CHAPTER 43

2524 Words
“ARE you sure na kaya mo nang pumasok, kuya?” tanong ni Goran kay Gawen nang makababa ang binata sa kotse nito. Buntong-hiningang tumango si Gawen at napahagod pa sa batok nito. Medyo tinamaan ito ng alak dahil naparami ang nainom nilang magpipinsan kanina. Masiyado silang nagkasiyahan kaya hindi na namalayan ni Gawen na ilang bote na pala ng beer ang kaniyang naubos. Inabot na rin sila ng hating gabi bago natapos. “Hindi ka rito matutulog?” tanong nito kay Goran. “Hindi na, kuya. May lakad din kasi kami bukas kaya sa condo na ako didiretso,” sagot nito. “Alright. Thank you. Abraham.” Ani nito nang silipin nito sa driver’s seat ang pinsan. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho.” “I’m not drunk, bro. Don’t worry.” Ani nito. “Okay! I’ll go inside.” Pagkasabi niyon ay kaagad itong naglakad palapit sa bumukas na gate at umalis na rin bigla ang sasakyan ni Goran. “Good morning po, Mayor!” Tumango na lamang ang binata nang makapasok ito sa gate at binati ito ng guard. Kahit medyo nakakaramdam ng pagkahilo, sinupil ni Gawen ang sarili at diretsong naglakad hanggang sa makarating ito sa main door. At pagkapasok nito roon, kaagad na sumalubong dito si Gelaena na nakakrus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. “Gawen, bakit ngayon ka lang?” tanong niya sa nobyo. Sa halip na sagutin nito ang kaniyang tanong, ngumiti ito nang malapad at naglakad palapit sa kaniya. “Hey, L’amour! Why are you still awake?” tanong nito nang makalapit sa puwesto niya ay kaagad nitong kinabig ang kaniyang baywang at hinapit siya palapit dito. “Are you drunk?” biglang nangunot ang noo ni Gelaena nang maamoy niya ang amoy alak nitong hininga. “Um,” sabi nito at umiling. “I’m not really, my love.” “Not really? Gawen, alam mo ba kung anong oras na?” halata sa mukha at tinig niya ang pagkainis sa nobyo. Ngumiti itong muli at yumuko palapit sa kaniya upang hagkan ang kaniyang kanang pisngi. Ipinulupot na rin nito sa kaniyang baywang ang isa pa nitong braso at pagkuwa’y matamang tumitig sa kaniyang mga mata. Mayamaya ay sinuyod nito ng tingin ang buong mukha niya na para bang kinakabisado nito ang bawat anggulo ng kaniyang mukha. Sumilay muli ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi nito. “You’re so beautiful my Gelaena.” Ani nito at kumindat pa. “I’m so lucky to have you didn’t I?” Kahit nakakunot ang kaniyang noo at naiinis siya dahil sa kaniyang nobyo, hindi niya rin napigilan ang mapangiti dahil sa malambing na sabi nito sa kaniya. Ugh, nakakainis naman at ang rupok niya pagdating kay Gawen! Kanina pa siya naghihintay na dumating ito at labis na siyang nag-aalala kung bakit hindi pa ito umuuwi at hindi man lang nito magawang sagutin ang kaniyang mga tawag at text, tapos ngayon... isang paglalambing lang sa kaniya ay suko agad siya; lumambot agad siya! Oh, que horror! “Nako, naiinis pa rin ako sa ’yo,” sabi niya at kunwari ay inismiran niya ito pero ipinulupot niya na rin ang kaniyang mga braso sa leeg nito. Ngumiti nang malapad si Gawen at muling dumukwang upang halikan ulit ang pisngi niya, pagkatapos ay akma nitong hahalikan ang kaniyang mga labi, pero umilag siya. “Amoy alak ang hiningi mo, Tangi.” Aniya. “So what?” namumungay pa ang mga mata nitong tumitig sa kaniya ulit. “Ayoko ng amoy alak,” sabi niya. “I just want to kiss my girlfriend,” sabi nito at ngumuso pa. Muli siyang napangiti dahil sa muli nitong pagpapa-cute sa kaniya. “Saan ka ba nagpunta at inabot ka na ng hating gabi?” mayamaya ay tanong niya. “Kanina pa ako naghihintay at nag-aalala sa ’yo. Hindi mo man lang nagawang sagutin ang tawag at text ko sa ’yo. I was so worried, Gawen.” “I’m sorry, my love,” wika nito at isinubsob ang mukha sa kaniyang leeg. Ramdam niya ang mainit na hininga nitong tumatama roon. “Nasa bahay ako ng pinsan kong si Octavio. Kasama ko ang mga kapatid at mga pinsan ko. Pinuntahan kasi ako nina Goran at Abraham sa office ko kanina at inaya nila ako na mag-inom.” Pagpapaliwanag nito. “Akala ko ba hindi ka umiinom nang maramihan?” tanong niya habang masuyong humahaplos ang kaniyang palad sa likod nito. “I am, L’amour,” sagot nito at nagbuntong-hininga nang malalim kaya naamoy niya ulit ang amoy alak nitong hininga. “Pero... hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina dahil nagkasiyahan na kami.” “Nag-alala kasi ako kanina. Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari sa ’yo. Hindi mo kasi sinagot ang—” “I’m sorry,” wika nito kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. Nag-angat ito ng ulo at muli siyang pinakatitigan. “Okay na ’yon. Nandito ka na at alam kong safe ka at walang may masamang nangyari sa ’yo,” sabi niya. “Let’s go upstairs para makapagpahinga ka na,” wika pa niya ’tsaka tinanggal ang mga braso niya sa leeg nito. Tinanggal niya rin ang isang braso nitong nakapulupot sa kaniyang baywang. Inalalayan niya ito sa paglalakad upang pumanhik na sila sa hagdan. “Puwede ba na... matulog ka ulit sa kuwarto ko ngayon, Gelaena?” Nangunot ang kaniyang noo habang nakatuon sa unahan nila ang kaniyang paningin. “Hindi puwede,” sagot niya. “Why not?” “Kasi lasing ka. Baka kung—” “L’amour de ma vie, I promise you... I... I won’t do anything.” “Kahit na.” “Please.” “Hindi puwede,” sabi niya pa. “Careful and watch your steps.” Nang papaakyat na sila sa hagdan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ulit ni Gawen sa ere at muli siyang hinapit sa kaniyang baywang. “You don’t love me.” Malungkot na saad nito. Magkasalubong ang mga kilay na nilingon niya ito at saglit silang huminto sa pagpanhik. “Gawen,” sabi niya. “Okay fine,” nakangusong wika nito at muling nagbuntong-hininga. “Hindi ako puwedeng matulog sa kuwarto mo kasi hahanapin ako ni Emzara mamaya.” “Yeah,” tipid na sagot nito at nagpatuloy na sa pag-akyat. Nanahimik na lang siya hanggang sa makarating na sila sa silid nito. Umupo si Gawen sa gilid ng kama at kaagad naman siyang naglakad papunta sa closet nito. Kumuha siya ng malinis na damit nito at morning towel. Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo upang labhan iyon. Nang muli siyang lumabas, nakita niya si Gawen na nakatungo. Nakatukod ang mga siko nito sa ibabaw ng mga hita habang nakakulong ang mukha sa mga palad nito. Saglit niyang tinitigan ang binata habang nasa may pinto siya ng banyo at pagkatapos ay naglakad siya palapit dito. “Come on, Tangi! Hubarin mo na ’yang damit mo at ng makapagbihis ka na.” Aniya nang nasa harapan na siya nito. Kaagad naman na nag-angat ng mukha si Gawen at tumingala sa kaniya. Mayamaya’y muli nitong ipinulupot ang mga braso sa baywang niya at isinubsob ang mukha sa kaniyang tiyan. “I love you, Gelaena!” masuyong saad nito. Napangiti naman siya at hinaplos niya ang buhok nito. “Sige na. Maghubad ka na para malinisan ko ang katawan mo. Kailangan na nating matulog dahil halos mag-a-ala una na ng madaling araw,” sabi niya rito. Muling tumingala sa kaniya si Gawen at matamang tumitig sa kaniya ang namumungay nitong mga mata. “I really want to sleep beside you, L’amour.” Hay! Napakakulit naman pala nitong boyfriend niya kapag nalalasing. Hindi mo masabihin ng hindi puwede. Ipipilit talaga ang gusto nito! “Oo na, sige na,” sa huli ay sabi na lamang niya para pakawalan na siya nito at makapagbihis na ito. Kanina pa siya inaantok. Hindi lang talaga siya makatulog kanina dahil iniisip niya ito. Sumilay naman ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ni Gawen dahil sa sinabi niya. Mayamaya ay binitawan nito ang kaniyang baywang at nagmamadaling tinanggal ang butones ng suot nitong button-down shirt. “Ang kulit mo pa lang malasing,” natatawang sabi na lamang niya ’tsaka umupo na sa tabi nito at inumpisahan niyang punasan ang mukha nito. “Gusto ko lang maglambing sa girlfriend ko. Hindi ba puwede ’yon?” tanong nito. “Kahit madaling araw na at pareho na tayong inaantok?” balik na tanong niya habang abala sa kaniyang ginagawa. Nang tuluyang matanggal ni Gawen ang butones ng damit nito ay hinubad nito iyon at itinapon sa sahig. “Wala namang required na oras kung kailan puwedeng maglambing, mahal ko.” Oo nga naman! Pagsang-ayon ng kaniyang isipan. Ngumiti na lamang siya nang saglit na salubungin niya ang mga mata nito pagkuwa’y bumaba sa leeg nito ang kaniyang kamay na may hawak ng bimpo. Roon naman ang pinunasan niya pababa sa balikat nito hanggang sa dumako sa dibdib nito ang mga mata niya. Bigla siyang napahinto at napatitig doon. Oh, God! Ilang beses na niyang nakita si Gawen na naka-topless, pero ito ang unang beses na makita niya ng malapitan ang hubad nitong katawan, lalo na ang malapad at matigas nitong dibdib. Hindi niya mapigilang hindi mapalunok habang titig na titig siya roon. Mayamaya ay dahan-dahang bumaba pa ang paningin niya sa may tiyan nito. Oh, no! Bumaba ang paningin niya sa abs nito. Damn. Hindi niya napigilan ang mapalunok nang mabigat ng kaniyang laway habang titig na titig siya roon. Ngayon lamang din niya nakita nang maayos at malapitan ang abs ni Gawen. Ang ganda pala talaga ng katawan nito! At ewan ba niya... parang may sariling isip ata ang isang kamay niya at kusa iyong umangat at masuyong dumampi sa abs nito. Napalunok siyang muli at hinaplos niya iyon. My God! Paghuhumiyaw ng kaniyang isipan. First time niyang mahawakan iyon! Hindi na rin napigilan ni Gawen ang mapangiti habang mataman na nakatitig sa mukha ng nobya. Mayamaya ay umangat din ang isang kamay nito at hinawakan ang kamay ni Gelaena na nasa tiyan nito. Bigla namang napa-angat ang mukha ni Gelaena at napatitig sa binata nang magulat siya sa ginawa nito. Ngayon ay damang-dama na ng kaniyang palad ang matigas at mainit nitong pandesal. Que horror! “Touch me, Gelaena!” usal ni Gawen sa kaniya. Muli siyang napalunok at napatitig ulit sa abs nito. “I’m all yours, L’amour.” Hindi niya na napigilan ang mapangiti at muling sinalubong ang mga mata nito. “S-sorry,” sabi niya. “Ngayon ko lang kasi natitigan nang husto ang...” “I’m your boyfriend, my love. If you want to stare at my body all the time... just tell me. I will immediately undress in front of you.” Bigla siyang natawa ng pagak dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay binawi niya rito ang kamay niyang nakadikit pa rin sa abs nito. Bumuntong-hininga siya at nag-umpisa ulit na punasan ang katawan nito. Mula sa balikat, pababa sa dibdib at abs nito. “I want to make love with you, Gelaena.” Bigla siyang napatitig sa mga mata ni Gawen nang marinig niya ang sinabi nito. Mahina lamang iyon, pero... sigurado siya at malinaw niyang narinig ang mga katagang sinambit nito sa tapat ng kaniyang mukha. Seryosong napatitig siya rito, pero mayamaya ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Ano raw? Gusto ni Gawen na mag-make love sila? Oh, akala niya ba ay conservative ito? Pero bakit... bakit... “G-gawen...” nauutal na sambit niya at biglang nag-umpisa na dagain ang kaniyang dibdib. Umangat ang mga kamay ni Gawen at kinuha ang mga palad niya. Masuyo pa iyong pinisil ng binata at tipid na ngumiti sa kaniya. “B-but, if you’re not ready... I... I won’t force you. I just want to let you know that...” Napalunok siya ng kaniyang laway habang matamang ipinagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi nito. Ewan, pero... bigla siyang nakadama ng kakaiba sa katawan niya. Oh, jusko! Bakit naman kasi out of blue ay magsasabi ito sa kaniya ng ganoon? “I love you, Gelaena!” anang Gawen at dahan-dahan na dumukwang sa kaniya. Dahil hindi siya agad nakakilos sa kaniyang puwesto, naramdaman na lamang niya na masuyong lumapat sa mga labi niya ang malambot at mainit na mga labi ni Gawen. Amoy na amoy niya ang amoy alak nitong hininga. Gusto niyang lumayo at tumutol sa ginawang paghalik nito sa kaniya dahil nangangamba siya na baka kung saan pa humantong iyon kung tutugon siya, pero hindi naman sumunod ang katawan niya. Nanatili siya sa kaniyang puwesto at mayamaya ay dahan-dahang pumikit ang kaniyang mga mata. Oh, no! “I love you, Gelaena!” dinig niyang sambit ni Gawen sa gitna ng panakanaka nitong paghalik sa kaniyang mga labi. At ilang segundo lang, habang hindi niya pa rin magawang kumilos sa kaniyang puwesto, naramdaman niyang binitawan ni Gawen ang mga kamay niya. Ang isang kamay nito ay masuyong pumulupot sa kaniyang baywang at kinabig siya palapit dito habang ang isang kamay naman nito at humawak sa kaniyang leeg at nag-umpisa na si Gawen na angkinin ng tuluyan ang kaniyang mga labi. Nang tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata, hindi na rin niya nagawang pigilan ang kaniyang sarili na tugunin ang mga halik nito sa kaniya. Jusko! Ang sabi nito sa kaniya kanina ay wala itong gagawin sa kaniya. Pero bakit ngayon ay gusto nitong makipag-make love? Ano ba ang gagawin niya? Gusto niya talagang tumutol pero ayaw makisama ng kaniyang puso at katawan. Heto nga at napatugon na siya sa kakaibang mga halik nito sa kaniya. Parang... nadadarang siya lalo pa at nalalasahan na rin niya ang beer na ininom nito kanina. Dahan-dahang umangat ang kaniyang mga kamay at kusa iyong pumulupot ulit sa leeg nito at tuluyan na siyang nawala sa kaniyang sarili. Buong puso na tinugon niya ang mga halik nito hanggang sa iwanan ng mga labi ni Gawen ang mga labi niya at nag-umpisang bumaba papunta sa kaniyang leeg ang mga halik nito. “G-gawen!” mahinang tawag niya sa pangalan nito. Ngunit masuyong ungol lamang ng binata ang kaniyang narinig at naramdaman niya ang pagsipsip nito sa kaniyang leeg na siyang naging dahilan ng pag-ungol niya rin. Napatingala siya sa kisame at bahagyang humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg nito. Nag-umpisa na siyang makaramdam ng kakaibang init sa katawan niya dahil sa paraan ng paghalik ni Gawen sa kaniya. Pero mayamaya, makaraan ang ilang minuto... biglang nangunot ang kaniyang noo at napamulat siya nang maramdaman niyang huminto si Gawen sa paghalik sa kaniyang leeg. “G-gawen?” tawag niya rito. Sa halip na sagutin siya nito... ang mahinang hilik nito ang kaniyang narinig. At mayamay ay wala sa sariling natawa siya ng pagak nang biglang bumagsak sa kama si Gawen. Napailing na lamang siya nang mapatitig siya sa guwapong mukha ng binata habang mahimbing ng natutulog. Humihilik pa ito! “Oh, God! Mabuti na lang.” Nasambit na lamang niya at napayakap sa kaniyang sarili. Damn. Ang akala niya ay maibibigay niya na kay Gawen ang kaniyang katawan ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD