CHAPTER 13

3405 Words
“YORME, isang gulat na lang po talaga ninyo sa akin... aatakihin na ako sa puso!” nakaismid na saad niya nang makaahon siya sa tubig. Ang kaniyang puso ay malakas pa rin ang kabog dahil sa pagkabigla niya sa pagdating nito kanina. Seryosong tingin lang naman ang ibinigay sa kaniya ni Gawen ay pagkuwa’y namaywang. “What are you still doing here?” tanong nito. “Matutulog po, Yorme!” sagot niya. “Kaya po ako narito sa swimming pool at nakasuot ng bikini, kasi patulog na po ako.” Umismid pa siya. “Manners, Gelaena!” tiim-bagang na saad naman sa kaniya ni Gawen. Bumuntong-hininga siya at lumangoy palapit sa gilid ng pool. Kumapit siya roon upang hindi na siya mahirapang kumawag-kawag at nang hindi siya lumubog sa tubig. “E, kayo naman po kasi, Yorme! Obvious na nga po ang sagot sa tanong ninyo, nagtatanong pa rin po kayo! Siyempre po ay maliligo ako kaya narito ako sa swimming pool area.” Napailing na lamang si Gawen kasabay nang pagbuntong-hininga rin nito at pagkatapos ay kaagad na tumalikod at iniwan siyang mag-isa roon. Sinundan niya pa ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa kabahayan. “May pagka-engot din pala itong si Yorme! Magtatanong pa. Tsk! Nako, buti na lang at gwapo ka.” Napangiti siyang bigla dahil sa huling sinabi niya. Mayamaya ay mabilis siyang lumangoy papunta sa gitna ng pool at sumisid siya. Ilang beses niyang ginawa iyon bago siya nagpasyang umahon at bumalik na sa kwarto nila ng kaniyang Tiya Hulya para magbanlaw at pumanhik sa silid ni Emzara. Kahit papaano ay naging presko na rin ang pakiramdam niya. “NATUTUWA talaga ako kay Señorita Emzara. Simula nang ikaw ang naging yaya niya, naging active na siya rito sa school namin,” nakangiting sabi ng teacher ni Emzara habang kaagapay ito ni Gelaena na naglalakad sa hallway. Katatapos lamang ng klase ng bata kaya ngayon ay papunta na sila sa labas para umuwi. Hawak niya sa kamay si Emzara habang hila-hila niya ang malaki nitong bag. “Natutuwa rin naman po ako na ganito na siya ngayon,” sabi niya. “Mabuti na lang talaga at ikaw ang naging yaya niya, Miss Gelaena. Kasi... hindi kagaya sa mga yaya niya dati, nako, lagi lamang niyang inaaway.” “I just don’t like them, Teacher Anne.” Singit na saad ni Emzara. Tiningnan naman niya ang bata na nasa tabi niya. “And you like Miss Gelaena?” tanong ulit ng babae. “Who wouldn’t like her? I mean, she’s beautiful and nice.” Mas lalo siyang napangiti dahil sa naging sagot nito sa teacher. Mayamaya ay nagkatinginan sila ng babae. “She really likes you, Miss Gelaena.” Ngiti na lamang ang naging tugon niya rito at tuloy-tuloy na ang kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa dulo ng pasilyo. “Magba-bye ka na sa teacher mo.” Saad niya kay Emzara. “Bye po, Teacher Anne!” “Bye Emzara.” Anito. “And by the way, Miss Gelaena, please pakisabi mo kay Mayor na um-attend siya sa family day next week, huh!” “Sige po Teacher Anne, sasabihin ko kay Yorme mamaya.” “Salamat.” “Mauuna na kami.” Kaagad niyang iginiya si Emzara hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan naghihintay sa kanila ang kanilang sundo. Pagkarating naman nila sa mansion, kaagad na nakita niya sa sala ang mag-asawang Señor Salvador at Doña Cattleya habang may kausap na isang babae na maganda, sexy, maputi at mukhang supistikada. Nang makita nga ng babae si Emzara ay kaagad na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi nito. “Oh, narito na pala ang apo namin.” Anang Doña Cattleya. Kaagad namang lumapit si Emzara sa mag-asawa. Nagmano ito sa dalawang matanda at hinalikan naman ito sa pisngi ng mag-asawa. “Hi, Emzara! How was your school?” nakangiting tanong ni Ella sa bata. Pero hindi naman ito sinagot ni Emzara. Sa halip ay tiningnan lamang ito ng bata ng seryoso. “By the way, Ella... she is Gelaena. She’s the new nanny of Emzara.” Mayamaya ay saad ni Doña Cattleya. “And Gelaena, hija... this is Ella Alcantara. Anak siya ng Governor dito sa Bulacan.” Ngumiti naman si Gelaena sa babae. Pero taliwas sa inaasahan niya, tinaasan siya ng kilay ng babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng puting uniform na ibinigay sa kaniya ni Arlene no’ng unang araw niya sa mansion. “So, you’re the new nanny?” tanong nito sa kaniya. “Magandang araw ho sa inyo, ma’am.” Bati niya rito at pinilit pa niyang ngumiti kahit ang totoo’y bigla siyang nakadama ng inis dahil sa klase ng paninitig nito sa kaniya. Ngayon pa lamang... alam niyang suplada ito at may disgusto agad sa kaniya. Sa dami na ng taong nakasalamuha niya, alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng mga titig ng tao sa paligid. “Ikaw pala ang sinasabi sa akin ni Gawen,” sabi pa nito. “I’m sorry hija kung hindi na nagpahanap sa ’yo si Gawen ng bagong magiging yaya ng apo namin. Isinama kasi rito si Gelaena ng kaniyang Tiya Hulya kaya siya na ang kinuha ni Gawen na maging yaya ni Emzara. At mabuti na lamang at nagustohan agad siya ng batang ito.” Anang Señor Salvador. Ngumiti naman ulit ang babae nang muli nitong tapunan ng tingin ang mag-asawang nakaupo sa mahabang sofa. “It’s okay po Tito Salvador. I understand po. And... to be honest, I’m happy that Emzara finally found her match. I mean, we know naman po that she’s so pihikan when it comes to her yaya.” Lihim siyang napaismid dahil sa klase ng pananalita ng babae. Hmp! Ang arte naman. “That’s true, hija!” pagsang-ayon naman ng doña. “Mabuti na lang talaga at dumating itong si Gelaena. Dahil kung hindi... I’m sure, hanggang ngayon ay problemado pa rin si Gawen sa paghahanap ng yaya para sa anak niya.” Sa gitna ng pag-uusap na iyon na dumating si Gawen. Napalingon sila sa main door nang pumasok ito roon kasama ang PA na si Migo. Lihim siyang napangiti nang makita niya ang mukha ng binata. Oh, ewan ba niya... simula nang umagang magkita sila sa labas ng silid nito at silid ni Emzara; isang linggo na ang nakalilipas, simula nang maramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso nang umagang iyon, hindi na iyon nawala sa tuwing nasisilayan niya ang gwapong mukha ni Gawen. Pagkakagising niya sa umaga, tila pakiramdam niya ay lagi siyang excited na makita ito at marinig ulit ang boses, kahit pa sabahing lagi siya nitong sinusungitan dahil sa pambabara niya sa sagot nito nang gabing magpang-abot sila sa swimming pool. “Hi, Gawen!” Napalingon siya sa babae nang marinig niya ulit ang maarteng boses nito. Lihim siyang napaismid nang makita niya ang nakakairitang ngiti nito. Arte-arte! Hindi naman maganda. Sa isip-isip niya at muli siyang nag-iwas ng tingin dito. “What are you doing here, Ella?” tanong ni Gawen sa dalaga. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at tumayo sa puwesto nito. Nang tuluyang makalapit si Gawen ay kaagad na humalik ang babae sa magkabilang pisngi ng binata na siyang nagpaismid ulit sa kaniya ng lihim. “Binisita ko lang sina Tita Cattleya at Tito Salvador,” sabi nito. “And of course... I want to see you.” Dagdag pa nito. “Nagkikita pa lang tayo last week nang puntahan mo ako sa City Hall.” Seryosong saad nito. “Last week pa naman ’yon, Gawen. Of course gusto ulit kita makita ngayon.” Last week pa naman ’yon, Gawen. Of course gusto ulit kita makita ngayon. Sa isip-isip niya at ginaya pa niya ang pananalita nito. Hmp! Ang arte talaga! “Hindi mo pa rin kasi ako tinatawagan, e! I’m still waiting for your answer.” “Bakit, may lakad ba kayong dalawa?” singit na tanong ni Señor Salvador. Tumingin si Gawen sa ama nito. “Um, well Tito Salvador... matagal ko na po kasing inaaya si Gawen na magkape kami. But he’s always busy po kaya hindi po kami matuloy-tuloy na lumabas.” Si Ella ang sumagot. “Puwede naman siguro kayong lumabas ngayon? Are you not busy hijo?” tanong naman ni Doña Cattleya. “Maaga ka namang umuwi. Hindi ka na ba babalik sa City Hall?” “Babalik pa po ako sa City Hall, ma,” sabi nito sa ina. “May pinuntahan kasi akong importante at dumaan na ako rito. Pero pabalik na rin ako sa opisina.” “It’s okay, Gawen. I always understand you naman, e! Same naman kayo ni dad ng work kaya I understand.” Anang Ella. “E ’di next time n’yo na lang ituloy,” sabi pa ng doña. Ngumiti naman nang malawak si Ella. “Thank you po, Tita Cattleya.” “Don’t worry hija, Ella. I’m sure maglalaan din ng oras at araw si Gawen para makasama ka.” Malambing pang saad nito sa babae. “I’m still hoping and waiting po, tita!” “How was your school, sweetheart?” tanong ni Gawen kay Emzara nang balingan nito ng tingin ang bata. Ayaw na kasi nitong pag-usapan pa ng mama nito at ni Ella ang bagay na iyon. “Fine, Daddy Mayor.” Anito. “Good.” “We have family day next week po,” sabi nito. “Will you come?” “Of course apo,” si Doña Cattleya ang mabilis na sumagot at tinapunan ng tingin ang anak. “I know may meeting ka next week. Pero baka puwede mong i-postponed muna ’yon anak para maka-attend ka sa family day ng apo ko?” Banayad na bumuntong-hininga naman si Gawen at binalingan siya ng tingin. “What day is their family day, Gelaena?” tanong nito. “Monday raw po, Yorme,” sagot niya. Tumango naman ito. “I’ll check my schedule mama para ilipat sa ibang araw ang meeting ko.” “And I can go with you,” singit na saad naman ni Ella. Nakangiting ipinagpalipat-lipat pa nito ang tingin kay Gawen at kay Emzara. “I mean, wala namang maisasamang mommy si Emzara... so I can go with you and be her mom—” “I don’t like you.” Mabilis na saad ng bata dahilan upang maputol ang sasabihin ni Ella. Unti-unting naglaho ang ngiti nito. “But—” “Pero walang may maisasama ang Daddy mo kun’di si Ella, apo ko.” Anang Doña Cattleya. “Hayaan mo na ang bata kung ayaw niyang si Ella ang sumama sa kanila ng tatay niya, Cattleya.” Pagtutol na saad din ng Señor Salvador. “I don’t like her,” sabi pa ni Emzara at itinuro si Ella. “I only like Gelaena.” Anito at kaagad na lumapit sa kaniya ang bata at humawak sa kamay niya. Napatingin siya kay Gawen, pati na rin kay Ella na biglang tumalim ang titig sa kaniya. Lihim siyang napangiti. “Oh, yeah! Si Gelaena lang ang puwedeng maisama ni Gawen dahil siya lang naman ang gusto ng apo natin.” Muling saad ng señor. Ngumiti pa ito nang malapad habang nakatingin sa anak at kay Gelaena. Muling bumuntong-hininga nang malalim si Gawen at tiningnan si Emzara. Mayamaya ay bahagya itong yumuko at hinaplos ang buhok at pisngi ng bata. “We’ll talk about it later, okay?” Tumango naman ang bata. “Alright po.” “Go on. Go upstairs. Gelaena.” “Opo, Yorme. Halika na Emzara.” Aya niya sa bata at iginiya niya agad ito upang pumanhik sa hagdan. “NAKO BES, SIMULA pa man ay hindi ko na talaga gusto ang Ella na ’yan,” sabi ni Arlene habang nasa garden sila. Nagdidilig ng mga halaman si Arlene gamit ang hose habang siya naman ay nang-iisturbo lang sa dalaga dahil wala naman siyang ginagawa at natutulog ang alaga niya. “Maarte ba talaga ’yon?” tanong niya. “Sobra, bes!” sagot nito at umismid pa. “Sa lahat ng nakilala kong maarte, siya ang president.” “Ayoko sa kaniya.” Umismid siya. “Dapat lang, bes.” Anang Arlene. “Alam mo bang matagal na ’yang panay ang habol kay Yorme mo? Halatang desperada siyang makuha si Mayor. Pero mabuti na lang at mukhang hindi siya tipo ni Yorme mo kaya hindi siya pinapatulan.” Napangiti siya dahil sa sinabing iyon ni Arlene. Kung totoo ngang hindi ito type ni Gawen, ibig sabihin ay wala siyang dapat na ikainis sa babae kahit pa panay ang pilit nito kay Gawen! Oh, tinamaan na talaga ang puso ko kay Yorme! “Kaya kung ako sa ’yo amiga... landiin mo na si Yorme mo. Baka maunahan ka pa ni Ella. Nako, mahirap na kapag napikot pa ’yon. Gusto pa naman ni Doña Cattleya ang Ella na ’yon para kay Mayor. Tapos si Governor na tatay ni Ella, gusto rin si Mayor para sa anak. E, uso pa naman ang fix marriage ngayong panahon, amiga.” “Ano’ng panlalandi naman ba ang gagawin ko Arlene e, alam mo namang puro kasungitan ang ipinapakita sa akin ni Yorme dahil sa kapalpakan ko.” Nakasimangot na saad niya. “Haynako! Huwag kang mag-alala bes. Tutulungan kita. Ako pa ba? E, president nga ako sa love team ninyo. Team GaGe... ay hindi. Panget naman ng naisip ko.” Napaismid siya. “Haynako, Arlene!” nausal na lamang niya at bumuntong-hininga. Minsan talaga parang ewan ang babaeng ito! “Ano pala ang magandang pangalan sa love team ninyo bes?” tanong pa nito sa kaniya. “Ewan ko sa ’yo!” aniya at tinalikuran ito. “GaNa kaya?” “Wala kang gana kausap, Arlene. Kausapin mo na lang ’yang mga halaman mo, baka sagutin ka pa ng mga ’yan.” Aniya at nagtuloy-tuloy na siya ng lakad hanggang sa makapasok siya ulit sa kabahayan. NANG MAKARINIG siya nang katok mula sa labas ng silid ni Emzara, kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan iyon. “Bes!” Si Arlene ang bumungad sa kaniya. Kaagad din itong pumasok sa loob at isinarado ang pinto. Kunot ang noo na tiningnan niya ito. “Bakit?” “May alam na ako kung ano ang puwede mong gawin para magustohan ka rin ni Yorme mo.” Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Kaagad namang hinawakan ni Arlene ang kaniyang braso at hinila siya papunta sa sofa. Magkatabi silang umupo roon. “Ito bes ang sagot sa tanong mo sa akin kanina.” Anito at ibinigay sa kaniya ang maliit na bote. “Ano ’to?” nagtatakang tanong niya. “Nagpunta kami ni Nanay Hulya sa palengke at namili ng sariwang karne at isda. E, nakita ko ’yan sa ale na naglalako kaya binili ko ’yan,” sabi nito. “Ang sabi ng ale, gayuma raw ’yan.” Biglang nawala ang pangungunot ng kaniyang noo at napatingin ng seryoso kay Arlene. “Gayuma?” tanong niya. “Arlene, bakit ka naman bumili nito? E, wala naman akong plano na gayumahin si Yorme. Jusko naman! Sa ’yo na ’yan.” Ibinalik niya rito ang bote na hawak niya. “Bes, ikaw na nga itong tinutulungan ko para magustohan ka rin ni Mayor, tapos choosy ka pa!” “Hindi ako choosy, Arlene,” aniya. “Ayokong gamitin ’yan. Oo gusto ko si Yorme, pero hindi rin naman ako desperada na makuha siya. E ’di mas malala pa pala ako kaysa kay Ella kapag ginamitan ko ng gayuma si Yorme.” Nanahimik si Arlene. “Oo nga ’no,” wika nito. “Pero okay na ’yon bes. Try mo lang naman kung effective ba talaga ’to.” “Ayoko! Isuli mo na lang ’yan sa aleng binilhan mo.” “Ito naman napaka-kj mo, amiga.” Tumayo siya sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa kama ni Emzara. Doon siya umupo sa gilid niyon habang mahimbing pa ring natutulog ang bata. “Binili ko pa ito ng sengkwenta pesos tapos hindi mo manlang ma-appreciate ang effort ko.” Nakasimangot na saad nito. “I appreciate your effort, Arlene. And I thank you for that. Pero ayoko! Hindi ko gagawin ’yan.” Bumuntong-hininga ito at umismid sa kaniya. “Ikaw na nga itong tinutulungan para maging legal na ang team GaGe ko...” Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo at napailing. “ARLENE!” tawag ni Gawen sa dalaga nang pumasok ito sa kusina. “Yes po, Mayor?” “Make me a cup of coffee, please!” “Sige po, Mayor.” “Pakihatid na lang lanai. Thank you!” “Sige po.” Anito at kaagad na tumalima upang ipagtimpla ng kape ang binata. Pero mayamaya ay natigilan ito at lumingon sa may pinto nang kusina. Nang makitang wala na roon si Gawen, nagmamadali itong lumabas doon at pinuntahan si Gelaena sa silid nito. “Gelaena!” “Nanggugulat ka naman diyan, Arlene.” Aniya nang mapalingon siya bigla sa bumukas na pinto ng silid nila ng kaniyang Tiya Hulya. Ngumiti ito sa kaniya, “sorry,” sabi nito. “Busy ka?” tanong pa nito. “Hindi. Bakit?” “Puwede bang makisuyo?” “Alin?” “E, si Yorme mo kasi... nagpapatimpla ng kape. Puwede bang ikaw na ang gumawa kasi may ginagawa rin ako sa kusina.” “Bakit ako? E, ayaw niya ng timpla ko dahil biniro ko siya no’ng nakaraan na hindi—” “Sige na. Hindi niya naman malalaman na ikaw ang nagtimpla kasi wala naman siya sa kusina. Sasabihin ko na lang na ako ang gumawa.” Bumuntong-hininga siya. “Okay sige.” Napipilitang saad niya ’tsaka niya iniwan ang paglilinis sa kama niya. Magkaagapay sila ni Arlene na lumabas ng silid nila at naglakad papunta sa kusina. Kaagad nga siyang nagtimpla ng isang tasa ng kape. Nang matapos... “Ako pa ba ang maghahatid sa kaniya?” tanong niya. Ngumiti ito at lumapit sa kaniya. “Hindi ako na, bes.” Anito at kinuha sa kamay niya ang platito na pinaglalagyan ng tasa. “Thank you, bes. Ang bait-bait mo talaga.” Sinimangutan niya ito. “Wait lang at ihahatid ko lang kay Yorme ang kape niya.” Anito at kaagad na lumabas. Bago nito marating ang lanai kung saan naghihintay si Gawen, mabilis na inilabas ni Arlene ang maliit na bote na pinaglalayan ng gayuma. Nakangiti pa ito nang malapad at inilapag sa gilid ng kinalalagyan ng flower vase ang tasa at pinatakan ng kaunti ang kape. “Ay teka... mas madami, mas effective.” Saad pa nito at nilagyan pa ulit. “Humanda ka Gelaena! Tingnan lang natin kung hindi ma-in love sa ’yo ang Yorme mo.” Napahagikhik pa ito at tinungo na ang lanai. “Heto na po ang kape ninyo, Mayor!” “Thank you, Arlene.” “Welcome po, Mayor.” Anito. “Wala na po ba kayong ipag-uutos?” Dinampot ni Gawen ang tasa at saglit iyong hinipan ’tsaka sumimsim. “Mmm! It taste good.” Ngumiti nang mas malapad si Arlene. “Masarap po talaga akong magtimpla ng kape, Mayor.” Ngumiti na rin si Gawen. “Thank you again, Arlene.” “Sige po, Mayor.” Anito at nagmamadali na ring bumalik sa kusina. MULA SA PAGKAKAUPO sa tapat ng working table, napaupo nang tuwid si Gawen nang muling kumulo ang kaniyang tiyan. Kanina pa niya iyon nararamdaman at nakailang balik na rin siya sa banyo para maglabas ng sama ng loob. Hindi niya maalala kung ano ang huli niyang nakain upang sumama ang kaniyang tiyan! Basta ang naaalala lamang niya ay nagkape lamang siya kaninang hapon bago siya umakyat sa silid niya. Hindi niya tuloy matapos-tapos ang trabahong kaniyang ginagawa. “Damn it!” malutong na pagmumura niya at mabilis na napatayo sa puwesto niya at patakbong nagtungo ulit sa banyo. Ilang minuto na siyang nakaupo sa bowl at pinagpapawisan na ng malamig. Pagkatapos niyang gumamit ng banyo, nanghihinang lumabas siya roon at dumiretso palabas ng kaniyang silid. Bigla namang nangunot ang noo ni Gelaena nang saktong pagkalabas nito sa silid ni Emzara ay nakita nito si Gawen na palabas din ng silid nito. Pinagpapawisan at namumutla. “I... I need to go... to the hospital.” Anito at biglang natumba. “Mayor!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD