CHAPTER 30

3087 Words
“NOBYO mo na pala si Mayor Gawen!” Napalingon si Gelaena sa kaniyang Tiya Hulya nang marinig niya ang sinabi nito. Nasa silid silang dalawa at katatapos niya lamang maligo at naghahanap siya sa drawer ng kaniyang damit na maisusuot. Seryosong nakatingin sa kaniya ang matanda. Banayad naman siyang bumuntong-hininga ’tsaka tipid na ngumiti sa matanda. “O-opo, Tiya Hulya,” sagot niya. “Gelaena, hija. Alam mong kahit kailanman ay hindi ako tumutol sa mga naging desisyon mo sa buhay. At alam mo rin simula no’ng maliit ka pa lamang ay lagi akong narito para alalayan at suportahan ka. Pero... sa sitwasyon mo ngayon, hindi ba’t mas makabubuti kung hindi ka na muna pumasok sa isang relasyon? Masiyado pang kumplikado ang mga nangyayari ngayon, hija. At kilala ko si Mayor Gawen. Ilang taon na rin akong nagtatrabaho rito sa mansion ng mga Ildefonso. Kaya kahit papaano ay kilala ko na ang ugali niya. Alam kong mabait din na bata si Mayor. Pero alam ko rin na kapag nalaman niya ang totoo, magagalit siya... masasaktan.” Ilang saglit siyang nanahimik at hindi kumibo dahil sa mga sinabi ng kaniyang Tiya Hulya. Sa totoo lang, tama naman ang mga sinabi nito sa kaniya. Kumplikado pa ngayon ang sitwasyon niya at hindi niya pa sinasabi kay Gawen ang totoong pagkatao niya. Marami pang mga bagay na tungkol sa kaniya ang hindi niya pa sinasabi sa ibang tao, lalo na sa mga taong kasama niya ngayon. Nang mapunta siya sa mansion ng mga Ildefonso, iisa lang ang hangad niyang mangyari, ang makalayo sa kanila para makaiwas sa malaking problema. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya ang pakikipag-relasyon lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Pero, masisisi ba niya ang kaniyang puso? Kahit pa sabihing wala sa plano niya ang umibig kay Gawen, ngunit hindi niya napigilan ang kaniyang damdamin. Sa maikling panahon na nagkakilala silang dalawa ng binata, sigurado siya sa kaniyang sarili na totoo ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito. Kahit nangangamba man siya sa kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw, hindi niya na muna iyon binibigyang pansin. Sa ngayon. Ini-enjoy niya muna ang kung anuman itong masaya at magandang nangyayari sa kaniya, sa kanila ni Gawen. Kung dumating man ang araw na malaman nito ang totoo, handa naman siyang magpaliwanag. Lahat-lahat! “Naiintindihan ko naman po, tiya,” sabi niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kaniyang t-shirt at isinuot iyon. Nang matapos niya ring isuot ang kaiyang short, hinarap niya nang tuluyan ang matandang Hulya. “Pero Tiya Hulya, sa maikling panahon na nandito ako sa mansion at nakilala ko si Gawen. Minahal ko po siya agad. Totoo po ang nararamdaman ko para sa kaniya.” “Alam ko, hija. Nakikita ko naman sa mga mata mo pati na rin sa mga ngiti mo kapag nariyan si Mayor. Pero... labis lamang akong nag-aalala para sa ’yo kapag dumating ang araw.” “Huwag n’yo na po akong alalahanin, Tiya Hulya. Bago pa man po ako pumasok sa sitwasyong ito... alam ko na po kung ano ang mga maaaring mangyari o kahinatnan nito kapag po malaman ni Gawen ang totoo. Pero, sa ngayon po ay hindi ko na muna iniisip iyon,” sabi niya at tipid na ngumiti. “Sa ngayon po ang mas mahalaga sa akin ay ang kaligayahan at pagmamahal na nararamdaman ko para kay Gawen. I mean, matagal na rin po akong naging malungkot. Ngayon na lamang ako naging masaya ng ganito, tiya.” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hulya sa ere pagkuwa’y tumayo sa puwesto nito at lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang isang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. Masuyo pa iyong pinisil. “Kahit ano ang mangyari, nandito lang ako para bantayan ka.” Ngumiti siya ulit sa matanda. “Maraming salamat po, Tiya Hulya!” aniya at binawi ang kaniyang kamay mula rito at niyakap niya ito nang mahigpit. “Kapag po natapos na itong problema ko kay papa, ipagtatapat ko naman po kay Gawen ang lahat.” “Alam kong matatapos din itong problema mo, hija.” “Sana nga po at kaagad ng matapos, Tiya Hulya,” sabi niya at kumalas sa pagkakayakap dito. “Gusto ko na pong makawala sa mga desisyon ni papa para sa akin para tuluyan na po akong maging malaya.” “Kung sana ay kasama mo pa rin ang mama mo. Sigurado akong hinding-hindi niya hahayaan na gawin ito sa ’yo ng papa mo. Pero... kung nasaan man ngayon ang mama mo, sigurado akong lagi ka niyang naiisip at ipinagdadasal. Alam kong labis na nalungkot at nasaktan ang mama mo noong umalis siya.” Malungkot siyang ngumiti muli. “Nami-miss ko na nga po siya nang sobra, Tiya Hulya.” Bumuntong-hininga siya. “Kung sana ay hindi naging siraulo ang ama mo, hindi aalis ang mama mo. At alam kong gusto ka niyang isama noong umalis siya. Pero hindi niya lamang nagawa iyon dahil itinago ka ng papa mo.” Bigla niyang naalala ang mga panahong iyon. Eighteen lamang siya noon nang magkahiwalay ang mga magulang niya. Lagi na kasing nag-aaway ang mga ito at sinasaktan na ng kaniyang papa ang mama niya. Noong araw, bago tumakas ang mama niya sa bahay nila para iwanan na ang kaniyang papa, gusto ng mama niya na isama siya sa pag-alis nito. Pero nang malaman ng kaniyang papa ang binabalak ng kaniyang ina, itinago siya nito. Labis siyang nasaktan at nalungkot nang malaman niyang wala na sa bahay nila ang mama niya. At simula nang maiwan siya sa kaniyang ama, walang araw na hindi nito ibinabaling sa kaniya ang galit nito para sa mama niya. Sa paglipas ng taon, natutunan na lamang niyang tanggapin na marahil hindi na babalik ang kaniyang ina at masaya na ito kung nasaan man ito ngayon. Samantalang nakapag-asawa naman ng bago ang kaniyang ama at sa mansion nila ito pinatira kasama ang half-sister niyang si Alison. Noon lamang niya nalaman na matagal na palang niloloko ng papa niya ang kaniyang mama. Nang mga panahong ang buong akala niya ay masaya ang pamilya nila at mahal na mahal ng papa niya ang kaniyang ina, may ibang pamilya na rin pala itong inuuwian bukod sa kanila. Labis siyang nasaktan nang nalaman niya iyon. Kung siya lamang ang masusunod ay walang karapatan ang kaniyang papa na patirahin sa mansion nila ang bago nitong asawa dahil ang mansion na iyon ay ipinamana ng kaniyang lolo sa mama niya. Pero dahil ang kaniyang ama at ang mga desisyon nito ang nasusunod, wala na rin siyang nagawa. Nang una ay hindi niya rin makasundo o kinikibo si Alison, dahil hindi niya naman ito tanggap bilang kapatid niya. Pero sa paglipas ng panahon, nakikita naman niyang mabait si Alison at kagaya niya ay lagi rin itong pinapagalitan ng ina nito, laging kawawa at wala ring kakampi. Mabait naman ito kumpara sa ina nito kaya nagkasundo na rin sila. “Hindi na po siguro magbabago o babalik sa dati si papa, tiya. Kahit siguro ano pa ang gawin ko para lang maging okay ulit kami katulad dati, hindi na po siguro mangyayari ’yon.” Malungkot pa ring saad niya at muling napabuntong-hininga. “Bes!” Naputol ang pag-uusap nila ni kaniyang Tiya Hulya nang bumukas ang pinto ng kanilang silid at sumilip si Arlene sa siwang niyon. Nang makita siya nito ay kaagad itong ngumiti nang malapad at nagmamadaling pumasok. “Nako, pasensya na po Nanay Hulya kung naisturbo ko po ang pag-uusap ninyo ni Gelaena,” sabi nito. “Ayos lamang, hija. Palabas na rin naman ako at magtutungo ako sa kusina.” Anito. “Siya sige at maiiwan ko na muna kayo riyan.” “Sige po, Tiya Hulya.” Aniya at sinundan pa ng tingin ang matanda nang maglakad na ito palabas ng silid. Mayamaya, binalingan niya rin ng tingin si Arlene. “Bes, dali na magkwento ka na! Excited akong malaman kung ano ang ganap sa date ninyo ni Mayor kagabi.” Anang Arlene habang malapad pa rin ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Huh? Pati ba naman ’yon ikukwento ko pa sa ’yo, Arlene?” tanong niya at kinuha ang hanger na nasa ibabaw ng kaniyang drawer at ini-hanger ang kaniyang tuwalya. “Aba siyempre, kailangan mong magkwento sa akin para malaman ko kung ano ang nangyari sa first date ninyo ng labidabs mo,” wika pa nito na ngayon ay naging seryoso na ang mukha. Bumuntong-hininga siya. Well, bukod sa pagkain, sa pagsayaw at kaunting kwentohan nila ni Gawen kagabi sa rooftop ng Ildefonso Tower, wala naman ibang nangyari sa kanilang dalawa. Pagkatapos n’on ay inaya na rin siya ni Gawen na bumalik sa mansion dahil inaantok na rin siya. Nang una ay nag-insisted sa kaniya si Gawen na roon na lamang sila sa penthouse matutulog at kinaumagahan na lamang sila babalik sa Bulacan, pero hindi naman siya pumayag. Alam niya kasi at sigurado siyang hahanapin siya ni Emzara kaya kailangan ay nasa tabi siya ng kaniyang alaga. Hindi naman na tumutol si Gawen. Kahit ala una na ng madaling araw ay nag-biyahe ulit sila pabalik sa mansion. Mabuti na lamang talaga at may sariling helicopter ang pinsan nitong si Abraham kaya madali na lamang ulit ang naging biyahe nila pabalik. “Sige na amiga, mag-share ka na! Kanina pa nga ako excited na makausap ko, e! Tapos ngayon hindi ka magkukwento.” Nang lingunin niya si Arlene, magkasalubong na ang mga kilay nito at halatang nagtatampo sa kaniya. Napabuntong-hininga siyang muli. “Well, sa Ildefonso Tower kami nagpunta kagabi,” sabi niya. Bigla namang sumilay ulit ang ngiti sa mga labi ni Arlene. Mataman pa itong tumitig sa kaniya. “Oh, tapos?” “Sa rooftop ng building kami nag-date. Maraming petals ng rosas ang nasa sahig. May mga maliliit na kandila. Tapos binigyan niya rin ako ng isang bouquet ng bulaklak, ayan,” sabi pa niya at itinuro ang bulaklak na nasa bedside table ng kama niya. “Wow! Ang ganda, bes! Sana all talaga at may ka-date.” Anito at naglakad papunta sa higaan niya. Umupo ito roon at kinuha ang kaniyang bulaklak. Inamoy-amoy pa nito iyon. “Ang bango, bes. Tapos, ano pa ang nangyari?” tanong nito ulit nang tapunan siya ng tingin. “Kumain lang kami ng paborito kong pagkain. Pagkatapos, nagsayaw kami. Tapos nagkwentohan. Iyon lang naman ang naganap kagabi at wala ng iba.” Pagkukwento niya pa. “Oh, ingit ako, bes!” anito. “Ang sweet naman pala ni Mayor Gawen. Sana all talaga, amiga. Hay! Ako kaya, kailan kaya ako magkakaroon ng labidabs na kagaya ng Tangi mo?” “Huwag kang mag-alala, bes. I’m sure, next valentine’s may date ka na rin.” “Sana nga, amiga! Nako, nakaka-boring na rin kaya ang valentine’s na taga sana all lang ako sa gidli.” Kunwari ay umismid pa ito. Natawa naman siya. “Si Emzara pala, bes?” mayamaya ay tanong niya. “Nasa gazebo. Kasama ang labidabs mo.” Ibinalik ni Arlene sa mesa ang bulaklak niya ’tsaka ito tumayo. “Halika na at hinahanap ka na ng alaga mo. At sigurado akong hinahanap ka na rin ng mga mata ng irog mo.” Kinikilig na humagikhik pa ito. “Saglit lang at magsusuklay pa ako,” sabi niya na kaagad namang tumalima upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay magkaagapay na rin sila ni Arlene na lumabas ng silid at lumabas din sa mansion. Tinungo nila ang gazebo. Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kinaroroonan nina Gawen at Emzara, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang matanaw niya si Ella na naroon at kasama ng mag-ama. “Bes, nandito pala si Ella!” mahinang saad niya kay Arlene. “Kararating lang siguro, bes. Kanina naman ay wala rito ang babaeng ’yan, e!” Lihim na lamang siyang napasimangot at bumuntong-hininga nang makita niya ang paghawak ni Ella sa braso ni Gawen habang malapad ang ngiti nito sa mga labi. Ugh! Nakakainis naman ang babaeng ito! Nako, ang sarap niyang hilahin at ihulog sa swimming pool. Naiinis na saad ng kaniyang isipan. “Gelaena!” tawag sa kaniya ni Emzara nang lumingon ito sa direksyon nila ni Arlene. Napalingon din sa kanila sina Gawen at Ella. Ang mukha ng dalaga ay biglang umasim nang makita siya nito. Tumaas din ang isang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon lamang kasi siya nakita ni Ella na hindi nakasuot ng uniform. Lihim niyang inirapan si Ella at pagkatapos ay tinapunan niya rin ng tingin si Gawen na ngayon ay nakangiti sa kaniya. “Gelaena!” muling tawag ni Emzara sa pangalan niya pagkatapos ay nagmamadali itong lumapit sa kaniya. Sinalubong niya ito at kaagad na binuhat. “What took you so long, Gelaena?” tanong sa kaniya ng bata. “Sorry. Naligo pa kasi ako, e!” “I was waiting for you.” “Bakit?” Lumingon naman si Emzara kay Gawen at Ella pagkuwa’y bumulong sa kaniya. “She’s here again. And she’s been holding and hugging Daddy Mayor’s arm for a while now.” Biglang naningkit ang kaniyang mga mata, pero iniwasan niyang mapasulyap sa dalawa. Ayaw niya kasing makahalata si Ella na naninibugho siya ngayon dahil sa ginagawa nito ngayon sa kaniyang nobyo. “By the way, Gawen. Bakit pala wala ka sa City Hall kahapon? Pinuntahan kita roon kasi you promised me na sasamahan mo akong mamasyal kahapon.” Mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang sinabi ni Ella kay Gawen. Hindi na rin niya napigilan ang kaniyang sarili na hindi tapunan ng tingin ang dalawa. Nakahawak pa rin si Ella sa braso ng boyfriend niya. “I thought mag-d-date tayo kahapon. You agreed to me when I asked you the other day, remember?” Aha! So, inaya na pala siya ng Ella na ito na mag-date sila? Pero ikaw naman ang kasama niya kagabi, Gelaena. So, huwag ka ng magalit diyan! Kahit na! Ako nga hindi niya inaya agad. Kagabi lang siya nagsabi na mag-d-date kami. Samantalang ang Ella na ito ay nakausap na pala niya tungkol sa valentine’s? Nagtalo bigla ang kaniyang isipan. Nang sumulyap sa kaniya si Gawen, pinaningkitan niya pa ito lalo ng kaniyang mga mata. Ngumiti naman ito sa kaniya. Pero inirapan lamang niya ito. “I’m sorry, Ella. I was... so busy yesterday.” Anang Gawen. “Yeah, I understand,” sabi pa nito. “But, how about today? Puwede naman siguro tayong lumabas hindi ba? I mean, sabi mo naman kanina ay wala kang gagawin ngayon at hindi ka pupunta sa City Hall. Baka naman puwede na nating ituloy ang coffee date natin?” Mas lalo siyang nakadama ng inis kay Ella dahil sa mga sinabi nito. Aba! Ang kapal naman talaga ng babaeng ito! Kababaeng tao pero ito pa mismo ang nag-aaya ng date sa isang lalaki? Muling sumulyap sa kaniya si Gawen. Sinimangutan niya ito lalo at sumenyas siya na mananagot ito sa kaniya mamaya. “I’m sorry Ella but—” “Please, Gawen!” anang Ella kaya naputol sa pagsasalita ang binata. “Lagi mo na lang akong tinatanggihan. Kailan mo ba ako pagbibigyan? It’s just a coffee date. After all, mapapadalas na rin naman ang pagsasama natin dahil sa nalalapit na preparation ng campaign mo para sa eleksyon.” Anito at bumitaw mula sa pagkakahawak sa braso ni Gawen. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ng binata. Napamaang siya nang makita niyang ipinagsalikop ni Ella ang palad nito at palad ni Gawen. Dahil sa inis niya, bigla siyang tumalikod habang karga pa rin niya si Emzara. Oh, holy lordy! Kailangan na niyang lumayo ngayon pa lamang. Baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at makalbo niya ang Ella na iyon! “Ay, amiga wait lang!” anang Arlene na nagmamadali ring sumunod sa kaniya. Nang makabalik sila sa loob ng mansion, doon niya lamang ibinaba si Emzara. “Aba, amiga! Nakita at narinig mo naman ang mga sinabi ni Ella sa jowa mo pero bakit umalis ka? Bakit hindi mo sinabunutan ang bruhang ’yon?” tanong sa kaniya ni Arlene. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y umupo siya sa sofa. “Kung puwede ko lang gawin ’yon, Arlene, kanina ko pa hinila ang Ella na ’yon at itinulak sa pool.” Nagsalubong naman ang mga kilay ni Arlene dahil sa sinabi niya. Umupo rin ito sa tabi niya. “Ano? Ibig mong sabihin... secret relationship pala ito?” tanong pa nito. Ayaw man sana niyang aminin kay Arlene, pero sa huli ay tumango na rin siya. “Sa ngayon,” sabi niya. “My God! Ang akala ko ay legal na dahil legal naman na kayo kay Señor Salvador at Doña Cattleya, hindi ba?” Muli siyang bumuntong-hininga nang malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili. “Nakiusap sa akin si Gawen na ilihim na muna namin ito ngayon habang hindi pa natatapos o nangyayari ang eleksyon. Ayaw niya kasi na magkaroon ng problema sa aming dalawa, lalo pa at bago lang ako rito sa Bulacan. Ayaw niyang may sabihing hindi maganda sa akin ang mga tao.” Pagpapaliwanag niya. Napabuntong-hininga na rin nang malalim si Arlene. “Sabagay... may point din naman si Mayor.” Pagsang-ayon nito. “Pero amiga, nakakalungkot naman ’yong ganito. Kahit gusto mo ng magalit at magselos dahil sa Ella na ’yon pero hindi pala puwede.” “Don’t worry, Gelaena. Daddy Mayor loves you so much. So you don’t have to be jealous.” Napangiti naman siyang bigla dahil sa sinabi ni Emzara sa kaniya. Lumapit ito sa tabi niya kaya kinuha niya ang maliit nitong kamay. “At oo nga, bes! May point din si Emzara. Mahal ka naman ni Mayor kaya huwag ka ng magselos. Hayaan mo na lang ang Ella na ’yon. Kahit naman ilang coffee date pa ang ibigay sa kaniya ng labidabs mo, hindi pa rin niya makukuha ang puso ni Mayor. Ikaw at ikaw lang ang mahal niya.” Napangiti siyang muli dahil sa mga sinabi rin ni Arlene. Oo na! May point nga ito pati na rin si Emzara. Pero masisisi niya ba ang kaniyang sarili kung kusang nakakadama ng selos ang puso niya? Nako, kung hindi niya lang pinipigilan ang kaniyang sarili kanina, malamang na nasabunutan niya na nga si Ella! Tapos ito namang nobyo niya, nakita na ngang naninibugho na siya, hindi manlang tinatanggal ang mga kamay ni Ella na nakahawak sa braso nito. Nako, mamaya talaga sa kaniya ang lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD