CHAPTER 19

3254 Words
UNTI-UNTING pumikit ang kaniyang mga mata habang patuloy niyang nararamdaman ang mainit na mga labi ni Gawen na nakalapat sa mga labi niya. Ang hawak niyang cellphone ay nabitawan niya at bumagsak sa marmol na sahig. Oh, gulay! Ramdam niya ang panghihina ng kaniyang buong katawan dahil sa ginawa ni Gawen sa kaniya. Hindi pa rin siya makakilos sa kaniyang puwesto. Ang pagkakahawak ni Gawen sa kaniyang batok ay bahagyang humigpit at kinabig pa siya nitong lalo. Oh, sweet potato! Ang first kiss ko nakuha na ni Yorme! Paghuhumiyaw ng kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ilang segundo ng magkalapat ang mga labi nilang dalawa. Basta, nang maramdaman niya ang paggalaw ng mga labi ni Gawen upang sana diinan pa ang paghalik sa kaniya, bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata at mabilis na umangat ang kaliwang kamay niya at hindi sinasadyang naitulak niya ito sa dibdib dahilan upang magkahiwalay sila. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata na napatitig dito at hinahabol niya ang kaniyang paghinga. “Y-yor—” hindi niya magawang magsalita nang maayos dahil malakas pa rin ang kabog ng kaniyang puso. At sigurado din siyang pulang-pula ang kaniyang mukha ngayon dahil sa halik na pinagsaluhan nila ni Gawen; dahil sa hiyang nararamdaman niya ngayon. Mayamaya’y nakita niya ang maliit na ngiting sumilay sa gilid ng mga labi ni Gawen habang mataman pa rin itong nakatitig sa kaniya. “Next time, ask my permission first, Gelaena.” Ano raw? Ask his permission? Bakit, may kasunod pa ba ang halik na namagitan sa kanila kanikanina lamang? Sa labis na panghihina ng kaniyang mga kalamnan... napasalampak siya ng upo sa sahig habang nakahawak pa rin ang kanang kamay niya sa armchair ng sofa. Naumid na ata ang kaniyang dila at hindi na niya nagawang makapagsalita pang muli. Humugot nang malalim na paghinga si Gawen ’tsaka ito tumayo at inilahad sa kaniya ang kamay. Ipinagpalipat-lipat naman niya ang kaniyang paningin sa mukha at kamay nitong nasa harapan niya. “Come on, Gelaena! Malamig ang sahig.” Anito. Napalunok siya ng kaniyang laway at muling napatitig sa kamay nito. At mayamaya, tila may sarili atang isip ang kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa armchair ng sofa at kusa iyong umangat at wala sa sariling tinanggap niya ang kamay nito. Dahan-dahan naman siyang hinila ni Gawen upang tulungan siyang makatayo. Hindi niya pa rin magawang alisin ang kaniyang paningin sa mga mata nito. Oh, holy lordy! Nahipnotismo na ata siya o may magnet lang ang mga mata ni Mayor kaya hindi niya magawang alisin ang kaniyang titig dito? Mas lalong dinadaga ang kaniyang dibdib sa klase ng paninitig nito sa kaniya. Ang buong akala ni Gelaena, kapag nakatayo na siya ay bibitawan na rin ni Gawen ang kaniyang kamay, pero mali pala siya. Naramdaman niya ang masuyong pagpisil nito sa palad niya at gamit ang isang braso ng binata’y hinapit siya nito sa kaniyang baywang na siyang naging dahilan upang magkadikit ang kanilang mga katawan. Damn. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang matigas nitong abs sa may kaniyang tiyan maging ang matigas na braso nitong nakapulupot sa kaniyang baywang. Amoy na amoy niya rin ang mabango at mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang mukha, kagaya na lamang kanina. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang magpasalamat na hinapit siya nito sa kaniyang baywang kaya nakakuha siya rito ng suporta upang hindi siya matumba dahil sa panghihina ng kaniyang mga tuhod o magsisisi sa ginawang iyon ni Gawen, dahil sa malakas na kuryenteng nanulay mula sa katawan nito papunta sa kaniya? “Y-yor... Yorme?” mahinang usal niya habang nakatitig pa rin siya sa mga mata nito. Muli siyang napalunok ng kaniyang laway. Mula sa pagkakatitig ni Gawen sa kaniyang mga mata’y bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga mata. Nakita niya rin ang paggalaw ng adam’s apple nito nang lumunok din ito. “Tes lèvres ont bon goût.” Nangunot ang kaniyang noo nang magsalita ito, ngunit hindi niya naman iyon naintindihan. Magsasalita na sana siya upang tanungin kung ano ang tinuran nito, pero bigla namang may tumikhim mula sa may pinto. Sabay silang napalingon doon ni Gawen. At nang makita nilang nakatayo na roon si Señor Salvador, bigla siyang bumalik sa kaniyang sarili at muling naitulak sa dibdib ang binata. Muntikan pa nga siyang matumba nang bitawan ni Gawen ang kaniyang baywang. Nangangatog pa rin kasi ang kaniyang mga tuhod. Bahagya siyang lumayo kay Gawen at tumungo. “S-sorry po, Yorme!” paghingi niya ng paumanhin. “Sorry to disturb you,” wika ni Señor Salvador ’tsaka ito naglakad na upang pumasok nang tuluyan. Oh, Gelaena! Ano ba ang pumasok sa isip mo at hinayaan mong yakapin ka ni Yorme? Nakakahiya at nakita pa ni Señor Salvador ang ayos ninyong dalawa! Ano na lamang ang iisipin ng señor sa mga nakita niya? Lalo na sa ’yo? Panenermon niya sa sarili habang hindi niya pa rin magawang mag-angat ng mukha. Labis siyang nahihiya ngayon, lalo na sa ama nito. “G-good evening po... Señor Salvador!” nahihiyang bati niya sa matanda. At nang mag-angat siya ng mukha upang tingnan ito, nakita niya ang malapad na ngiti sa mga labi nito. Tila nanunudyo marahil sa kaniya. “Good evening din sa ’yo, hija!” “Um, l-lalabas lang po ako,” sabi niya at nagmamadali nang humakbang palapit sa pinto at lumabas sa silid na iyon. Bigla siyang napabuntong-hininga nang malalim at napaupo sa bench na naroon. “Oh! Ang init ng mukha ko!” aniya at ipinangpaypay sa tapat ng mukha niya ang dalawa niyang kamay. “My God! Totoo ba ang nangyari kanina? Hinalikan talaga ako ni Yorme?” tanong niya sa sarili. Napatutop siya sa kaniyang mga labi. Mayamaya ay napailing siya nang sunod-sunod. “Ah, hindi totoo ’yon. Nananaginip lang ako!” aniya at mariing pumikit at kinurot ang pang-ibaba niyang labi. “Ouch!” daing niya at muling nagmulat. “So... totoo nga? Hindi ako nananaginip? Totoong... h-hinalikan ako ni Yorme?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kaniyang sarili. “Oh, my veggies!” nasambit na lamang niya at napangiti siya nang malapad. Kinagat niya pa ang ibabang labi niya habang hawak-hawak niya pa rin iyon. “Jusko! Siya ang first kiss ko.” Impit siyang tumili at napatayo sa kaniyang kinauupuan. Damn. Parang gusto niyang magtatalon sa mga sandaling iyon dahil sa labis na kilig na kaniyang nararamdaman. Parang lalabas na sa ribcage niya ang kaniyang puso. Abot-abot ang pagkabog niyon! Nagkatotoo nga ang sinabi ni Arlene sa kaniya kanina. Tapos na niyang nayakap si Gawen kanina, tapos... ito naman ang humalik sa kaniya! Muli siyang napangiti nang malapad at impit na napatili ulit. Kaunti na lamang at mamimilipit na ang mga binti niya sa pagpipigili niya sa kaniyang kilig. Kung nasa tahimik lamang siyang lugar ngayon, o nasa bundok, marahil ay kanina pa siya nagtatatalon at nagsisigaw dahil sa kaligayahan niya! “What are you doing?” Bigla siyang napapihit paharap sa pinto nang magsalita si Gawen mula roon. Mabilis pa sa alas kwatrong napalis ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “P-po?” nauutal na tanong niya. “Are you okay, Gelaena?” Napalunok siya at kaagad na sinupil ang kaniyang sarili. “Um, nag... nag-i-stretching lang po, Yorme.” Palusot niya. “May... may kailangan po ba kayo?” tanong pa niya. “Bumaba ka sa parking lot. Kunin mo sa kotse ni papa ang damit ko.” “Opo, Yorme!” aniya at kaagad siyang tumalikod. “Gelaena!” Muli siyang napapihit paharap dito. “Yes po, Yorme?” Hindi naman agad nagsalita si Gawen, sa halip ay tinitigan siya nito ng ilang segundo na siyang ikinailang na naman niya. Mayamaya ay tumikhim ito. “Nothing. Just... don’t take too long.” Tumango naman siya. “Yes po, Yorme.” Bago pa man sumilay muli ang kaniyang ngiti ay tumalikod na siya at nagmamadali ng naglakad palayo. “HOY, BES! AYOS KA LANG?” Bigla siyang napalingon kay Arlene nang marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nagtitimpla ng kape para kay Gawen. Inutusan kasi siya ng binata nang makita siya nito kanina na lumabas sa kwarto ni Emzara. Tatlong araw na simula nang makauwi sila sa mansion galing ospital. At tatlong araw na rin ang nakalipas simula nang may halikang nangyari sa kanila ni Mayor, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon mawala-wala sa kaniyang isipan. Pakiramdam niya ay kaninang umaga lamang nangyari ang halik na iyon at ramdam na ramdam niya pa rin ang mainit at malambot na mga labi ni Gawen na nakadikit sa mga labi niya. Hindi pa rin siya maka-get over! “Hi, Arlene!” sa halip ay nakangiting bati niya sa kaibigan. Huminto naman si Arlene sa gilid ng kitchen counter at tinitigan siya nang mataman. “Alam mo amiga, napapansin ko... tatlong araw ka ng nakangiti. Nakakapanibago! Para kang crispy patata. May something. Okay ka lang ba?” tanong pa nito. Itinuon niya ulit ang kaniyang paningin sa kapeng tinitimpla niya at ngumiti lalo. “Ayos lang ako, Arlene,” wika niya. Muli siyang tinitigan ng dalaga. Mayamaya ay humugot ito nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nangalumbaba pa ito sa gilid ng kitchen counter. “Sus! Parang feeling ko... may something na nangyari sa ospital kaya simula nang dumating kayo rito, hindi na napuknat ’yang ngiti sa mga labi mo.” Anito. Nilingon niya ito. Hindi siya agad nagsalita. At nang matapos niyang haluin ang kape, kinuha niya iyon at naglakad palapit kay Arlene. Inilapag niya iyon sa kitchen counter. “Bes, kung sakaling... gumalaw nga ulit ang baso. Ano ang masasabi mong puwedeng mangyari sa amin ni Yorme?” ilang gabi niya ng gustong itanong iyon kay Arlene. Paano naman kasi, simula nang mag-usap sila sa ospital at mangyari nga ang halik sa pagitan nila ni Gawen, feeling niya ay malakas ang hatak ni Arlene sa tadhana at nangyari nga ang sinabi nito. Nahihiya nga lamang siyang aminin dito ang totoong nangyari sa kanila ni Gawen. Panigurado kasi siyang walang humpay na panunudyo na naman ang aabutin niya mula sa babaeng ito! Biglang sumilay ang mapanudyong ngiti sa mga labi ni Arlene dahil sa naging tanong niya. “Oy! May nangyari nga sa ospital ano?” sa halip na sagutin ang tanong niya, nagtanong din ito sa kaniya. Bigla niyang naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha niya. Ang pamilyar na kilig at kiliti sa puso niya ay naroon na naman! Awtomatik na talaga ang kilig niya! “Sige na nga,” kunwari’y napipilitang pag-amin niya sa kaibigan. Hindi niya na itinago ang kilig at malapad niyang ngiti. “My God!” napatili na rin si Arlene. “Sinasabi ko na nga ba, e!” anito. “Hinaan mo nga ang boses mo, Arlene! Baka may makarinig sa atin.” “Kinikilig ako, amiga!” impit na sigaw pa nito. “So, kwento ka dali. Ano ang nangyari, bes?” excited na tanong nito nang tumabi ito sa kaniya. Banayad siyang bumuntong-hininga. “Well...” aniya at dinukot niya sa bulsa ng kaniyang uniform ang cellphone niya. Tiningnan niya sa gallery niya ang picture nila ni Gawen. Dalawang picture ang naroon. Mabuti na lamang at nang mapindot niya ang screen ng kaniyang cellphone ay nakunan niyon ang pangalawang picture nila ni Mayor. Medyo blur nga lang. Pero okay na rin iyon. At least may remembrance siya at kinikilig siya nang husto kapag pinagmamasdan niya iyon sa gabi bago siya matulog. Ang akala pa nga niya no’ng una ay binura iyon ni Gawen sa gallery niya nang maiwanan niya sa sahig ang cellphone niya dahil sa biglang pagdating ni Señor Salvador nang gabing iyon. Pero nang iabot iyon sa kaniya ni Gawen at tiningnan niya ang gallery niya, naroon pa naman pala iyon. “Ito bes,” sabi niya at ipinakita niya kay Arlene ang picture nila ni Gawen. Muli na namang napatili si Arlene. “My God! May pa-picture pa ang amiga ko!” kinikilig na saad nito sa kaniya at bahagyang pinalo ang kaniyang balikat. “E, ano ang ganap after nito?” tanong pa nito. “Um...” tila nahihiya pa siya. “Nag-kiss kayo ano?” tanong ni Arlene na hindi na rin nawala ang malapad na ngiti sa mga labi. Hindi niya kayang banggitin iyon kaya tumango na lamang siya upang sagutin ang tanong nito. “Oh, my fresh vegetables!” kinikilig na saad nitong muli. “Nagtagpo rin sa wakas! Aww! Kinikilig ako, bes! Ano... masarap ba humalik si Mayor?” tanong nito at yumakap pa sa braso niya. Saglit siyang nag-isip. “Ewan ko,”kibit-balikat na sagot niya. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ni Arlene. “Ano’ng ewan mo, Gelaena?” tanong pa nito. “E, hindi ko alam! Paano ba masasabing masarap ang halik o hindi?” tanong niya. “First time mo bang mahalikan, bes?” Tumango siya. “Oo.” “Ah, kaya naman pala!” “E, ikaw? Nahalikan ka na ba? Paano mo masasabi kung masarap ang halik o hindi?” tanong niya ulit. Tumikhim si Arlene at dahan-dahang bumitaw sa pagkakayapos sa braso niya. “Hindi ko rin alam, bes,” sagot nito at ngiwing ngumiti sa kaniya. “Hindi ka pa rin nahahalikan?” Umiling ito. “Never been kissed. Never been touched. Kagaya mo, virgin.” “Tapos may pasabi-sabi ka pa kung masarap o hindi.” Umismid siya. “Iyon kasi ang sabi ng mga kakilala ko! Kapag daw crush mo o mahal mo ang humalik sa ’yo... masarap daw. Lalo na sa feelings.” Muli siyang bumuntong-hininga nang banayad. “Hindi ko naman masasabi kung masarap ba ang halik ni Yorme o hindi kasi... dampi lang naman ’yon,” mayamaya ay sabi niya. “Ah, hindi na ’yon problema bes,” sabi nito. Nangunot ang kaniyang noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “E ’di maghalikan ulit kayo ni Yorme mo para malaman mo. As simple as that. Mahirap bang gawin ’yon?” umismid ito sa kaniya. “Jusko naman, Arlene!” aniya na napahawak pa sa tapat ng kaniyang dibdib. “Kung makapagsalita ka naman diyan... ano’ng akala mo, mag-jowa kami ni Yorme para ganoon lang kadali na makipaghalikan sa kaniya?” “Sus, doon na rin ’yon papunta, bes.” Anito. “At... mukhang effective nga ang fake gayuma ko at nakikinita ko na ang liwanag para sa team GaGe ko. Ayeee! Nako, kung puwede lang ako mangampanya sa mga kasama natin dito sa mansion para bumuo kami ng fans club ninyo ni Mayor, ginawa ko na, bes! GaGenatics!” wika pa nito. “Ang problema nga lang... puro senior citizens na ang kasama natin dito. Hindi na makaka-relate sa kilig or kung kiligin man, ako pa ang masisi kapag inatake sa puso. Jusko!” “Puro ka talaga kalokohan, Arlene!” sabi na lamang niya at napailing. Pero sa loob-loob niya, bigla siyang nakadama ng excitement dahil sa sinabi nito. Nako, baka magkatotoo na naman ang mga sinabi ni Arlene. “Ewan ko sa ’yo! Bahala ka na nga riyan!” saad na lamang niya ’tsaka niya dinampot ang tasa ng kape at naglakad na siya upang lumabas ng kusina. “Kwentohan mo ulit ako bes kapag may second base na ang GaGe, huh!” habol pa sa kaniya ni Arlene. Napailing na lamang siya at napangiti. “Gelaena!” “Po, manang?” sagot niya sa isang kasambahay na nakasalubong niya sa sala. “Nasa gazebo si Mayor. Doon mo na raw ihatid ang kape niya. Bumaba na siya kanikanina lang.” “Okay po, manang. Salamat!” aniya at sa lanai na siya nagdiretso sa halip na pumanhik sa hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may gazebo, nakita na niya roon si Gawen na may kausap na dalawang lalaki. Parehong guwapo at matitikas ang pangangatawan. Parehong nakasuot din ng button-down shirt. Ang isang lalaki ay parang pamilyar sa paningin niya. Nang makita siya ng dalawa na papalapit na sa gazebo, huminto sa pagsasalita ang isa. “Who is she?” tanong ng lalaking nakasuot ng white long-sleeve at nasa tapat ng puwesto ni Gawen. Lumingon naman sa kaniya si Gawen. “Good afternoon po, sir!” nakangiting bati niya sa dalawang lalaki. “Yorme, heto na po ang kape ninyo.” Aniya na kaagad namang tinanggap ni Gawen ang tasa na dala niya at inilapag iyon sa mesa. “Is she a new maid?” tanong din ng lalaking nakasuot ng sky blue long-sleeve. “She’s Emzara’s new nanny,” sabi ni Gawen. “She’s Gelaena.” Kaagad namang tumayo ang lalaking unang nagsalita. “Hi. I’m Goran!” pagpapakilala nito at inilahad ang kamay sa kaniya. Tinanggap naman niya ang kamay nito. “Hello po, sir! Gelaena po.” “Oh, do not use po. Hindi pa naman ako matanda. Just call me Goran. Kapatid ako ni Kuya Gawen.” Ah, kaya pala pamilyar sa kaniya ang mukha nito! Nakita na niya ito sa isa sa mga picture na nasa sala ng mansion. “I’m Alihan.” Nang tumayo rin ang isang lalaki at nakipagkamay rin sa kaniya. “Kapatid din po kayo ni Yorme?” tanong niya. “Pinsan.” Tumango siya. “Ah! Nice to meet you po, sir!” “Just call me Alihan, too.” Nginitian niya ulit ang dalawang lalaki. Tumikhim si Gawen at muli siyang nilingon. “You can go back inside, Gelaena.” Utos nito sa kaniya. “Ah, o-oo nga po, Yorme!” aniya at muli pa siyang ngumiti sa dalawang lalaki ’tsaka siya tumalikod at naglakad na pabalik sa lanai. “She’s beautiful, kuya!” nakangiting saad ni Goran habang sinusundan pa nito ng tingin ang dalaga. “Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin mong ganiyan, Goran.” Seryosong saad ni Gawen sa kapatid pagkuwa’y dinampot ang tasa ng kape nito. Tumawa naman ng pagak ang binata. “I think nagka-crush at first sight ako—” “She’s already taken, Goran.” Pinutol pa nito ang pagsasalita ng kapatid. “Kung may balak kang isama rin sa mga babae mo ang yaya ng anak ko, huwag mo ng ituloy.” “Bro, asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya na hindi naman kasama rito sa mansion.” Anang Alihan at tumawa rin ng pagak. “You’re right, Alihan.” Pagsang-ayon ni Goran sa pinsan at tinapik pa ito sa braso. Napatiim-bagang naman si Gawen at masamang tingin ang ipinukol sa dalawa. “Ayan ang alam n’yong gawin. Ang mambabae!” “Si kuya naman, hanggang ngayon bitter ka pa rin. Kaya hindi ka nagkakaroon ng love life, e!” anang Goran. “At isa pa, wala namang problema kung sakaling ligawan ko ang yaya ni Emzara. Hindi mo naman ako empleyado kaya hindi ako kasali sa lalabag ng rules mo.” Tumawa pa itong muli. “You can’t do that, Goran. Because like what I have said, she’s already taken. At ako ang magdedesisyon kung puwede ba siyang ligawan o hindi dahil nasa poder ko siya.” “Tsk. Puwede pa ’yan, kuya!” anito. “Mukhang mapapadalas na ata ang pag-uwi ko rito sa mansion.” Saad pa nito at sumandal sa puwesto nito habang may malapad pa ring ngiti sa mga labi nito. Lihim namang napabuntong-hininga nang malalim si Gawen at tinitigan ang palikerong kapatid. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD