CHAPTER 31

3072 Words
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gelaena sa ere habang nagpapabalik-balik siya nang lakad sa loob ng silid ni Emzara. Ewan, pero kanina pa siya hindi mapakali dahil sa nangyari doon sa gazebo. Kahit pilitin man niya ang kaniyang sarili na kumalma at huwag na lamang isipin ang mga nangyari kanina... pero hindi niya pa rin magawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay naninibugho pa rin siya dahil sa Ella na ’yon. Naiinis pa rin siya! Oo napag-usapan nila ni Gawen na lihim na muna ang kanilang relasyon. Okay lang naman sa kaniya. Pumayag siya nang sabihin iyon sa kaniya ni Gawen. Pero ngayon, parang hindi niya ata makakaya, lalo na kung laging nariyan ang Ella na ’yon at pilit na dumidikit sa kaniyang nobyo. “Gelaena, are you still not okay?” Napalingon siya kay Emzara na nasa harapan ng center table at gumagawa ng assignments nito. Mukhang ang bata pa ata ang napagod dahil sa ginagawa niya ngayon. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y naglakad siya palapit sa sofa at umupo siya roon. Tumabi naman sa kaniya si Emzara. “Are you still thinking about what happened earlier?” tanong nito. Malungkot na tumango siya. “Naiinis lang ako sa Ella na ’yon,” sabi niya. “At siguro... hindi pa rin tapos ang pag-uusap nila hanggang ngayon.” Dagdag niya pa. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Arlene. “Nasa library sila ngayon.” Anito. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa kaniyang narinig. “Magkasama sila roon?” tanong niya. “Oo. Dumating kasi si Migo. Mukhang may importante ata silang meeting,” sagot nito habang naglalakad palapit sa kanila ni Emzara. “Ah, ang akala ko ay silang dalawa lang ang magkasama roon. Nako, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sugurin ko sila roon.” Aniya. Narinig naman niya ang hagikhik ni Emzara kaya napatingin siya sa bata. “You’re so funny, Gelaena.” “I’m not funny,” sabi niya na pati pa ang bata ay pinatulan niya dahil sa inis at selos na kaniyang nararamdaman ngayon. “Yes you are.” Anang Emzara na tumango-tango pa pagkuwa’y muling bumalik sa tapat ng center table at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Napasimangot naman siya at bumuntong-hininga ulit. “Bes, kalma ka lang! Baka pati ang bata awayin mo dahil sa selos mo.” Natatawang saad ni Arlene sa kaniya. Sinimangutan niya rin ang kaibigan. Aba, parang pinagkakatuwaan pa ng mga ito ang damdamin niya ngayon, a! Hmp! Basta, naiinis pa rin talaga siya ngayon kay Ella. Sa halip na ubusin ang oras niya kakaisip sa mga nangyari kanina sa gazebo, tinulungan na lamang niya si Emzara na tapusin ang ginagawa nitong assignments at pagkatapos ay bumaba siya sa kusina para ikuha ito ng meryenda. “Hi, Gelaena!” Bigla siyang napalingon sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Goran. Nakangiti ito sa kaniya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti na rin siya sa binata. “Hi, Goran! Kumusta? N-ngayon ka lang umuwi rito.” Aniya at naglakad siya pabalik sa kitchen counter habang bitbit ang starwberry jam na kinuha niya sa lalagyan ng mga condiments. “Um, yeah,” sagot ng binata at mas lalo pang ngumiti sa kaniya. “How are you?” “Okay lang din ako, Goran.” “Sayang, hindi ako nakapunta rito kahapon. Hindi tuloy kita naaya sa date na sinasabi ko sa ’yo nang nakaraan.” Nang makalapit na rin ito sa kabilang parte ng kitchen counter. Ngumiti na lamang siya dahil hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin dito. Mabuti na lang talaga na hindi ito umuwi sa mansion kahapon. Dahil kung nagkataon, malamang na magseselos na naman si Gawen sa kapatid nito. “Naging busy kasi ako sa trabaho ko kahapon. Oh, damn. It’s valentine’s but I was busy.” “Ayos lang ’yon. Mas importante naman ang trabaho kaysa sa date.” Tumango-tango naman ito. “Yeah, you’re right, Gelaena.” Pagsang-ayon nito sa sinabi niya. “Pero... puwede naman siguro humabol, hindi ba?” pagkuwa’y dagdag na tanong nito. “I mean, if you’re not busy tonight.” Napatitig siya sa gwapong mukha ni Goran dahil sa sinabi nito. Oh, holy lordy! Ang akala niya’y hindi na ito mangungulit pa sa kaniya dahil tapos naman na ang araw ng mga puso. Pero heto... gusto pang humabol. “Um,” tumikhim siya at nag-iwas ng tingin dito. “Sorry, Goran pero... b-busy rin kasi ako, e!” pagdadahilan niya. “I mean, how about tomorrow?” Muli siyang napatingin dito. Seryoso ng nakatingin sa kaniya si Goran. Oh, paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi na ako puwedeng makipag-date sa kaniya o sa ibang lalaki dahil may boyfriend na ako? Kung totoo man itong pag-aaya niya sa akin ng date o kung sakaling may seryoso siyang pagtingin sa akin... ayoko namang makasakit ng damdamin. Ayoko na magkatampuhan pa ang magkapatid dahil sa akin. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at tipid na ngumiti ulit sa binata. “Goran,” sabi niya. “Ang totoo niyan—” “Amiga!” Naputol ang pagsasalita niya nang pumasok si Arlene sa kusina at tinawag siya. Napalingon din dito si Goran. “Ay, sorry po, señorito. Kausap n’yo po pala si Gelaena.” Paghingi agad nito ng paumanhin. Tipid namang ngumiti si Goran kay Arlene at tumango. Pagkatapos ay binalingan siya ulit ng tingin. “Um, let’s talk later, Gelaena.” Anito at hindi na hinintay ang kaniyang sagot at kaagad na tumalikod at lumabas sa kusina. Sinundan na lamang niya ito ng tingin, ganoon din si Arlene. “Umuwi pala rito si Señorito Goran.” Anang Arlene at naglakad palapit sa kaniya. “Kakarating niya lang siguro,” sabi niya at itinuloy na ang paggawa ng sandwich para kay Emzara. “Alam mo bes, sa tuwing tititigan ka ni Señorito Goran, feeling ko talaga tinamaan siya nang husto sa ’yo. Kakaiba kasi kung tumitig siya sa ’yo.” Bumuntong-hininga siya. “Nako, tigilan mo na lang ’yan, Arlene,” sabi niya. “Kahit naman kasi totoong may gusto sa akin si Goran, hindi ko naman siya puwedeng i-entertain kasi boyfriend ko na si Gawen.” “Oo nga. Alam ko naman ’yon, amiga. Sinasabi ko lang sa ’yo ang napapansin ko sa kaniya. Baka kasi hindi ka aware or ano. Hay! Sayang din si señorito. Kung sana kasing ganda mo ako... ako na mismo ang manliligaw sa kaniya.” Anito. “Pansin ko lang din kasi... ang mga tipo ni Goran ang mahilig sa babae kaya una pa lang ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya dapat magustohan.” “Ay, hindi naman, amiga,” sabi nito. “Nasa mukha lang ni Señorito Goran ang pagiging babaero, pero loyal ’yan. Ang tagal din kaya ng relasyon nila no’ng ex-fiancée niya kung alam mo lang.” Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napatingin ulit kay Arlene. “Ex? Ex-fiancée?” tanong niya. Tumango naman si Arlene pagkuwa’y kinuha sa kamay niya ang isang sandwich at kinain iyon. “Long time girlfriend niya si Ma’am Stacey. Simula first year highschool siguro sila. Tapos nang nasa Spain na sila, roon nag-proposed si Señorito Goran kay Ma’am Stacey. Next year na sana ang kasal nila. Kaso... nalaman naman ni señorito na may ibang lalaki na palang kinakalantari ang jowa niya. Kaya hayon, bigla siyang na broken hearted. Wala pang isang taon simula nang maghiwalay sila ni Ma’am Stacey. Alam ko naman na fresh pa sa puso niya ’yong mga nangyari, pero siguro... timaan talaga siya sa ’yo kaya ganoon na lang kung mangulit sa ’yo.” Pagkukuwento nito sa kaniya. Saglit siyang natahimik habang pinoproseso pa ng kaniyang utak ang mga sinabi ni Arlene sa kaniya. Oh, wala siyang ideya na nagkaroon na pala ng fiancée si Goran. Unang kita pa lamang kasi niya sa binata ay parang babaero na ang dating nito sa kaniya. Pero ang hindi niya alam ay galing na pala ito sa long term relationship. “Pero siyempre, sa inyo pa rin ako ni Yorme mo. Team GaGe pa rin ako,” sabi ulit ni Arlene. “Bahala na sa buhay niya si señorito. Alam ko naman na may darating ding babae na para sa kaniya. Hindi nga lang ako ’yon.” Napangiti na lang siya dahil sa huling sinabi nito. Hindi na rin siya nagsalita at tinapos na lamang ang kaniyang ginagawa. Pagkatapos niya ring magsalin sa baso ng fresh orange juice na ginawa niya kanina, binitbit niya na ang tray at lumabas sa kusina. Sumunod naman sa kaniya si Arlene. Saktong nasa sala na sila nang makita niyang parating na rin doon sina Gawen, Ella at Migo. Ang paninibughong nararamdaman niya kanina ay muli na namang nabuhay nang makita niyang biglang ipinulupot ni Ella ang mga kamay nito sa braso ni Gawen. Ngumiti rin ito nang malapad habang nakatingin sa kaniya. Tila ba, sa klase ng ngiti nito sa kaniya ngayon ay sinasabi nitong mainggit siya dahil nakayakap ito kay Gawen. Ugh! “Hi, Yaya Gelaena!” bati nito sa kaniya. Pero sa halip na pansinin ito, nagtuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makaakyat siya sa hagdan at makarating sa silid ni Emzara. MULING NAPABUNTONG-HININGA nang malalim si Gawen habang sinusubukan niya ulit na tawagan ang number ni Gelaena. Nakailang tawag na kasi siya sa dalaga pero hindi naman nito sinasagot ang kaniyang tawag. Sa halip ay pinapatayan lamang siya nito. Kanina nang matapos ang meeting niya kasama sina Migo at Ella, hindi agad siya nakapanhik sa kwarto ni Emzara dahil kinailangan niyang bumalik ulit sa library upang tapusin ang naiwan niyang trabaho. Hanggang sa hindi niya na namalayan ang oras at gabi na pala. At simula nang lumabas siya sa library, hindi pa niya nakikita si Gelaena. Nang pumanhik siya sa silid ni Emzara, walang tao roon. Pinuntahan niya rin sa silid nito ang dalaga, pero wala namang may sumasagot. Muli siyang bumuntong-hininga nang p*****n na naman siya ni Gelaena ng tawag. “Ugh! Why are you not answering, L’amour?” naiinis na tanong niya habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad palabas ng main door. Pagkatapos niyang kumain ng haponan few minutes ago ay sa sala na muna siya tumambay sa halip na pumanhik sa kaniyang silid. Alas nuebe pa lang naman at masiyado pang maaga para magpahinga siya. Nang makalabas siya sa main door, tinahak niya ang daan papunta sa may gazebo. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit doon ay narinig na niya ang tawa ni Gelaena na masarap sa kaniyang pandinig. Napangiti siya. Oh, naroon lang pala sa gazebo ang nobya niya, e! Pero mayamaya, mabilis na naglaho ang kaniyang ngiti at nagsalubong bigla ang kaniyang mga kilay nang makita niyang hindi pala nag-iisa roon si Gelaena. Kasama ng dalaga ang kaniyang kapatid na si Goran. “God! Magaling ka pa lamang maglaro ng chess. Nakakahiya naman at ako pa ang natalo sa laro nating ito!” napapailing na saad ni Goran. Magkaharap ang dalawa na nakaupo sa loob ng gazebo. “Well, isa ito sa paborito kong laro kahit noong bata pa ako,” wika naman ni Gelaena. “Grabe! Ang lakas pa ng loob ko na hamunin ka kanina, tapos ako pala ang kulelat ngayon.” Tumawa ulit si Goran at napakamot pa sa batok nito habang umiiling. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay at kaagad siyang nakadama ng panibugho sa kaniyang kapatid. Lalo na nang makita niya kung paanong titigan ni Goran si Gelaena. Mula sa kinatatayuan niya, malalaki ang kaniyang mga hakbang na lumapit sa dalawa. “What are you doing here, Goran?” tanong niya sa kapatid. Kaagad namang napalingon sa direksyon niya ang dalawa. “Hey, kuya! Come here. Sumali ka sa laro namin ni Gelaena. Damn. She’s good in chess.” Anito na tila ipinagmamalaki pa ang dalaga. “Magaling ka rin sa chess, ’di ba?” “I said what are you doing here, Goran?” sa halip ay balik na tanong niya rito. Nagsalubong naman ang mga kilay nito, habang si Gelaena naman ay matamang tumitig sa kaniya. Ugh! Naiinis siya ngayon! Ayaw niyang tapunan ng tingin si Gelaena dahil baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at bigla na lamang niya itong hilahin at ilayo sa kaniyang kapatid. “Kuya, bakit ba kapag umuuwi ako rito sa mansion ay iyan lagi ang tanong mo sa akin?” natatawang tanong ni Goran. “The last time I check... anak pa rin ako nina mama at papa kaya bahay ko pa rin ang mansion.” Dagdag pa nito. Tiim-bagang na napabuntong-hininga siyang muli. At sa huli, hindi na niya natiis na tapunan ng tingin si Gelaena. Hindi manlang ito ngumiti sa kaniya, sa halip ay kaagad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Inirapan siya! “Sige na, Goran! One round pa tayo—” “That’s enough, Gelaena.” Aniya kaya naputol sa pagsasalita ang dalaga at muling napatingin sa kaniya. “Come on, Gelaena! Huwag na lang natin pansinin si kuya—” “Go inside, Gelaena!” mariin at seryosong utos niya sa dalaga. “Kuya—” Matalim na titig naman ang ipinukol niya kay Goran pagkuwa’y napilitan na rin siyang lumapit kay Gelaena at hinawakan ito sa kamay kaya napatayo ito. “Yorme—” “Gelaena is already my girlfriend, Goran,” wika niya. “What?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Goran habang ipinapagpalipat-lipat na nito ang paningin sa kanilang dalawa ni Gelaena. “You heard it right, Goran! She’s my girlfriend now.” Saglit na natahimik ang binata. Pero mayamaya, natawa ito ng pagak. “Are you kidding me, kuya?” tanong pa nito. Pero nang makita nitong hindi pa rin nagbabago ang galit niyang hitsura, naging seryoso na rin ang mukha nito. “Is that... is that true, Gelaena?” tanong pa nito sa dalaga. Bahagya namang nagbuntong-hininga si Gelaena at matamang tinitigan si Goran. Mayamaya ay dahan-dahan itong tumango. “Oo, Goran,” sagot nito. “But... I thought—” anito na hindi na rin tinapos ang sasabihin. Seryosong muling ipinagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa at pagkatapos ay laglag ang mga balikat na naglakad ito at umalis. “Kanina pa kita tinatawagan. Kaya naman pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil kasama mo si Goran.” Napalingon sa kaniya si Gelaena. Magkasalubong ang mga kilay nito. “Bakit, may kailangan ka ba?” seryosong tanong nito. “Nothing. I just—” “Wala naman pala, e!” anito at kaagad na tumalikod at akma na sana siyang iiwan doon, pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito. “Wait. Where are you going, L’amour?” tanong niya. “Papasok na at magpapahinga. Wala naman na akong gagawin dito sa labas.” “But... I want to talk you.” “Kung hindi naman importante... bukas na lang. Inaantok na ako,” sabi nito at binawi sa kaniya ang braso nitong hindi niya pa rin pinapakawalan. “Hey! Are you... are you mad at me?” tanong niya at kaagad na pumunta sa harapan nito upang harangan niya ang pag-alis nito. “Why are you acting like this? Why are you mad?” tanong pa niya nang hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha ng nobya niya. Bumuntong-hininga ulit nang malalim si Gelaena at namaywang. “Hindi ako galit,” sabi nito. “Pero naiinis ako sa ’yo.” Dagdag pa nito. Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “But why? Did I do something wrong?” “Ah! So hindi ka aware sa mga nangyari kanina habang kasama mo si Ella?” balik na tanong nito sa kaniya. Halos mag-isang linya pa ang mga kilay niya habang sinusubukang alalahanin kung ano ang mga nangyari kanina habang kasama niya si Ella. “Wala kang maalala, Gawen?” tanong pa ni Gelaena. “Sige, ipapaalala ko sa ’yo. Una, nang nandito kayo sa gazebo kanina... panay ang hawak, haplos at yakap ni Ella sa braso mo. Pero hindi mo manlang siya sinasaway. Pagkatapos ay hinayaan mo pa ang babaeng ’yon na hawakan ang kamay mo. Pangalawa, nang makita ko kayo sa sala, nakayakap pa rin ang babaeng ’yon sa braso mo. At mukhang ayos lang din sa ’yo. Aba, Gawen, pumayag akong sekrito na muna ang relasyon natin, pero hindi ko naman sinabing hayaan mong yumakap sa ’yo ang Ella na ’yon.” Lintaya nito pero pilit na hinihinaan ang boses nito. Wala sa sariling napalunok naman siya ng kaniyang laway nang maalala niya ang mga pangyayaring iyon kanina. Ah, sinasabi niya na nga ba, e! Sa klase ng mga tingin at pandidilat ni Gelaena sa kaniya kanina, alam niyang nagseselos ito. Bakit ba hindi niya naisip na dumistansya kanina kay Ella? Kasalanan niya pala kung bakit masungit ngayon ang irog niya! “I’m sorry!” paghingi niya agad ng tawad dito. “At ganoon lang ’yon? Isang sorry lang?” “E...” napakamot pa siya sa kaniyang batok. “What do you want me to do, L’amour?” “Ugh! Tumalon ka riyan sa swimming pool. Naiinis pa rin ako sa ’yo.” Anito at mabilis siyang nilagpasan. “Gelaena!” tawag niya rito habang sinusundan niya ito. “Matutulog na ako, Gawen.” “Please! Don’t get mad at me. Nagso-sorry na nga ’yong tao, e!” “Kainin mo ’yang sorry mo. Nakakainis ka!” “Gelaena!” aniya at nang maabutan niya ito bago sila makarating sa may main door, pinigilan niya ulit ito sa braso. “I’m sorry! Please!” malamlam ang kaniyang mukha nang lumingon sa kaniya si Gelaena. Muli itong bumuntong-hininga nang malalim at inirapan siya. “Huwag mo akong daanin sa pagpapa-cute mo, Gawen. Doon kay Ella, sigurado akong magtatatalon pa ’yon sa tuwa kapag nakita ang pagpapa-cute mo.” Muli nitong binawi ang braso sa kaniya at tumalikod. Muli siyang napasunod at hinawakan ulit sa braso ang dalaga. Pero sa pagkakataong ito... hindi na siya nagsalita. Nang hilahin niya palapit sa kaniya ang dalaga, kaagad niyang hinawakan ang batok nito at mariing siniil ng halik ang mga labi nito. Hindi naman agad nakapalag si Gelaena sa ginawa niyang iyon. At bago pa man pumikit ang kaniyang mga mata, nakita niyang napapikit agad ang dalaga at ang isang kamay nito ay napahawak sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD