CHAPTER 11

3041 Words
KAGAT ang pang-ibabang labi ay muling napangiwi si Gelaena nang tapunan niya ulit ng tingin si Gawen na nakahiga pa rin sa damuhan. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang Mayor. Ang labis na kaba at pag-aalala sa kaniyang puso ay ayaw pa ring mawala. Halos sampong minuto na simula nang mawalan ng malay si Gawen dahil sa kagagawan niya. At habang lumilipas ang mga sandali na wala pa ring malay ang lalaki ay mas lalo siyang nag-aalala. Bumuntong-hininga siyang muli at nasapo ang kaniyang noo habang nakahawak naman sa kaniyang baywang ang isang kamay niya. “Oh, Diyos ko! Paano kung... paano kung napuruhan ko siya? Paano kung napatay ko pala si Mayor?” nag-aalalang tanong niya sa sarili. Mas lalo siyang kinabahan at nagparoo’t parito na naman nang lakad. “Jusko naman kasi, Gelaena! Bakit mo kasi inisip na magnanakaw ’yong nakita mo kanina? Hindi mo ba nakilala ang likod ni Mayor? My God! Kakapasa mo nga lang ng resume kanina tapos ito pa ang ginawa mo! Malamang na palayasin ka na niya mamaya kapag nagising na siya! Napagkamalan mo na nga siyang hardinero no’ng una, tapos ngayon naman magnanakaw! Oh, Jesus!” usal niya at muling bumuntong-hininga. Nang mahilo na siya sa pagpapabalik-balik nang lakad ay huminto siya at muling tinitigan ang mukha ni Gawen na nakadikit sa damo. Dahan-dahan siyang humakbang ulit palapit dito. Nang lumuhod siya sa tapat nito, nagdadalawang-isip pa siya kung hahawakan pa niya ito o hindi. Muli niyang nakagat ang labi niya at muling tumayo. “Humanda ka talaga, Gelaena, kapag nagising na siya! Mag-impake ka na ng mga gamit mo. Diyos ko!” nagpalakad-lakad na naman siya. Pero mayamaya ay natigilan siya. “Si Arlene. Kailangan kong tawagin si Arlene para tulungan ako.” Aniya at nagmamadali pa siyang naglakad papunta sa main door at nang makapasok siya ulit doon ay tinungo niya ang silid nito. Ilang beses siyang kumatok sa pinto bago iyon bumukas at bumungad sa kaniya si Arlene na halatang antok na antok at naalimpungatan lang dahil sa pang-iisturbo niya. “Bakit, bes?” namamaos ang boses na tanong nito sa kaniya. “Bes, g-gising ka ba?” “Tulog ako,” sagot nito at sumimangot. “Kita mo na ngang nakatayo na ako sa harapan mo, e!” napakamot pa ito sa ulo. “Bakit ba?” iritadong tanong nito. “E... Arlene, m-may problema kasi ako.” “Huh? Problema? Nang ganitong oras, Gelaena?” tanong nito. “Samahan mo muna ako.” “Saan?” “Sa labas. Halika dali.” Hinawakan pa niya ang kamay nito at akma na sanang hihilahin ito palabas ng silid, pero humawak naman ito sa hamba. “Teka lang... ano ang gagawin natin sa labas?” naguguluhang tanong nito sa kaniya. “Gelaena, hating gabi na ata, oh! Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos—” “Please, Arlene.” Pinutol niya ang pagsasalita nito at muling hinila ang kamay nito. “Samahan mo muna ako. Malaki ang problema ko ngayon.” Pagmamakaawang saad niya rito. Kunot ang noo na tumitig naman ito sa kaniya. At mayamaya ay bumuntong-hininga nang malalim. “Teka lang. Kukuha ako ng jacket ko.” Pagkasabi niyon ay kaagad nitong binawi sa kaniya ang kamay nito at muling pumasok sa silid. Hindi nagtagal ay lumabas din ito agad habang isinusuot ang jacket. “Ano ba kasi ang problema mo?” tanong nito habang papalabas na sila ng main door. “Basta... halika ka rito!” aniya. Ayaw na niyang sabihin dito ang kaniyang problema. Makikita rin naman nito mayamaya ang Mayor nilang nakahandusay pa rin sa damuhan, e! Nang makarating sila sa may gazebo, kagaya sa inaasahan niya na magiging reaction ni Arlene kapag makita nito si Gawen, hindi nga siya nagkamali. Nanlalaki ang mga matang napahinto ito sa paglalakad hindi pa man sila tuluyang nakakalapit sa gazebo. Napatutop pa ito sa bibig at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Gawen na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa damuhan. “G-gelaena! A-ano... ano ang ginawa mo? P-pinatay mo si Mayor?” gulat na gulat na tanong nito sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala. “Ano ka ba, Arlene! Hindi ko pinatay si Mayor Gawen,” sabi niya. Humakbang naman ito palapit sa kaniya habang nakatayo siya dalawang hakbang mula kay Gawen. “Kung... kung hindi mo pinatay si Mayor. E, a-ano ang nangyari? Bakit siya nariyan? Bakit wala siyang malay?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Muli siyang napabuntong-hininga at napangiwi. “Kasi Arlene...” aniya. “Nagpapahangin kasi ako kanina sa gilid ng pool nang may narinig akong ingay mula rito. E, a-akala ko kasi... magnanakaw kaya, ayon... hinampas ko ng malaking kahoy sa ulo. Ito, oh!” ngiwing saad niya at kinuha pa ang kahoy na ginamit niya kanina panghampas kay Gawen. Ipinakita niya iyon kay Arlene. “Ano?” “Zzzttt! Hinaan mo nga ang boses mo.” Saway niya rito nang mapalakas ang boses nito dahil sa sinabi niya. “Ano?” ulit nito, pero sa mababang boses na. Nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Hinampas mo sa ulo si Mayor Gawen?” napatutop itong muli. “Jusko ka naman, Gelaena! Ano ba ’tong ginawa mo? Napagkamalan mong magnanakaw si Mayor?” hindi makapaniwalang tanong pa nito sa kaniya. “E, malay ko naman kasi. Dis-oras ng bagi tapos... nariyan pa siya at may kung ano’ng hinahanap. Malamang kahit sino ang makakita sa kaniya... iisiping magnanakaw siya!” pagpapaliwanag niya. “Mahabaging Emri!” napa-sign of the cross pa nga si Arlene at nag-aalalang nilapitan nang tuluyan si Gawen upang silipin ang mukha nito. “Hindi kaya napuruhan mo si Mayor?” tanong pa nito. “H-hindi. Ewan ko. Oo. Baka.” Napabuntong-hininga na lamang nang malalim si Arlene. “Sus, Ginoo!” “ARLENE, ANO na ang gagawin natin?” nag-aalalang tanong niya sa kaibigan habang pareho silang nakaupo sa gilid ng lamesa at matamang nakatitig sa mukha ni Gawen. Nakahiga na ito sa mahabang sofa sa loob ng gazebo. Kahit mabigat ang malaking katawan ni Gawen ay pinilit nilang pagtulungan na buhatin ito kanina upang ilipat sa sofa. At ngayon, magkakalahating oras na ata simula nang mapukpok niya sa ulo ang lalaki pero hindi pa rin ito nagigising. “Wala tayong ibang puwedeng gawin kun’di ang maghintay kung kailan magigising si Mayor, bes.” Anito. Muli siyang bumuntong-hininga. Oh, holy lordy! Kanina pa niya iyon ginagawa, pero ayaw pa rin mawala ang kaba at pag-aalala niya. Iniisip pa rin niya ang sasabihin nito sa kaniya oras na magising na ito. “Paano kung... iwanan na lang kaya natin siya rito?” tanong niya. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ni Arlene at lumingon sa kaniya. “Huh?” tanong nito. “Iwanan na lang natin siya para... kung magising man siya, hindi na siya magagalit sa atin—” “Ano’ng sa atin? Teka lang amiga, huh!” anito. “Wala akong kinalaman dito.” Umiiling pang saad nito sa kaniya. Napaismid naman siya. Kung sabagay... siya lang naman ang may kagagawan nito kay Mayor, bakit idadamay niya pa si Arlene? “Para kapag nagising na si Mayor... hindi niya tayo makita rito,” wika pa niya. “Hindi niya naman ako nakita kanina nang paluin ko ang ulo niya kaya... hindi niya siguro iisipin na ako ang may gawa nito sa kaniya!” Muling nagbaling ng tingin sa kaniya si Arlene. Seryoso ang mukha nito. At mayamaya ay umangat ang isang kamay nito at may itinuro sa itaas. “Kita mo ’yon?” anito. Napatingin din naman siya sa may gilid ng pader kung saan nakaturo ang daliri nito. “CCTV ’yan, amiga. Kahit pa iwanan natin dito si Mayor... bukas na bukas din ay malalaman niya kung sino ang pumalo sa ulo niya.” Anito. Muli siyang napangiwi. Oh, Gelaena! Ano ba naman kasi itong katangan na nagawa mo? “Bes!” mayamaya ay saad ni Arlene sa kaniya habang nakatitig na ito sa mukha ni Gawen. “Mukhang magigising na ata si Mayor.” Muling kumabog nang husto ang puso niya at napatingin na rin siya rito. Nakita nga niyang gumalaw na ito at unti-unti ng nagmumulat ng mga mata. “Ouch!” daing ni Gawen at napahawak pa sa ulo nito. Sabay naman sila ni Arlene na napatayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Lumingon sa kanila ni Arlene si Gawen. Magkasalubong pa ang mga kilay nito at saka nagdahan-dahang kumilos upang bumangon. “What happened?” tanong nito at napahawak din sa likod ng ulo nito. “Ouch.” Daing nitong muli nang makapa ang bukol nito roon. “S-sorry po, Mayor.” Wala sa sariling saad niya. Tumingala naman sa kaniya si Gawen habang hindi pa rin naghihiwalay ang mga kilay nito. “You!” anito. Nakagat niyang muli ang kaniyang pang-ibabang labi. Oh, no! Mukhang alam nga ata nito ang ginawa niya kanina! “Damn it. Ikaw ang pumalo sa ulo ko kanina!” “I... I’m sorry po, Yorme!” aniya. “H-hindi ko naman po sinasadya.” Saad niya at mabilis na nagyuko ng kaniyang ulo upang mag-iwas ng tingin dito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito ngayon dahil kitang-kita niya ang galit nito sa kaniya ngayon. Oh, well, sino na naman kasi ang hindi magagalit dahil sa ginawa niya kanina? “f**k!” HINDI mapigilan ni Gawen ang mapamura nang malutong habang nakatayo na ito sa harapan ng dalawang dalaga na ngayon ay nakaupo na ulit sa gilid ng mesa. Hindi pa rin magawang mag-angat ng mukha si Gelaena. Hanggang ngayon kasi ay nilalamon pa rin siya ng labis na kahihiyan dahil sa ginawa niya rito kanina. Inihahanda na rin niya ang kaniyang sarili ngayon sa kung anuman ang mga sasabihin nito sa kaniya. Kung palalayasin man siya nito sa mansion bukas ng umaga; o ngayon din, wala siyang magagawa. Kasalanan niya naman, e! “Why did you do that to me, Gelaena?” galit na tanong nito sa kaniya. Hindi niya naman agad nagawang sumagot. Napalunok pa siya. “Arlene?” Biglang napatingala si Arlene kay Gawen. “Ay, teka lang po, Mayor.” Anito at napahawak pa sa dibdib nito. “Wala po akong kinalaman dito. E, masarap nga po ang tulog ko kanina nang isturbuhin ako ni Gelaena at isinama rito para ayusin po itong problema niya.” Pagtatanggol agad nito sa sarili. “Hindi po ako kasali rito, Mayor. Maniwala po kayo.” Umiiling pang dagdag na saad nito. Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng mukha upang tapunan ng tingin si Gawen. Holy lordy! Mali ata ang ginawa niyang iyon. Kasi mas lalo niyang nakita ang galit nitong mga mata. Kung nakamamatay nga lamang ang matalim na titig, malamang na bigla na lamang siyang bumulagta sa harapan nito ngayon. Pero gayun pa man... tinatagan niya ang kaniyang loob na salubungin ang mga mata nito. “W-wala pong kinalaman dito si Arlene,” wika niya. “Ako lang po ang may kasalanan sa nangyari sa inyo. Pasensya po. E, a-akala ko po kasi... magnanakaw kayo kaya hindi ko po napigilan ang sarili ko at...” “Damn it.” Pagmumura nitong muli. Halatang ayaw man nitong magbitaw ng mga ganoong salita, pero hindi lamang nito mapigilan ang sarili. “After you mistook me for a gardener, now you mistook me for a thief?” makahulugang tanong nito. Napatikom na lamang siya at muling napayuko. Napapikit din siya nang mariin at muling kinagat ang pang-ibaba niyang labi nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak na siya dahil sa kasalanang nagawa niya. “Pasensya po talaga, Mayor. Hindi... hindi ko po sinasadya.” Bumuntong-hininga ito nang malalim at muling kinapa ang bukol sa likod ng ulo. “Fuck.” Pagmumura nitong muli nang masaktan na naman ito. “We will talk tomorrow morning, Gelaena.” Anito at mabilis na tumalikod. “I need ice bag, Arlene.” Kaagad namang napatayo sa puwesto nito si Arlene at nagmamadaling napasunod kay Gawen. Napabuntong-hininga na lamang din siyang muli habang sinusundan niya ng tingin ang likuran ni Gawen, hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. MATAPOS magpakawala nang malalim na paghinga ay muling dinala ni Gelaena sa kaniyang bibig ang tasa ng kaniyang kape na kanina pa niya hawak-hawak. Hindi na niya mabilang kung nakailang buntong-hininga na siya simula pa kanina. Nakadalawang timpla na rin siya ng kape, pero ang kaba sa dibdib niya magmula pa kagabi ay ayaw pa ring mawala. Pagkatapos nang mga nangyari kagabi sa may gazebo, hanggang sa bumalik siya sa silid nila ng kaniyang Tiya Hulya ay hindi na niya nagawang makatulog dahil binabagabag pa rin ng labis na kaba at pag-aalala ang kaniyang dibdib. Kaya ngayon, hayan at kumikirot ang kaniyang sentido. Alas syete na ng umaga. At mayamaya lamang ay bababa na rin si Gawen. Panigurado siyang kakausapin siya nito ulit kagaya sa sinabi sa kaniya kagabi bago siya nito iwanan sa may gazebo. “Oh, Gelaena! Bakit ka naman kasi ganito? E, hindi ka naman tanga, jusko!” panenermun niya ulit sa kaniyang sarili at pagkuwa’y bahagyang sinabunutan ang sarili. “Bes!” “Jesus! Ano ba naman ’yan, Arlene! Nanggugulat ka naman riyan!” kunot ang noo na sambit niya dahil sa pagkabigla niya. Ngumiti naman ito sa kaniya. “Ang lalim kasi ng iniisip mo riyan kaya hindi mo ako napansin na pumasok dito sa kusina.” Anito. Muli siyang napabuntong-hininga. “Siguro Arlene... magpapaalam na ako kay Emzara.” “Bakit naman?” “Nakalimutan mo na ba ang nangyari kagabi? Hindi ba’t nakagawa ako ng malaking kasalanan kay Mayor?” tanong niya. “Ano ka ba, bes! Hindi ka naman tatanggalin ni Mayor sa trabaho mo,” wika nito. “Ano’ng hinid? E, kitang-kita mo naman kagabi kung paano siya nagalit sa akin ’di ba?” “Oo nga. Pero... sigurado akong hindi ka niya tatanggalin. Maniwala ka, bes.” Ah, bahala na nga kung ano ang mangyari mamaya kapag kinausap na siya ni Mayor Gawen. Kung paalisin man siya nito, nakahanda na siya! “Hi, good morning!” Sabay pa sila ni Arlene na napalingon sa lalaking pumasok din sa kusina. “Hi, Migo mylabs! Good morning din.” Nakangiting bati ni Arlene sa binata. “Good morning din sa ’yo, Migo.” Nakangiting lumapit sa kanila ang binata. “Gusto mo ba ng kape, Migo ko?” tanong ni Arlene. “Please, Arlene. Thank you.” Nakangiti ding sagot nito. “Oh, sure. No problem. Wait at ipagtitimpla kita with pagmamahal.” Anito at kaagad na tumalima. Napangiti at napailing na lamang si Gelaena dahil sa aktong pinapakita ni Arlene sa PA ni Mayor Gawen. Mukhang lantarang pagkagusto ata ang mayroon si Arlene para kay Migo! “Um, Migo...” mayamaya ay binalingan niya ng tingin ang binata na umupo na rin sa isang silya malapit sa kaniya. “Yeah?” nakangiti pa rin ito sa kaniya. “Si... si Yorme pala, nasaan?” tanong niya. “Hindi pa bumababa, e! Bakit, may kailangan ka ba sa kaniya?” Umiling naman siya. “Ah, wala naman. Naitanong ko lang.” “Nagtataka nga ako kung bakit ang tagal niyang bumaba ngayon. E, may meeting pa siya sa City Hall ng alas otso.” Anito. Oh, holy lordy! Kasalanan ko talaga ito! Mukhang napasama nga ata ang pagkakapalo ko sa kaniya kagabi kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya gising? Sa isip-isip niya. Muli siyang napabuga nang paghinga. “Ayos ka lang ba, Gelaena?” Muli siyang napatingin sa binata at pagkuwa’y pilit siyang ngumiti. “Ayos lang ako, Migo.” Aniya. “Excuse me lang, huh! Pupuntahan ko lang ang agala ko.” Pagkuwa’y kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto. “Arlene, aakyat muna ako sa kwarto ni Emzara.” “Sige lang, bes!” sagot nito nang hindi manlang lumingon sa kaniya. Kaagad siyang lumabas sa kusina at tinahak ang papunta sa sala hanggang sa makapanhik siya sa hagdan. Habang papalapit pa nga siya sa silid ng kaniyang alaga ay nakatuon ang paningin niya sa pinto ng silid ni Gawen. Mas lalo siyang nangangamba! “Okay lang kaya siya?” tanong niya sa sarili. Nang nasa tapat na siya ng silid ni Emzara, akma na sana niyang bubuksan ang pinto niyon... pero muli siyang napatingin sa silid ni Gawen. Ewan, pero parang may tinig sa likod ng kaniyang ulo ang nagsasabi sa kaniya na lumapit siya roon at katukin ang Mayor upang alamin kung ayos lang ba ito o may problema? May sarili atang isip ang kaniyang mga paa at kusa iyong humakbang palapit sa katapat na pinto ng silid ni Gawen. Muli siyang humugot nang malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Saglit siyang nag-ipon ng lakas ng loob at dahan-dahang umangat ang kaniyang kanang kamay upang sana kumatok doon... pero hindi pa man niya nagagawa iyon ay bigla namang bumukas ang pinto at biglang nagtama ang mga mata nila ni Gawen. Ewan, pero awtomatik na tinambol nang malakas ang kaniyang puso nang masilayan niya ang gwapong mukha ni Mayor. Maayos na nakapinid ang buhok nito na bahagya pang nangingintab dahil sa gel na ginamit nito. Nakasuot din ito white polo shirt na medyo hapit sa maskulado nitong katawan kaya bakat na bakat ang malaki nitong dibdib maging ang malapad nitong mga balikat. Naka-tacked in din ang laylayan niyon sa suot nitong itim na pantalon. Damn. Bakit naman biglang napakagwapo niya sa paningin ko ngayon? My God! Siya naman itong napukpok ko sa ulo kagabi, pero bakit pakiramdam ko ako ang napukpok at naalog ang mga mata ko kaya bigla siyang naging mas napakagwapo sa paningin ko ngayon? Sa isip-isip niya habang hindi niya magawang ialis ang paningin sa gwapo nitong mukha. Hindi pa niya napigilan ang mapaawang ang kaniyang mga labi at napalunok siya ng kaniyang laway. “Why are you staring at me like that?” “Ang... ang gwapo n’yo po, Yorme!” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Gawen dahil sa sinabi ng dalaga. “What did you say?” halata sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang sinabi ni Gelaena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD