CHAPTER 25

4673 Words
“ARLENE!” tawag niya sa kaibigan habang nasa silid sila ni Emzara. Pareho naman silang walang ginagawa kaya pinuntahan siya ni Arlene para makipag-chikahan sa kaniya. Nakaupo siya sa sofa habang masuyong hinahaplos ang buhok ni Emzara na masarap ang tulog habang nakaunan sa mga hita niya. Samantala, si Arlene naman ay masarap din ang pagkakahiga sa kama ng bata. “Bakit, bes?” Banayad siyang nagpakawala nang buntong-hininga habang nakatitig pa rin siya sa kawalan. “Naalala ko lang, bes. Hindi ba nabanggit mo sa akin no’ng isang araw na na-recruited mo na rin si Señor Salvador sa fans club na binuo mo?” tanong niya. Tumagilid paharap sa kaniya si Arlene para tingnan siya. Itinuon nito ang siko sa kama at ipinatong naman ang ulo sa palad nito. Mayamaya, nang tapunan niya ito ng tingin ay bigla itong ngumiti sa kaniya nang malapad. “Oo, bes,” sagot nito. “So... ibig sabihin ay... a-alam na ng señor na may gusto ako sa anak niya?” nauutal na tanong niya. Bigla kasi siyang kinabahan. Kanina niya pa iniisip ang tungkol sa bagay na iyon pero ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong kay Arlene. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa kaniya ng dalaga at pagkuwa’y kumilos ito sa puwesto nito. Umupo ito sa gilid ng kama. “Hindi lamang iyon, amiga,” sabi nito. “Sinabi sa akin ni Señor Salvador na gustong-gusto ka niya para kay Yorme mo.” Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi nito sa kaniya. “T-talaga?” tila ayaw pa niyang maniwala. Sunod-sunod na tumango si Arlene. “Oo. Sinabi niya ’yon sa akin. Kaya nga hindi siya nagdalawang-isip na sumali sa team GaGe dahil boto siya sa ’yo para kay Mayor Gawen.” Hindi na niya napigilan ang mapangiti dahil sa kaniyang nalaman. Ibig sabihin ay hindi na pala siya magkakaroon ng problema sa señor kung sakali mang maging official na sila ni Gawen! “E, si Doña Cattleya kaya?” tanong niya ulit mayamaya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Arlene sa ere ’tsaka ito pabagsak na muling humiga. “Iyon lang ang problema, amiga,” sabi nito. “Ang sinabi kasi sa akin ni Señor Salvador, gusto raw ni Doña Cattleya si Ella para kay Yorme mo.” Ang sayang nararamdaman niya kanina ay bigla ring nabawasan dahil sa sinabi ni Arlene. Sabagay... noong nasa ospital si Emzara, kitang-kita niya kung gaano ka-close si Ella kay Doña Cattleya. Ganoon din ang doña kay Ella. So, hindi malabong ito nga ang magustohan ng doña para sa anak nito. “Pero, huwag kang mag-alala, bes. E, nagtapat naman sa ’yo si Yorme mo na gusto ka niya. So, kahit pa gusto ni Doña Cattleya si Ella para kay Mayor, wala ring saysay ’yon. Siyempre, si Mayor pa rin ang masusunod kung sino ang liligawan niya. At sigurado akong hindi na magtatagal ay magiging official din kayong dalawa.” Malapad na naman ang ngiti sa mga labing saad nito sa kaniya. “Hindi na ako makapaghintay, bes.” Muli siyang bumuntong-hininga at tipid na ngumiti nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ni Gawen kanina roon sa gazebo. Ang sinabi nito sa kaniya ay kailangan muna nilang itago ang kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa. Pero kagaya sa sinabi niya sa binata, naiintindihan niya kung bakit iyon ang gusto nitong mangyari sa ngayon. Pero hindi niya lamang maiwasang hindi mag-alala dahil nakikita niya kung gaano kagusto ni Ella si Gawen. Kahit pa man sinabi na sa kaniya ni Gawen na gusto rin siya nito, siyempre didikit pa rin si Ella sa irog niya dahil wala naman itong alam na nagkakamabutihan na silang dalawa. “Ayos ka lang ba, amiga?” untag na tanong sa kaniya ni Arlene mayamaya. “Okay lang ako, Arlene. May naisip lang ako bigla.” Aniya. “Problema ba?” Ngumiti siya at umiling. “Hindi,” sabi niya. “Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang magugustohan din ako ni Gawen.” Pagdadahilan na lamang niya. Muling lumapad ang ngiti sa mga labi ni Arlene habang nakatitig sa kaniya. “Sobra akong kinikilig at masaya na rin para sa ’yo, bes. Pero... huwag mo ng isipin ang bagay na ’yon. I mean, wala naman akong makita na problema para hindi ka magustohan ni Mayor.” Anito. “Mabait ka Gelaena. Hindi pa man tayo ganoon katagal na nagkakakilala, pero alam kong mabuti ang puso mo. At bukod doon, maganda ka naman, ah! Ibig kong sabihin, mas maganda ka kaysa kay Ella. Tapos sexy pa. Hindi nga halata sa hitsura mo na anak mahirap ka lang. Nang una kitang makita rito sa mansion, mukha kang mayaman, señorita, ganoon ang dating mo sa akin. At mas bagay ka talaga kay Yorme mo kaysa sa Ella na ’yon.” Pinilit niyang ngumiti ulit dahil sa mga sinabi ni Arlene sa kaniya. “Salamat, bes.” “At isa pa, amiga. Kung iniisip mo ang estado ninyo sa buhay ni Mayor. Sinasabi ko sa ’yo...” anito at saglit na huminto sa pagsasalita at bumangon ulit. “Ang pag-ibig ay walang pinipili na estado sa buhay. Mayaman, mahirap, lahat tayo may karapatan na magmahal at magkagusto sa taong itinitibok ng puso natin. Ang problema lang... iyon ay kung ’yong taong gusto natin ay talagang siya ang nakatadhana para sa atin.” “Tama ka, Arlene.” Pagsang-ayon niya sa sinabi nito. “So ngayon alam mo na... hindi lang puro kalokohan ang alam ko sa buhay, huh!” anito na natawa pa. Napahagikhik na rin siya. Oo nga! Marunong din palang maging seryoso ang babaeng ito. Ang akala niya kasi ay puro kalokohan lang ang alam nitong gawin. Magsasalita na sana siyang muli nang makarinig naman sila ni Arlene ng katok mula sa labas ng pinto. Mayamaya ay bumukas iyon at sumilip sa siwang ang isang kasambahay. “Gelaena, hija!” anang matandang babae. “Bakit po, manang?” tanong niya. “May naghahanap kay Manang Hulya. E, hindi pa siya nakakabalik mula sa palengke. Labasin mo muna at importante raw na makausap ang Tiya Hulya mo.” Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. “Sino raw po, manang?” tanong niya ulit. “Alison daw, e!” Biglang naging seryoso ang mukha niya at bahagyang napaangat ang likod niyang nakasandal sa sofa. Napalunok pa siya ng kaniyang laway kasabay niyon ang pagsibol ng kaba sa dibdib niya. “Kilala mo ba, bes?” tanong sa kaniya ni Arlene. “Um,” aniya at tumikhim pa siya. “Oo. Pinsan ko siya,” sabi niya. “Sige po, manang, bababa po ako. Salamat po.” Aniya sa matanda. “Arlene, tulungan mo nga akong ilipat si Emzara diyan sa kama.” Kaagad namang kumilos si Arlene sa puwesto nito at lumapit sa kaniya. Ito na ang nagbuhat sa bata at dinala sa kama. Lumapit din siya sa kama at saglit niyang inayos ang kumot nito sa baywang ’tsaka siya nagpatinunang lumabas ng silid habang nakasunod naman sa kaniya si Arlene. Nang makababa sila sa hagdan, nagmamadali siyang lumabas sa main door at tinungo ang gate. Kaagad namang binuksan ng guard ang maliit na gate na nasa gilid. “Ate Gelaena?” “Alison!” aniya habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay na nakatitig sa babaeng nasa labas ng gate. “Ate—” “Ano ang ginagawa mo rito, Alison?” nagtataka pa ring tanong niya at kaagad na lumabas. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid. At nang wala naman siyang makitang ibang tao o sasakyan na naroon, lumabas siya nang tuluyan at hinatak sa kamay ang babae upang bahagyang lumayo sa puwesto ng guard. “Nasaan si Tiya Hulya, ate?” tanong nito. “Wala rito. Nasa palengke pa,” sagot niya. “Ano ba ang ginagawa mo rito, Alison?” tanong niya ulit. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere. Mababakas din sa mukha nito ang labis na pag-aalala. “Umalis ako sa bahay, ate,” sabi nito. “Ano? Bakit naman?” “Si papa at mama kasi... lagi na lang nag-aaway. I mean, ano pa ba ang bago roon?” “Alison, nag-usap na tayo tungkol dito, hindi ba? Ang sabi ko sa ’yo... huwag kang aalis sa bahay. Kasi mas lalo silang magagalit.” “I can’t take them anymore, ate. Ako na ang labis na napapagod dahil sa paulit-ulit na pagtatalo nilang dalawa.” Napabuntong-hininga na rin siya nang malalim at namaywang pa. “Kailan ka pa umalis? At saan ka ngayon nakatira?” tanong pa niya mayamaya. “Last week pa, ate. Nakikituloy na muna ako sa condo ng kaibigan ko sa BGC.” Tinitigan niya ng seryoso ang dalaga. “Wala ka pa rin ba talagang balak na umuwi sa bahay?” tanong din nito sa kaniya. “Ate, alam natin na hindi titigil si papa hanggat hindi ka bumabalik sa bahay. Baka... baka pati si Tiya Hulya ay madamay pa problema natin.” Bago pa man siya umalis sa kanila, bago pa man niya kinausap ang matandang Hulya, alam na niyang hindi malabong madamay ang matanda sa problema niya. Pero wala na talaga siyang ibang maisip na paraan para makalayo sa kanila at wala na siyang maisip na taong puwedeng mahingian ng tulong kun’di ang Tiya Hulya niya. Mabuti nga at kahit papaano, hindi pa naman natutunton ng mga tauhan ng papa niya ang bahay ng mga Ildefonso. Marahil ay hindi pa nito nalalaman na naroon siya nagtatago. Mayamaya, mula sa ’di kalayuan ay natanaw niya ang paparating na sasakyan. Hinila niya si Alison papunta sa gilid nang bumukas ang malaking gate at makalapit na ang sasakyan ni Gawen. Bumaba pa ang salamin ng bintana sa backseat ng kotse. “Gelaena!” anang Gawen sa kaniya. Nginitian niya naman ito agad. “Hello po, Yorme!” bati niya sa binata. “What are you doing here? Who is she?” kunot ang noo na tanong nito. At mayamaya ay binuksan nito ang pinto sa tabi nito at bumaba. Binalingan niya ng tingin si Alison at inakbayan. “Um, pinsan ko po, Yorme. Si Alison.” Pagpapakilala niya rito. “Magandang araw po, M-mayor? Mayor siya ate?” tanong pa nito nang tumingin din sa kaniya. Tumango naman siya. “Magandang araw po ulit, Mayor.” “Good day! I’m Gawen. Nice to meet you.” Anito at inilahad ang kamay sa dalaga. Kaagad naman iyong tinanggap ni Alison. “Bakit dito kayo nag-uusap sa labas? Ayain mo na siya sa loob, Gelaena. Roon na kayo mag-usap.” Saad sa kaniya ni Gawen. “Um, h-hindi na po, Yorme,” sabi niya. “Hindi naman po siya magtatagal, e!” binalingan niya ulit ng tingin si Alison at lihim itong pinaliitan ng mga mata. Ngumiti naman ang huli. “Opo, Mayor. Kailangan ko na rin pong umalis. Dumaan lang po ako rito para mangamusta kay Ate Gelaena.” “Is that so?” “Sige na, Alison. Umalis ka na. Sasabihin ko na lang kay Tiya Hulya na dumaan ka rito.” “Sige po, Ate Gelaena. Mag-iingat ka lagi, huh!” anito at kaagad na yumakap sa kaniya. Naramdaman pa niya ang marahan na paghaplos ng palad nito sa likod niya. “Mag-iingat ka rin, Alison.” “Bye, ate. Bye po, Mayor.” Anito nang bumitaw na ito sa kaniya. Tipid na ngumiti naman si Gawen at tinanguan ang dalaga bago ito tumalikod at naglakad na papalayo. Saglit niyang sinundan ng tingin ang dalaga bago siya nagbaling ng tingin kay Gawen. Nakatingin na rin ito sa kaniya... nakangiti. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “B-bakit?” tanong niya. Pero sa halip na sagutin nito ang kaniyang tanong, sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, at pabalik. “Mas bagay sa ’yo ang ganiyang suot mo,” sabi nito. Nangunot ulit ang noo niya at napatingin na rin siya sa kaniyang sarili. Huh? Ano namang bagay sa ayos niya ngayon? E, nakasuot lang naman siya ng white cotton short at pink na t-shirt. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot pa siya ng tsinelas. Katatapos niya lang kasi maligo ulit dahil nababanasan siya kanina. Hindi pa siya nakakapagpalit ng uniform niya. “Nakapangbahay lang ako, Yorme—” “I told you.” Putol nito bigla sa kaniyang pagsasalita. “Gawen,” sabi niya. “Nakasuot lang ako ng pambahay.” Ngumiti ulit sa kaniya ang binata. “Mas bagay sa ’yo ang ganiyan kaysa nakasuot ka ng uniform.” Kunwari ay inismiran niya ito. Bigla kasi siyang kinilig. Oh, pinuri lang siya ng kaunti kinilig naman agad siya! “By the way, can we talk tonight?” mayamaya ay saad nito sa kaniya. “Bakit?” Bumuga ito ng hangin. “Nothing. I... I just want to talk you.” Ngumiti itong ulit sa kaniya. “At saan naman tayo mag-uusap mamaya?” “In the library?!” “Okay,” sagot niya at tipid na ngumiti. Hindi naman na nagsalita si Gawen at tinitigan na lamang siya. Ayaw pa man niya sanang maputol ang moment nilang iyon, pero siya na ang kusang nag-iwas ng tingin dito nang mailang na siya sa klase ng paninitig nito sa kaniya. Naiilang pa rin kasi talaga siya sa mga mata nito, isama pa na nakangiti ito ngayon sa kaniya. Hindi niya tuloy mahulaan kung ano ang iniisip nito ngayon! “Halika na nga. Pumasok na tayo.” Aniya at kaagad na nagpatiuna. Sumunod naman sa kaniya si Gawen. “Where is Emzara?” “Natutulog pa,” sagot niya. “How was your day?” Saglit niyang binalingan ng tingin ang binata at muling ngumiti. “Ayos lang din,” sagot niya ulit. Pagkapasok nila sa sala, nakita naman niyang naroon si Señor Salvador at Doña Cattleya, seryosong nag-uusap. “Gawen hijo, mabuti at nandito ka na! Come to my office. I need to talk to you.” “Yes, pa!” Sinulyapan siya ni Gawen bago ito tumalikod sa kaniya at sumunod sa ama nito. Habang si Doña Cattleya naman ay seryosong sumulyap sa kaniya bago ito tumalikod at sumunod din sa dalawa. “MAY PROBLEMA BA?” tanong ni Gawen sa kaniyang magulang nang makapasok na sila sa library. Umupo ang kaniyang ina sa sofa, habang sa single couch naman pumuwesto ang kaniyang ama. Siya naman ay naglakad palapit sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa. “Kinausap ako ni Governor kanina,” sabi ng kaniyang papa. Bahagyang nangunot ang kaniyang noo habang seryoso siyang nakatingin dito. “About what?” “About you and Ella.” “Me and Ella? Why?” tanong niya ulit kahit pa parang may ideya na siya sa maaaring sasabihin ulit sa kaniya ng kaniyang ama. “Ang sabi ni Governor sa papa mo, ifu-full support ka niya sa darating na eleksyon. Pero... gusto raw niya na ipagkasundo kayong dalawa ni Ella.” Ang kaniyang mama ang nagsalita. Napahugot siya nang malalim na paghinga at saglit na inipon iyon sa kaniyang dibdib. Nang sumandal siya sa upuan, ’tsaka niya iyon pinakawalan sa ere. Sinasabi niya na nga ba, e! Bago pa man siya makapag-desisyon na tatakbo siya ulit sa susunod na eleksyon ay naisip na niya iyon. “Anak, bakit hindi ka na lang pumayag?” tanong pa ng doña. “Ma, alam n’yo naman po na ito ang pinakaayaw ko pagdating sa ganitong usapin, hindi ba?” aniya. “I told your mama about that so many times already, hijo. Pero itong mama mo lamang ang namimilit sa akin.” Anang Señor Salvador. “Para nga kasi masuportahan ni Governor Alcantara ang buong kampanya ng anak mo sa susunod na eleksyon, Salvador.” Giit pang muli ng doña. “Ma, I know your point. Pero hindi ko kailangan ng buong suporta ni Governor Alcantara para sa pagtakbo ko bilang Governor sa susunod na eleksyon. I mean, nagdesisyon ako na tatakbo ako sa eleksyon, may suporta man galing sa kaniya o wala. Manalo man o matalo, okay lang. Pero hindi ako tatanggap ng suporta mula sa kaniya kung kapalit n’on ay ipagkakasundo ninyo ako kay Ella. You know I don’t like her—” “At sino naman ang gusto mo? Si Gelaena?” tanong nito kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. “Mama—” “The way you looked at her, I know Gawen.” Seryosong saad pa nito. “Pero, ano naman ang maitutulong sa ’yo ni Gelaena oras na tumakbo ka na bilang gobernador ng Bulacan?” tanong nito. “Nothing, hijo. Pero kung si Ella—” Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at sinulyapan ang kaniyang ama. Tila gusto niyang ipagtanggol siya ng kaniyang ama mula sa kaniyang ina. Alam niya kasing oras na hindi pa sila magkasunod ngayon, magtatampo ito sa kaniya. Kilala niya ang kaniyang mama. “Cattleya...” anang Señor Salvador. “Ang anak mo na mismo ang nagsabi na ayos lamang sa kaniya kung mananalo man siya o matatalo sa susunod na eleksyon. Kaya hindi na natin kailangan na ipagkasundo ang mga bata para lamang sa bagay na ito. Huwag mo ng ipilit ang gusto mo kung ayaw naman ng anak mo.” Humugot din nang malalim na paghinga ang doña at pinakawalan iyon sa ere. Umirap pa ito sa asawa. “Palibhasa’y gusto mo si Gelaena para kay Gawen,” sabi nito. “Hindi ko naman itinatanggi iyon, honey! Pero... alam naman ni Gawen na hindi ko siya pipilitin na gustohin si Gelaena kung ayaw niya talaga. But can’t you see, hon? Our son likes her very much.” Tipid siyang ngumiti sa kaniyang ama nang tapunan siya nito ng tingin. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa mga sinabi nito sa kaniyang ama. “Sana ma, huwag mo na po akong pilitin na ipagkasundo kay Ella. I’ll admit it... I like Gelaena. Siya lang po ang nag-iisang gusto ko. Wala ng iba.” “Narinig mo ba ’yon, Cattleya?” tanong pa ng señor sa asawa nito. Hindi naman sumagot ang Doña Cattleya, sa halip ay inirapan lamang nito ang asawa. Mula sa pagkakaupo sa swivel chair, tumayo si Gawen. “Maiiwan ko na po kayo. May kailangan pa akong tapusing trabaho,” sabi niya ’tsaka siya naglakad na palabas sa library na iyon at kaagad siyang pumanhik sa kaniyang silid. “AMIGA!” TAWAG sa kaniya ni Arlene nang pumasok ito sa kusina. Nasa lababo siya at hinuhugasan niya ang tasang ginamit niya sa pagtimpla ng kape kanina. “Bakit, bes?” “Pinapaakyat ka pala ni Yorme mo. May kailangan ata sa ’yo.” Anito. “Sige. Wait lang,” aniya. “Dalian mo. Baka bibigyan ka ng pasalubong na kiss.” Nanunudyo pa ang malapad na ngiti nito sa mga labi. Inirapan niya ito. Hindi na siya nagsalita pa at naglakad na palabas ng kusina matapos niyang ibalik sa lalagyan ang tasa. Kaagad siyang pumanhik sa hagdan. At nang nasa tapat na siya ng silid ni Gawen ay saglit siyang kumatok sa pinto. Hindi naman siya nakakuha ng tugon mula sa binata. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon pabukas. Saglit siyang sumilip sa loob, pero hindi niya naman nakita roon si Gawen. “Yorme?” tawag niya rito at dahan-dahan na pumasok. “May kailangan ka ba sa akin?” “Gelaena?” nadinig niya ang boses nito mula sa loob ng banyo. Ah, marahil ay naliligo ito! Naririnig niya kasi ang lagaslas ng tubig. “Ako nga!” “Just wait for me. I’m still in the shower.” “Okay!” aniya at isinarado na ang pinto at naglakad siya palapit sa sofa. Roon siya pumuwesto. Saglit niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong silid ng binata. At nang dumako ang kaniyang paningin sa may working table nito, bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang mula sa basurahang nasa gilid niyon ay may napansin siyang mga tangkay ng bulaklak. Saglit siyang napatitig doon pagkuwa’y wala sa sariling tumayo sa kaniyang inuupuan at naglakad siya palapit doon. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata at napamaang ang kaniyang bibig. Yumuko siya at kinuha niya roon ang kawawang bulaklak na ilang araw na niyang hinahanap. Lanta na ang mga dahon niyon maging ang pulang bulaklak ay nangingitim na. Nakita niya rin ang box ng chocolate na nasa ilalim niyon. Napasinghap siya at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita at nalaman. Oh, my gulay! All these time... hinahanap niya ang bulaklak at tsokolate na ibinigay sa kaniya ni Goran no’ng nakaraan, pero nandito lang pala sa basurahan ni Gawen? Napangiti siya ng mapakla at napailing. “What... what are you doing?” Narinig niya ang boses ni Gawen mula sa kaniyang likuran. Kalalabas lamang nito sa banyo. Bumuntong-hininga siya saglit bago siya pumihit paharap dito. Mabuti na lamang pala at hindi ito nakatapis ng tuwalya. Nakasuot na ito ng puting t-shirt at stripes na pajama. “Ang akala ko... ang Mayor na kagaya mo ay hindi marunong magsinungaling!” aniya habang hawak-hawak niya ang lantang bulaklak at ang tsokolate. Kitang-kita naman niya ang paglunok ni Gawen ng laway nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa mga hawak niya. Bakas sa mukha nito ang labis na kaba dahil sa nalaman niya. “Akala ko ba... hindi mo ito nakita sa kusina no’ng nakaraan?” tanong niya rito. Tumikhim ito at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kaniya. “At akala ko, may allergy ka sa bulaklak? Pero bakit nasa basurahan mo itong mga ibinigay sa akin ni Goran no’ng nakaraan?” tanong pa niyang muli. “You... you don’t need it.” Anito. “Huh?” Tumingin ito ulit sa kaniya. Seryoso ang mukha at nagpakawala nang malalim na paghinga. Naglakad ito palapit sa kaniya at kinuha sa kamay niya ang mga iyon at muling ibinalik sa basurahan. “Okay fine,” sabi nito. “Kinuha ko ’yan sa kusina nang makita kong nasa kitchen counter ’yan. I felt jealous that time kaya kinuha ko ’yan at itinapon dito.” Hindi na niya napigilan ang mapangiti nang malapad dahil sa mga sinabi nito. “Talaga?” tanong niya. Magkasalubong ang mga kilay na humarap sa kaniya si Gawen. “Wasn’t it obvious that day that I was too jealous, Gelaena?” sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. Oo nga! Biglang nagalit nang araw na iyon si Gawen. Pero wala siyang ideya no’n na nagseselos pala ito kay Goran! Ano’ng malay niya? Nagkibit siya ng kaniyang mga balikat. “Well, hindi ko naisip na nagseselos ka nga dahil hindi ko naman alam na may gusto ka na rin pala sa akin,” sabi niya. Humakbang si Gawen palapit sa kaniya. Nang nasa harapan niya na ito, bahagya niyang nalanghap ang mabango nitong shampoo at sabon na ginamit sa pagpaligo nito. Saglit siyang pumikit upang lasapin ang bangong iyon. Mayamaya, nang magmulat siya, tumingala siya rito at nakipagtitigan dito. “Ngayon na nagtapat na ako sa ’yo na gusto kita, at gusto mo rin ako. Wala na dapat maging dahilan para tumanggap ka pa ng bulaklak at chocolate mula kay Goran. Do you understand me, Gelaena?” Lumapad ulit ang ngiti sa mga labi niya. “E, paano kung... magpumilit ulit ang kapatid mo? Siyempre, mangungulit siya nang mangungulit sa akin dahil hindi niya naman alam na may something na sa ating dalawa.” Bigla namang napabuga nang malalim na paghinga si Gawen at nagtiim-bagang. “I’m sure, kilala mo naman ang kapatid mo. Makulit ’yon.” “Ako na ang bahala sa kaniya.” “Ano naman ang gagawin mo kay Goran?” “Mmm! Hindi ko na muna siya papupuntahin dito sa mansion.” “Ano?” natawa siya. “Just don’t ask, Gelaena. I’m getting jealous again every time you mention his name.” Napahagikhik na siya. Oh, ganito pala magselos ang isang Mayor Gawen Ildefonso! Mayamaya, nagulat siya nang bigla nitong kabigin ang kaniyang baywang. Dinala siya nito sa katawan nito. At hayon na naman ang kaniyang puso... awtomatik na kumabog nang husto! Hindi niya magawang alisin ang pagkakatitig sa mga mata nito. At tila may sarili atang isip ang mga kamay niya at kusa iyong umangat at humawak sa matitigas na mga braso nito. Matamang nakatitig sa kaniya si Gawen, at minsan ay napapatitig din sa kaniyang mga labi. “Gelaena?” mahinang sambit nito sa kaniyang pangalan. Bahagay niyang nahigit ang kaniyang paghinga nang tumama sa mukha at ilong niya ang mabango at mainit nitong paghinga. Gusto niya sanang sagutin ito, pero parang naumid ata bigla ang kaniyang dila at hindi niya nagawang magsalita. Nanatili lamang siyang nakatitig sa gwapo nitong mukha. “Can I kiss you again, Gelaena?” mayamaya ay tanong nito sa kaniya. Dahan-dahan namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Mayamaya, umangat ang isang kamay ni Gawen papunta sa pisngi niya at masuyong humaplos ang likod niyon sa balat niya. “Iyon... iyon ba ang dahilan kaya pinapunta mo ako rito?” tanong niya. Ngumiti na rin ito sa kaniya at masuyong tumango. “During the few hours I worked at City Hall earlier, my mind was filled with nothing but you and... these lips of yours.” Anito at pinasayad pa ang hinlalaki nito sa ibabang labi niya. Damn. Parang gusto na nga rin niyang tumingkayad para siya na ang humalik ng kusa rito ngayon din, pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. “I want to taste these lips again, Gelaena.” “Ang akala ko, ako lang ang maaadik sa halik mo. Ikaw rin pala.” Napahagikhik siyang muli. Natawa na rin si Gawen at mas lalo siya nitong hinapit sa kaniyang baywang at pagkuwa’y gumapang papunta sa kaniyang batok ang palad nito. Dahan-dahan din itong yumuko at inilapit ang mukha sa kaniya. Upang ihanda ang sarili sa paglalapat ng kanilang mga labi, pumikit siya. At ilang sandali lang ay muli niyang naramdaman ang mainit at malambot nitong mga labi. Oh, jusko! Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso nito nang gumalaw ng bahagya ang mga labi nito. Hindi na rin siya nangiming tugunin ang mga halik nito. Ngayon... sigurado na siya sa tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan niya nitong mga nakaraang gabi. Hindi na lamang simpleng pagtingin o pagkagusto ang nararamdaman niya para kay Gawen. Mahal na niya ito kahit sa maikling panahon pa lamang na pagkakakilala nilang dalawa. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto ba na naglapat ang kanilang mga labi. Basta marahan siyang bumitaw sa halik nito nang bahagya na siyang nahihirapan na huminga. Matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi nilang dalawa nang muling magtama ang kanilang mga mata. Mayamaya ay ipinagdikit ni Gawen ang kanilang mga noo. “Je t’aime, Gelaena.” Anito at masuyong humaplos ang isang palad sa likod niya. “Huh?” tanong niya nang hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Magsasalita na sana si Gawen nang bigla namang bumukas ang pinto ng silid nito kaya napabitaw sila sa isa’t isa. Nang tumingin sila ni Gawen doon, ang nakangiting mukha ni Emzara ang kanilang nakita. Humagikhik pa ang bata at nagtakip ng bibig. “Sorry for disturbing you,” sabi nito. Napabuga siya nang malalim na paghinga upang tanggalin ang kaba na biglang bumayo sa dibdib niya. Ang akala niya ay kung sino lang ang biglang pumasok at nakahuli sa ginagawa nila ni Gawen. Mabuti at si Emzara lang pala! Nakangiting naglakad si Gawen palapit sa bata. “What do you want, sweetie?” tanong nito. “Well, Daddy Mayor... is it okay if I take Gelaena into the kitchen first? I want to have a snack.” “Oh, sure!” buntong-hininga na saad ni Gawen at sinulyapan siya. Nakangiting naglakad naman siya palapit kay Emzara. “Let’s go.” Aniya at kinuha ang kamay nito. Sinulyapan din niya si Gawen bago sila lumabas ni Emzara sa silid nito. Kinindatan siya nito na ikinakilig nang husto ng kaniyang puso. “We’ll talk later, L’amour de ma vie.” Anito. “Yeah.” Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD