“L’AMOUR!”
Kaagad na napalingon si Gelaena sa bumukas na pinto ng silid ni Emzara at pumasok doon si Gawen na halatang kagigising lamang. Medyo magulo pa kasi ang buhok nito at nakasuot pa ng pajama na ipinangpalit niya sa damit nito kagabi.
“Good morning, Daddy Mayor!” nakangiting bati ni Emzara habang nakatayo ito sa harapan niya at inaayos niya ang uniform nito.
“Good morning, Tangi!” nakangiting binati niya rin ang nobyo.
“Morning, sweetie! Morning, my love!” ani nito at nang makalapit sa kanilang puwesto ay hinalikan sa ulo nito si Emzara at siya naman ay hinagkan sa kaniyang pisngi at umupo sa tabi niya.
“Kakagising mo lang?” tanong niya.
“Mmm! And you were no longer by my side when I woke up,” sabi nito. “Didn’t you sleep next to me last night?” kunot ang noo na tanong pa nito sa kaniya.
Ngumiti siya rito nang lingunin niya ito. “Naalala mong tumabi ako sa ’yo kagabi?” sa halip ay balik na tanong niya rito at sinuklay naman niya ang buhok ni Emzara.
Hindi naman agad nakasagot si Gawen at nakakunot pa rin ang noo nito habang nakatitig sa kaniya.
“Wala kang maalala kasi lasing ka kagabi,” sabi niya pa mayamaya.
“I’m not drunk last night, L’amour,” sabi nito.
“Lasing ka nang umuwi ka rito kagabi, Tangi.” Giit niya pa rito at saglit niyang tinakpan ang magkabilang tainga ni Emzara at muli niya itong nilingon. “Kung hindi ka lasing... naaalala mo ba kung anong oras ka na nakauwi rito kagabi? At kung ano ang kalokohan ang ginawa mo?” tanong niya pa.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Gawen at napatitig sa akin nang mataman. Tila pinipilit nitong alalahanin ang nangyari sa nagdaang gabi. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito nang malalim at ipinilig ang ulo.
“I can’t remember anything, L’amour.”
“E ’di lasing ka nga,” natatawang sabi niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ng kaniyang alaga.
“You drink alcohol last night, Daddy Mayor?” tanong ni Emzara.
Napatitig naman si Gawen sa anak. “I mean, yeah I drank last night. Pero...” ani nito at napakamot pa sa pisngi nito.
“Daddy Mayor, you said drinking alcohol is bad po, right?”
“Yeah, sweetie, I know. Pero... isang bote lang—”
“May tao ba na nag-inom ng isang bote lang ng beer tapos biglang na-shutdown?” tanong niya kaya naputol ang pagsasalita nito.
Muling napabuntong-hininga nang malalim si Gawen at kunot ang noo na tumitig sa kaniya. “Oh, I’m sorry, L’amour! Wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi. So, tell me what happened?” tanong nito.
“Hay nako Mister Yorme, kung wala kang maalala sa nangyari kagabi... better not to know.” Natatawang saad niya.
“But—”
“Ihahatid ko pa sa school itong anak mo. May trabaho ka pa rin sa City Hall kaya maligo ka na roon para makapag-almusal ka na. Alas syete na, oh!” aniya dahilan upang maputol ulit ang pagsasalita nito. “Come on, sweetheart. Baka ma-late pa tayo sa klase mo.” Nang matapos niyang itali ang buhok ni Emzara ay tumayo na siya sa kaniyang puwesto at saglit na iniligpit ang ilang kalat sa silid na iyon at pagkatapos ay magkahawak kamay sila ni Emzara na lumabas. Sumunod naman sa kanila si Gawen.
“I’ll talk to you, later, L’amour.” Ani nito at hinawakan siya sa kaniyang baywang kaya napahinto sila ni Emzara sa paglalakad.
“Maligo ka na, Tangi.” Sa halip ay pagtataboy niya rito.
Napasimangot naman si Gawen na ikinatawa niya ng pagak.
“Where’s my good morning kiss, by the way?” tanong nito.
“Nakahalik ka na nga kanina, uungot ka pa ngayon,” sabi niya pero tumingkayad na rin siya upang sana ay halikan ito sa pisngi, pero mabilis namang hinawakan ni Gawen ang kaniyang batok at hinagkan siya sa kaniyang mga labi.
Nang pakawalan siya nito ay malapad na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. “I love you.”
“Nandito ang bata, e! Kung makahalik ka naman, Yorme.” Kunwari ay pinandilatan niya pa ito ng mga mata. “Pero... I love you too, Tangi.” Nginitian niya ito nang matamis.
Muling hinalikan ni Gawen ang kaniyang noo at pagkatapos ay yumuko upang halikan din sa noo si Emzara.
“I love you, sweetheart.” Ani nito.
“I love you too, Daddy Mayor.”
“Sige na at baka ma-late pa kami. Ba-bye na muna.” Aniya rito at tumalikod na habang akay-akay niya si Emzara.
Si Gawen naman ay bumalik na rin sa silid nito.
“MAYOR, MUKHANG... hindi po ata pupunta rito ngayon si Ma’am Ella,” sabi ni Migo.
Napatingin siya sa kaniyang PA nang marinig niya ito. Kanina pa sila naroon sa function hall at naghihintay na dumating si Ella para makapag-umpisa na sa gagawin nilang meeting para sa campaign nila. Pero isang oras na ang nakalipas pagkatapos ng call time nila ay hindi pa rin dumadating si Ella. At mukhang alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit hindi ito dumating. Marahil ay inutusan na nga ito ng ama na huwag siyang siputin para tulungan siya sa campaign niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y sumandal siya sa upuan.
“Kahapon ko pa pinag-iisipan ulit ang tungkol sa bagay na ito, Migo,” sabi niya.
“Ano po ang ibig ninyo sabihin, Mayor?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya.
Ilang saglit siyang nanatiling tahimik habang nakatitig lamang siya sa ibabaw ng mesa. Mayamaya ay muli siyang napabuntong-hininga nang malalim. “Hindi ko na lamang itutuloy ang balak kong pagtakbo bilang gobernor sa susunod na eleksyon.”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Po?” tanong nito na halatang hindi makapaniwala sa narinig. “Pero... bakit naman po, Mayor? Nakapagsimula na po tayo sa preperation ng campaign.”
“It’s okay, Migo. Hindi pa naman ako nakakapaglabas ng malaking halaga ng pera sa campaign na ito,” sabi niya. “Ayoko lang maging komplekado ang sitwasyon ko ngayon.”
“Dahil po ba sa relasyon ninyo ni Gelaena?”
Ang mga kilay naman niya ang nagsalubong at napatitig siya sa kaniyang PA. Nagtataka siya kung paano nitong nalaman ang tungkol sa kanila ni Gelaena?
Mayamaya ay ngumiti si Migo sa kaniya. “Alam ko po na may relasyon kayo ni Gelaena, Mayor,” sabi pa nito sa kaniya.
“H-how...”
“Lalaki po ako, Mayor Gawen. Sa mga simpleng tingin at sulyap n’yo po kay Gelaena kapag nasa paligid lang siya. At sa klase ng ngiti ninyo sa kaniya... alam ko po na may something sa inyong dalawa.”
Oh, damn it! Bigla tuloy siyang nahiya kay Migo. Alam na pala nito na may relasyon sila ni Gelaena. Ano na lamang kaya ang inisip nito nang malaman nito ang tungkol doon? Siya itong may mahigpit na patakaran na bawal makipagrelasyon sa katrabaho, pero siya ang unang sumira n’on!
Lihim na lamang siyang napabuntong-hininga at nagbawi ng tingin kay Migo.
“Gusto ko po si Gelaena nang unang beses ko pa lamang siyang nakita sa mansion. Pero... nang sinabi niya po sa akin na hindi siya magpapaligaw sa akin, nirespeto ko po ang desisyon niya. At nang malaman ko po na may relasyon na kayong dalawa, hindi naman po ako tumutol o nagalit sa inyo dahil sa rules ninyo na bawal makipagrelasyon sa katrabaho. Naiintindihan ko naman po kayo, Mayor. Hindi naman po kasi natin mapipigilan ang puso natin kapag ito na ang kusang umibig.”
Napangiti siya dahil sa mga sinabi ni Migo. Oh, mabuti na lang pala talaga at malawak ang pang-unawa ni Migo tungkol sa bagay na iyon. Ang akala niya ay susumbatan siya nito ngayon.
“I’m sorry, Migo.”
“Nako, hindi n’yo po kailangan na humingi ng sorry, Mayor. Wala naman po kayo nagawang kasalanan sa akin.” Ani nito. “At ang totoo po niyan... masaya po ako para sa inyo ni Gelaena.”
Muli niya itong tinapunan ng tingin. “Salamat, Migo.”
“Walang anuman po, Mayor,” sabi nito. “Pero sana lang po ay hindi maging problema sa inyo ni Gelaena si Ma’am Ella. Alam naman po natin pareho kung gaano ka niya kagusto.”
“Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ko na lamang itutuloy ang pagtakbo ko sa susunod na eleksyon. Gusto kasi ni Governor Alcantara na pakasalan ko si Ella kapalit ng mga tulong at suporta nito sa akin noon pa man.”
“Matagal n’yo na pong sinasabi sa amin na hindi na kayo tatakbo sa susunod na eleksyon, Mayor. Umalis man po kayo sa politika, marami pa rin pong tao ang nakasuporta sa inyo. Kaya kung ang desisyon n’yo po ngayon ay buo na... lalo na po at nakasalalay rin ang relasyon ninyo ni Gelaena... mabuti nga po na hindi na lamang kayo tumakbo sa susunod na eleksyon. Sa inyo pa rin naman po ang boto naming mga tao na loyal sa inyo, Mayor.”
Napangiti siyang muli dahil sa mga sinabi ni Migo. “Maraming salamat, Migo.”
“Kami po ang dapat na magpasalamat sa inyo, Mayor. Marami na po kayong naitulong sa amin at marami po kayong natulong na kababayan natin.”
“I WANT TO TALK TO YOU!”
Mula sa pagkakaupo sa sofa na nasa loob ng gazebo, kunot ang noo na nag-angat ng mukha si Gelaena nang marinig niya ang boses ni Ella. Abala kasi siya sa pagpipindot sa selpon niya kaya hindi niya namalayan na dumating pala ito at nakalapit na sa kaniyang puwesto.
Nakataas ang isang kilay ni Ella habang nakapamaywang ang isang braso at nakatitig sa kaniya.
“Tungkol saan?” tanong niya rito.
Hindi naman agad nagsalita si Ella, sa halip ay pumasok ito sa gazebo at inilapag sa center table ang handbag nito pagkuwa’y umupo sa single couch na nasa kaibayo ng kaniyang puwesto.
Hindi pa rin nagbabago ang seryosong tingin niya rito.
“About you and Gawen,” sabi nito mayamaya.
Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at nakadama siya ng kaba sa dibdib niya.
Oh, no! May alam na kaya ang Ella na ito tungkol sa amin ni Gawen? Tanong ng kaniyang isipan.
“I know about your secret relationship with Gawen.”
Pinilit niyang huwag mapasinghap at magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mayamaya ay bahagya siyang bumuntong-hininga. “Oh, tapos?” kunwari ay balewalang tanong niya rito.
Mabilis na nagsalubong naman ang mga kilay ni Ella at napatitig saglit sa kaniya. “Hindi ka ba nahihiya?” tanong nito mayamaya.
“Bakit naman ako mahihiya, Ella?”
“You’re just a nanny, Gelaena. Pero nakipagrelasyon ka pa rin sa isang Mayor Gawen Ildefonso. Hindi ba’t nakakahiya iyon?” mapanuyang tanong nito. “Hindi mo ba alam kung gaano kalayo ang antas ng buhay ninyo sa isa’t isa?” tanong pa nito at tumawa ng pagak. “My God! Mahiya ka naman sa sarili mo, Gelaena. Mahirap ka lang tapos—”
“Sa pagkakaalam ko, Ella... walang batas na nagbabawal na hindi puwedeng makipagrelasyon ang isang taong mahirap sa isang taong mayaman o may kaya sa buhay,” sabi niya upang putulin sa pagsasalita ang dalaga. “Lahat tayo ay puwedeng umibig at magmahal kahit ano pa man ang estado natin sa buhay.”
Umirap ito dahil sa mga sinabi niya. “Whatever. You should still be ashamed of yourself dahil sa pakikipagrelasyon mo sa isang Ildefonso. And besides, I told already before na hindi kayo bagay ni Gawen.”
Bumuntong-hininga siyang muli at mapaklang ngumiti rito.
“Yaya ka lang, Gelaena! Kahit pa maganda ka, pero hindi ka pa rin bagay sa kaniya. Ang bagay kay Gawen ay ako. Dahil pareho kaming galing sa mayaman na pamilya. And I just want to let you know... my papa already talked to Gawen and Tito Salvador. Nagkasundo na silang i-arrange marriage kami ni Gawen. And he knows about this. And let me guess... hindi niya pa sinasabi sa ’yo ang tungkol sa nalalapit naming kasal, right?” tanong pa nito.
Hindi niya napigilan ang pagsasalubong nang husto ng kaniyang mga kilay dahil sa sinabi nito. Ano raw? Ipinagkasundo na ang dalawa na magpakasal? Malapit ng ikasal si Gawen kay Ella? Oh, no way! Pero... oo nga at wala pang binabanggit sa kaniya si Gawen tungkol sa bagay na iyon. Hindi kaya... ito ang dahilan kung bakit napapansin niya ang pananahimik ni Gawen kahapon? Parang may bumabagabag sa kalooban ni Gawen na hindi nito masabi sa kaniya. At nang umalis ito kanina para magtungo sa Quezon City, sinabi nito sa kaniya na may sasabihin daw itong importante sa kaniya mamaya kapag nakauwi na ito. Damn. Baka sasabihin na sa kaniya ni Gawen na tatapusin na nila ang relasyon nila dahil ikakasal na ito kay Ella?
Que horror!
Bigla siyang nakadama ng kirot at lungkot sa kaniyang dibdib dahil sa isiping iyon.
“You’re lucky because you’re his girlfriend now. But I’m luckier than you because Gawen will marry me and I will be his wife. So, kung ako sa ’yo... ngayon pa lang ay umalis ka na rito sa mansion dahil akin lang si Gawen.”
Hindi na niya nagawang makapagsalita at kumilos sa kaniyang puwesto dahil sa labis na pagkabigla niya dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Ella sa kaniya ngayon kaya hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.
Totoo nga kaya ito?
Mayamaya, tumayo na si Ella sa puwesto nito at dinampot ang bag nito at ngumiti sa kaniya ng nang-aasar. “Magiging Mrs. Ildefonso na rin ako, Gelaena. So, that means, may karapatan na rin ako sa mansion na ito. Kaya ngayon pa lang... gusto kong umalis ka na sa trabaho mo rito at ako na ang magbibigay ng bagong yaya ni Emzara. I’m going to be her stepmom anyway.”
“May respeto ako sa inyo, Ma’am Ella.”
Napatingin silang dalawa ni Ella kay Arlene na nakalapit na pala sa kanilang puwesto ng hindi nila namamalayan. Halos mag-isang linya na ang mga kilay nito habang nakatitig kay Ella.
“Pero para pagsalitaan mo ng ganiyan ang amiga ko... aba, hindi ako makapapayag,” wika pa nito. “Si Gelaena ang girlfriend at mahal ni Mayor at kahit kailan ay hindi magiging iyo si Mayor. Hindi ka rin parte ng pamilyang Ildefonso kaya ano ang karapatan mo para sabihing umalis si Gelaena sa trabaho niya?” hindi maipinta ang mukha na tanong pa nito.
“Huwag kang makisali rito, Arlene.”
“Kaibigan ko ang inaapi mo, Ella, kaya makikisali ako sa problema ninyong dalawa,” sabi pa nito. “Hindi lang make up mo ang makapal, Ella, kun’di pati ang mukha mo. Hindi kayo bagay ni Mayor at hinding-hindi ka niya pakakasalan. Kaya kung ako rin sa ’yo, kung hindi mo ititigil ’yang kaartehan mo, mamili ka... distansya o ambulansya?” tanong pa nito at humigpit ang pagkakahawak sa malaking gunting na ginagamit nitong pangputol ng sanga ng mga bulaklak sa garden.
Bigla namang napalunok si Ella ng laway nito at napa-atras nang itaas ni Arlene ang hawak nito. Mayamaya ay walang salita at nagmamadali itong umalis.
“Takot naman pa lang makalbo, e! Tss.” Anang Arlene habang sinusundan pa nito ng tingin si Ella na nagmamadali nang lumabas sa gate.