CHAPTER 12

3118 Words
“WHAT did you say?” kunot ang noo na tanong ni Gawen sa nakatulalang si Gelaena. “H-huh?” nauutal na sambit niya. At mayamaya, bigla siyang napakurap nang sunod-sunod. Doon lamang siya bumalik sa sarili niyang ulirat. Muli niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso kasabay niyon ang pag-iinit ng buong mukha niya. Oh, God! Ano ang sinabi mo sa kaniya, Gelaena? Tanong ng kaniyang isipan. “Um, w-wala... wala po Yorme.” Aniya at nagkukumahog na tumalikod at bumalik sa tapat ng kwarto ni Emzara. Mabilis niyang hinawakan ang doorknob para sana buksan iyon... ngunit nakailang hila na siya ay ayaw naman iyon bumukas. “Oh, b-bakit ayaw mong bumukas?” tarantang tanong niya pa sa pinto na para bang sasagot iyon sa kaniya. At nang lumingon siya kay Gawen, nakita niyang lumabas na ito at isinarado ang pinto ng silid nito at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. God! Sa klase ng pagkataranta niya ngayon, parang may gusto siyang pagtaguan na humahabol sa kaniya. Well, kung sabagay... sa pagkapahiya niya kay Gawen dahil sa sinabi niyang gwapo ito, na sigurado siyang malinaw nitong narinig, gusto niya talagang magtago mula rito! Kung puwede nga lang sana bumuka ang marmol na sahig at kainin siya, magpapakain siya para lamang mawala siya sa paningin ng Mayor na ngayon ay nasa likuran niya na. “Hindi talaga bubukas ’yan, Gelaena.” Seryosong saad nito sa kaniya. Mas lalo siyang nataranta at ngiwing napangiti sa lalaki habang patuloy niyang hinihila ang doorknob. “S-sira na po ata, Yorme.” Aniya. Tiim-bagang na bumuntong-hininga naman si Gawen at pagkuwa’y lumapit nang tuluyan sa kaniya. Oh, holy lordy! Mas lalong nagregodon ang kaniyang puso nang hindi sinasadyang dumikit ang kaniyang balikat sa matigas nitong dibdib. Tila, pakiramdam ni Gelaena ay biglang nag-slow motion ang buong paligid niya habang mataman siyang nakatitig sa gwapong mukha ni Gawen, habang ito naman ay kunot ang noo na nakatingin sa doorknob na hawak-hawak pa rin niya. At nang maramdaman niya ang palad nitong dumaiti sa palad niya, tila ba bigla siyang nakadama ng milyong bultahe ng kuryente na nanulay sa kamay niya mula sa kamay nito. Jusko! Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway at mas lalo pang dinaga ang kaniyang dibdib. “Itinutulak kasi ’yan... hindi hinihila, Gelaena.” Ang boses muli ni Gawen ang nagpabalik sa kaniyang ulirat at napatingin siya sa pintuang bumukas nang itulak iyon ng lalaki. Oh, Gelaena! Puro na lang ba kapalpakan ang magagawa mo kapag siya ang kaharap mo? “There you go.” Anang Gawen at iminuwestra pa ang kamay nang sabay na bumitaw ang mga kamay nilang nakahawak sa doorknob. Ngiwing napangiti siya ulit kay Mayor. “T-thank you, Yorme.” Saad na lamang niya at muling nagmamadali na pumasok sa silid ng kaniyang alaga at kaagad na isinarado ang pinto. Napasandal pa siya sa likod niyon at napahawak sa kaniyang dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagkabog. Parang gusto na atang lumabas sa kaniyang ribcage. Mariin siyang pumikit kasabay niyon ang paghugot niya nang napakalalim na paghinga at marahas iyong pinakawalan sa ere. “My God! Bakit naman ganito? Bakit mas lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko?” “You like Daddy Mayor!” Bigla siyang napamulat at napatingin sa may sofa nang marinig niya mula roon ang inosenteng boses ni Emzara. Nakita naman niya ang batang prenteng nakaupo roon habang yakap-yakap nito ang stuff toy na elepante at nakatingin sa kaniyang direksyon. Nangunot ang kaniyang noo. “A-ano ang sinabi mo?” tanong niya at naglakad na rin palapit dito. Bumuntong-hininga rin ito at kumibot-kibot ang maliit na mga labi. Nagkibit pa ng mga balikat. “Well, Noah told me... his daddy said to him, you’ll know you like someone when you feel your heart beating strong.” Anito. Mas lalong nangunot ang kaniyang noo at napatitig pang lalo rito at umupo siya sa tabi nito. Ano raw? Jusko! Bata ba talaga itong si Emzara? Bakit ganito na ang mga sinasabi nito ngayon sa kaniya? At bakit naman napapag-usapan ng dalawang bata ang tungkol sa bagay na iyon? “And from what I heard you said earlier, your heart beat even faster. So that means... you like my Daddy Mayor, Gelaena.” Napaawang na lamang ang kaniyang mga labi at hindi siya nakapagsalita agad. My God! Si Arlene nga ilang beses ko ng kinontra dahil sa paggigiit nito sa akin tungkol sa imagination nito sa amin ni Yorme, pero itong batang ito... nahuli ako mismo sa sarili kong bibig. “I can keep it a secret, Gelaena, if you don’t want Daddy Mayor knew about you having a crush on him.” “Ano’ng you having a crush on him ka riyan?” kunot ang noo na pagtanggi niya. “Aba, ikaw talagang bata ka! Seven years old ka pa lang pero may alam ka na tungkol sa bagay na ito?” idinaan na lamang niya sa tawa at pagsundot sa tagiliran nito ang kabang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. “Gelaena, stop tickling me!” humagikhik na ito. Hanggang sa tuluyan niya na itong kiniliti nang kiniliti. “Ikaw, huh! Siguro... may crush ka rin ano?” “No I don’t have one.” “Sus! Siguro crush mo rin si Señorito Noah ano?” tanong pa niya. Mas lalong napahagikhik ang bata dahil sa pagkikiliti niya rito. “Stop it, Gelaena! Please!” halakhak nito. Mayamaya ay huminto nga siya at pabagsak na isinandal ang likod sa sofa. Sumandal din sa kaniya ang bata. “Daddy Mayor is a good person, Gelaena.” Hinihingal na saad nito. Napangiti siya habang nakatitig sa kisame. Umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang buhok ni Emzara. “Mukhang mabait nga siya!” aniya. “ANO BES, nagkausap kayo ni Mayor?” tanong sa kaniya ni Arlene nang makita siya nitong pumasok sa kusina. Umiling naman siya. “Hindi niya ako kinausap kanina, bes,” sagot niya. Marahil ay nakalimutan ni Gawen na kausapin siya kanina nang magkita sila sa itaas ng bahay. Or... dahil sa pagmamadali niya kanina na iwasan niya ito ay hindi na nito nagawang kausapin siya. Pero okay na rin iyon... at least ay napahupa niya muna ang kaniyang dibdib na labis ang pagreregodon. Siguro mamaya kapag nakauwi na ito galing sa City Hall ay ’tsaka siya kakausapin. “Hindi ba kayo nagkita kanina?” tanong ulit sa kaniya ni Arlene nang mailapag na nito sa mesa ang kanin na sinandok nito. Dumiretso naman siya sa lalagyan ng plato at kumuha roon ng dalawa. Kaya siya bumaba sa kusina ay dahil nagugutom na rin siya. Tamang-tama naman pala ang pagdating niya at kakain na rin si Arlene. Hindi pa man din siya sanay kumain nang siya lamang mag-isa. “Nagkita kami kanina sa itaas. Pero... hindi niya naman ako kinausap. Siguro, mamaya pagkauwi niya.” Pagpapaliwanag niya. “Huwag ka ng mag-alala... hindi ka naman tatanggalin ni Mayor bilang yaya ni Señorita Emzara.” Anito at umupo na rin sa isang silya. Ibinigay niya rito ang isang plato at kubyertos, pagkuwa’y pumuwesto na rin siya sa kaibayong upuan. “Sigurado ka ba talaga riyan, Arlene?” tanong niya. “Oo naman,” sagot nito. “Bes, alam kong nagalit si Mayor sa ginawa mo kagabi... pero alam kong hindi ka niya tatanggalin bilang yaya ng kaniyang anak dahil siya lang din naman ang mahihirapan na humanap ng bago. Kaya huwag ka nang mapraning kakaisip diyan na tatanggalin ka niya.” Nagkibit naman siya ng kaniyang mga balikat at naglagay na rin ng pagkain sa kaniyang plato. “Sana nga, Arlene,” wika niya. “At sana ay hindi na rin malaman nina Señor Salvador at Doña Cattleya ang nangyari kagabi kasi—” “Ano ang nangyari kagabi na hindi puwedeng malaman ng mag-asawa?” Sabay pa sila ni Arlene na napalingon sa may pinto nang marinig nila mula roon ang boses ng kaniyang Tiya Hulya. Kunot ang noo na naglalakad ito palapit sa kanila. “Kain po tayo, Nanay Hulya!” nakangiting aya rito ni Arlene. “Sige lang, hija. Busog pa ako.” Tumingin naman siya kay Arlene bago muling binalingan ng tingin ang matanda. “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo tungkol kay Mayor?” tanong pa nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Arlene. “E, kasi po Nanay Hulya... aray!” daing nito nang bigla niyang sipain ang paa nito sa ilalim ng mesa. Magkasalubong ang mga kilay na tumingin ito sa kaniya. Lihim na pinanlakihan niya naman ito ng mga mata. Binigyan niya ito ng tingin na... huwag mo ng sabihin kay Tiya Hulya ang nangyari kagabi, Arlene. “Ano ba ’yon?” tanong ulit ng matanda. “Um, w-wala po, Tiya Hulya!” sagot niya. “May pinag-uusapan lang po kami tungkol kay Mayor, pero... h-hindi naman po ganoon kaimportante.” Dagdag pa niya. “Ganoon ba?” Tumango naman siya at ngumiti. “Opo, tiya!” “Siya sige... kumain na muna kayo riyan.” Anito at muling tumalikod at lumabas ng kusina. Banayad siyang bumuntong-hininga at muling tinapunan ng tingin si Arlene. “Please... huwag mo ng sabihin kay Tiya Hulya ang nangyari kagabi, Arlene. Ayokong... magalit sa akin ang tiya.” “Oo na,” sabi nito. “Pero required ba talagang manipa, bes?” nakaismid na tanong nito. Ngumiti naman siya. “Sorry! Nabigla lang ako.” “Nako... kung hindi lang ako kinikilig sa inyo ni Yorme mo dahil sa nangyari sa inyo kanina roon sa itaas, nunca na sundin ko ang sinabi mo.” Nakangiting saad nito at nagsimula ng kumain. Mabilis namang nangunot ang kaniyang noo. “Ano... ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong niya. Inirapan siya nito. “Akala mo siguro walang audience kanina na nakakita sa kilig moment ninyo ni Yorme mo?” Oh, no! Nakita pala sila ni Arlene kanina? Damn. Bigla na namang nag-init ang mukha niya nang maalala niya na naman ang nangyari sa kanila kanina ni Gawen. “Ang... ang gwapo n’yo po, Yorme!” anang Arlene na ginaya pa ang pagsasalita niya kanina. Humagikhik ito na halatang kinikilig. “Ano’ng—” “Huwag ka ng mag-deny, amiga! I saw it with my own two beautiful eyes. Tatanggi ka pa e, huli ka na nga.” Anito. Napapahiyang nakagat na lamang niya ang kaniyang pang-ilalim na labi. “Kinikilig ako, bes! I’m sure... susunod na ring mabibighani sa ’yo si Mayor Gawen. Napapaisip na rin ako kung ano ang susunod mong gagawin sa kaniya.” “Arlene!” kunwari ay iritadong saway niya rito. Tumawa lamang ito sa kaniya. “HI, MAYOR GAWEN!” Mula sa seryosong pagkakatitig sa papel na hawak niya at kanina pa niyang binabasa ay kunot ang noo na tumingin siya sa may pinto ng kaniyang opisina. And there, he saw Ella. Nakangiti ang dalaga na naglakad palapit sa kaniya. “Ella!” aniya at kaagad na inilapag sa mesa ang papel at umayos siya sa kaniyang puwesto. “Hi, how are you?” tanong sa kaniya ng babae at pagkuwa’y umupo sa visitor’s chair na nasa kaliwang bahagi ng mesa niya. “I’m fine,” sagot niya. “How are you? What are you doing here, Ella?” tanong niya pa. Dumekwatro ang babae kaya bahagyang nasilip ang makinis nitong mga hita nang umangat ang maiksi nitong palda. “Well, Migo called me the other day para sabihing nagpapahanap ka na naman ng bagong yaya ni Emzara. I just came here para sabihing I’m still looking for a new one.” Nakangiti pa ring saad nito. “Sana itinawag mo na lang kay Migo at hindi ka na pumunta rito,” wika niya. “And hindi mo na kailangang maghanap, Ella.” Dagdag pa niya. Bahagya namang nangunot ang noo nito. “Why? Bumalik ba ang last yaya niya?” “No. But... may bagong yaya na si Emzara. Pamangkin ni Manang Hulya.” “Oh, really? Kasundo na ba ni Emzara kaya hindi ka na maghahanap ng bagong yaya niya?” tanong pa nito. Tipid siyang tumango at tinanggal ang salamin na suot niya at nang mailapag niya iyon sa mesa niya, bahagya niyang hinilot ang gitna ng ilong niya. “Yeah. Emzara likes her.” “Wow! How did it happened? I mean, simula pa naman ay walang may nagustohan na yaya niya si Emzara. I’m wondering why she likes her new nanny?” “It doesn’t matter kung anuman ang dahilan ni Emzara para magustohan niya agad ang bago niyang yaya. Ang importante ay magkasundo sila at hindi na ako mamomroblema kakapalit ng yaya niya.” Aniya. Bumuntong-hininga naman ang babae. “Well, you’re right.” Pagsang-ayon nito sa sinabi niya. “Iyon lang ba ang sinadya mo rito ngayon?” Saglit itong tumitig sa kaniya bago muling ngumiti nang malapad. “Well the truth is... aayain sana kitang magkape? If you’re not busy.” “Oh, I’m sorry, Ella. But... I have a lot of work to finish today.” “Is that so?” anito at biglang naglaho ang ngiti sa mga labi. “Maybe next time. If I have free time, Ella.” “Paano ko naman malalaman na may free time ka e, wala naman akong kontak sa ’yo,” sabi nito. “Hindi ko naman puwedeng kulitin nang kulitin ang PA mo para i-follow up siya kung may free time ka na. Magmumukha akong desperada.” Anito at bahagyang umismid. “Why don’t you just buy your own phone, Gawen?” Isa iyon sa mga bagay na wala siya. Oo afford naman niyang bumili ng kahit ano’ng klaseng cellphone, pero ayaw lamang niyang bumili o magkaroon ng isa. Simula pa man, kahit noong nag-aaral pa lamang siya ng high school, hanggang sa nag-college siya ay hindi siya humingi ng pera sa magulang niya para bumili ng cellphone. Masiyado siyang seryoso at busy sa pag-aaral niya para hatiin pa o maglaan siya ng oras para sa ibang bagay. At isa pa, wala naman siyang mahihita sa mga social media account na uso ngayon. Kapag naman may emergency at kailangan niyang tumawag sa mga magulang niya nang nag-aaral pa siya sa Manila, nariyan naman ang mga kapatid niya para makisuyo siya. At lalo na no’ng pumasok na siya sa politika. Mas kailangan niyang umiwas sa social media dahil kahit marami ang may gusto sa kaniya bilang bagong tagapaglingkod ng gobyerno, marami pa rin ang may ayaw sa kaniya. Ang mga negatibong mga salita na ibinabato sa kaniya sa pamamagitan sa social media ang pinakauna niyang pinakainiiwasan. Nariyan naman ang PA niyang si Migo, ito na ang gumagawa sa mga kailangan niya kung tungkol sa social media ang pinag-uusap. “Uutusan ko na lang si Migo na tawagan ka kapag may oras na ako para tanggapin ang alok mo, Ella. But for now, I’m sorry but I can’t. Masiyado talaga akong busy ngayon.” Aniya. Muli itong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. “Aasa na naman ako sa wala! E, dati ay ilang beses mo na ring sinabi ’yan sa akin. Pero hindi mo naman ginawa.” Napakamot naman siya sa gilid ng kaniyang kilay. “I’m sorry, Ella.” “I understand, Gawen.” Anito at tumayo na rin sa puwesto nito. Saglit nitong hinila pababa ang palda nito na kaunti na lamang ay masisilipan na ito. “Well, I’ll go ahead. Mukhang naisturbo nga ata kita ngayon.” Tumango na lamang siya at sumandal sa swicel chair niya. Sinundan niya rin ng tingin ang dalaga nang maglakad na ito upang lumabas sa kaniyang opisina. Matagal na niyang kilala si Ella. Anak ito ng gobernor ng Bulacan na si Governor Alcantara. Matagal na ring nagpapahiwatig ng pagkagusto sa kaniya ang dalaga, pero hindi lamang niya iyon binibigyan ng pansin dahil unang-una, hindi pa naman siya interesado o wala pa sa isipan niya ang pumasok sa isang relasyon. Maybe... kapag natapos na ang termino niya bilang Mayor. Kasi binabalak niyang hindi na siya tatakbo sa susunod na eleksyon. Maybe then... magsisimula na siyang makipag-date. He’s not getting any younger and of course, gusto niya rin namang lumagay sa tahimik, magkaroon ng asawa at bumuo ng pamilya. May agency kasi si Ella na naghahanap ng mga empleyadong naghahanap din ng trabaho kaya ito ang nag-alok sa kaniya noon na maghanap ng yaya para kay Emzara. Iyon lang ang relasyon na nabuo sa kanilang dalawa para sa kaniya. Bukod doon, wala na! “SAAN KA PA PUPUNTA, HIJA?” tanong sa kaniya ng kaniyang Tiya Hulya nang akma na sana siyang hahakbang palabas ng kanilang silid. May bitbit siyang tuwalya. “Sa swimming pool lang po, tiya,” sagot niya. “Maliligo po sana ako bago pumanhik ulit sa kwarto ni Emzara. Naiinitan po kasi ako, e!” aniya. Nagtanong naman siya kay Arlene kanina kung puwede siyang gumamit ng swimming pool, at ang sabi naman sa kaniya ng dalaga ay oo raw at pinapayagan naman ng mag-asawang Ildefonso na maligo sa pool ang mga kasambahay sa mansion. “Maghahating gabi na, Gelaena! Baka ubuhin o sipunin ka pa niyan. Malamig na sa labas.” “Ayos lang po, tiya. E, mainit po kasi talaga kahit nakabukas naman po ang aircon sa kwarto ni Emzara. ’Tsaka, saglit lang naman po ako.” “Siya sige...” “Lalabas po muna ako, Tiya Hulya!” pagkasabi niyon ay kaagad niyang nilisan ang kanilang silid hanggang sa tinahak niya ang papunta sa sala at lumabas siya sa main door. Nasa silid na siya kanina ni Emzara, pero dahil mahimbing naman ng natutulog ang kaniyang alaga... bumaba muna siya para maligo ulit. Nababanasan kasi talaga siya. Nang makarating sa swimming pool area, saglit siyang nagpalinga-linga sa buong paligid. “Wala namang tao!” aniya sa sarili. Alas dose na ng gabi, siguro naman ay wala ng gising ngayon sa mga tao sa loob ng mansion maliban sa kaniyang Tiya Hulya na nagising lang kanina nang pumasok siya sa silid nila. Inilapag niya sa lounge chair ang tuwalyang bitbit niya ’tsaka nag-umpisang hubarin ang suot niyang t-shirt at cotton shirt. Bahagya siyang nakadama ng lamig nang tanging panty at bra na lamang ang suot niya at yumakap sa katawan niya ang malamig na pang gabing hangin. Nakangiti siyang naglakad palapit sa gilid ng swimming pool at inihahanda na ang sarili sa pag-dive niya nang mula sa kaniyang likuran ay biglang may nagsalita... “What are you doing?” Sa gulat niya nang marinig niya ang boses ni Gawen... bigla siyang napapihit paharap dito. Ngunit sa kasamaang palad, bigla siyang nadulas at na-off balance. “Ahhh!” Sigaw niya bago siya tuluyang nahulog sa malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD