CHAPTER 8

3332 Words
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gelaena sa ere. Ewan niya sa kaniyang sarili kung nakailang buntong-hininga na siya simula pa kanina! Hindi na niya mabilang! Nakatulala lamang siya habang hawak-hawak niya ang tasa ng kaniyang kape at nakaupo siya sa may kitchen counter. Medyo masakit ang kaniyang ulo nang umagang iyon dahil hindi siya nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi dahil sa nangyari sa silid ng kaniyang alaga. Simula kagabi hanggang sa umagang iyon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa loob ng kwarto ni Emzara, nang maalimpungatan siya at makita niyang sobrang lapit ng mukha ni Mayor Gawen sa mukha niya. Totoo nga bang muntikan na siyang halikan nito? “Ugh, Gelaena! Puwede ba, huwag ka namang mag-assume na balak kang halikan ng sungit na ’yon? Remember, nasa tabi mo si Emzara kagabi. Sobrang lapit ninyo sa isa’t isa. Ano’ng malay mo at ang alaga mo ang hinalikan niya at nagkataon lang nang magmulat ka e, nasa malapit ng mukha mo ang mukha niya. Duh! Huwag kang asyumera! Bakit ka naman niya hahalikan e, galit nga siya sa ’yo dahil sa nangyari no’ng unang araw na magkita kayo? Feeling ka naman.” Naiinis na saad niya sa kaniyang sarili sa mahinang boses. Muli siyang nagpakawala nang buntong-hininga at ipinilig ang kaniyang ulo upang alisin sa isipan niya ang bagay na iyon. Napapraning lamang siya sa iniisip niya! “Ayos ka lang ba, bes?” Napalingon naman siya bigla sa may pintuan. Nakita niyang papasok si Arlene at naglakad palapit sa kaniya. “May kausap ka ba riyan? Parang bumubulong ka riyan, e!” ngumiti pa ito sa kaniya. “Haynako, Arlene! Masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.” Nakabusangot na saad niya. “Bakit naman?” bahagyang nangunot ang noo nito. “Sa kwarto ka pala ni señorita natulog, sabi ni Nanay Hulya!” Tumango naman siya. “Oo. Nagrekwes kasi si Emzara sa akin.” “Kaya pala. Naghihintay ako sa ’yo kagabi kasi aayain sana kitang tumambay sa swimming pool. Pero hindi ka naman bumaba.” Anito at isinaksak na rin ang coffee maker upang gumawa na rin ng kape nito. “Siya nga pala bes... aalis kayo mamaya kaya maaga kang maghanda.” “Aalis? Bakit saan kami pupunta?” tanong niya habang nakatitig siya sa likuran ni Arlene. “Sabado ngayon. At tuwing ganitong araw, nagpupunta si Mayor sa farm nila sa kabilang bayan. Kasama niya si señorita. Roon kasi sila natutulog kapag sabado at linggo. Bumabalik lang sila rito sa lunes ng umaga. Bale iyon kasi ang bonding nilang dalawa.” Napatango-tango naman siya. “Ganoon ba?” Humarap naman sa kaniya si Arlene ng may malapad na ngiti sa mga labi nito. Tila nanunudyo sa kaniya. Mabilis namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Oh, bakit ka nakangiti ng ganiyan?” nagtatakang tanong niya. “Kasi... mapapagsolo na kayo ni Mayor sa farm. Oy, bes... this is your chance na—” “Teka, teka, Arlene.” Pigil niya sa pagsasalita nito. “Ano ba ’yang pinagsasasabi mo riyan?” tanong pa niya. “Ano’ng chance-chance ang sinasabi mo?” Muli itong naglakad pabalik sa kitchen counter at nangalumbaba sa gilid niyon. Tumitig pa sa ito sa kaniya nang mataman. “Alam mo bes, puwede kang mag-deny sa salita mo. Pero ang mga mata mo ngayon, habang tinititigan kita... hindi puwedeng mag-deny na may gusto ka na nga kay Mayor.” “Zzzttt! Arlene!” saway niya rito at napalingon pa siya sa may pintuan. Baka mamaya ay biglang pumasok ang lalaking pinag-uusapan nila at marinig nito ang sinasabi ni Arlene at isiping totoo nga na may gusto siya rito. “Mag hunos dili ka nga riyan! Huwag mong igiit sa akin na may gusto ako sa kaniya—” “Hindi ko naman igigiit sa ’yo bes kung hindi ko nakikita sa mga mata mo,” sabi pa nito. Ugh! Alright. Aaminin na niya. Guwapo naman kasi talaga si Mayor Gawen. Crush niya na ito. At malamang na kahit sino man ang makakita or sa mga nakakakilala ritong mga kababaihan ay may crush din sa batang Mayor. Ayaw niya lang talaga sa ugali nito. At ang pagkabog ng kaniyang puso kagabi nang akalain niyang hahalikan siya nito... isa rin ’yon sa patunay na may gusto nga siya sa binata. Sa tanang buhay niya... sa loob ng twenty-six years niya sa mundo, ngayon lamang siya nakadama ng ganoong kabog ng kaniyang puso. Kahit sa unang naging crush noon ay hindi naman siya nakadama ng ganito. Kinikilig siya oo, pero hanggang doon lang. “Alam ko at sigurado akong may gusto ka na talaga kay Mayor. Kahit hindi mo na aminin sa akin, bes. Kitang-kita naman sa mga mata mo.” Nakangiti pang saad ulit sa kaniya ni Arlene pagkuwa’y muli itong tumalikod sa kaniya at nilapitan uli ang coffee maker. Bumuntong-hininga na lamang siya at muling dinala sa kaniyang bibig ang tasa ng kaniyang kape. “HAVE YOU FINISHED packing Emzara’s things?” Napakislot siya nang mula sa kaniyang likuran ay bigla niyang narinig ang baritinong boses ni Gawen. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib at napalingon dito. “Ang hilig n’yo po akong gulatin, Mayor!” magkasalubong ang mga kilay na saad niya. “Puwede naman po kayong tumikhim manlang saglit para makuha ang atensyon ko at ng hindi ako nagugulat sa inyo.” Dagdag pa niya. Sumimangot naman ito sa kaniya. “Tsk. Tinatanong lang kita kung naihanda mo na ang mga dadalhin ni Emzara pero ang dami mo agad sinabi,” masungit na sabi nito sa kaniya. Bumuntong-hininga naman siya at tuluyang isinarado ang zipper ng maliit na maleta na pinaglagyan niya ng mga gamit ng kaniyang alaga. Nasa silid sila ngayon ni Emzara. Habang nagliligpit siya kanina ng mga gamit ng bata ay nagpaalam naman ito sa kaniya na gagamit daw muna ng banyo. “Tapos na po, Mayor.” Naiinis pa ring saad niya. “Where is she?” Hindi naman niya kinailangang sagutin ang tanong nito nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang bata. “Are you ready?” magaan na tanong ni Gawen sa anak. Tumango naman si Emzara. “Is Gelaena coming with us?” tanong nito. Tumingin naman siya sa naka-side view na mukha ng Mayor. Sinabi na sa kaniya ni Arlene kanina na kasama raw siyang magtutungo sa farm. Pero hindi na muna siya nag-expect baka kasi hindi siya pasamahin ng Mayor. Nang magbaling din ng tingin sa kaniya si Gawen ay hindi naman siya kaagad nakapag-iwas ng tingin kaya nagtama ang kanilang mga mata. Ilang segundo siya nitong tinitigan bago ito nag-iwas ulit ng tingin sa kaniya. “She’s coming with us,” sagot nito. Ngumiti naman si Emzara. “Come on, Gelaena!” anito at kaagad na lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Nang hilahin siya nito ay wala na siyang nagawa. “Um, Mayor... baka po okay lang sa inyo, kayo na po ang magbitbit ng maleta ni Emzara. Medyo mabigat po kasi. Salamat.” Aniya bago pa man siya tuluyang mahila ng bata palabas ng silid nito. Bigla namang napatiim-bagang si Gawen dahil sa sinabi ng dalaga. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere at tinapunan ng tingin ang maleta na nasa may paanan ng kama. “I hate her!” nausal nito ngunit wala na ring nagawa kun’di ang maglakad palapit sa maleta at kinuha iyon doon. NAGING TAHIMIK lamang ang buong biyahe nila papunta sa farm na pagmamay-ari din daw ng mga Ildefonso. Habang nasa biyahe ay nabusog na agad ang kaniyang mga mata sa magagandang tanawin ng paligid. Puro bundok at bukid, mga pananim at sari-saring mga puno ng kahoy ang nakikita niya sa buong paligid. Bigla niya tuloy namiss ang probinsya nila. Kagaya sa mga nakikita niya ngayon... ganoon din ang kapaligiran ng lugar nila sa probinsya. Iilang araw pa lamang siyang umalis sa kanila pero bigla na siyang nakadama ng lungkot. Ito kasi ang unang pagkakataon na umalis siya sa kanila kaya hindi pa siya sanay. Mabuti na nga lamang at kasama niya ang kaniyang Tiya Hulya kaya ang lakas ng loob niyang magtrabaho malayo sa lugar na kinalakhan niya. Pagkapasok ng kotseng sinasakyan nila sa isang malaki at lumang gate, halos sampong minuto pa ata ang naging biyahe nila bago sila tuluyang nakarating sa tapat ng isang two white story house. “We are here, Gelaena.” Nilingon niya ang batang kaniyang katabi, habang nasa kaliwang bahagi naman nito si Gawen. Ngumiti siya. “Wow! Ang ganda rito. Kaya pala excited kang pumunta rito.” Sunod-sunod namang tumango si Emzara. “Yes. Farm is my favorite place.” Anito. “Pareho tayo.” “Why? Do you have farm, too?” tanong nito. “Um,” aniya at sinulyapan niya si Mayor Gawen na nakatingin din sa kaniya. Ngumiti siyang muli sa bata nang ibalik niya rito ang kaniyang paningin. “Wala. Pero kasi... sa bukid kami nakatira doon sa probinsya namin. Kaya... parang nasa farm na rin kami. Madami rin kaming mga alaga roon.” “Wow! Really? So, mag-i-enjoy pala tayo rito. I have many friends here. Right, Mayor?” nang magbaling naman ito ng tingin sa ama-amahan. Bumuntong-hininga naman si Gawen at tumango. “Yeah.” Tipid na sagot nito pagkuwa’y binuksan na ang pinto sa tabi nito at bumaba. “Come here.” Kinuha pa nito ang kamay ng bata at pagkuwa’y kinarga. Kumilos na rin siya sa kaniyang puwesto at bumaba. Bigla pa siyang napapikit nang sumalubong sa kaniya ang presko at medyo malamig na hangin. Naaamoy niya rin ang halimuyak ng mga bulaklak na nakatanim sa paligid ng bahay. Napangiti siya kasabay niyon ang muli niyang pagmulat. “Maganda araw po, Mayor!” Napatingin siya sa itaas ng balkunahe nang mula roon ay narinig niya ang tinig ng isang babae na medyo may edad na. “Magandang araw, Manang Lita.” Anang Gawen at nagsimula itong maglakad habang karga-karga pa rin si Emzara. Siya naman ay susunod na sana sa mag-ama, pero biglang lumingon sa kaniya si Mayor Gawen. “Kunin mo sa compartment ang maleta ni Emzara at ang bag ko at dalhin mo sa loob.” Bigla siyang natigilan at nangunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. Magsasalita na sana siya, pero mabilis naman itong tumalikod na at tuluyang pumasok sa pintuan ng bahay. Napatiim-bagang na lamang siya. “Ugh! Gumaganti siya sa akin dahil siya ang pinagbuhat ko sa maleta ng anak niya kanina.” Naiinis na sambit niya at wala na ring nagawa kun’di ang muling bumalik sa sasakyan upang kunin doon ang mga gamit nila. Nang mabuksan niya ang compartment, kaagad niyang kinuha roon ang maleta ng kaniyang alaga, ang malaking bag ni Mayor Gawen na hindi niya malaman kung ano ang laman at sobrag bigat, maging ang maliit niyang back pack na ipinahiram lang sa kaniya ni Arlene kanina para may pagsidlan siya ng kaniyang mga damit. “Grabe, dalawang araw at dalawang gabi lang naman kaming mamamalagi rito sa farm nila pero bakit sobrang bigat ng bag niya! Ano ba ang laman nito, bato? Ang bigat! Hindi manlang niya naisip na hindi ko ito makakayang buhatin? Tsk.” Huramentado niya. Inilagay niya sa kaniyang likod ang kaniyang bag habang binitbit naman niya ang mabigat na bag ni Mayor Gawen at sa isang kamay niya ay ang maleta ni Emzara. “Jusko! Napakasungit na nga ng lalaking ’yon napaka-ungentleman pa. Naturingang Mayor pero...” “Nagrereklamo ka?” Bigla siyang napahinto sa pag-akyat niya sa limang baitang ng balkunahe nang mula sa itaas niyon ay nakita niyang nakatayo si Gawen habang nakapamaywang at nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Oho, Mayor!” walang pagdadalawang-isip na sagot niya. “Hindi n’yo naman po kasi sinabi sa akin na gagawin mo pala akong kargador ngayong umaga.” Naiinis na saad pa niya. Ah, bahala na kung sagot-sagutin niya ito ngayon. Naiinis kasi talaga siya! “You’re complaining. Kung bibilisan mo sana ang kilos mo ay matatapos ka agad.” “E paano ko naman po bibilisan ang kilos ko kung ganitong napakabigat ng bag mo?” “That’s your work.” “Aba, Mayor... ipaaalala ko lang po sa inyo. Ang trabaho ko po rito ay mag-alaga sa anak ninyo, hindi po maging tagabuhat ng gamit ninyo.” Sinimangutan lamang siya nito at tumalikod na. “Hurry up! I need my laptop. It’s in my bag.” “Buwesit!” ang tanging nausal niya nang mawala na sa paningin niya ang Mayor. “COME, GELAENA! Let’s go there. I will introduce you to my friends.” Kakaupo lamang niya sa gazebo na nasa gilid ng bahay nang lumapit naman sa kaniya si Emzara. Iniinda pa niya ang pananakit ng kaniyang kaliwang balikat dahil sa pagbubuhat niya sa mabigat na bag ni Mayor Gawen. “Saan tayo pupunta?” tanong niya sa bata nang hawakan nito ang kaniyang kamay kaya wala na rin siyang nagawa kun’di ang tumayo sa kaniyang puwesto at maglakad at sumunod dito. “I will introduce you to Manu.” “Sino si Manu?” “My carabao friend.” Nangunot ang kaniyang noo. “Kalabaw?” tanong pa niya. “Yeah. Mabait ’yon.” Anito. “Come. Hurry up, Gelaena!” Hanggang sa makarating sila sa isang malaking puno. Sa lilim niyon ay naroon nga at nakatali ang malaking kalabaw. “That’s Manu. And that goat is Nataniel. His my friend too.” Anito. “Hi, Manu! Hi, Nataniel! How are you guys?” anito na kumaway pa sa mga hayop. “By the way, this is Gelaena. My new nanny.” Kinausap nito ang dalawang hayop. Mayamaya ay tiningnan siya nito. “Say hi to them, Gelaena. They are my friends.” Napipilitang ngumiti naman siya. “H-hi, Manu! Hi Nataniel. Nice to meet you.” My God! Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakipagkilala sa kalabaw at kambing. May mga alaga rin naman sila sa bukid, pero walang pangalan at hindi niya kinakausap ng ganito. Baka naman kasi magtampo sa kaniya ang bata kaya sinakyan niya na rin ito. “They are nice and sweet, Gelaena.” “Talaga?” Sa halip na sagutin ang kaniyang tanong, naglakad ito palapit sa kalabaw at marahang hinaplos ang tiyan nito, ganoon din ang ginawa nito sa kambing. Ginaya na rin niya ang ginawa nito. At pagkatapos ay hinila na naman siya nito papunta sa mga baka, ipinakilala rin siya nito roon. Maging sa mga kabayong naroon, sa mga manok at iba pang mga hayop na makita nila sa paligid. Hindi naman niya magawang magreklamo na nagmumukha na siyang timang sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa mga hayop na ’yon... dahil nakikita naman niyang masaya ang bata. Ayos lang! Hindi na rin niya namalayan na nag-enjoy na siya sa paglilibot nilang dalawa ni Emzara. “Pagod ka na ba?” mayamaya ay tanong niya rito. “I’m tired walking, Gelaena.” Reklamo nito. Bumuntong-hininga naman siya at lumapit dito. “Halika, kakargahin na kita.” Aniya. “Babalik na ba tayo sa bahay?” Tumango ito. “Yeah. I want to eat snacks.” “Okay.” “Can you make banana cue again, Gelaena?” “Akala ko ba ayaw mo sa matatamis?” “But I like your banana cue.” Napangiti naman siya. “Okay. Gagawa ako kung ganoon.” “Thank you, Gelaena.” Pagkabalik nila sa bahay, nakita naman niya si Gawen na nasa balkunahe at kaharap nito ang laptop. Marahil ay busy ito sa trabaho kaya kahit nasa farm ito at araw sana ng pahinga ay nagtatrabaho pa rin ito. Kung sabagay... Mayor ito kaya kahit anumang araw at oras ay may trabaho ito. Karga-karga pa rin niya si Emzara nang pumasok na sila sa bahay at nagdiretso sa kusina upang magluto ng banana cue na rekwes nito sa kaniya. LATAG NA ang gabi at mahimbing ng natutulog si Emzara. Magkasama sila sa iisang silid. Nakahiga na rin siya sa tabi ng bata, pero nagpasya siyang bumangon saglit upang mag-stretching. Hanggang ngayon kasi ay sumasakit pa rin ang kaniyang kaliwang balikat. Hindi rin naman siya makatulog sa hindi malamang dahilan. Marahil ay namamahay siya? Nang makatayo siya sa kama ay nagpasya siyang lumabas ng silid upang magtungo sa kusina. May nakita kasi siyang medicine kit kanina roon. Titingnan niya kung may gamot siyang mahahanap doon upang mawala ang pananakit ng kaniyang balikat. Medyo dim ang paligid dahil nakapatay na ang halos lahat ng ilaw. Pero ayos lang naman at naaaninag naman niya ang hagdan. Nang makababa siya roon ay tinahak na rin niya ang medyo madilim na sala papunta sa kusina. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw roon dahil mula sa maliit na bintana sa itaas ng lababo ay pumapasok naman doon ang liwanag mula sa ilaw na nasa labas ng bahay kaya mas nakikita niya ang paligid niya. Nang makalapit siya sa kinalalagyan ng medicine kit ay kinuha niya iyon at tiningnan kung may gamot doong makakatanggal sa pananakit ng kaniyang balikat. Nang may makita siya ay kaagad naman niya iyong kinuha at kumuha na rin siya ng tubig at ininom iyon. Pagkatapos ay muli siyang lumabas sa kusina. Nang nasa sala na ulit siya, papanhik na sana siya sa hagdan nang mapansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. “Bakit nakabukas iyon? Sarado naman iyon kanina, a!” aniya sa sarili. Naglakad siya palapit doon. Akma na sana niyang isasarado iyon, pero bigla naman iyong bumukas at pumasok si Gawen. “Jesus!” bulalas niya. Holy lordy! Halos tumalon ang puso niya sa labis na gulat dahil sa biglang pagsulpot nito. Ang akala niya ay multo ito o hindi kaya ay masamang tao na nanloloob! “What are you still doing here?” pagalit na tanong nito sa kaniya. Hindi man niya maaninag nang maayos ang mukha nito, pero alam niya at sigurado siyang magkasalubong na naman ang mga kilay nito ngayon habang nakatitig sa kaniya. “Mayor, nahahalata ko na pong may balak kayong patayin ako sa takot!” sa halip ay saad niya. “Tsk.” Saad lamang nito at isinarado nang tuluyan ang pinto. “Bakit gising ka pa? It’s already late.” Napalunok naman siya nang maamoy niya ang mabango nitong hininga. Diyos na mahabagin! Mabuti na lamang talaga at walang maliwanag na ilaw ngayon sa sala. Dahil kung nagkataon, sigurado siyang kanina pa nakita ni Mayor ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Oh, God! Bakit naman kasi nag-iinit ang mukha niya e, wala namang nakakakilig ngayon? Mula sa dim na sinag ng ilaw na nasa itaas ng hagdan, nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Gawen habang nakatitig din ito sa kaniya. My God! Bakit naman ako naiilang sa mga titig niya? Sa isip-isip niya. Mayamaya ay nag-iwas siya ng tingin dito at tumikhim siya. “Naghanap lang po ako ng gamot sa kusina, Mayor,” wika niya. Bahagyang nangunot ang noo nito. “Why?” “Um, sumasakit pa rin po kasi ang balikat ko,” sagot niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Gawen. Sa halip ay tinitigan pa nito lalo ang nakatungong mukha ng dalaga. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago siya nagsalita ulit. “S-sige po, Mayor. Good night.” Aniya at akma na sana siyang tatalikod upang pumanhik na sa hagdan, pero nagulat naman siya nang hawakan nito ang kaniyang palapulsuhan kaya bigla siyang napahinto at napalingon ulit dito. Sa sandaling naglapat ulit ang kanilang mga mata, bigla niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib. Kabog na hindi niya maintindihan kung bakit bigla niyang naramdaman. “Gelaena!” “M-mayor?” kinakabahang sambit niya. Isang beses na humakbang si Gawen palapit sa kaniya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya, pero hindi naman siya nasasaktan. “B-bakit po, Mayor?” tanong niya ulit. “Come with me.” Saad nito at marahan siyang hinila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD