ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gawen sa ere habang nagpaparoo’t parito ito ng lakad sa loob ng banyo. May sampong minuto na ata simula nang pumasok doon ang binata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mapakali at makapag-isip nang maayos habang si Gelaena ay naghihintay sa labas ng banyo.
“Ugh, Gawen! Ano na ang gagawin mo ngayon? Magpapalakad-lakad ka na lang ba rito sa loob ng banyo? Ang lakas ng loob mong ayain si Gelaena na matulog sa tabi mo ngayong gabi pero kinakabahan ka naman!” panenermon nito sa sarili pagkuwa’y ginulo ang buhok at muling bumuga nang malalim na paghinga. “Relax, Gawen, relax!” muling saad pa nito sa sarili. “Wala ka naman ibang gagawin kun’di ang humiga sa tabi ng girlfriend mo, yayakapin mo siya at pagkatapos ay... matutulog na! Remember, you told her you’re a conservative person, kaya panindigan mo ’yon.”
“Tangi, hindi ka pa ba tapos diyan?”
Biglang napalingon si Gawen sa may pinto nang makarinig ito ng katok mula sa labas ng banyo at narinig nito ang boses ni Gelaena.
“Matagal ka pa ba? Gagamit sana ako ng banyo. Pero kung hindi ka pa tapos, lalabas na lang muna ako at—”
Nahinto sa pagsasalita si Gelaena nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at bumungad sa kaniya si Gawen. Nangunot pa ang kaniyang noo nang makita niya ang hitsura nito. Mukhang stress na stress ito at magulo pa ang buhok na lagi namang maayos ang pagkakapinid.
“A-ayos ka lang ba, Tangi?” tanong niya rito.
Sunod-sunod namang tumango si Gawen at pilit na ngumiti sa kaniya. “Um, I’m sorry. Medyo... matagal talaga ako gumamit ng banyo,” sabi nito at lumabas na rin. “Go on. Gumamit ka na.” Saad pa nito.
“Sorry. Naiihi na kasi ako, e!” aniya ’tsaka siya pumasok at kaagad na isinarado ang pinto at nagmamadaling umupo sa inodoro.
Ilang minuto lang ay lumabas na rin siya sa banyo. Nakita niya naman si Gawen na nakatayo pa sa gilid ng working table nito habang minamasahe ang leeg.
“Masakit ba ang leeg mo, Tangi?” tanong niya habang naglalakad na palapit sa kama nito.
Ito ang unang beses na matutulog siyang may katabing lalaki sa higaan. Kinakabahan man siya, pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Si Gawen naman kasi ang katabi niya at mahal naman niya ito at may tiwala siya ritong wala itong ibang gagawin sa kaniya kaya ayos lang!
“Marunong akong mag-massage, Tangi. Halika at mamasahiin ko ang leeg mo.” Aniya nang makaupo na siya sa gilid ng kama.
Tumikhim naman si Gawen. Parang may napapansin siya ngayon sa nobyo niya. Tila ba nababalisa ito ngayon at hindi niya maintindihan ang ekspresyon ng mukha nito. Mukha talaga itong stress at hindi malaman kung ano ang gagawin ngayon.
Hindi kaya... nahihiya o kinakabahan din ito na magkakatabi silang matulog ngayon?
“No, L’amour!” anito. “I’m fine.”
“Sa nakikita kong hitsura mo ngayon, Tangi... sigurado akong hindi ka okay,” sabi niya. “Kinakabahan ka ba?” tanong niya rin.
Pilit na ngumiti ulit sa kaniya si Gawen at napakamot sa gilid ng kilay nito at pagkuwa’y namaywang. “Well...” anito. “Ito kasi ang unang beses na matutulog ako na may katabing babae sa kama. Parang... I don’t know.”
Napangiti na siya dahil sa nakikita niyang hitsura ng kaniyang nobyo. Patagilid siyang humiga at tinapik ang kama sa tabi niya. “Halika na, Tangi,” aniya. “First time ko rin namang matutulog ngayon na may katabing lalaki sa kama. Pareho lang tayo. Halika na at ano’ng oras na. Maaga pa tayong gigising bukas.”
Saglit na ipinagpalipat-lipat ni Gawen ang paningin nito sa kaniya at sa kama. Tila nagdadalawang-isip pa ata ito kung lalapit ba sa kaniya o tatayo na lamang doon ng magdamag at pagmamasdan siya.
“Ano... gusto mo sa kwarto na ni Emzara ako matutulog—”
“No, L’amour.” Anito kaya naputol ang kaniyang pagsasalita at akmang pagbangon. Kaagad din itong humakbang palapit sa kama at umupo sa gilid niyon. “I... I promise, Gelaena, I won’t do anything tonight.”
Muli siyang napangiti. “I trust you, kaya humiga ka na at inaantok na ako,” sabi niya.
Kahit halata sa mukha ni Gawen ang pag-aalinlangang humiga sa tabi niya, wala na rin itong nagawa kun’di ang humiga na nga. Ipinatong pa nito sa dibdib ang magkasalikop na mga palad habang straight na nakahiga at nakatitig sa kisame.
Tinitigan niya ang binata. “Gawen!” aniya at umupo siya.
Lumingon naman ito sa kaniya. “W-what?”
“Ganiyan ka ba matulog?” tanong niya habang tinitigan ang posisyon nito.
Hay nako! Ano ba naman itong nobyo niya! Dinaig pa siya. Parang ito ang babae sa kanilang dalawa at ilang na ilang na magkatabi sila ngayon. Ito ang nag-aya sa kaniya na tabi silang matutulog ngayon, pero parang hindi naman nito kayang panindigan.
“I... I...” hindi pa nito magawang tapusin ang pagsasalita.
Bumuntong-hininga siya nang malalim at inismiran ito. “Kung naiilang kang magkatabi tayo rito sa kama mo, e ’di sa kwarto na nga ako ni Emzara matutulog,” sabi niya ’tsaka akmang bababa na sana sa kama, pero mabilis naman siyang nahawakan ni Gawen sa kaniyang kamay nang bumangon ito.
“I’m sorry, Gelaena,” sabi nito.
“Panay ang sorry mo riyan e, wala ka namang ginagawang mali, Gawen.” Masungit na saad niya. “Sa kwarto na ako ni Emzara matutulog. Maghahating gabi na pero hindi pa tayo natutulog.”
Bumuntong-hininga rin ito nang malalim at pagkuwa’y hinila siya palapit dito. “Okay. Nag-aalala lang ako na... b-baka... okay let’s sleep, L’amour.” Anito at humiga na. Iniunat pa nito sa ibabaw ng kaniyang una ang isang braso at tinapik iyon. “Come here, Gelaena.” Anito.
Kunwari ay umismid siyang muli pero hindi na niya napigilan ang mapangiti at humiga na nga sa tabi nito. Umunan siya sa braso nito at kaagad na iniyakap ang isang kamay niya sa katawan nito.
“Nag-iinarte ka pa, e!” nakangiting saad niya.
“Hindi sa nag-iinarte, L’amour. Nirerespeto lang kita,” wika nito.
Napangiti siyang muli dahil sa mga sinabi nito. “E ano ang tawag mo rito? Ikaw ang mag-aaya sa akin na rito ako matulog tapos hindi ka pa makahiga sa tabi ko nang maayos.” Pabirong saad niya.
Muli itong bumuntong-hininga at niyakap na rin siya nang bahagya itong tumagilid paharap sa kaniya. Hinalikan pa nito ang kaniyang noo. Mula sa pagkakaunan sa braso nito’y nagsumiksik siya sa leeg nito.
“Nakadama lang ako ng pag-aalinlangan,” sabi pa nito.
“Sabagay. Parehong first time natin ito.”
“Yeah,” sabi nito. “By the way, L’amour de ma vei, hindi ba’t nabanggit mo sa akin dati na may boyfriend ka na?” mayamaya ay pag-iiba nito sa kanilang usapan.
Nakangiting tumingala siya rito. “Joke lang ’yon, Tangi,” aniya.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Gawen nang tumingin din ito sa kaniya. “Joke?”
Tumango siya. “Sinabi ko lang ’yon na may boyfriend na ako para hindi na mangulit sa akin si Migo. At nang magkausap tayo nang araw na ’yon at sinabi mo sa akin na bawal sa mga empleyado mo ang makipagrelasyon sa katrabaho, sinabi ko lang din sa ’yo na may boyfriend na ako dahil naiinis ako sa ’yo. Pero ’yong totoo... wala pa akong nagiging boyfriend.” Pagtatapat niya rito.
“Really?” ngumiti itong bigla. “Wala... wala ka pang nagiging boyfriend kahit isa?”
“Um, wala pa.”
“Wow! So that means, first time natin ang isa’t isa?”
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at muling nagsumiksik sa leeg nito. “First time natin ang isa’t isa, Gawen,” sagot niya.
Naramdaman niya ang muling paghalik ni Gawen sa ulo niya pagkuwa’y humigpit pa ang pagkakayakap sa kaniya. “I love you, Gelaena.”
Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at ngumiti nang matamis. Pagkatapos ay muli siyang tumingala rito. “At mahal din kita, Gawen.” Aniya at hinalikan niya ito sa pisngi. “Matulog na tayo, Tangi.”
“Good night, Gelaena.”
“Good night, Tangi.”
KINABUKASAN, pagkamulat pa lamang ng mga mata ni Gelaena, ang unang bumungad sa paningin niya ay ang mukha ni Gawen na sobrang lapit sa mukha niya at payapang natutulog. Kahit kagigising lamang ay biglang sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi niya.
Oh, what a good morning?!
Pagkamulat pa lamang niya ay ang guwapong mukha agad ng kaniyang nobyo ang masisilayan niya? Ganito pala ang pakiramdam! Biglang tumalon sa tuwa ang kaniyang puso.
Mayamaya ay sinilip niya ang isang braso nitong mahigpit pa rin na nakapulupot sa kaniyang baywang; ganoon din naman ang isang kamay niya; nakayakap pa rin iyon sa binata.
Muli niyang pinakatitigan ang mukha ni Gawen. Holy lordy! Hindi talaga siya magsasawang titigan ang guwapo nitong mukha. Hindi nakakasawa! Kahit siguro buong araw ay ang gawin niya ay pakatitigan ito, hinding-hindi siya mapapagod at magsasawa!
Mula sa makakapal na mga kilay nito ay sinuyod niya ulit ng tingin ang buong mukha nito. Pababa sa nakapikit nitong mga mata pero mahahaba ang pilik-mata. Ang tangos ng ilong nito. Ang mga labi ay mamula-mula. Halatang hindi pa iyon nakatikim ng sigarilyo. Maayos din ang porma ng panga nito na mas lalong nagpa-guwapo sa mukha nito.
“Ang perfect mo naman, mahal ko,” bulong na sabi niya habang may ngiti pa rin sa kaniyang mga labi.
Mayamaya, dahan-dahan niyang inilapit lalo ang kaniyang mukha sa mukha nito. Pumikit siya at masuyong ikiniskis niya ang tungkil ng kaniyang ilong sa ilong nito. Ilang segundo lang ay bahagya ulit siyang lumayo rito, pero nagulat naman siya nang makita niyang gising na pala ang binata at nakangiting nakatitig sa kaniya.
“Good morning, L’amour!” bati nito sa kaniya.
Oh, napaka-sexy ng morning voice nito!
Pero bago sumagot dito ay tinanggal niya sa baywang nito ang kaniyang braso at tinakpan niya ang kaniyang bibig. “G-good morning din, Tangi.” Ganting bati niya rito.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ni Gawen. “What are you doing, L’amour? M-mabaho ba ang hininga ko?” tanong nito.
“Hindi,” sabi niya at umiling. “’Yong hininga ko ang baka mabaho kasi kagigising lang nagin,” wika niya pa.
Tumawa naman si Gawen at tinanggal nito ang kaniyang kamay. “No it’s not, L’amour.” Anito
Mabilis naman siyang kumilos at bahagyang lumingon sa kaniyang likuran at inamoy ang kaniyang hininga. “Ah, hindi naman pala, Tangi,” nakangiting saad niya nang muli siyang humarap sa binata. Sumilay ang mas malapad na ngiti sa mga labi niya. “Good morning din!” bati niya ulit dito.
“How was your sleep, Gelaena?” tanong nito.
“Masarap,” sagot niya. “Masarap ang tulog ko kasi ikaw ang katabi ko.” Aniya. “E ikaw? Baka hindi ka nakatulog nang maayos? Baka malikot akong matulog o hindi kaya ay humihilik ako?”
“No you’re not, L’amour,” sabi nito. “Just like you... masarap din ang tulog ko kasi ikaw ang katabi ko buong magdamag.”
“Ah, mabuti naman! Ang akala ko ay malikot akong matulog.”
Umangat ang isang kamay ni Gawen at inayos ang kaniyang buhok sa likod ng tainga niya. “So, where is my good morning kiss, by the way?” mayamaya ay saad nito sa kaniya.
“Okay sige. Halik na.” Aniya at inilapit dito ang kaniyang pisngi.
“Sa pisngi lang, L’amour?” seryosong tanong nito.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napatingin ulit dito. “At saan mo gustong humalik, sa kamay ko?”
“Hindi ba puwedeng sa lips?” tanong nito.
“Nako, kaya siguro gusto mo akong matulog dito sa kwarto mo kasi gusto mong makahalik agad pagkagising mo ano?” nakangiting tanong niya rito.
Tumawa naman si Gawen at mas lalo siyang hinapit palapit dito at pagkuwa’y walang paalam na kinabig din ang kaniyang batok at siniil ng halik ang kaniyang mga labi. Wala naman siyang nagawa kun’di ang mapapikit at mapahawak sa dibdib nito at buong pusong tinugon ang halik nito sa kaniya.
Ilang segundong naghinang ang kanilang mga labi bago siya pinakawalan ni Gawen. Malapad na ang ngiti nito.
“Yes, this is the reason I want you to sleep here next to me.” Anito.
“Nako, para-paraan ka talaga, Yorme!”
“Walang may nagturo sa akin niyan,” sabi pa nito na para bang nagmamalaki sa kaniya.
Magsasalita na sana siya upang sagutin ang sinabi nito, pero nakarinig naman sila ni Gawen ng mahinang hagikhik mula sa may paanan ng kama. Kunot ang noo na napatingin silang dalawa roon. At... nakita nilang naroon na pala si Emzara at nakatakip sa bibig nito ang isang kamay habang humahagikhik at nakatingin sa kanilang dalawa.
“Ezmara?” gulat na saad niya.
“How did you get in here?” takang tanong naman ni Gawen.
“Oo nga. Paano ka nakapasok dito?” takang tanong niya rin.
Sa pagkakaalam niya, hindi naman bumukas ang pinto kanina, a!
“Good morning, love birds!” sa halip ay bati nito sa kanilang dalawa.
Napamaang siya at saglit na napalingon kay Gawen. “Love birds?” aniya. “At saan mo naman natutunan ang salitang ’yan, señorita?” tanong niya at kumilos siya sa kaniyang puwesto. Umupo siya, habang si Gawen naman ay bahagyang sumandal sa headboard ng kama.
Kaagad namang sumampa sa kama si Emzara at umupo sa harapan niya. Nakangiti pa rin ito nang malapad. “Ate Arlene,” sagot nito.
“Nako naman talaga ang babaeng ’yon!” ang tanging nasambit niya.
“Good morning, sweetie!” bati ni Gawen sa bata at saglit na dumukwang dito upang halikan ito sa pisngi pagkatapos ay muling sumandal.
“Good morning too, Daddy Mayor!” anito. “Get up so we can eat breakfast. I’ve been hungry for a while.”
“What time is it?” kunot ang noo na tanong ni Gawen.
Lumingon naman siya sa bedside table upang tingnan ang maliit na orasang naroon. At ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita niyang alas otso na pala ng umaga. Napasinghap siya!
“Tangi, alas otso na!” bulalas niya nang lingunin niya rin si Gawen.
“What?” gulat na tanong nito at napaupo ulit nang tuwid. “Oh, crap!” usal nito. “I’m late. I have meeting this morning.” Anito at kaagad na bumangon. “I’m sorry sweetie, L’amour. I need to take a bath.” Pagkasabi niyon ni Gawen ay kaagad itong pumasok sa banyo.
Napabuntong-hininga na lamang siya at tinapunan ng tingin si Emzara na nagtatakang nakatingin sa pinto ng banyo.
“So Daddy Mayor won’t join us to eat breakfast?” tanong nito.
Hinawakan niya ang isang kamay nito samantalang ang isang kamay naman niya ay umangat at hinawakan niya ang baba nito. Ngumiti siya. “Male-late na kasi sa trabaho ang Daddy Mayor mo,” sabi niya. “How about... tomorrow morning?” tanong niya pa.
Saglit na nag-isip ang bata pagkuwa’y ngumiti na rin at tumango. “Okay. It’s just you and me, Gelaena.” Anito. “Come on. Let’s go down to the kitchen.”
“Alright.” Aniya ’tsaka bumangon na siya. Magkahawak kamay sila ni Emzara na lumabas sa kwarto ni Gawen nang matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili.
Pababa na sila sa hagdan nang makita naman niya si Goran na nasa sala. Nakaupo ito sa sofa habang nakatulala sa kawalan. Saglit niyang tinitigan ang binata na parang ang lalim ata ng iniisip sa mga sandaling iyon.
“Come on, Gelaena!”
Napatingin siya kay Emzara nang marinig niya ulit ang boses nito. Nagpatuloy sila sa pagbaba sa hagdan hanggang sa makarating sila sa sala. Tumikhim naman siya.
“G-good morning, Goran!” bati niya sa binata.
Napakurap naman ito at napatingin sa kaniya. Ngumiti siya rito. Pero taliwas sa inaasahan niya... hindi nagbago ang seryosong mukha nito nang tumitig sa kaniya. Hindi kagaya sa mga nakaraang pagkikita nila ay lagi itong ngumingiti sa kaniya nang malapad.
Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi niya.
Bumuntong-hininga si Goran pagkuwa’y tumayo sa puwesto nito at walang imik na naglakad palabas.
Napasunod ang kaniyang tingin dito hanggang sa makalabas na ito nang tuluyan sa main door.
Oh, nasaktan ata niya ang damdamin nito nang malaman nitong boyfriend niya na si Gawen! Hindi naman siguro ito magiging seryoso ang tingin at pakikitungo sa kaniya ngayon kung hindi ito galit sa kaniya!
Muli siyang napabuntong-hininga at mapait na napangiti.