CHAPTER 26

3102 Words
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gelaena sa ere habang nagpapalakad-lakad siya sa gilid ng swimming pool. Kanina pa siya naroon at naghihintay lang na lumabas si Gawen para magtungo sila sa library kagaya ng sinabi nito sa kaniya kanina dahil gusto raw nito na mag-usap sila. Latag na ang gabi at natutulog na ang ibang mga kasama nila sa mansion. Bukod sa paghihintay niya kay Gawen, laman pa rin ng kaniyang isipan ang sinabi nito kanina na hindi niya maintindihan. “Je t’aime, Gelaena! Ano kaya ang ibig sabihin n’on?” buntong-hininga at kunot ang noo na tanong niya ulit sa kaniyang sarili. Kanina pa siya napa-paranoid kakaisip kung ano ang ibig sabihin niyon, pero wala talaga siyang idea. Gusto niya sanang i-search sa internet ang ibig sabihin n’on, pero hindi niya naman alam kung ano ang tamang spelling. “Oh, Gawen! Gusto mo pa ata akong pahirapan ngayon.” Aniya at napatingala pa siya sa madilim na kalangitan. “Nandito ka pala, bes!” Bigla siyang napalingon sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Arlene. “Um, h-hindi pa kasi ako makatulog, e!” sabi niya. Awtomatik namang lumapad ang ngiti sa mga labi ni Arlene habang papalapit na ito sa kaniya. “Nako, baka naman may hinihintay ka lang dito?” nanunudyong tanong nito sa kaniya. Nakangiting umirap siya rito at nag-iwas ng tingin. “Nako, nako, nako, amiga! Kitang-kita ko sa kislap ng mga mata mo,” sabi pa nito. “May date ba kayo ngayon?” tanong nito. “Wala ano!” “Mmm! Sus!” panunudyo pa nito sa kaniya at umupo sa lounge chair. “Speaking of date pala, hindi ka pala bokya ngayong Valentine’s day. Sana all may ka-date ’di ba?” “E bakit hindi mo ayain si Migo?” aniya at naglakad na rin siya palapit sa isa pang lounge chair at humiga siya roon at tumitig sa kalangitan. Bumuntong-hininga naman si Arlene. Kagaya niya ay humiga na rin ito. “Haynako, bes! Mukhang kailangan ko na atang mag-move on sa kaniya.” Bigla siyang lumingon dito habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. “Huh? Bakit?” “E, nalaman ko kasi na may crush pala siyang iba,” sabi nito. “Hindi naman ako panget, bes. Sexy rin naman ako kahit papaano. Pero bakit lahat na lang ng nagiging crush ko, hindi ako kina-crush back?” Tipid siyang ngumiti dahil sa huling sinabi nito. Mayamaya ay bumuntong-hininga na rin siya. “Maganda ka, Arlene. Inside and out. At oo, sexy ka rin! Pero huwag kang mag-alala... marami pa namang lalaki sa mundo. Hindi mo kailangang magmadali o ipilit na gustohin ka rin ng taong gusto mo. Bawat isa sa atin ay may nakatadhanang tao para maging partner natin sa buhay.” “Alam ko naman ’yon, Gelaena,” sabi nito nang magbaling din ito ng tingin sa kaniya. “Seven billion ang tao sa mundo, malabong walang labidabs na nakatadhana para sa akin. Ang iniisip ko lang kasi... twenty-eight na ako sa susunod na birthday ko. Pero hanggang ngayon bokya pa rin ako! Nako, hindi naman puwedeng lalagpas ako ng kalendaryo na hindi ko manlang nararanasan ang langit, amiga.” Umismid pa ito. Hindi niya napigilan ang bahagyang matawa. “Grabe ka naman, bes! Iyon talaga ang iniisip at pino-problema mo? Aba, you should be greatful na sa edad mong ’yan ay malinis ka pa rin, Arlene! Ibig sabihin lang n’on... naka-prepare ang sarili mo para sa lalaking magiging asawa mo. Iyon ang pinaka the best na regalong maibibigay mo sa lalaking mamahalin mo at mamahalin ka,” sabi niya rito. “Ako nga... sa edad na twenty-seven, hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend. Wala rin akong experience kagaya sa pino-problema mo. But I’m happy and greatful. Kasi gusto ko... kung sinuman ang magiging asawa ko in the future, siya ang unang makakakuha sa akin.” Dagdag pa niya. Muling napabuntong-hininga si Arlene. “Kung sabagay, bes. May point ka naman sa mga sinabi mo,” wika nito. “Kaya maghintay ka lang kung kailan siya dadating.” Ngumiti ito. “Kaya ko naman sigurong maghintay, bes! Baka kasi busy pa sa panunuod ng cocomelon ang ka-forever ko.” Muli siyang natawa nang malakas dahil sa sinabi nito. “Kalokohan ka talaga, Arlene!” napapailing na saad niya. “So, wala nga kayong date ni Yorme mo ngayong valentine’s?” tanong nitong muli sa kaniya. Nagkibit naman siya ng kaniyang mga balikat. “Ewan ko lang.” “Haynako! Sana mag-date kayo ngayon. First valentine’s n’yo ito, oh!” Pareho nilang first time ni Gawen ngayon kaya hindi niya rin alam kung siya ba ang mag-aaya rito na mag-date sila sa valentine’s or hihintayin na lamang niya ito kung aayain siya nito! Ah, hindi naman ’yon problema kung hindi sila mag-date ngayon. Puwede naman nila iyon gawin sa susunod. “Siya nga pala, bes, may itatanong ako sa ’yo.” Mayamaya ay pag-iiba niya na lamang sa kanilang usapan. Lumingon naman sa kaniya si Arlene. “Ano ’yon, bes?” “May sinabi kasi sa akin si Gawen kanina. Pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang ’yon. Baka lang alam mo.” “Ano’ng salita?” “Mmm,” aniya at saglit na nag-isip. “Jutem? Zutem? Ewan ko kung ano ang tamang spelling pero ’yon ang pagkakabigkas niya kanina.” Bigla namang napasinghap si Arlene at napaupo ito at tumitig sa kaniya. Nagulat pa siya dahil sa ginawa nito. “A-alam mo ba ’yon, bes?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya. “Sinabi ’yon sa ’yo ni Mayor?” nagtataka at parang hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Arlene. Tumango naman siya. “Oo. Kanina nang pinapunta niya ako sa kwarto niya.” “Aba, bes, kung ako sa ’yo... hindi ako papayag na sinabihan ako ng crush ko ng ganoon.” Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Huh? B-bakit? Ano ba ang ibig sabihin n’on?” tanong niya ulit. “Bes, hindi pa ba halata? Sinabihan ka niya ng maitim ka raw! Zutem daw sabi mo, hindi ba? Aba, loko rin pala itong si Yorme mo. Hindi ka naman maitim, a!” saad pa nito at tiningnan ang kaniyang mga braso. Bigla siyang napabuntong-hininga at inismiran ang kaibigan. “Puro ka talaga kalokohan, Arlene,” sabi niya. “Hindi naman ’yon ang ibig niyang sabihin, e!” “Hindi ba? E, parang gay lingo ’yong sinabi niya. Salita ng mga beki. Zutem, ibig sabihin maitim?!” “Ewan ko nga sa ’yo, Arlene!” Ngumiti naman ito bigla nang malapad sa kaniya. “Sorry na, bes! Akala ko naman kasi iyon ang ibig sabihin n’on.” Magsasalita pa sana siya nang marinig naman nila ni Arlene ang boses ni Gawen. “Hey!” Sabay silang napalingon sa binata na nakangiti sa kanila habang papalapit na ito sa kanilang puwesto. Kaagad siyang umupo sa kaniyang puwesto. “Good evening po, Mayor!” nakangiting bati ni Arlene. “Good evening, Arlene!” “Um, sige na, bes! Papasok na ako. Mukhang... mag-a-advance nga ata kayo ng date,” sabi pa nito at kaagad na tumayo. Lihim niya itong pinandilatan ng kaniyang mga mata na ikinangiti lamang nito lalo. “Good night po, Mayor. Good night, amiga.” Tinanguan ito ni Gawen, siya naman ay hindi na nag-abalang magsalita at sinundan na lamang ito ng tingin hanggang sa makalayo ito sa kanila ni Gawen. Tumikhim si Gawen at naglakad palapit sa lounge chair na iniwan ni Arlene. Tumingin naman siya rito at ngumiti. “Sorry if I kept you waiting,” sabi nito at umupo na roon. “Okay lang. Nandito naman si Arlene kaya may kausap ako,” sabi niya. “So, d-dito lang ba tayo mag-uusap?” tanong niya. “Is it okay with you kung sa library na tayo? I mean, it’s cold out here.” Tumango siya. “Oo naman, okay lang,” sagot niya. “Okay. Let’s go.” Kaagad itong tumayo ulit at inilahad sa kaniya ang isang kamay nito. Saglit niya itong tiningnan sa mga mata habang nakatingala siya rito, pagkuwa’y nakangiting tinanggap niya rin ang palad nito. Tinulingan siya nitong makatayo. Ang akala pa niya ay bibitawan din nito ang palad niya oras na makatayo na siya. Pero mali pala siya. Ipinagsalikop ni Gawen ang kanilang mga palad kaya napatungo siya upang tingnan iyon. At nang mag-angat siyang muli ng mukha upang tingnan ang binata, malapad ang ngiti nito sa kaniya. “I want to hold your hand, Gelaena.” Anito. Hindi niya tuloy napigilan na kagatin ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang kaniyang kilig na biglang nabuhay sa kaniyang kaibuturan. Hayon, dinadaga na naman ang kaniyang dibdib ngayon. Mayamaya, iniangat ni Gawen ang mga kamay nilang magkasalikop at dinala sa tapat ng bibig nito. Hinalikan nito ang likod ng palad niya. “Your hand is so small,” sabi nito. “Your palm just fits in my hand.” “Huwag mo na nga akong pakiligin, Gawen!” pigil pa rin ang kaniyang kilig at kunwari ay bahagya niyang pinalo ang dibdib nito. Oh, Gelaena! Chansing ka riyan, huh?! “Ayaw mo ba na pinapakilig kita?” Inismiran niya ito, pero hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Nag-iwas din siya ng tingin dito. “Gusto,” mahinang sabi niya. “What? I didn’t hear you.” “Sabi ko... gusto ko.” Mas lalo ring lumapad ang ngiti sa mga labi ni Gawen pagkatapos ay masuyo nitong hinila ang kaniyang kamay kaya nagdikit na naman ang mga katawan nila. Oh, jusko! Hindi na talaga nawala ang kuryente na ’yon sa tuwing magkakadikit silang dalawa! Parati na lamang iyon! Napatingala siya rito at napatitig sa mga mata nitong nangingislap. Mataman ding nakatitig sa kaniya si Gawen. Mayamaya ay umangat ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi. “You’re so beautiful, Gelaena.” “Kaya ka nagka-crush sa akin?” nakangiti pa ring tanong niya. Natawa ito ng mahina at pagkuwa’y tumango. “Kaya ako nagka-crush sa ’yo ay dahil maganda ka. At bukod doon, I know you’re a nice person, Gelaena.” “Thank you!” sambit na lamang niya nang mas lalo siyang makadama ng kilig sa kaibuturan niya. Kinabig ni Gawen ang kaniyang batok at ginawaran ng masuyong halik ang kaniyang noo at pati na rin ang kaniyang pisngi. “Let’s go.” Mayamaya ay saad nito sa kaniya at iginiya na siya papasok sa kabahayan. “I told you, hon! Gawen really likes Gelaena.” Anang Señor Salvador sa asawa habang nakatayo ang mga ito sa gilid ng veranda ng silid ng mga ito at nakatanaw kay Gawen at Gelaena na nasa ibaba. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng doña. “I still don’t like her for Gawen.” “Honey, nasa tamang edad na ang anak natin. At saksi ka naman sa mga kaganapan kanina sa kanilang dalawa. Gustong-gusto nila ang isa’t isa. Kaya huwag na lang natin pakialaman ang desisyon ng anak natin.” Muling bumuntong-hininga ang doña at pagkuwa’y tumalikod ito. “I want to sleep, Salvador.” Anito. Napailing na lamang ang señor ’tsaka sumunod na sa asawa papasok sa silid. PAGKAPASOK nila sa library, ’tsaka lamang binitawan ni Gawen ang kaniyang kamay at naglakad ito palapit sa mesa. May kihuna itong paper bag doon. “Ano ’yan?” tanong niya nang maglakad din siya palapit dito. Tumikhim naman si Gawen at kinuha ulit ang kamay niya para igiya siya papunta sa sofa. Magkatabi silang umupo roon. “I... I bought new phone earlier.” Anito. “Cellphone? Para kanino? Sa ’yo?” tanong niya. Tumango naman si Gawen at inilabas nito mula sa paper bag ang box na naroon. Binuksan nito iyon at kinuha ang brand new na cellphone na pinabili nito kanina sa PA nitong si Migo. “Gusto ko sanang turuan mo ako kung paano ko ito gagamitin.” Napatingin siya sa gwapo nitong mukha. “Hindi ka marunong gumamit ng cellphone?” wala sa sariling tanong niya. Tumingin din naman sa kaniya si Gawen at tila nahihiyang ngumiti at napakamot sa gilid ng kilay nito pagkuwa’y umiling. “To be honest, no,” sabi nito. “I don’t know how to use this gadget.” Bahagya siyang natawa. “Sorry. Hindi ko lang napigilan ang matawa,” sabi niya. “First time mong magkaroon ng cellphone?” tanong niya ulit. “Yeah.” “Ang yaman-yaman mo pati ang magulang mo, pero hindi ka manlang nakabili ng cellphone kahit noon?” tanong pa niya at nagsumila siyang buksan ang gadget. “Well to be honest with you again... hindi ako nagkaroon ng interest sa cellphone kahit noong nag-aaral pa ako. Noong teenager pa lang ako. Mas naka-focus kasi ako sa pag-aaral ko kaya wala akong time para sa ibang bagay.” Nginitian niya ulit si Gawen nang sulyapan niya ito. “Kaya pala hindi ka nagkaroon noon ng girlfriend kasi naka-focus ka sa pag-aaral mo,” sabi niya. “I’m a studious person, Gelaena.” “Mabuti na lang pala. Kasi... ako ang naging first girlfriend mo.” Kinikilig na naman siya. Ngumiti na rin si Gawen sa kaniya at bahagya nitong inayos ang kaniyang buhok na nahulog sa gilid ng kaniyang mukha at inipit nito iyon sa kaniyang tainga. “Bakit ngayon ay bumili ka nito kung hindi ka naman marunong nito gumamit?” tanong niya ulit habang nakatuon ang kaniyang paningin sa cellphone na hawak niya. Kinakalikot niya na iyon para i-set ang oras at date. “I want to be honest with you again, Gelaena,” sabi nito. “I’m annoyed with myself because I can’t stop myself from thinking about you while I’m far away and I can’t even talk to you. I don’t know how can I talk to you.” Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at muli siyang napatingin dito. Seryosong nakatitig sa kaniya si Gawen. “When Migo and I went to QC to attend my congress meeting, para na akong baliw kakaisip sa ’yo. Hindi ako mapakali at gustong-gusto ko ng marinig manlang ang boses mo. Pero hindi ko naman magawang utusan si Migo na tumawag dito sa mansion para makausap kita. Nahihiya kasi ako at baka malaman ni Migo na ako mismo ay lumabag sa rules na ginawa ko. Bawal makipagrelasyon sa kapwa empleyado.” Bumuntong-hininga pa nito at napakamot sa batok. Halatang nahihiya nga ito ngayon sa kaniya. “Para... para mas madali kitang makausap at marinig ko ang boses mo, so I decided to buy a new phone. So any minute... I can call you right away.” Ngumiti pa ito sa kaniya pagkatapos at umangat ang isang kamay at masuyong pinisil ang kaniyang baba at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi na niya napigilan ang mapangiting muli nang malapad at matamis. Aminin man niya rito o hindi, pero sigurado siyang kitang-kita ni Gawen sa kaniyang mukha at mga mata ngayon ang labis na kilig na nararamdaman ng kaniyang puso sa mga sandaling iyon. Oh, jusko! Bumili pa ito ng cellphone para lang makausap siya nito kapag nasa malayo sila sa isa’t isa! Oh, sino ang hindi kikiligin doon? “Kung alam mo lang din... gusto ko ng magtanong kay Arlene kung alam ba niya ang number mo kasi gusto na rin kitang tawagan at marinig ang boses mo. Pareho lang pala tayo.” Saglit siyang pinakatitigan ni Gawen ng mataman sa kaniyang mga mata bago ito dumukwang palapit sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang pisngi, pagkatapos ay muli siyang tinitigan. Ilang segundo lang ay muli siya nitong hinalikan, sa puntong iyon, sa gilid na ng kaniyang mga labi lumapat ang malambot at mainit nitong mga labi. “I’m happy right now, Gelaena.” Ngumiti siyang lalo. “Masaya rin ako, Gawen. Sobrang saya.” Pagkasabi niya niyon ay inilapag niya sa center table ang hawak na cellphone at walang sabi-sabi na niyakap niya ito nang mahigpit. “Thank you, Gawen! Ngayon na lang ako naging masaya ng ganito.” Aniya at kinagat ang pang-ilalim niyang labi nang maramdaman niya ang biglang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa leeg nito. Naramdaman niya rin naman ang pagyakap ng mga braso nito sa kaniyang baywang. Ilang saglit silang nasa ganoong posisyon lamang bago siya ang kusang kumalas dito at muli siyang ngumiti. Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha nito at walang pagdadalawang-isip na hinagkan niya ang mga labi nito. “Alam kong kailan lang tayo nagkakilala, Gawen. Pero... alam ko at sigurado na ako sa puso ko na hindi lang basta simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa ’yo,” mataman siyang tumitig ulit sa mga mata nito. “Mahal na kita, Gawen. Tinatangi kita, Gawen.” Sumilay rin ang malapad na ngiti sa mga labi ng binata at hinawakan din ang kaniyang mukha at kinabig siya palapit dito. Masuyo nitong hinagkan ang kaniyang mga labi. “Je t’aime. I love you. Mahal din kita, Gelaena.” Bahagyang nangunot ang kaniyang noo nang marinig niya ulit ang salitang sinabi nito sa kaniya kanina. “Mahal kita ang ibig sabihin ng salitang sinabi mo?” tanong niya. “Je t’aime?” Tumango siya. “Yes, L’amour de ma vie. It’s a French word means, I love you.” Tumawa siya. Walang-hiya talaga si Arlene! Ang sabi nito sa kaniya kanina sinabihan daw siya ni Gawen ng maitim. Kalokohan talaga ang babaeng ’yon! “Why are you laughing?” bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Gawen. Umiling naman siya. “Wala, Tangi. Natutuwa lang ako.” Aniya at muli niyang hinagkan ang pisngi nito ’tsaka siya tuluyang bumitaw at lumayo rito. Muli niyang kinuha ang cellphone. “Halika at tuturuan kitang gumamit nito para lagi mo na akong tatawagan kapag nasa malayo ka,” sabi niya at pagkuwa’y tumabi siya rito nang sumandal ito sa sofa. “Ay teka lang. Dapat mag-picture muna tayong dalawa. Blur kasi ang picture natin na nasa cellphone ko. ’Yong picture na kinunan ko no’ng nasa ospital tayo.” “Alright then. Come on.” Anang Gawen at inakbayan siya at ngumiti nang malapad. “And I want you to take pictures of yourself. Para may pagmamasdan akong mukha mo bago ako matulog.” Mas lalo siyang napangiti dahil sa sinabi nito at kaagad din naman siyang nag-selfie ng ilang beses. Nagpapa-cute pa siya at nakanguso. Iba-ibang poses ang ginawa niya habang nakangiting nakatitig lamang sa kaniya si Gawen. Pagkatapos niyon ay tinuruan na nga niya itong gumamit niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD