CHAPTER 27

3916 Words
“GELAENA!” Kaagad na napalingon si Gelaena sa may pinto ng kusina nang marinig niya mula roon ang boses ni Doña Cattleya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata’y nakita niya ang seryoso nitong hitsura. Iba ang paninitig nito ngayon sa kaniya kumpara no’ng unang araw na makita at makilala niya ito. Dahil doon ay hindi niya napigilang makadama ng kakaibang kaba sa dibdib niya. “Um, b-bakit po, Doña Cattleya?” nauutal at kinakabahang tanong niya rito. Naglakad naman palapit sa kaniya ang doña. “Can I talk to you?” Saglit siyang napatitig dito bago siya napipilitang tumango. “O-opo. Opo, Doña Cattleya.” “Sumunod ka sa akin, hija!” pagkasabi niyon ni Doña Cattleya ay kaagad itong tumalikod at muling lumabas sa kusina. Wala sa sariling bigla naman siyang napahugot nang malalim na paghinga at marahas iyong pinakawalan sa ere. Pagkuwa’y nagmamadali siyang humakbang palabas ng kusina. Nang makita niyang papunta sa library ang doña, roon siya nagtungo. Pagkapasok niya roon, nakaupo na sa sofa ang Doña Cattleya at seryoso pa ring nakatingin sa kaniya. Muli, lihim siyang napalunok ng kaniyang laway dahil sa kakaibang kaba sa dibdib niya. “Have a sit, hija!” Tipid naman siyang ngumiti at naglakad palapit sa isang single couch at doon siya pumuwesto. “B-bakit po, Doña Cattleya?” tanong niya. “May... may kailangan po ba kayo sa akin?” tanong niya pa. Kinakabahan lamang siya kung ano ang sasabihin nito sa kaniya ngayon. Pero parang may hint na siya na tungkol sa kanila ni Gawen ang gusto nitong sabihin sa kaniya. Banayad na nagpakawala nang buntong-hininga ang doña. “Ayoko sana kitang kausapin tungkol sa bagay na ito, but...” anito at sinadya pang putulin ang pagsasalita. “I want you to be honest with me, Gelaena. Do you really like my son?” tanong nito. Sabi niya na nga ba, e! Iyon ang sasabihin sa kaniya ng doña. Ang kaba sa kaniyang dibdib ay mas lalo pang lumakas sa mga sandaling iyon. Tila parang naumid saglit ang kaniyang dila at hindi agad siya nakapagsalita upang sagutin ang tanong nito sa kaniya. “Answer me, Gelaena.” Bumuntong-hininga siya pagkuwa’y tipid na ngumiti sa doña. “O-opo, Doña Cattleya,” sagot niya. “Gusto ko po si Gawen.” Dagdag pa niya. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Tila, pinoproseso pa ata sa utak ng doña ang kaniyang naging sagot dito! “Alam ko pong... hindi n’yo po ako magugustohan para sa anak ninyo Doña Cattleya, pero—” “You’re right, hija. I don’t like you for Gawen,” sabi nito kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. Bahagya siyang nakadama ng kirot sa kaniyang puso dahil sa diretsahang pagtatapat nito sa kaniya. Mayamaya ay nagbawi siya ng tingin dito. Nagbaba siya ng kaniyang mukha at kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Oh, nang isang araw habang iniisip niya pa lamang ang tungkol sa bagay na iyon ay nakakadama na siya ng lungkot at kirot sa puso niya, pero hindi niya naman inaasahan na ganito pala ang magiging pakiramdam niya ngayong sa bibig na nito mismo lumabas ang mga katagang hindi siya nito gusto para sa anak nito. “I really like Ella for Gawen,” sabi pa ng doña sa kaniya. “Matagal ko ng gusto si Ella para sa anak ko. Why? Dahil si Ella, malaki ang maitutulong niya kay Gawen sa pagtakbo niya bilang governor sa susunod na eleksyon. Lalo pa at malakas si Governor Alcantara sa buong Bulacan. Dahil doon, malaki ang chance ni Gawen na manalo sa eleksyon.” Dahan-dahan siyang nag-angat ng kaniyang mukha upang tingnan ulit ang doña. Hindi pa rin nagbabago ang seryoso nitong mukha habang nakatitig sa kaniya. Magsasalita na sana siya upang sagutin ang mga sinabi nito... pero muli rin naman itong nagsalita. “But when I saw Gawen happy being with you last night, I realized... my son’s happiness is more important than the government position I want for him.” Napamaang siya at bahagyang nangunot ang kaniyang noo dahil sa mga sinabi nito. “Sa kanilang lima na magkakapatid, tanging si Gawen lamang ang hindi naging pasaway sa amin ng papa niya. Siya lamang ang tanging hindi nagbigay ng sakit sa ulo namin ng papa niya. Simula noon, hanggang ngayon... wala siyang ibang ginawa kun’di ang gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa amin ng papa niya. Mabuti rin siyang kuya sa mga kapatid niya. So I realized last night... wala ring magiging saysay ang pagpilit ko sa kaniya na pakasalan niya si Ella kung hindi naman siya magiging masaya sa piling ng babaeng hindi niya naman gusto.” Unti-unting sumilay ang maliit na ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi habang naririnig niya ang mga katagang binibitawan ng Doña Cattleya. “I know hindi pa tayo ganoon na magkakilala. But, I can see in your eyes that you have a beautiful soul and heart, Gelaena.” “S-salamat po, Doña Cattleya.” Nakangiting saad niya. “Isama pa na ikaw lang ang nagustohan ni Emzara sa lahat ng naging yaya niya. Nakikita ko kung paano mo alagaan ang apo ko. You two has a connection to each other na hindi ko nakita kay Ella at sa apo ko.” Saad pa nito. “So... I’m sorry hija kung nagkadisgusto man ako sa ’yo sa una. I just want the best for my son. Pero siya na mismo ang nagsabi sa akin na ikaw lang ang gusto niya at wala ng iba pa. So I guess, wala na akong magagawa kun’di tanggapin ka para sa anak ko.” Hindi na niya nagawang makapagsalita. Nakatingin na lamang siya ng mataman sa mukha ng doña habang may ngiti pa rin sa kaniyang mga labi. Oh, jusko! Ang akala niya’y hihilingin na sa kaniya ng doña na hiwalayan niya si Gawen at umalis na siya sa kaniyang trabaho upang hindi na sila magkita ng anak nito. Pero hindi niya naman inaasahan na iyon pala ang sasabihin nito sa kaniya! “Just please... promise me you’ll love my son whole heartedly. He never had a girlfriend before, so...” “Thank you, Doña Cattleya,” sabi niya mayamaya. “Alam ko pong saglit pa lamang kami na nagkakakilala ni Gawen, pero sigurado po ako sa nararamdaman ko para sa anak ninyo. Mahal ko po siya.” Sa puntong iyon ay ngumiti na sa kaniya ang doña. Matamis na ngiti. “I’m sorry again, hija!” “Wala pong problema ’yon, Doña Cattleya. Naiintindihan ko po kayo. Siyempre po, nanay po kayo kaya gusto n’yo lang ng makabubuti para sa anak ninyo.” Saad niya. Ngumiting muli sa kaniya ang doña. NANG BUMUKAS ang pinto ng kaniyang opisina, kaagad na nag-angat ng mukha si Gawen para tingnan ang kaniyang PA. “Yes, Migo?” aniya. “Sorry po sa isturbo, Mayor. Pero, nasa line two po si Mr. Dimagiba. Gusto raw po kayong makausap.” Anito. Tumango naman siya. “Thank you, Migo!” “Sige po, Mayor.” Anang binata ’tsaka nito muling isinarado ang pinto. Kaagad naman niyang dinampot ang telepono na nasa gilid ng kaniyang mesa upang sagutin ang tawag sa kaniya ng kaniyang private investigator. “Yes, Franco?” “Magandang araw po, Mayor!” dinig niyang bati nito sa kaniya. “Good morning, Franco. Is there a good news now?” tanong niya. “Opo, Mayor. Kaya po ako napatawag sa inyo ngayon para ipaalam sa inyo ang isang magandang balita.” Napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo nang marinig niya ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. “Spell it,” sabi niya. “Kaninang madaling araw po ay nahuli na ng mga pulis ang isa sa mga pumatay kay Miss Hernandez. At kasalukuyang nasa kulungan na siya ng Calapan City Jail” Tila bigla naman siyang nakadama ng ginhawa sa kaniyang dibdib nang marinig niya ang magandang balita na iyon. Napangiti pa siya. “So? Ano ang sabi ng mga pulis?” “Sa ngayon po ay wala pa akong nakukuha na bagong balita mula sa kanila. Pero ayon sa kaibigan kong pulis, under investigation pa po ang taong ito dahil ayaw pa ring magsalita kung sino ang nag-utos sa kanila para patayin si Miss Hernandez.” Humugot siya nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Sumandal din siya sa kaniyang swivel chair. “At least ngayon ay nahuli na siya. Kahit papaano ay may chance na tayong malaman kung sino ba talaga ang nag-utos sa kanila para patayin si Eula.” “Oo nga po, Mayor,” sabi nito. “Huwag po kayong mag-alala... kagaya po sa sinabi ko sa inyo dati, hindi po ako titigil hanggat hindi natin nalalaman kung sino ang nasa likod nito.” “Thank you, Franco.” “No problema po, Mayor.” “And, expect your money in your bank account today.” “Maraming salamat po, Mayor.” “Okay. Thanks.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad niyang ibinalik sa lalagyan ang telepono at muli siyang napasandal sa kaniyang upuan. Nagpakawala siya ulit nang malalim na paghinga at bahagyang hinilot ang kaniyang sentido. Kahit papaano sa ngayon... nagkakakaroon na siya ng kaunting pag-asa na mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Eula. Kaunting panahon na lang siguro ay makakamit na niya iyon para sa namayapa niyang kaibigan. Nasa ganoon siyang posisyon nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng kaniyang opisina. Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok si Ella. Malapad pa ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Hi, Gawen!” masiglang bati nito sa kaniya. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo. “Hi, Ella!” ganting bati niya rito. Naglakad naman ang dalaga palapit sa kaniyang mesa at umupo sa visitor’s chair na naroon. “Are you busy right now?” tanong nito. “Um, kinda.” Ngumiti lalo ang dalaga. “May kailangan ka ba?” tanong niya rito. “Well, galing ako sa LGU. May iniutos lang sa akin si papa. And naisip ko na daanan muna kita rito baka kasi hindi ka buys,” sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Tumango naman siya at saglit na isinarado ang kaniyang laptop. Mayamaya, dumako ang paningin ni Ella sa kaniyang cellphone. “Oh? Is that your phone?” kunot ang noo at tila gulat na tanong nito. Napatingin din siya sa kaniyang cellphone pagkuwa’y tumikhim siya at muling sinulyapan ang dalaga. “Um, y-yeah.” “Wow!” anito na mas lalo pang lumapad ang ngiti sa mga labi. “So... tell me what made you change your mind to buy a cellphone?” tanong pa nito. “Um,” “Don’t tell me... it’s because of me?” tanong pa nitong muli. Lihim siyang napabuntong-hininga. “It’s... it’s because of Emzara,” pagdadahilan na sabi niya. “Really? Oh, so sweet!” Pilit siyang ngumiti. “So, now that you have a phone, siguro naman ay bibigyan mo ako ng number mo para madali na kitang makontak any time na gustohin ko.” Anito. Hindi naman agad siya nakapagsalita. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin dito. Hindi niya naman puwedeng sabihin kay Ella na hindi niya maibibigay rito ang kaniyang cellphone number dahil isa lang naman ang dahilan niya kung bakit siya bumili ng cellphone. And that’s because of his girlfriend, Gelaena. Muli siyang tumikhim at dinampot ang aparato at iniligay iyon sa kaniyang drawer. “Sure,” sabi niya. “But, I can’t give you my mobile number right now, Ella.” Nangunot naman ang noo ng dalaga at napatitig sa kaniya. “Why not?” “To be honest, pinag-aaralan ko pa kung paano gamitin ito. So, right now—” “I can teach you how to use your phone. Madali lang naman ’yan.” Anito. “Come on. Give me your phone—” “No need, Ella,” sabi niya nang akma na sana itong tatayo sa puwesto nito upang lumapit sa kaniya. Bumalik sa pagkakaupo ang dalaga. “Why not?” “I’m busy right now, Ella. Madami pa pala akong gagawin ngayon.” Banayad na bumuntong-hininga ang dalaga ’tsaka marahang tumango. “Okay.” Anito at ngumiti ulit. “Sorry, Gawen. Na-excite lang ako. Pero... any time, puwede mo akong patawagan kay Migo para papuntahin dito at tuturuan kita.” Ngumiti na lamang siya at tumango. “Thanks, Ella.” “No problem, Gawen.” Anito. “By the way, mauuna na rin ako. Naabala na kita sa trabaho mo.” Tumayo na ito at muling isinukbit ang bag nito. “Bye, Ella!” “Bye, Gawen!” anito at tumalikod na para lisanin ang kaniyang opisina. Nang makita niyang lumapat na ang pinto pasarado ay kaagad siyang humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Napahilamos pa siya sa kaniyang mukha pagkuwa’y kinuha niyang muli ang cellphone niya sa loob ng drawer. Nang makita niya ang mukha ni Gelaena sa lockscreen, wala sa sariling napangiti siya. Oh, isa sa dahilan kung bakit magaan ang trabaho niya magmula pa kaninang umaga, ay dahil sa picture ng kaniyang irog. Masilayan niya lamang ang larawan nito ay napapangiti siyang bigla at bumibilis ang kabog ng kaniyang puso. Gumagaan agad ang kaniyang pakiramdam. Hindi lamang pala text o tawag o pagse-selfie ang purpose ng cellphone na iyon... kahit hindi niya kasama ang dalaga ay hindi na siya nababagot kakahintay kung kailan matatapos ang oras ng kaniyang trabaho para makauwi na siya sa mansion at masilayan ulit ang maganda nitong mukha. Buksan lamang niya ang kaniyang cellphone at magpunta sa kaniyang gallery ay makikita na niya ang sandamakmak na pictures nilang dalawa. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at sumandal. Pagkatapos ay binuksan niya ang message app niyon at mabagal na nagtipa siya roon. “Hi, L’amour de ma vie! How was your day?” sambit pa niya habang nangangapa sa pagpindot ng mga letra sa screen niyon. “Oh!” napakamot pa siya sa ulo habang paisa-isa pa ring pinipindot ang mga letra. “Pareho lang naman ito sa keyboard ng laptop ko, pero bakit ang bagal ko rito?” tanong niya sa kaniyang sarili. “Alright.” Nang pindutin niya na ang send button. Ngumiti pa siya nang malapad habang binabasa ulit ang kaniyang message para kay Gelaena. BAHAGYANG NANGUNOT ang noo ni Gelaena nang marinig niya ang mahinang tunog ng kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kaniyang uniform. Mabilis namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang mabasa niya sa screen niyon ang Tangi na naka-save na pangalan ni Gawen sa contact niya. Nagmamadaling binuksan niya ang message nito. Pero hindi pa man niya nababasa iyon ay bigla naman itong tumawag sa kaniya. Mas lalo siyang napangiti at sinagot iyon. “Hi!” masiglang bati niya rito. “How was your day, L’amour de ma vie?” tanong nito sa kaniya. “I sent you that message. Hindi ka agad nag-reply!” dagdag pa nito. Napahagikhik siyang bigla dahil sa sinabi nito. “Hey! You’re laughing at me again.” Umupo siya sa sofa habang hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Nasa silid siya ni Emzara ngayon at hinihintay lang niya na matapos maligo ang kaniyang alaga. “Tangi, kaka-received ko lang sa message mo few seconds ago. Hindi ko pa nga nababasa tapos tumawag ka agad.” Aniya. “Oh, I’m sorry! I’m just excited. And... I want to hear your voice.” Hind man niya nakikita ang hitsura nito ngayon, pero sigurado siyang malapad at matamis ang ngiti nito ngayon para sa kaniya. Oh, kinikilig siya nang husto! Kagabi lamang niya tinuruan si Gawen kung paano gumamit ng cellphone kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon ito ka-excited ngayon. Well, cute naman kaya walang problema iyon sa kaniya! Kinikilig lang talaga siya! “I really love hearing your voice on the phone, L’amour de ma vie!” Muli siyang napangiti at ipinilig niya ang kaniyang ulo dahil sa kilig niyang ayaw paawat. “Talaga?” malambing na tanong niya. Ito rin ang unang beses na narinig niya ang boses nito sa cellphone. Kung guwapo na sa personal ang boses nito, mas lamang pa pala iyon kapag nakausap na niya ito sa cellphone. Husky ang boses nito, pero sexy pa rin ang dating sa kaniya. Lalaking-lalaki. “It’s like a soft sound of music in my ears.” “Tangi!” kinikilig na saad niya. “I’m just telling you how I feel right now.” Malalim ngunit banayad na paghinga ang pinakawalan niya sa ere at nakangiting ipinikit ang kaniyang mga mata. “Hindi ka ba busy ngayon at nagawa mo akong tawagan kahit oras ng trabaho mo?” pag-iiba na lamang niya ng kanilang usapan. Baka kasi hindi na niya mapigilan ang kaniyang puso at sumabog na siya ngayon dahil sa labis na kilig niya. “I’m just resting for a while.” “Oh! Sana hindi ka na tumawag sa akin.” “I just want to hear your voice, my love.” Jusko! Mas lalo pang nagregodon ang kaniyang puso dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng ganoon. Oh, kakapusin ata siya ng paghinga niya! “Ikaw talaga! Hindi ko alam na... ganiyan ka pala ka-sweet.” “Oh, am I?” Ngumiti pa siya nang malapad habang ini-imagine niyang nasa harapan niya lamang ito ngayon. “Ang akala ko kasi ay pagsusungit lang ang alam mong gawin. Kagaya no’ng unang beses tayong magkita.” “Oh, I’m sorry about that. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung nakasuot ka na nga ng mamahaling amerikana pero napagkamalan ka pa ring hardinero?” Napahagikhik siya nang maalala niya ang araw na ’yon, lalo na ang naging reaksyon nito nang tanungin niya ito kung hardinero ba ito sa mansion! “I’m sorry, Tangi!” “Apology accepted, L’amour de ma vie!” Mabuti na lamang pala at nabanggit nito ang tungkol doon. Kahit papaano ay tuluyan ng nawala ang guilt sa puso niya na naramdaman niya nang araw na ’yon. Nakalimutan na kasi niyang humingi ulit ng pasensya sa binata. Ngayon na lamang! “Sige na... ituloy mo na ang trabaho mo! Aalis din kasi kami ngayon.” “Where are you going?” “Isinasama kami ng mama mo sa mall. Gusto niya raw kasi mag-shopping. Tapos naman na ang klase ni Emzara kaya kasama kami sa pag-alis niya.” “Alright. Enjoy your day! And... I love you.” Sumilay ulit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. “Mahal din kita,” sagot niya. “Ba-bye na muna.” “See you later.” Pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag nito sa kaniya. Muli siyang humugot nang malalim na paghinga at banayad iyong pinakawalan sa ere habang nasa tapat ng kaniyang dibdib ang kaniyang cellphone. Malapad pa rin ang ngiti sa mga labi niya. “Oyyy! Callmate na pala kayo ni Yorme mo, huh!” Bigla siyang napalingon kay Arlene nang marinig niya ang boses nito sa tabi niya. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay. “Arlene? K-kanina ka pa ba riyan?” tanong niya. Nginitian siya nito lalo at saka umupo sa tabi niya. “Oo. Hindi mo manlang narinig ang pagpasok ko rito. Kung sabagay... lumilipad ka sa alapaap habang kausap mo ang Tangi mo.” Anito na ginaya pa ang malambing niyang pagtawag ng Tangi kay Gawen. “Tsismosa ka talaga, Arlene!” natatawang saad niya. “Ay nako, amiga! Ako lang ang tsismosa na maganda na sobra pang kinikilig dahil sa labtim ninyo ni Mayor.” Inismiran niya ito. “So, may cellphone na pala si Mayor?” tanong nito sa kaniya mayamaya. Tumango naman siya. “Oo. Bumili raw siya kahapon para... kapag wala siya rito, madali niya na lang ako na matatawagan.” “My God, amiga! Iba talaga ang tama sa ’yo ni Mayor Gawen ano? Mantakin mo, no’ng una, lagi siyang seryoso sa buhay, once in a blue moon lang kung ngumiti, pero nang dahil sa ’yo... ayan, mas guwapo na siyang tingnan ngayon kasi maaliwalas na lagi ang mukha niya. Tapos, madalas din silang magkasagutan ni Señorita Emzara, pero ngayon... close na sila. Okay na! Tapos ngayon naman... napabili siya ng cellphone nang dahil sa ’yo! My God! Iba talaga ang ganda ng Gelaena Crisostomo! Pak na pak, amiga.” “Iyon siguro ang nagagawa kapag in love, Arlene.” Aniya. “Sabagay. Sabi nga ng erpat ko, kapag mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang lahat para sa kaniya.” Anito. “Napaka-swerte ninyo ni Mayor sa isa’t isa, bes! Kaya... expect my full support sa pag-iibigan ninyong dalawa.” “And count me in.” Sabay silang napalingon sa bumukas na pinto ng banyo nang lumabas doon si Emzara. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kanila ni Arlene. Natawa naman siya ’tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit dito. “Ikaw talaga... tsismosa ka na rin kagaya kay Ate Arlene mo. Ang hilig mo na ring makinig sa usapang ng may usapan.” “Because we’re a team. Right Ate Arlene?” Nag-thumbs up naman si Arlene. “We are team GaGenatics.” Anito. Napailing na lamang siya habang natatawa pa rin sa dalawa. “MIGO!” TAWAG ni Gawen sa kaniyang PA nang pagkalabas niya sa kaniyang opisina ay nakita niya ang halos buong paligid ay may mga pulang lobo at mga hugis puso na desinyo roon. “Yes po, Mayor?” tanong ng binata nang makalapit ito sa kaniya. “Ano’ng mayroon ngayon?” nagtatakang tanong pa niya sa binata. Hindi ito ang unang beses na nakita niya sa opisina nila na may mga ganoong designs sa paligid, pero ngayon lamang siya nag-abalang magtanong kung para saan ang mga iyon! Tumikhim naman si Migo. “Um, it’s for Valentine’s Day po, Mayor.” Muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napalingon siya sa binata. “Valentine’s Day?” “Opo, Mayor. Araw po ng mga puso.” Oh, yeah. Alam niya ang tungkol sa araw ng mga puso. Ang hindi niya lang alam ay kung ano’ng petsa iyon ipinagdiriwang! Napatingin siya sa kaniyang wristwatch upang tingnan doon ang petsa. “Sa susunod na araw po ang Valentine’s Day, Mayor.” Anang Migo sa kaniya. “Feb. 14, po.” Dagdag pa nito. Napatango-tango naman siya at bumuntong-hininga. “Magpapaalam po pala ako sa inyo Mayor sa araw na ’yon... kung okay lang po?” Tiningnan niya ang binata. “Why? Do you have a date that day?” Ngumiti naman ang binata. “Mama ko po, Mayor,” sagot nito. “Lagi ko po kasing dinadalaw ang puntod niya sa sementeryo kapag araw ng mga puso.” “Oh, sure! There’s no problem with me, Migo. You can take a leave.” “Maraming salamat po, Mayor.” “No problem.” Aniya ’tsaka siya muling pumasok sa kaniyang opisina. Pagkaupo niya sa tapat ng kaniyang lamesa ay kaagad niyang binuksan ang kaniyang laptop at nag-search agad tungkol sa Valentine’s Day. “Oh, I almost forgot.” Aniya sa sarili habang isa-isa ng tinitingnan at binabasa ang result sa sin-earch niya sa google. “Paano ko ba siya aayain ng date sa araw na ’yon?” tanong pa niya sa sarili. “What should I do?” mayamaya, nang may pumasok na ideya sa kaniyang isipan, napangiti siya nang malapad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD