Wala na sana siyang balak na tumakbo pa sa susunod na eleksyon at balak na niyang tapusin na ang kaniyang termino ngayong taon, kaya hindi na muna siya nagbigay ng pinal na sagot sa governor. Ipapaalam na lamang niya rito kung ano ang magiging desisyon niya. Pagkatapos din ng pag-uusap nila ni Governor Alcantara, inaya na naman siya ni Ella na magkape, pero kagaya sa dati’y tinanggihan niya ang dalaga kahit pa kaharap niya ang ama nito. Sinabi lamang niya na kailangan na niyang umuwi sa mansion dahil may emergency sa kanila. Hindi naman na nangulit sa kaniya si Ella at sinabi sa kaniya na sa susunod na lamang. Nang nasa tapat na siya ng kwarto ni Emzara, muli siyang humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Inayos niya rin ang kwelyo ng suot niyang long-sleeve maging ang kaniyang buhok na maayos naman ang pagkakapinid, pagkatapos ay kumatok siya sa pinto bago niya pinihit ang doorknob. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto, kaagad naman niyang nakita si Gelaena at Emzara na nasa may sofa at tinuturuang mag-aral ng dalaga ang kaniyang anak. “Daddy Mayor!” nakangiting saad ni Emzara nang makita siya nito. Kaagad itong tumayo at patakbong lumapit sa kaniya. Nakangiting binuhat niya naman ito at hinalikan sa pisngi. “How are you sweetie?” tanong niya. “Fine po,” sagot nito. “Gelaena teaches me on my assignments.” Sinulyapan niya ang dalaga na nakangiti ring nakatingin sa kanila. Tipid siyang ngumiti rito. “Really?” nang muli niyang ibaling ang kaniyang paningin sa bata. “Yes po.” “Nag-miryenda ka na ba?” “Not yet po.” “Do you want to eat?” Sunod-sunod naman itong tumango. “Gelaena, do you want to eat, too?” tanong din nito sa dalaga. “Um, s-sige. Gagawa ako ng miryenda.” Anang Gelaena at kaagad na tumayo sa puwesto nito. “Dadalhin ko na lang po rito—” “No need. Sa baba na tayo mag-miryenda,” sabi niya nang makalapit na sa kanila ni Emzara si Gelaena. “Um, s-sige po, Yorme.” Anang Gelaena at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Let’s go po, Daddy Mayor.” “Alright.” Nagpatiuna si Gelaena na lumabas ng silid habang nakasunod naman siya rito. Pinagmamasdan niya ang magandang pigura ng dalaga. “Why are you looking at Gelaena, Daddy Mayor?” Napatingin siyang bigla sa bata at pagkuwa’y napatingin ulit sa dalaga. Kinabahan siya. Baka kasi narinig ni Gelaena ang sinabi ni Emzara sa kaniya. “N-no I’m not. I mean... nakatingin ako sa unahan natin.” Tumitig naman sa kaniya ang bata. “Why are you looking at me like that, sweetie?” nakangiting tanong niya rin dito mayamaya. “I like Gelaena...” “Yeah, I know. You already told me about that.” “I mean po, not only for me. I like her for you, too po.” Muli niyang sinulyapan si Gelaena na ngayon ay pababa na sa hagdan. Medyo binagalan niya ang kaniyang paghakbang upang hindi nito marinig ang pinag-uusapan nilang mag-ama. “Really?” “Opo. And Gelaena likes—oh, no! I shouldn’t have said that.” Anito at kaagad na tinakpan ang bibig. “Ang alin?” kunot ang noo pero nakangiti pa ring tanong niya sa anak. Umiling naman ito. “I’m sorry po, Daddy Mayor. But I can’t tell you about our secret.” “What secret? Ano ang hindi mo puwedeng sabihin sa akin?” Umiling ito ulit at tumingin din kay Gelaena habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa bibig nito. Magsasalita na sana siya upang tanungin ulit ang bata, pero hindi na niya nagawa iyon at napahinto siya sa pagbaba sa hagdan nang mula sa main door, nakita niyang pumasok si Goran. May bitbit pa itong isang malaking bouquet of red roses at isang kahon ng chocolate. Mabilis na nangunot ang kaniyang noo. “Hi, Gelaena!” malapad ang ngiti sa mga labing bati ni Goran sa dalaga. “Sir... Sir Goran?” anang Gelaena. “Hi.” Anang kaniyang kapatid at naglakad palapit sa dalaga. “For you.” Anito at iniabot kay Gelaena ang bulaklak at tsokolate. Hayon na naman ang panibugho sa kaniyang dibdib. Napatiim-bagang siya habang masama ang titig niya sa kaniyang kapatid. Oh, damn! Parang gusto niyang magmadali sa pagbaba sa hagdan at hilahin palabas ng mansion ang kaniyang kapatid at itapon sa basurahan ang bulaklak at tsokolateng ibinibigay nito kay Gelaena. Walang-hiya talaga itong kapatid niya! Iniinis ba siya nito o talagang seryoso ito sa sinabi nitong liligawan nito si Gelaena? Goran can’t do that! Nagdahan-dahan siya sa pagbaba sa hagdan hanggang sa makalapit siya sa kinaroroonan ng dalawa. “B-bakit... bakit n’yo naman po ako binibigyan ng bulaklak at chocolate, Sir Goran?” tanong ni Gelaena. Mayamaya ay tinanggap naman nito ang mga iyon. “Well, hindi ba’t tinatanong kita tungkol sa lunch date or dinner date?” “Pero—” “Come on, Gelaena. I don’t take no for an answer.” Pinutol agad nito ang pagsasalita ng dalaga. “Talaga bang dito ka sa mansion manliligaw, Goran?” nagpipigil na tanong niya sa kaniyang kapatid. Napalingon naman sa kaniya si Gelaena at Goran. Damn. Mas lalo siyang naninibugho ngayon! “E, hindi naman ako puwedeng manligaw sa kapit-bahay natin, kuya, dahil nandito naman sa mansion ang babaeng gusto ko.” Matalim na titig ang ipinukol niya sa kapatid dahil sa naging sagot nito sa kaniya. Damn him! Pagkatapos ay tiningnan niya rin si Gelaena na kaagad namang nagbaba ng mukha. “You know I’m allergic to flowers, Goran.” “Huh? Kailan pa, kuya?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya. “At isa pa, hindi naman para sa ’yo itong mga bulaklak ko, kun’di para kay Gelaena, kaya ayos lang kung may allergy ka. Hindi mo naman ito hahawakan o aamuyin.” Anito at ngumiting muli nang sulyapan ulit ang dalaga. Oh, oo nga naman, Gawen! Bakit ba ikaw ang nagrereklamo riyan? E, hindi naman para sa ’yo ang mga bulaklak. Anang kaniyang isipan. Fuck! Gusto niya na talagang kastiguhin itong kapatid niya. Kung hindi lamang siya pagagalitan ng kanilang mga magulang, kanina niya pa ito tinamaan sa mukha. Napatiim-bagang siya at nagpakawala nang malalim na paghinga pagkuwa’y mabilis na tumalikod na lamang habang karga pa rin niya si Emzara. “Arlene!” sigaw niya. “I want coffee!” Napasunod naman ang tingin nina Gelaena at Goran kay Gawen habang papunta na ang binata sa kusina. “Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang problema ni Kuya Gawen.” Napapailing na saad ni Goran. “Sir Goran... hindi n’yo naman po—” “Please, Gelaena! Babalikan kita mamaya. Seven in the evening. Huwag mo sana akong bibiguin.” Anito bago dahan-dahang umatras. At bago ito tuluyang lumabas sa main door, kinindatan pa nito ang dalaga. Nakagat na lamang ni Gelaena ang pang-ilalim nitong labi at tinitigan ang magagandang bulaklak at chocolate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD