“ALAM mo bes, kapag nagpupunta ako rito sa mall, window shopping lang talaga ang kaya kong gawin. Hindi ako makabili ng gamit na gusto ko para sa sarili ko. Kahit nga panty lang hindi ko magawa, e! Anim na taon na itong ginagamit ko. Binili pa ito sa akin ng pinsan ko. Tinatahi ko na lang kapag may butas na sa unahan.”
Kunot ang noo ngunit nakangiting napalingon si Gelaena kay Arlene nang marinig niya ang huling mga sinabi nito. Kasalukuyan silang nasa mall ngayon, sa loob ng department store. Isinama kasi sila ni Doña Cattleya sa pagsha-shopping nito.
“Arlene, mahiya ka nga! Nasa mall tayo, oh! Maraming tao. Baka mamaya... may makarinig sa mga sinasabi mo.” Siya itong biglang nakadama ng hiya para sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Grabe talaga ang babaeng ito!
Umismid naman ito nang balingan din siya ng tingin. “Ano naman ang problema sa sinabi ko, amiga?” tanong nito. “Totoo naman ang mga sinabi ko. At isa pa, wala naman silang pakialam kung butas na ang panty ko. Nakasuot naman ako ng short kaya hindi makikita ang green forest ko. Este, black forest pala.” Humagikhik pa ito.
Natawa na siya ng pagak dahil sa kapilyahan nitong kaibigan niya. Basta talaga kasama niya ito... hindi mawawala ang mga pakwelang salita nito.
Napailing na lamang siya.
“Lola, can I buy a new toy?” tanong ni Emzara sa abuela nito.
Tinapunan ng tingin ni Doña Cattleya ang apo habang hawak-hawak ito sa kamay. “Of course, apo. You can get any toy you want.”
“Thank you po, lola.”
“Napaka-swerte talaga ni Señorita Emzara ano bes?” bulong na saad sa kaniya ni Arlene. “Kahit hindi siya totoong anak ni Mayor at hindi siya totoong apo nina Señor Salvador at Doña Cattleya, pero mahal na mahal siya ng mga ito. Lahat ay ibinibigay sa kaniya.”
“Hindi lang naman kasi nasusukat ang pagmamahal ng isang tao sa dugo o kaya ay sa pagiging parte mo ng pamilya, Arlene,” sabi niya. “Puwedeng magmahal ang puso natin kahit kanino. At isa pa, matalik na kaibigan ni Gawen ang mommy ni Emzara. At mabait din siyang bata kaya deserve niya ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay ng pamilyang Ildefonso para sa kaniya.”
“Tama ka, bes!” pagsang-ayon ni Arlene sa mga sinabi niya. “Mabait na bata si señorita. Akala ko lang pala no’ng una na spoiled brat siya. Pero ngayon... nang dahil sa ’yo, nakilala ko na ang totoo niyang ugali. Mabait siya at sweet.”
Mayamaya ay naputol ang pag-uusap nila ni Arlene nang lumingon sa kanilang dalawa ang Doña Cattleya. “Hija, Gelaena, Arlene!”
“Yes po, Doña Cattleya,” sagot niya at naglakad palapit dito nang bumitaw si Arlene sa kaniyang braso.
“Go ahead, mamili na rin kayo ng gusto ninyong bilhin.”
“Nako, huwag na po Doña Cattleya,” sabi niya.
“Wala naman po kaming pambayad, Doña Cattleya.” Segunda rin ni Arlene at binalingan siya ulit ng tingin.
Ngumiti ang doña. “Don’t worry about the money. Pumili lang kayo ng gusto ninyo at ako na ang bahalang—”
“Ay, nako hindi na po,” sabi niya ulit upang putulin sa pagsasalita ang doña.
Bumuntong-hininga naman ito at mataman siyang tinitigan. “Magtatampo ako sa ’yo Gelaena kung tatangihan mo ako ngayon,” sabi nito.
Pilit siyang ngumiti. Oh, nakakahiya naman kasi rito kung ililibre pa siya nito ngayon. Sila ni Arlene. Samantalang sumama lang naman sila roon para may magbitbit sa mga pamimilihin nito at ng apo nito.
“Pero—”
“Ay, hindi na po siya tumatanggi, Doña Cattleya,” wika ni Arlene na kaagad yumakap ulit sa kaniyang braso. “Pipili na po kami ng gusto namin. Salamat po, Doña Cattleya. Halika na, bes. Hanap na tayo ng mamahaling damit at panty.”
Wala na siyang nagawa nang kaladkarin na siya ni Arlene palayo sa mag-lola.
“Arlene!” mayamaya ay saad niya at tinanggal niya ang pagkakayakap ng mga kamay nito sa braso niya at seryosong tingin ang ipinukol sa kaibigan. “Ano ka ba naman, Arlene! Nakakahiya kay Doña Cattleya!”
“Amiga, ang future mudrabels-in-law mo na ang nagsabi sa ’yo na magtatampo siya kung tatanggahin mo siya. My God! Tanggap ka na nga niya para kay Mayor tapos hahayaan mo pang magtampo siya sa ’yo? Ikaw rin, baka magbago bigla ang isip ni Doña Cattleya at bawiin ang sinabi niyang gusto ka na niya para sa labidabs mo.” Mahabang lintaya nito sa kaniya pagkuwa’y kaagad na umalis sa harapan niya at nagsumila ng tumingin-tingin ng mga branded na damit doon. “At isa pa, huwag mo ng isipin ang gagastusin ni Doña Cattleya. Ang pagsha-shopping niya ay barya lang para sa kaniya. Kaya kung ako sa ’yo... sulitin na natin. Once in a lifetime opportunity lang ito, amiga. Gora na! Pumili ka na rin ng gusto mo.” Anito habang nakatuon ang atensyon sa magaganda at mamahaling mga damit. “Ay bet ko ito!”
Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan niya si Arlene. Pero pagkalipas ng ilang segundong pananahimik niya sa kinatatayuan niya, dahan-dahan na rin siyang lumapit sa mga damit at isa-isa na rin siyang tumingin doon. Hindi naman iyon ang unang beses na nakapasok siya sa department store kaya expected na niyang medyo may kamahalan ang ibang mga paninda roon.
“Gelaena!”
Napalingon siya kay Emzara na ngayon ay palapit na sa kaniya habang may bitbit itong orange spaghetti strap mini dress. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
“I like this one for you, Gelaena. Try this on.” Anang bata at ibinigay sa kaniya ang damit.
Napangiti naman siya nang tanggapin niya iyon at titigan ng mataman. Maganda nga! Plain at simple lang ang dress. Mukhang hindi ata lalagpas sa ibaba ng tuhod niya ang haba niyon.
“Pero... mahal ito.”
“Come on, Gelaena! Lola told me you should try that one,” sabi nito.
“Ay, bes! Maganda ’yan. Bagay sa ’yo ang kulay.”
Napalingon din siya kay Arlene nang lumapit ito sa kaniya. Madami na itong bitbit na mga damit.
“See? Even Ate Arlene likes that dress for you, Gelaena.” Anang Emzara at hinawakan ang kaniyang kamay at hinila siya papunta sa fitting room. “Go on. Try that one.”
“But—”
“Sige na, bes! Isukat mo na ’yan. Isusukat ko rin ito lahat. Baka kumasya sa size ko at bilhin lahat ni Doña Cattleya sa akin.” Nakangiti pang saad ni Arlene sa kaniya.
Wala na nga siyang nagawa kun’di ang pumasok sa fitting roon. Napabuntong-hininga pa siya at napatingin sa repleksyon niya sa salamin pagkuwa’y tiningnan ulit ang damit na hawak niya. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kun’di isukat iyon. Well, bagay nga sa kaniya ang damit! Nasa itaas lang ng tuhod niya ang haba iyon at bagay na bagay sa balat niya ang kulay niyon.
“Labas ka nga, bes! Patingin kung ano ang hitsura mo.”
Dinig niyang saad ni Arlene mayamaya mula sa labas ng fitting room. Binuksan naman niya ang pinto niyon at lumabas siya.
“Wow! It’s suits you, Gelaena. You look so beautiful!” anang Emzara sa kaniya.
“Bagay na bagay nga sa ’yo, bes.” Anang Arlene na nakasuot na rin ng black dress na napili nito kanina.
Nakangiting niyakap naman niya ang kaniyang sarili. “Masiyado namang exposed ang mga braso ko, bes!”
“Okay lang ’yan, bes. Maganda ngang tingnan sa ’yo, e! Mas lalo kang gumanda. At... napaka-sexy mong tingnan dahil sa dress na ’yan. I’m sure mas lalo pang mai-in love sa ’yo si Yorme.”
“I’m pretty sure, Ate Arlene.” Mabilis na pagsang-ayon ni Emzara.
Kunot ang noo na sinulyapan niya ang bata. “Maka-I’m pretty sure ka naman diyan, señorita.” Nakangiting saad niya.
Humagikhik lamang ito.
“Oh, I love that dress, Gelaena.”
Napatingin siya kay Doña Cattleya na hindi niya napansing nakalapit na rin pala sa kanila. Tipid at nahihiyang ngumiti naman siya sa ginang.
“S-salamat po,” sabi na lamang niya.
“All right. Kunin mo na ’yan at pumili ka pa ng gusto mo. Pagkatapos ay sumunod kayo sa akin. Nasa shoes section ako.” Anito.
Tumango na lamang siya ’tsaka muling pumasok sa fitting room upang hubarin ang damit na iyon.
Pagkatapos nga nila ni Arlene na magsukat ng mga damit ay sumunod sila kay Doña Cattleya sa shoes section. Kagaya kanina ay hindi na rin siya nakatanggi sa doña nang papiliin ulit sila ni Arlene ng mamahaling mga sandals at heels. Pagkatapos nilang mag-shopping ay nag-aya rin si Doña Cattleya na kumain sila sa isang restaurant. Bandang hapon na nang makabalik sila sa mansion.
“Salamat po ulit, Doña Cattleya,” nakangiting sabi niya sa doña nang makababa na sila sa kotse. Karga-karga niya si Emzara na nakatulog na sa biyahe nila kanina.
“Salamat din po, Doña Cattleya.” Anang Arlene na siyang may bitbit sa mga paper bag nila.
“No problem, Gelaena, Arlene!” nakangiting saad nito. “Okay, go on... ihatid mo na ang batang ’yan sa silid niya Gelaena at baka nahihirapan ka na sa pagkarga sa kaniya.”
Nakangiting tumango naman siya ’tsaka tumalikod na at nagpatiunang naglakad papasok sa mansion.
Nang makarating siya sa silid ni Emzara, maingat niya itong inihiga sa kama at kaagad din naman siyang tumabi rito. Medyo mabigat ang bata kaya nanakit ang mga braso niya kahit ilang minuto niya lang naman itong binuhat kanina.
Plano lamang sana niya na saglit na pagpahinga sa tabi ni Emzara bago siya bumaba at magpahinga sa silid nila ng kaniyang Tiya Hulya, pero hindi na niya namalayan at nakatulog na rin siya roon. Nagising lamang siya nang maramdaman niyang may palad na masuyong humahaplos sa kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. At ang unang bumungad sa kaniyang paningin ay ang nakangiti at guwapong mukha ni Gawen habang nakaupo ito sa tabi niya.
“Good evening, L’amour de ma vie!” bati nito sa kaniya.
Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Pero segundo lamang ay bigla rin iyong naglaho at napabangon siya. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata.
“Hala, gabi na pala?” gulantang na tanong niya. At nang pagbaling niya ng tingin sa kaniyang tabi, wala na roon si Emzara. Mag-isa na lamang pala siyang nakahiga sa kama. “N-nasaan si Emzara?” tanong niya nang tumingin siya ulit kay Gawen.
“Nasa ibaba na siya, kanina pa,” sagot nito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Masuyo nito iyong pinisil at dinala sa tapat ng bibig nito at hinalikan iyon.
Banayad siyang napabuntong-hininga at ngiwing napangiti sa binata. “Sorry,” aniya. “Nakatulog pala ako.”
“Sabi nga ni mama, baka napagod ka sa pagsha-shopping ninyo kanina. But that’s okay, L’amour de ma vie. At least... nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang mukha mo habang natutulog ka.” Nakangiti pa ring saad nito at masuyong hinawi ang hibla ng kaniyang buhok na nasa tapat ng kaniyang mukha. Inipit iyon ni Gawen sa likod ng kaniyang tainga.
“K-kanina ka pa rito?” nauutal na tanong niya.
Tumango naman si Gawen. “One hour ago,” sagot.
“Ano?” gulat na tanong niya ulit. “Tapos hindi mo manlang ako ginising? Oh, Tangi, nakakahiya naman. Kanina pa pala ako natutulog.”
“Oh, I’m sorry. I didn’t have a heart to wake you up. Ang himbing kasi ng tulog mo, e! Hindi naman kita puwedeng isturbuhin.”
“Nakakahiya kay Doña Cattleya! Baka isipin ng—”
“Si mama na rin mismo ang nagsabi sa akin na hayaan na muna kitang matulog,” sabi nito upang putulin ang kaniyang pagsasalita. “And she told me na nagkausap daw kayo.”
Ngumiti siya at marahang tumango pagkuwa’y saglit na nag-iwas ng tingin dito. Medyo naiilang na kasi siya sa mga titig nito sa kaniya. Oh, jusko! Mas lalo atang naging gwapo sa paningin niya ngayon si Gawen.
“Kinausap niya ako kaninang umaga. Ang akala ko pa nga nang una... gusto niya akong kausapin para hiwalayan kita. Pero, nagulat ako nang sabihin niya sa akin na gusto niya na raw ako para sa ’yo.” Ngumiti siyang muli nang banggitin niya ang huling mga kataga.
Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Gawen dahil sa sinabi niya. Mayamaya ay kinuha na rin nito ang isa pa niyang kamay at ipinagsalikop din ang mga palad nilang iyon.
“Mabait si mama,” sabi nito. “She really likes Sakura and Sirak. Kaya alam ko na magugustohan ka rin niya.”
“Sino si Sakura at Sirak?” tanong niya at bahagyang nangunot ang kaniyang noo.
“They are my sister-in-laws. Si Sakura, asawa ni Sebas. Si Sirak naman ay asawa ni Uran.”
Napatango na lamang siya.
“All right. Um, let’s go down stairs. It’s already seven. Hindi pa ako kumakain ng dinner. Puwede mo ba akong saluhan?”
Napangiti siyang muli. “Okay,” tipid na sagot niya.
Binitawan ni Gawen ang isang kamay niya ’tsaka ito tumayo at inalalayan siyang makatayo na rin. Magkahawak kamay silang lumabas ng silid ni Emzara hanggang sa makababa sila sa hagdan at makarating sa kusina. Sila na lamang palang dalawa ang hindi pa naghahaponan.
“MARTES PA LANG naman ngayon, pero bakit pupunta na tayo sa farm?” nagtatakang tanong niya kay Arlene. Alas dos na ng hapon. Pinuntahan siya ni Arlene kanina sa silid nila ng kaniyang Tiya Hulya at sinabihan siyang magtutungo raw sila sa farm ngayon dahil iyon ang sabi ni Gawen.
“Ewan ko kay Mayor. Basta ang sabi niya kanina, pupunta raw tayo sa farm ngayong hapon,” sagot naman ni Arlene sa kaniya.
Palabas na sila ngayon ng mansion. Sa pagkakaalam niya kasi, Biyernes ng hapon nagpupunta sa farm si Gawen at Emzara para doon manatili ng Sabado at Linggo. Pero, Martes pa lang naman ngayon kaya nagtataka siya kung bakit sila pupunta roon ng ganoon kaaga!
“Baka naman... doon kayo mag-d-date, bes?” nakangiting tanong sa kaniya ni Arlene nang lumingon ito sa kaniya. Huminto pa ito sa paglalakad nang nasa labas na sila ng mair door.
“Date?” kunot ang noo na tanong niya.
“Hello, hearts day ngayon, amiga! Nakalimutan mo?”
“Alam kong valentine’s day ngayon pero—”
“Don’t tell me, hindi ka inaya ni Mayor na mag-date kayo ngayon o mamayang gabi?” tanong pa ni Arlene sa kaniya kaya naputol ang kaniyang pagsasalita rito.
Umiling naman siya. Ang totoo niyan, kahapon pa siya naghihintay na kausapin siya ni Gawen at ayain siya nito ng date. Ito ang first valentine’s nilang dalawa. Pero wala namang nabanggit sa kaniya si Gawen kaya hindi na lamang siya nagsabi rito at hindi na siya nag-i-expect na may date ngang magaganap sa araw na iyon. Alam naman kasi niyang busy ito sa trabaho sa City Hall.
“Ano? Hindi ka manlang inaya ni Mayor ng date? Kahit bulaklak manlang o chocolate wala rin?” mukhang dismayadong tanong ni Arlene sa kaniya.
Ngiwing ngumiti siya at umiling ulit. “Pero okay lang, bes,” sabi niya. “Alam ko naman kasi na busy siya sa trabaho niya. ’Tsaka, puwede namang next valentine’s na lang kami mag-date at mag-celebrate.”
“Hello, Gelaena Crisostomo? 365 days pa ang hihintayin mo bago dumating ang next valentine’s day. Puputi pa ang mga mata mo kakahintay, amiga.” Bumuntong-hininga ito. “Nako talaga itong manok ko! Para namang ito ang first time niyang magkaroon ng girlfriend at makikipag-date sa jowa niya,” sabi pa nito.
Bumuntong-hininga na lamang din siya. Basta... okay lang talaga sa kaniya kung hindi man sila mag-date ni Gawen ngayong araw. Okay lang sa kaniya kung hindi man siya nito binigyan ng bulaklak at chocolate. Naiintindihan niya ito. Puwede naman silang mag-date sa ibang araw, e! Puwede nilang gawin na valentine’s day ang bawat araw.
“Mabuti pa si Señorito Goran, wala pang valentine’s day may bulaklak at chocolate na. Itong manok ko, napakabagal talaga.” Umiling pa si Arlene.
Napangiti na lamang siya. Mayamaya, tumunog ang kaniyang cellphone kaya kaagad niya iyong kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nang makita niyang si Gawen ang tumatawag sa kaniya, kaagad niya iyong sinagot.
“Tangi, bakit? Pauwi ka na ba?” tanong niya.
“I’m sorry, L’amour de ma vie... pero mauna na kayong pumunta sa farm. Susunod ako roon mamaya. May importanteng meeting lang ako na pupuntahan.”
“Ganoon ba? Okay sige, Tangi. Hintayin ka na lang namin doon.”
“All right. Bye. I love you.”
Ngumiti siya. “I love you, Tangi.” Aniya at sinulyapan niya si Arlene na ngayon ay malapad na ang ngiti habang nakatingin sa kaniya. “Bye!” pinatay niya na ang tawag nito.
“Sige na nga. Okay lang kahit walang flowers at chocolate, basta may I love you galing kay Tangi.” Kinikilig na saad nito sa kaniya.
Natawa na lamang siya ’tsaka naglakad na palapit sa kotseng naghihintay sa kanila.
“Bakit pala Tangi, bes?” tanong sa kaniya ni Arlene. “Hindi ba ’yon ’yong pabebe ng tanga?”
“Huh? Hindi ’no!” aniya. “Tangi, short for Tinatangi. Hinda pabebeng tanga.” Pagpapaliwanag niya.
“Ah!” anito at tumango-tango pa. “Nang isang araw ko pa kasi iniisip kung bakit ganoon ang endearment mo kay Mayor. Oh, nakakakilig naman pala ang ibig sabihin n’on! E ’di ikaw na talaga ang may Tangiiii.”
Tumawa na lamang siya ulit ’tsaka sumakay na sa backseat. Kanina pa naghihintay sa kanila roon si Emzara.
MALALIM NA BUNTONG-HININGA ang pinakawalan sa ere ni Gelaena habang nakaupo siya sa silyang nasa tapat ng mesa na nasa balkunahe ng bahay. Malapit ng gumabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Gawen. Ang sabi nito sa kaniya kanina ay may meeting lang daw itong pupuntahan at kaagad na susunod sa kanila roon sa farm. Pero nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa buong paligid, hindi pa rin ito dumadating. Hindi rin magawang sumagot sa mga tawag at text niya simula pa kanina. Hindi niya tuloy malaman kung maiinis ba siya o mag-aalala para sa binata! Wala na ngang date na magaganap sa kanila ngayong araw, tapos pinaghihintay pa siya nito!
Hmp!
Muli siyang humugot nang malalim na paghinga at tumingin ulit sa malayo. Nagbabakasakaling may makita siyang ilaw ng kotse na paparating. Pero kagaya kanina, wala pa rin.
“Bes, ayos ka lang ba riyan?” tanong sa kaniya ni Arlene nang lumabas ito sa pintuan. Naglakad ito palapit sa kaniya.
“Wala pa rin kasi siya, e!” nakasimangot na saad niya.
“Ano ka ba... dadating din si Mayor mamaya. I mean, baka on the way na siya rito.”
“Hindi niya kasi sinasagot ang tawag at text messages ko. Samantalang kapag siya ang nagt-text sa akin o tumatawag, mabilis naman akong sumagot sa kaniya.”
Ngumiti si Arlene at umupo sa tabi niya. “Ikaw na rin ang nagsabi na mabagal pang mag-type si Mayor. Kaya siguro hindi pa siya maka-reply sa text mo.”
“Grabe naman kung aabutin pa ng ilang oras bago siya matapos mag-type, bes.” Sumimangot siyang muli.
Tumawa naman si Arlene dahil sa sinabi niya. “Sabagay,” sabi nito. “Ah, basta! Huwag ka ng mag-alala. Dadating dito ang labidabs mo mamaya. Hindi ka naman iinjanin n’on.” Anito. “Halika, sa loob na tayo maghintay. Gusto ka raw makausap ni Emzara.” Nang tumayo ito ay hinila agad nito ang kamay niya.
Wala na siyang nagawa kun’di ang magpatianod na lamang kay Arlene hanggang sa makapasok sila sa kabahayan at makapunta sa silid nila ni Emzara.
“Gelaena!” nakangiting saad sa kaniya ni Emzara nang makita siya nitong pumasok sa pinto ng silid, kasunod niya si Arlene.
“May kailangan ka ba?” tanong niya.
Nagmamadali namang lumapit sa kaniya ang bata at hinawakan ang kaniyang kamay pagkuwa’y hinila siya nito papunta sa kama. Pinaupo siya nito roon.
“Ano ang gagawin natin?” tanong pa niya.
“Daddy Mayor called me earlier,” sabi nito.
Bahagyang nangunot ang kaniyang noo at napatitig lalo sa maliit nitong mukha. “Tumawag sa ’yo?”
Tumango naman ito. “Yeah,” sagot nito. “And he told me he had a surprise for you.”
Bigla siyang napangiti kasabay niyon ang paglukso ng kaniyang puso dahil sa tuwa. Surprise? May surprise si Gawen para sa kaniya? Kaya ba hindi pa ito dumadating hanggang ngagon dahil may surprise pala itong inihahanda para sa kaniya?
“Surprise?” tanong pa niya.
“Oh, may pa-surprise naman pala, amiga.” Anang Arlene na lumapit na rin sa tabi niya. “So, ano ang gagawin natin ngayon Baby Emzara?” tanong pa nito.
“Well, first... I want Gelaena to wear this.” Anito at kinuha ang paper bag na nasa ibabaw ng sofa.
Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya iyon. Iyon ang paper bag na pinagsidlan ng damit at heels na binili ni Doña Cattleya para sa kaniya kanina, ah?!
Tinanggap niya iyon nang ibigay iyon sa kaniya ni Emzara. “Dinala n’yo pala ito rito?” tanong niya nang balingan niya ng tingin si Arlene.
Ngumiti naman sa kaniya ang dalaga. “Actually, bes... kinausap kasi ako ni Mayor kanina. Ang sabi niya... may surprise nga raw siya para sa ’yo kaya dinala ko na ’yang damit para may maisuot ko ngayon sa date ninyo.”
“Date?” gulat na sambit niya. Ipinagpalipat-lipat niya ang kaniyang tingin sa dalawa. Mukhang may itinatago sa kaniya ang dalawang ito ngayon! So... alam ng mga ito kung bakit sila naroon sa farm ngayon? “Sabihin n’yo nga sa akin... kasabwat ba kayo ni Gawen sa surprise na sinasabi ninyo? Kaya tayo nandito sa farm ngayon?” tanong niya.
Nagkatinginan naman sina Emzara at Arlene pagkuwa’y sabay na napahagikhik.
“Ugh, sinasabi ko na nga ba, e!” aniya at napabuntong-hininga siya.
“Sige na, bes. Magbihis ka na. Isuot mo na ito at parating na rito ang Tangi mo.” Anang Arlene nang tumayo ito at hinila na rin siya patayo sa kaniyang puwesto.
“Arlene—”
“Go on, Gelaena! We’re so excited.” Saad din ni Emzara at hinila na rin ang isa pa niyang kamay upang dalhin siya ng mga ito sa banyo.
“Sige na, bes! Ako na rin ang bahala sa make up mo pagkatapos mong magbihis.” Malapad pa rin ang ngiti sa mga labi ni Arlene bago nito isinarado ang pinto ng banyo.
Napabuga na lamang siya nang malalim na paghinga at tiningnan ang paper bag na hawak niya. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kun’di isuot ang damit na ibinigay sa kaniya ni Emzara kanina nang nasa mall sila. So ibig sabihin, nang nasa mall pa lamang sila kanina ay alam na ng dalawa o pati ni Doña Cattleya na may sorprisa si Gawen para sa kaniya?
Wala sa sariling napangiti na lamang siya dahil sa isiping iyon. Marahil ay alibi lang din ni Gawen sa kaniya ang meeting na sinasabi nitong pupuntahan kuno nito kanina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating sa farm. Hindi niya tuloy mapigilan ang kaniyang puso na kumabog iyon nang malakas. Excited na tuloy siya!
Pagkatapos niyang isuot ang damit ay kaagad siyang lumabas ng banyo. Hinila na naman siya ng dalawa papunta sa gilid ng kama. Roon siya pinaupo ulit at si Arlene na nga ang naglagay ng make up sa kaniya.
“Wow! You’re so beautiful, Gelaena.” Amazed na amazed na sambit ni Emzara habang malapad ang ngiti nito at nakatitig sa kaniyang mukha.
“Talaga?” nakangiting tanong niya.
“My God, bes! Sigurado akong mas lalong mai-in love sa ’yo si Mayor. Tingnan mo ang sarili mo.” Anang Arlene at inalalayan siyang makatayo at iginiya siya nito papunta sa tapat ng full-sized mirror.
Nang makita niya ang kaniyang hitsura sa salamin, bahagya niyang nahigit ang kaniyang paghinga. Kusa ring sumilay ang matamis at malapad na ngiti sa mga labi niya. Tinitigan niya nang mataman ang kaniyang hitsura. Manipis lang ang make up na inilagay ni Arlene sa kaniyang mukha kaya bagay na bagay iyon sa kaniya. At oo nga, bagay rin sa kaniya ang damit na iyon. Alam niyang may ganda rin naman siyang ibubuga, pero mas lalong lumitaw ang ganda niya ngayong nakapag-ayos siya ng kaniyang sarili.
“Perfect, bes! Sobrang ganda mo.” Puri pa sa kaniya ni Arlene.
Nilingon niya ito pati si Emzara na nakatayo na sa ibabaw ng kama.
“Thank you sa inyong dalawa,” sabi niya.
“Wow! I also want to be as beautiful as you Gelaena when I grow up.”
“Oh, alam kong mas maganda ka pa kaysa sa akin kapag lumaki ka na, Emzara.”
“Ako rin, bes. Gusto kong maging kasing ganda mo kahit isang araw lang. Grabe, nagkaka-girl crush na ata ako sa ’yo ngayon.” Anang Arlene sa kaniya.
Inismiran niya ito. At magsasalita na sana siya upang sagutin ang mga sinabi ni Arlene, pero nakarinig naman sila ng tunog ng helicopter sa labas ng bahay.
“Oh, that’s Daddy Mayor. He’s here.” Anang Emzara.
“Huh?” nangunot ang kaniyang noo.
Naka-helicopter pang dumating sa farm si Gawen?
“Sige na, bes. Isuot mo na ang sandals mo.”
Muli siyang umupo sa gilid ng kama at isinuot na nga ang three inches heels niya.
“Mauuna na kami sa labas, bes! Halika Baby Emzara!”
Kaagad namang bumaba sa kama ang bata at magkaagapay ito ni Arlene na lumabas kaya naiwan siyang mag-isa sa silid na iyon.
Matapos niyang isuot ang heels niya, muli siyang naglakad palapit sa tapat ng salamin. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga upang pakalmahin ang kaniyang puso na mas lalo pang nagregodon ngayon.
“Oh, relax, Gelaena!” aniya sa sarili.
Ilang saglit pa niyang sinipat ang kaniyang sarili sa salamin bago siya nagpasyang lumabas ng silid at naglakad na rin palabas ng bahay. Saktong palabas na siya ng pintuan nang makita naman niya si Gawen na paakyat na sa baitang ng balkunahe. Nakasuot ito ng white button-down shirt. Nakatupi ang manggas niyon sa may mga siko nito. Maayos na nakapinid ang buhok at higit sa lahat, malapad at matamis ang ngiting nakapaskil sa mukha at mga labi nito habang nakatitig sa kaniya. Napangiti na rin siya at huminto siya sa paghakbang nang nasa gitna na siya ng pintuan. Huminto rin si Gawen sa tapat niya. Saglit siya nitong sinuyod ng tingin mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang mga paa.
“Wow! You’re so perfectly beautiful, Gelaena.” Mahinang sambit nito sa kaniya, pero sapat na sapat iyon upang marinig niya iyon nang malinaw.
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya at tila nahihiyang nag-iwas siya saglit ng tingin dito. Nang muling magtagpo ang mga mata nila mayamaya... “thank you,” sabi niya. “At... mas gwapo ka rin ngayon.” Kinikilig na saad niya. “Um, ang sabi ng dalawang ’yan,” sabi niya at tinapunan niya ng tingin sina Arlene at Emzara na nasa sulok ng balkunahe at parehong malapad din ang ngiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. “May surprise ka raw para sa akin kaya pinagsuot nila ako ng ganito ngayon.”
Lumapit pa lalo sa kaniya si Gawen at hinawakan ang magkabilang baywang niya at bahagya siyang hinila palapit dito. “Yeah. I have a surprise for you. But it’ll cost you a kiss.” Anito.
“Oh? Kailangan ko palang bayaran muna?”
“Mmm!” nakangiting tumango ito at bumitaw ang kanang kamay sa baywang niya at itinuro ang kanang pisngi nito. “Here.”
“Okay,” wika niya at walang sabi-sabi na dumukwang siya upang halikan ito sa pisngi, pero mabilis namang lumingon sa kaniya si Gawen kaya naglapat ang kanilang mga labi.
Mabilis na tinakpan ni Arlene ang mga mata ni Emzara habang kilig na kikig itong nakatingin sa kanilang dalawa.
Nang lumayo sa kaniya si Gawen, pinanlakihan niya ito ng mga mata habang malapad pa rin ang ngiti nito sa kaniya. “Tangi, may bata, oh!”
“Don’t worry, bes! Tinakpan ko agad ang mga mata ni Emzara.” Arlene sa kaniya.
Nakagat na lamang niya ang pang-ilalim niyang labi. Oh, nahihiya na kinikilig siya ngayon!
“So, let’s go?” anang Gawen mayamaya at inilahad sa kaniya ang isang kamay nito.
Ibinigay naman niya rito ang kaniyang kamay. “Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Sa surprise ko para sa ’yo, L’amour de ma vie.”
“At... sasakay tayo sa helicopter?” tanong pa niya.
“You’re probably not afraid of heights, are you?”
Umiling siya. “Hindi naman.”
“All right then... let’s go. My surprise to you is waiting for us.”
Magkahawak kamay sila ni Gawen na bumaba sa hagdan at naglakad palapit sa helicopter na nasa ’di kalayuan. Nang makalapit sila roon, ipinakilala siya ni Gawen sa lalaking naroon at malapad din ang pagkakangiti sa kanila.
“By the way, Gelaena, he’s Abraham. He’s my cousin.”
“Nice meeting you, Gelaena.” Nakangiting inilahad ni Abraham ang kamay sa kaniya.
Tinanggap naman niya iyon kaagad. “Hi. Nice meeting you too.”
“I’ll be your pilot for tonight. So, let’s go bro. Para maumpisahan na date ninyo.” Anang Abraham at binuksan na rin ang pinto ng helicopter para sa kanilang dalawa.