CHAPTER 9

2651 Words
EWAN kung bakit hindi niya nagawang tumutol kay Gawen nang hilahin siya nito paakyat sa hagdan. Nagpatianod na lamang siya dahil tila nawala bigla ang lakas niya para tumanggi rito. Marahil ay ihahatid siya nito sa silid nila ni Emzara? Oh, at bakit naman iyon gagawin ni Mayor? E, hindi naman siya mawawala pabalik sa silid na tutulugan nila ng kaniyang alaga! Nang nasa tapat na sila ng silid na pinanggalingan niya kanina, ang buong akala niya’y roon hihinto si Gawen. Ngunit ganoon na lamang ang biglang panlalaki ng kaniyang mga mata nang magdiretso ito sa isa pang silid. Ang silid na tinutuluyan nito. Bigla siyang naalerto nang hawakan na ni Gawen ang doorknob ng pinto. Hindi pa man iyon nabubuksan ng lalaki ay mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay na hawak nito kaya napahinto ito at kunot ang noo na lumingon sa kaniya. “M-mayor...” nauutal na sambit niya. “What?” tanong nito. “I-ipapasok n’yo po ako sa silid ninyo?” kinakabahang tanong niya. Hindi niya na rin napigilan ang kaniyang sarili na mag-isip bigla ng hindi maganda. Well, ano ba ang gagawin ng isang babae at isang lalaki na magkasamang papasok sa silid? Oh, God! No! Mariing pagtutol ng kaniyang isipan at napailing pa siya. Muli niyang hinila ang kaniyang kamay na hawak pa rin nito. Nang mabitawan naman iyon ni Gawen, mabilis niyang niyakap ang kaniyang sarili. “Yorme, alam ko pong guwapo kayo at... malakas ang s*x appeal pero, h-hindi po ako ganoon ka-cheap na babae,” wika niya na napapailing pang muli. “At isa pa po... hindi ba’t galit kayo sa akin? Pero bakit—” “What are you talking about?” tanong nito na naging dahilan upang maputol ang kaniyang pagsasalita. Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay nito habang nalilitong nakatitig sa kaniya. Tumikhim siya at napalunok ng kaniyang laway. “E, d-dadalhin n’yo po ako sa loob ng kwarto ninyo. So ibig sabihin, m-may...” hindi niya pa magawang tapusin ang gusto niyang sabihin dito. Oh, holy lordy! Tatlo lamang silang tao ngayon sa bahay na iyon. Kung may gagawin man itong si Mayor Gawen sa kaniya na hindi maganda... malamang na wala siyang mahihingian ng tulong. “Tsk. Idiot!” anito. “Kung anuman ang iniisip mo ngayon na gagawin ko sa ’yo kaya dadalhin kita sa loob ng kwarto ko... it’s not gonna happen, Gelaena.” Anito. “You’re not my type so stop assuming, okay?” Aray, huh! Ang sakit niya namang magsalita. Sa isip-isip niya. Aba, ano’ng malay ko na gagawin nga niya ang iniisip ko kanina? Mabuti na ’yong nag-iingat. Napasimangot na lamang siya dahil sa pagkapahiya niya. Dahan-dahan din niyang ibinaba ang mga braso niyang nakayakap sa kaniyang sarili. “E, s-sorry naman po, Yorme.” Aniya at bahagyang nag-iwas ng tingin dito. “Kayo naman po kasi... pabigla-bigla kayo. Malamang po na iba ang iisipin ko.” Umismid pa siya. “Tsk. Just stay here if you don’t want to get inside.” Sa halip ay saad nito at kaagad nitong binuksan ang pinto at pumasok ito roon. Napabuntong-hininga na lamang siya. “Kasalanan ko ba kung mag-iisip ako ng ganoon? E, siya naman itong may pa-come with me come with me pang nalalaman. Puwede niya namang sabihin sa akin na... halika at sumama ka sa akin at may ibibigay ako sa ’yo. Hmp!” muli siyang napaismid nang tumitig siya sa bahagyang nakaawang na pinto. Ilang saglit lang ay muling lumabas si Gawen. “Here. Put this on your shoulder. Makakatulong ’yan para mawala ang pananakit ng balikat mo.” Anito at ibinigay sa kaniya ang isang box ng salonpas. Dahan-dahan namang umangat ang kanang kamay niya upang tanggapin iyon. “Thank you po, Yorme.” Mahinang saad niya. “Go back to your room. Matulog ka na dahil ano’ng oras na.” Tumango naman siya ’tsaka siya tumalikod at nagmamadali nang bumalik sa silid na nasa tabi lang din ng kwarto nito. Nang makapasok siya roon, tila bigla siyang nakaramdam ng panghihina ang kaniyang mga tuhod kaya napasandal siya sa likod ng pinto. Wala sa sariling napahawak din siya sa kaniyang dibdib nang biglang kumabog iyon nang malakas. “Oh, heto na naman siya!” mahinang usal niya at napapikit siya habang damang-dama niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso. “Bakit naman ganito ang nararamdaman ko simula kagabi? E, dati naman... nang magkaroon ako ng crush, hindi naman ganito ang t***k ng puso ko.” Kausap niya sa kaniyang sarili. “Hindi kaya...” “Gelaena!” Bigla siyang natigil sa pagsasalita mag-isa at napatingin sa batang nasa ibabaw ng kama. Paupo na ito. Siguro’y naisturbo ang tulog nito nang pumasok siya. “What are you doing, Gelaena?” namamaos pa ang boses na tanong nito sa kaniya. Kaagad naman siyang humakbang palapit dito. Inilagay niya sa ibabaw ng bedside table ang ibinigay sa kaniya ni Gawen kanina ’tsaka siya sumampa sa kama at tinabihan ang kaniyang alaga. “Hey! Come here. Matulog na tayo. Sorry kung nagising ka.” Aniya at inalalayan niya itong muling humiga. Umunan pa ito sa braso niya at yumakap ang isang braso sa baywang niya. “Where did you go, Gelaena?” tanong nito nang tumitig sa kaniya. “Bumaba lang ako sa kusina para uminom,” sagot niya. “Okay.” “Sige na, matulog ka na ulit. Hindi na ako aalis.” “Good night, Gelaena!” Ngumiti naman siya. “Good night, Emzara.” Ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata hanggang sa hindi niya na namalayan at nakatulog na siya. KINABUKASAN ay maaga siyang nagising kahit late na siyang nakatulog no’ng nagdaang gabi. Medyo sumasakit pa rin ang kaniyang balikat. Nakalimutan niya kasing maglagay ng salonpas na ibinigay sa kaniya ni Gawen dahil bigla siyang tinawag ni Emzara. Mamaya na lang siguro siya maglalagay niyon pagkatapos niyang maligo. Tiningnan niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader. Alas sais y medya pa lang ng umaga. Nang lingunin niya rin si Emzara na nasa tabi niya, mahimbing pa ang tulog nito. Kumilos na siya sa kaniyang puwesto upang bumangon. Pagkatapos niyang itali ang kaniyang buhok ay nagtungo siya sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. At nang matapos siya ay nagpasya na rin siyang lumabas ng silid. Maaga pa naman at natutulog pa ang kaniyang alaga kaya naisipan niyang lumabas na muna para lumanghap ng presko at pang-umagang hangin. Pagkababa niya sa hagdan, nagdiretso siya sa kusina upang magtimpla muna ng kape. Tahimik pa ang buong paligid, marahil ay natutulog pa rin si Mayor at hindi pa dumadating si Manang Lita na caretaker nitong bahay rito sa farm. Pagkatapos niyang magtimpla ay lumabas na rin siya sa balkunahe. Kagaya sa inaasahan niya, medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Palibhasa’y nasa bukid sila ngayon kaya kahit umaga na ay malamig pa rin ang hangin. Tamang-tama lang at naisipan niya munang magtimpla bago lumabas. Kahit medyo ramdam niya ang lamig, hindi na niya iyon pinansin. Mainit naman ang kapeng hinihigop niya. Mula sa pagkakatayo sa balkunahe ay bumaba siya roon at tinungo ang maliit na gazebo na nasa tabi lang din ng bahay. Roon siya umupo habang nakangiting pinagmamasdan ang magagandang bulaklak na nakatanim sa paligid. She likes flowers. Lalo na at paborito niya ang red roses. Banayad siyang nagpakawala nang malalim na paghinga. Pagkatapos niyang pagsawain ang kaniyang mga mata sa magagandang bulaklak na iyon ay inilibot naman niya ang kaniyang pangin sa paligid. At saktong dumako ang kaniyang mga mata sa lalaking nagjo-jogging, palapit na ito sa bahay. Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. “Gising na pala siya?” tanong niya sa sarili. “Ang akala ko ay mahimbing pa ang tulog niya sa kwarto niya.” At habang pinagmamasdan niya si Gawen na nagjo-jogging... unti-unti na naman niyang nararamdaman ang pagtibok ng kaniyang puso... kagaya sa pagtibok niyon kagabi. Mayamaya ay huminto ito at naglakad papunta sa balkunahe. Hindi siya siguro nito nakita na nasa gazebo na siya at nagkakape. Sinundan niya ito ng tingin. Ang akala niya ay papasok na ito sa kabahayan, pero may kinuha lang pala itong dumbbell. Pagkatapos ay muli itong bumaba sa balkunahe. Bahagya pa siyang napasinghap nang mayamaya ay iniangat nito ang laylayan ng suot nitong t-shirt at hinubad iyon. Napaawang bigla ang kaniyang mga labi nang masilayan niya ang magandang katawan ni Gawen. Holy lordy! Hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita sa umagang iyon. God! Maganda pala ang katawan nito! Kitang-kita niya ang six pack abs nito, ang buhay na buhay na mga biceps at muscles nito. Ang magandang porma ng dibdib nito. Shit. Ang buong akala niya, kapag nasa government ang trabaho ng isang lalaki ay wala ng time para mag-exercise or mag-gym para alagaan ang katawan. Pero... mali pala siya. Pinatunayan iyon sa kaniya ni Mayor Gawen nang umagang iyon. “My God!” ang tanging nasambit niya at napalunok siya ng kaniyang laway. Hindi niya napigilang dalhin sa kaniyang bibig ang tasa ng kaniyang kape habang pinagmamasdan niya ang maganda nitong katawan. “Oh, Gelaena! May pa pandesal naman pala si Yorme. Tamang-tama at may pakape ka ngayong umaga.” Hindi niya napigilan ang pagguhit ng kaniyang ngiti at sunod-sunod na napahigop sa kaniyang kape habang hindi nagsasawa ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa maskulado nitong katawan “NATUTUWA ako at sa wakas ay may nakasundo na rin si Señorita Emzara na mag-aalaga sa kaniya.” Nakangiting saad ng matandang Lita habang nasa kusina ito at kasama si Gelaena. Magkatulong ang dalawa na naghahanda ng pagkain para sa tanghalian ng mag-ama. Ngumiti siya at tinapunan ng tingin ang matanda. “Natutuwa nga rin po ako Manang Lita na gusto po ako ni Emzara.” Aniya. “Mabuti naman. Kasi, ilang yaya na rin ang kinuha ni Mayor para lang magbantay sa batang ’yan... pero wala manlang may tumatagal. Lahat ay umaalis kaagad dahil lagi lamang inaaway ng batang ’yon.” “Iyon nga po ang kwento sa akin nina Tiya Hulya.” “Pamangkin ka pala ni Hulya?” Tumango naman siya. “Opo, Manang Lita,” sagot niya. “Si Tiya Hulya po ang nagsama sa akin sa mansion ng mga Ildefonso para po magtrabaho.” “Ganoon ba? Mabuti na lamang pala at isinama ka ni Hulya. Sa wakas ay hindi na kailangan ni Mayor na maghanap nang maghanap ng yaya para sa anak niya.” Ngumiti na lamang siya dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay lumabas na rin siya sa kusina para tawagin ang mag-ama na nasa balkunahe. Nakahanda na kasi ang pagkain nila. Palabas na sana siya sa pinto nang bigla siyang mapahinto nang marinig niya ang pagsasalita ni Emzara. “Have you still not found my mommy, Mayor?” malungkot na tanong nito. Nang sumilip siya sa gilid ng pinto, nakita naman niya ang seryosong mukha ni Gawen habang nakatitig sa bata na nakatingal din dito. Bumuntong-hininga naman ito. “I’m still trying to find your mommy, Emzara. But... I don’t know where to find her.” Malungkot namang napabuntong-hininga si Gelaena at tinitigan ang maliit na mukha ng bata. May lungkot na naman siyang nakikita roon. Tama nga na hindi na lamang ipaalam sa bata na wala na nga ang ina nito. Kasi kung malalaman nitong patay na ang nanay nito, mas lalo talaga itong masasaktan at malulungkot. “Do you miss your mom so much?” “I missed her so much.” “In case I can’t find her... don’t be sad. I’m here, Emzara. Your Lola Cattleya, your Lolo Salvador. We’re here for you.” Nagyuko naman ito ng ulo at muling nalaglag ang mga balikat. “Is she mad at me? Did she not love me anymore, so she left me?” “Of course not. Your mom loves you so much. And she’s not mad at you. I think... she just has a problem so she wants to go away for awhile.” “You think so?” Tumango naman si Gawen at pagkuwa’y ikinulong sa malapad nitong mga kamay ang maliit na mukha ng bata. Inayos din nito sa likod ng tainga ni Emzara ang hibla ng buhok nito. “You’re not my real daughter, but I love you. So, kung hindi ka pa man babalikan ng mommy mo... I’m always here, Emzara. And you can call me daddy if you want.” “R-really?” Nang makita niyang ngumiti si Gawen sa bata, hindi niya rin napigilan ang mapangiti. “Oh, mas guwapo siya kapag nakangiti.” Sambit niya. “You can call me daddy if you want.” “Daddy... Mayor?” Mahina itong tumawa. “Whatever you want, sweetheart.” Tumayo naman si Emzara mula sa pagkakaupo nito at yumakap sa leeg ni Gawen. “Thank you very much for letting me stay in your mansion, Mayor.” Anito at hinalikan pa sa pisngi si Gawen. Mas lalo siyang napangiti dahil sa nakikita niyang seryosong pag-uusap ng dalawa. Muli siyang nagpakawala nang banayad na paghinga ’tsaka siya lumabas ng pinto. Tumikhim pa siya. “Um, sorry po kung iisturbuhin ko ang pag-uusap ninyong dalawa. Pero, nakahanda na po ang pagkain, Yorme.” Aniya. Sabay namang napalingon sa kaniya ang dalawa. “Are you hungry?” tanong ni Gawen sa bata. Tumango naman si Emzara. Tumayo si Gawen sa puwesto nito at kinarga ang bata. Naglakad na ito papasok kaya sumunod na rin siya sa dalawa. Nang nasa hapag na sila, kaagad niyang inasikaso ang kaniyang alaga. Nilagyan niya ng pagkain ang plato nito. “Won’t you eat, Gelaena?” tanong sa kaniya ni Emzara. Napatingin naman siya rito at pagkatapos ay kay Gawen. Tumingin din ito sa kaniya habang nakaupo na ito sa kabisera. “Um,” tumikhim siya at ngumiti sa bata. “Mamaya na ako pagkatapos ninyong—” “You can join us.” Muli siyang napatingin kay Gawen. Naglalagay na rin ito ng pagkain sa plato nito. “Come on, Gelaena. Sit beside me.” Hinawakan pa ni Emzara ang kaniyang kamay. Tatanggi na sana siya dahil nahihiya siya kay Gawen na sasabay siya sa pagkain ng mag-ama, pero hindi na niya nagawa. Ito na rin naman ang nagsabi sa kaniya. “Saglit lang,” aniya at kumuha siya ng kaniyang plato at kubyertos at baso. Pagkatapos ay umupo na nga siya sa tabi ni Emzara. “How was your shoulder?” mayamaya ay tanong sa kaniya ni Gawen. Sinulyapan niya ito. “Um, sumasakit pa rin po, Yorme.” Nangunot naman ang noo nito nang tumingin sa kaniya. “Hindi mo ba ginamit ang ibinigay ko sa ’yo kagabi?” Bahagya naman siyang umiling bilang sagot sa tanong nito. At dahil nakatingin pa siya rito, kitang-kita niya ang pagbuntong-hininga nito nang malalim, maging ang malamig na titig nito sa kaniya. “Kaya nga binigyan kita n’on para gamitin mo at para mawala ang pananakit ng balikat mo.” “E... nakalimutan ko po kagabi nang bumalik ako sa silid namin.” Napailing naman ito. “I was guilty last night because I was the reason why your shoulder hurt. But now... it’s your fault. Binigyan na kita ng gamot pero hindi mo pa ginamit.” Pagkasabi niyon ay hindi na ito nagsalita pang muli at nagsimula ng kumain. Napatitig naman siya sa mukha nito. Huh? Na-guilty siya dahil sa pagpapabuhat niya sa akin kahapon sa mabigat niyang bag? Tanong ng kaniyang isipan. Oh, bigla siyang nakadama ng kilig. Oo na! Kinikilig siya ngayon. Hindi niya kasi inaasahan na may konsensya rin pala ang masungit na Mayor na ito! “Why are you smiling, Gelaena?” Napatingin siya kay Emzara. At nang sumulyap siya ulit kay Gawen, nakatingin na rin ito sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito... baka kasi mahalata nitong kinikilig nga siya dahil sa sinabi nito sa kaniya. “Masaya lang ako, Emzara!” aniya at nagsimula na ring kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD