CHAPTER 32

3303 Words
“PASENSYA na po Mayor! Ayoko po sanang umalis sa trabaho ko sa inyo bilang driver... pero wala po kasing mag-aasikaso sa misis ko at manganganak na siya sa susunod na linggo.” Anang driver ni Gawen. Banayad na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gawen sa ere at tumango. “Ayos lang ’yon Mang Fuldo. Naiintindihan kita. Pero kung sakaling babalik ka sa trabaho mo, magpunta ka lang dito sa bahay at welcome ka pa rin namang bumalik at magtrabaho ulit bilang driver ko.” Ngumiti naman ang lalaki. Lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ni Gawen. “Maraming salamat po, Mayor!” “Heto pala ang sahod mo ng isang buwan,” sabi ng binata at iniabot sa lalaki ang puting sobre. “Nako, napakalaki naman po ito para sa isang buwang sahod ko, Mayor.” Anang lalaki nang buksan nito ang sobre at makita nito ang makapal na perang naroon. Ngumiti naman si Gawen. “Naging mabuti ka namang empleyado sa akin Mang Fuldo. At isa pa, kakailanganin mo ’yan para sa panganganak ng asawa mo.” “Maraming salamat po talaga, Mayor. Napakabait n’yo po talaga.” Anito. “Huwag po kayong mag-alala... babalik po ako rito sa inyo para magtrabaho ulit.” “Aasahan ko ’yan, Mang Fuldo.” “Paano po Mayor, mauuna na rin po ako.” “Mag-iingat ka.” Anito at tinapik pa sa balikat ang lalaki bago ito tuluyang umalis sa kaniyang harapan. Si Gelaena naman ay kalalabas lamang sa kusina habang bitbit niya ang kape na iniutos sa kaniya ni Gawen kanina. Nang lumingon sa kaniyang direksyon ang nobyo, seryoso pa rin ang kaniyang mukha at hindi manlang siya nag-abalang ngitian ito. Ugh! Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikipagbati rito. Pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi sa garden, akala ata ni Gawen na madadaan siya nito sa pagpapa-cute at paghalik-halik sa kaniya. Well, sorry na lamang itong nobyo niya... hindi naman siya ganoon karupok para bumigay agad sa isang halik lang! “Hi, L’amour!” nakangiting bati ulit sa kaniya ni Gawen nang makalapit na siya rito. “Heto na ang kape mo,” sabi niya at inilapag iyon sa center table. “Thank you!” Hindi siya sumagot at sa halip ay tumalikod na siya at akma na sanang aalis, pero kaagad siyang hinawakan ni Gawen sa kaniyang braso kaya napalingon siyang muli rito. “Gelaena, wait!” “May kailangan ka pa ba?” masungit na tanong niya. Bigla namang bumuntong-hininga nang malalim si Gawen at binitawan ang kaniyang braso. “Are you still mad at me? I mean, naiinis ka pa rin ba sa akin?” “Hindi ba halata?” sa halip ay patuyang balik na tanong niya rito. “Oh, come on, Gelaena! I lost count of how many times I’ve apologized to you. Can you still not forgive me?” Sinimangutan niya ito. “Pag-iisipan ko pa,” sabi niya at akmang tatalikod ulit, pero pinigilan siya ulit ng binata. “Gelaena—” “Gawen, busy ako! Kailangan kong balikan ang anak mo sa kwarto niya para tulungang mag-aral.” Aniya. Wala namang nagawa si Gawen kun’di ang pakawalan ang braso niya at laglag ang mga balikat na tumango na lamang sa kaniya. Kung kanina ay malapad ang ngiti nito sa mga labi at maliwanag ang mukha, ngayon naman ay nakikita niya ang lungkot nito dahil sa pagsusungit niya rito ngayon at sa pagbalewala sa hinihingi nitong sorry sa kaniya! “Okay,” sabi na lamang nito. Hindi na niya ito pinansin at kaagad siyang tumalikod at pumanhik sa hagdan. “Are you two fighting?” tanong ni Doña Cattleya nang makasalubong niya ito sa itaas ng hagdan. “Um, h-hindi po, Doña Cattleya.” Aniya at saglit na huminto sa kaniyang paglalakad nang nasa harapan niya na ang doña. “Are you sure, hija? I mean, look at Gawen...” anito na tinapunan pa ng tingin ang anak na ngayon ay palabas na ng main door. “May... may hindi lang po pagkakaintindihan, Doña Cattleya.” Saad niya. “Bakit, may ginawa bang hindi maganda si Gawen?” tanong nitong muli. Hindi naman agad siya sumagot. Sasabihin niya ba rito na nagseselos lang siya dahil kay Ella kaya may hindi sila pagkakaintindihan ngayon ng anak nito? Ugh, baka mamaya, sabihin sa kaniya ni Doña Cattleya na parang iyon lang ay nagkakaganoon na siya! Nakakahiya naman dito. Tipid na lamang siyang ngumiti sa doña. “Wala naman po, Doña Cattleya,” sa huli ay sabi niya. “Nagkatampohan lang po kami ni Gawen. Pero... hindi naman po kami nag-aaway.” “Hay nako ang mga batang ito!” buntong-hiningang saad nito. “Nagkatampohan man kayo o maliit lang na away ang nangyari, dapat ay nag-uusap kayo para maging maayos kayo agad. Huwag n’yo ng palipasin ng ilang oras pa bago kayo magkabati.” Muli siyang ngumiti sa doña. “Salamat po,” sabi na lamang niya. “Siya sige hija... puntahan mo na ang alaga mo. Kailangan ko na ring umalis.” Tumango na lamang siya ’tsaka muling ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa silid ni Emzara. “PA, CAN I ASK YOU SOMETHING!” anang Gawen sa ama habang pareho silang nasa gazebo. Magkaharap silang nakaupo sa single couch. Ang kaniyang ama ay may hawak na news paper habang siya naman ay hawak-hawak ang tasa ng kape na ipinatimpla niya sa kaniyang nobya kanina. Saglit na sumulyap sa kaniya ang ama. “What is it?” tanong niya. Bumuga naman siya nang malalim na paghinga at inilapag sa center table ang tasa na hawak niya at tiningnan din ang ama. “Dati po, kapag nagtatampo o nagseselos si mama... ano ang ginagawa mo para magkabati kayo?” tanong niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng Señor Salvador at pagkuwa’y itiniklop nito ang news paper. “Why are you asking? Nag-away ba kayo ni Gelaena?” balik na tanong nito. “No we’re not, papa,” sabi niya na napailing pa. “I mean... nagkatampohan lang kami.” Ngumiti ang señor. “Oh, hindi talaga mawawala sa relasyon ang mga tampuhang iyan, hijo,” wika nito at dinampot na rin nito ang tasa ng kape at saglit na humigop doon at pagkatapos ay muling ibinaba sa center table. “Normal sa magkarelasyon ang magkaroon ng tampuhan o away. Kami noon ng mama mo... kapag nagkakatampuhan kami o nagagalit siya sa akin kapag may nagagawa akong mali o kahit pa siya naman ang may nagawang mali... ako na ang gumagawa ng paraang para suyuin siya. Hindi na ako nagmamatigas dahil ayoko na nagagalit siya sa akin.” “Ano po ang ginagawa mo para suyuin si mama?” tanong niya ulit. “Well, I buy her a bouquet of her favorite flower. Binibigyan ko siya ng chocolate. At pagkatapos, kapag medyo lumambot na siya... inaaya ko na siyang mag-dinner kami sa labas. I always say sorry to her kahit siya pa ang may kasalanan,” sabi nito na bahagya pang tumawa at naalog ang mga balikat. “Ganoon kasi minsan ang mga babae, hijo. Hindi naman lahat. Pero karamihan sa kanila, sila ang boss sa relasyon ninyo. Kahit wala tayong kasalanan, pero sa side nila, tayo pa rin ang may kasalanan. Kaya tayo ang kailangang manuyo sa kanila hanggang sa mawala ang tampo o topak nila.” Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng ama. Oh, hindi niya alam na ganoon pala ang mga babae! Masiyado palang bossy ang mga ito. No wonder kung bakit ganoon na lamang ang pagsusungit sa kaniya ni Gelaena simula kahapon hanggang kanina. “Teka pala,” mayamaya ay sabi sa kaniya ng kaniyang ama. “Ikaw ba ay nanligaw muna kay Gelaena bago mo siya naging girlfriend?” tanong nito. Muli siyang napabuga ng hangin at tipid na ngumiti sa ama. Oo nga! Iyon ang sinabi sa kaniya ni Gelaena no’ng nakaraan. Gusto raw nito na ligawan niya ito. Plano naman talaga niya na manligaw pa rin sa dalaga kahit in a relationship na sila. Pero dahil naging abala siya sa kaniyang trabaho, nawaglit sa kaniyang isipan ang tungkol doon. “Hindi pa po, papa,” sagot niya. “Aba naman ang batang ito,” wika ng señor. “I know Gelaena is your first girlfriend. Pero hindi iyon dahilan para hindi mo manlang ligawan ang nobya mo.” “Well, I... I don’t know how, papa. Wala akong ideya kung paano ako manliligaw sa kaniya.” Bumuntong-hininga ang señor at napailing pa. “Ang batang ito, oo. Why you didn’t ask me?” anito. “Noong panahon namin, hindi mo basta-bastang magiging nobya ang babaeng napupusuna mo. Kailangan mo munang umakyat ng ligaw sa mga magulang ng babaeng gusto mo. Lahat ay gagawin mo bago mo siya makuha. Kaya nga napaka-swerte ng mga lalaki sa panahon ngayon. Isang text o chat lang, mag-nobyo at mag-nobya na. Kung saan-saan na lang nagkikita at kung anu-ano agad ang ginagawa kahit bagong magkarelasyon pa lamang,” sabi nito at muling napailing. Napabuntong-hininga na rin siya at napakamot sa gilid ng kaniyang kilay. “Naging busy lang po ako sa trabaho ko,” sabi niya. “It’s not an excuse, Gawen.” Anito. “But don’t worry. I’ll help you.” Dagdag pa nito. “Ano ang gagawin natin, pa?” “Basta. Teka lang at may tatawagan ako,” sabi pa nito at dinukot ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon nito. “HINDI PA RIN kayo okay ni labidabs mo?” tanong sa kaniya ni Arlene habang nasa garden sila at tinitulungan niya itong magdilig ng mga halaman. “Bahala siya sa buhay niya!” sa halip ay saad niya. “Aba, aba! Mukhang may nagpapa-hard to get pa lang jowa rito.” Anang Arlene na napahagikhik pa. Sumimangot siya nang lingunin niya ito. “Hindi ako nagpapa-hard to get, Arlene,” sabi niya. “Naiinis pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.” “Kahit hinalikan ka na kagabi waepek pa rin?” tanong nito. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay at muling nilingon ang kaibigan. Ano ang ibig nitong sabihin? Nakita ba nito ang nangyari sa kanila ni Gawen kagabi? “Nakita ko kayo kagabi rito sa labas. Hmp! Nako amiga, kung ako lang ang may jowa na kasing gwapo ni Mayor, kahit hindi pa siya humihingi ng sorry sa akin basta may isang halik ako galing sa kaniya... pinapatawad na kita irog ko, iyon agad ang sasabihin ko sa kaniya.” Muli siyang napasimangot dahil sa mga sinabi nito. “Hay nako, Arlene!” aniya. “Palibahasa’y hindi ka pa nakakaranas ng magselos kaya nasasabi mo ang mga ’yan. Tingnan lang natin kapag nagkaroon ka na rin ng boyfriend at lantarang nilalandi ng ibang babae. Baka hindi ka makapagpigil at sabunutan mo agad.” “Kung sabagay, may point ka naman, amiga,” wika at pagsang-ayon agad nito sa mga sinabi niya. “Pero... siyempre, magpapahalik pa rin ako para kahit papaano lumubag naman ang kalooban ko.” Humagikhik pa ito. Hay! Kakaiba talaga kung tumakbo ang utak ng kaibigan niya. Mas daig pa siya sa karupukan! “Sayang lang at hindi nagkaroon ng love story sa pagitan namin ni Mylabs Migo. Pero okay lang din... maghihintay pa rin ako sa—” “Arlene, pakitawag mo nga si Mayor! Sabihin mo narito na ang bagong driver niya.” Anang guard na hindi nila napansin at lumapit pala sa kanila. “Kuya Nado naman, kita mo na ngang may ginagawa ang—hi!” anito nang pagkaharap nito sa guard ay nakita nito ang lalaking kasama nito. Biglang nawala ang nakasimangot na mukha ni Arlene at napalitan ng malapad na ngiti ang mga labi nito. “Ano’ng pangalan mo pogi?” tanong agad nito sa lalaki. “Um, Anilito po, ma’am!” pagpapakilala ng lalaki na nakangiti at inilahad pa ang kamay sa dalaga. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Arlene at wala sa sariling binitawan ang hose na patuloy pa rin sa pag-agos ang tubig at tinanggap ang kamay ng lalaki. “Huwag mo na akong tawaging ma’am, hindi naman ako ang boss dito. Arlene na lang,” wika pa nito. Nagkatinginan naman sina Gelaena at ang guard dahil sa biglang nangyari kay Arlene. Mayamaya ay yumuko siya at dinampot ang hose. Pinatay niya iyon at pagkuwa’y nilapitan ang kaibigan. “Hoy amiga, baka naman matunaw ang bagong driver ni Mayor dahil sa paninitig mo,” bulong na sabi niya. Lumingon naman sa kaniya si Arlene. “Huwag mo na akong pakialaman, Gelaena! Hayaan mo na ako. Mukhang ito na ata ang ka-poreber ko,” sagot nito. “Halika Anilito, sasamahan na kita kay Mayor.” Anang Arlene nang muli nitong balingan ng tingin ang lalaki at hindi na pinakawalan ang kamay at sa halip ay hinila na ito upang igiya papasok sa mansion. Kahit nagtataka man ang lalaki ay nagpatianod na lamang din ito sa dalaga. “Talaga itong si Arlene, basta makakita lang ng gwapo nahihipnotismo agad,” napapakamot na lamang sa ulo na sabi ng guard at naglakad na pabalik sa puwesto nito. Natawa na lamang siya at siya na ang nagtuloy sa pagdidilig ng mga halaman na trabaho naman talaga ni Arlene tuwing umaga at hapon. NAPAYAKAP SI GELAENA sa kaniyang sarili nang muling tumama sa kaniya ang malamig na pang-gabing simoy ng hangin. Kahit may balabal na nakapatong sa mga balikat niya, hindi niya pa din maiwasang hindi makadama ng lamig. Nasa swimming pool area siya at nakaupo sa lounge chair habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan na parang mga dyamanting isinaboy sa kalawakan. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Gawen kaninang umaga nang utusan siya nitong magtimpla ng kape, hindi niya na ito nakausap at nakita pa hanggang sa gumabi na lamang. Ang pagkakaalam niya ay naroon ito kanina sa library at marami daw ginagawang trabaho. Naiintindihan niya naman ito. Pero... nagtatampo na naman siya at hindi manlang nito nagawang magpadala sa kaniya kahit isang text message manlang! O baka naman hindi na ito nangulit pa sa kaniya kasi hindi niya naman ito kinakausap nang maayos simula pa kahapon? Parang nagi-guilty tuloy siya ngayon. At isa pa, nami-miss niya na rin ito! Magkasama nga sila sa iisang bahay, pero hindi naman sila nagkita at nagkausap nang maayos. “Ah, Gelaena! Kasalanan mo naman kasi, e!” paninisi niya sa kaniyang sarili. “Ilang beses na nga siyang humingi ng sorry sa ’yo pero hindi mo pa pinagbigyan. Nagpabebe ka pa nang husto. Tapos ngayon, magda-drama ka pa rito na nami-miss mo na siya.” Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim. “What are you still doing here?” Gulat na napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Gawen mula roon. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya at naglalakad na palapit sa puwesto niya. “G-gawen?” “I was looking for you,” sabi nito. Nang tuluyang makalapit sa kaniya si Gawen, umupo ito sa isang lounge chair na nasa tabi ng inuupuan niya. Kumilos siya paharap dito. “B-bakit?” tanong niya. Hindi niya na ito sinungitan kagaya sa ginawa niya kanina. Sa totoo lang ay gusto niya na ring makipagbati rito! Parang hindi naman kasi siya makakatulog mamaya kung hindi sila okay ngayon ng nobyo niya. Bumuntong-hininga si Gawen. “I missed you,” sabi nito. Mabilis siyang nagbaba ng kaniyang mukha upang itago rito ang kaniyang ngiti. Pero, mukhang nakita rin naman iyon ng kaniyang nobyo. “Okay ka na ba? Hindi ka na ba naiinis sa akin? I mean, puwede na ba akong humingi ulit ng sorry sa girlfriend ko?” Nang mag-angat siya ng kaniyang mukha upang muling tingnan ito, hindi na niya pinigilan ang kaniyang sarili na ngumiti pang lalo rito. “I’m sorry din,” sabi niya. Roon lamang din ngumiti si Gawen at kaagad na kinuha ang isang kamay niya. “I’m sorry again, Gelaena.” Anito. “Ang akala ko kasi... ayos lang lumapit ako kay Ella at hayaan siyang humawak sa akin. But... don’t worry, L’amour. Now I know na magseselos ka kapag ginawa ’yon sa akin ni Ella. So, hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ’yon. At para hindi ka na magselos ulit o para hindi ko na masaktan ulit ang damdamin mo... iiwasan ko na siya at hahanap na lang ako ng ibang hahawak para sa campaign ko.” “Huh? H-huwag,” gulat na sabi niya. Bahagya namang nangunot ang noo ni Gawen. “What do you mean, L’amour?” “Ibig kong sabihin... thank you kasi ayaw mo ng magselos ako ulit dahil kay Ella. Pero, huwag ka ng maghanap ng ibang hahawak para sa campaign mo. I mean, alam kong may tiwala ka kay Ella pagdating sa bagay na ito kaya siya ang kinuha mo. So, okay na ’yon. Sorry din kung... kung naging oa ako.” Ngiwing ngumiti pa siya rito. “No you’re not, L’amour.” Anang Gawen at lumipat sa tabi niya. Hinawi nito ang hibla ng kaniyang buhok na nahulog sa tapat ng kaniyang mukha at inipit iyon sa likod ng kaniyang tainga. Ngumiti itong muli sa kaniya. “Papa told me earlier na normal lang daw sa magkarelasyon ang nagtatampohan o nagseselos dahil sa partner nila. So I understand you, Gelaena. I’m sorry again kung hinayaan kong magselos ka dahil kay Ella.” Napangiti siyang muli at kumilos siya sa kaniyang puwesto. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. “So, bati na tayo!” Ipinulupot naman ni Gawen ang isang braso nito sa kaniyang baywang at hinalikan ang kaniyang noo. “I love you!” “I love you rin, Tangi.” Nakangiting saad niya at ipinikit ang kaniyang mga mata. “It’s cold out here, L’amour de ma vie. Let’s go inside.” “Sige. Kanina pa rin ako nilalamig, e!” aniya. Nang tumayo si Gawen, inalalayan siya nitong makatayo na rin at muling ipinulupot ang isang braso sa baywang niya. Magkaagapay silang naglakad papasok sa mansion hanggang sa makapanhik sila sa ikalawang palapag. “Good night, Tangi.” Aniya nang nasa tapat na sila ng silid ni Emzara. Bumuntong-hininga naman si Gawen at hindi pa rin siya pinapakawalan. “Bitaw na, Tangi. Papasok na ako sa loob.” Napakamot naman sa ulo nito ang binata at ngumiti sa kaniya. “Can you sleep in my room tonight?” tanong nito. Saglit na nangunot ang kaniyang noo, pagkuwa’y bigla ring nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. “Ano ang sinabi mo?” gulat na tanong niya. “G-gusto mong matulog ako sa tabi mo?” Tumango naman ito. “If it’s okay with you? I mean, I want to sleep beside you.” Oh, my God! Bakit? B-baka naman... hindi kaya may binabalak ang lalaking ito? “Gawen, may—” “I mean, don’t get me wrong. I just want to sleep beside you, L’amour.” Anito. Ah, matutulog lang naman pala, Gelaena. “Pero... baka magising si Emzara mamaya at hanapin ako.” “Don’t worry, L’amour. Kinausap ko na kanina si Emzara. Nagpaalam ako sa kaniya kung okay na sa tabi ko ikaw matutulog ngayong gabi. And she said yes.” Natawa siya ng mahina. “At talagang nagpaalam ka na pala sa alaga ko?” Muling napakamot sa batok nito si Gawen. “So... is it a yes?” “Mmm,” sabi niya at bumuntong-hininga. “Basta matutulog lang!” “I promise.” Anito at itinaas pa ang isang kamay upang mangako sa kaniya. Napangiti siya ulit. “Okay.” “Yes!” anang Gawen na lumapad bigla ang ngiti sa mga labi. “Let’s go to my room, L’amour.” Excited pang saad nito at kaagad siyang iginiya papunta sa silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD