CHAPTER 29

2837 Words
HUMUGOT nang malalim na paghinga si Gelaena at dahan-dahan niyang pinakawalan iyon sa ere habang nararamdaman na niya ang unti-unting pag-angat ng helicopter na sinasakyan nila ni Gawen. Ito ang unang beses na nakasakay siya ng helicopter kaya medyo kinakabahan siya. Mayamaya, napalingon siya sa kaniyang tabi nang maramdaman niyang kinuha ni Gawen ang kaniyang kamay at ipinagsalikop ang kanilang mga palad. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti sa mga labi nang makita niya ang nakangiti ring mukha ni Gawen. “Are you excited?” narinig niya ang boses nito sa suot niyang headphone. Tumango naman siya. “Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya. “You will see later,” sagot nito. “Talagang may surprise ka sa akin ngayong gabi, ah!” natawa siya ng mahina. Ngumiti ring lalo si Gawen sa kaniya. “Well, it’s valentine’s day,” sabi nito. “And this is our first date and first valentine’s together so, dapat lang talaga na may surprise ako para sa ’yo.” Dagdag pa nito at dinala sa tapat ng bibig nito ang magkasalikop nilang mga palad at ginawaran ng halik ang likod ng kaniyang kamay. Kagaya kanina nang nasa balkunahe pa lamang sila ng bahay, nang makita niya ang gwapo nitong hitsura, hindi rin niya napigilan ang kaniyang kilig sa mga sandaling iyon dahil sa sinabi nito sa kaniya. Sabagay, may point din naman itong nobyo niya! First date at first valentine’s nila ngayon kaya dapat lang na may surprise ito para sa kaniya. Para maging special ang unang date nilang dalawa. “Hindi ko nga inaasahan na may surprise ka pala sa akin ngayon,” sabi niya. “Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi agad kanina. Idinahilan ko lang na may meeting ako,” sabi nito. Bahagya siyang natawa ulit. “Sabi ko na nga ba, e!” aniya. “Um, p-paano pala sina Arlene at Emzara?” tanong niya pagkuwa’y. “Don’t worry about them. Babalik na rin sila ngayon sa mansion.” Tumango naman siya at pagkuwa’y ibinaling niya ulit ang kaniyang paningin sa labas ng bintana nang tuluyan nang makalipad ang kanilang sinasakyan. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya ang mga ilaw sa ibaba. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Gawen para daw sa valentine’s date nila. Pero labis siyang na-i-excite ngayon. At para hindi na siya magtanong kay Gawen kung saan sila pupunta ngayong gabi, inaliw na muna niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa mga ilaw sa ibaba, sa mga lugar na nadadaanan nila. Kitang-kita niya ang iba-ibang kulay ng ilaw at magandang night view ng buong Bulacan. Tila nakakawala ng stress at pagod. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi niya namalayang nasa syudad na pala sila. “We are in Quezon City!” Napatingin siya kay Abraham nang marinig niya ang boses nito mula rin sa headphone na suot niya. Pagkatapos ay binalingan niya rin ng tingin si Gawen. “Nasa QC na tayo,” sabi rin nito sa kaniya. Ngumiti lamang siya at muling sumilip sa bintana. At ilang sandali pa ang lumipas, sa malawak na lote sa tabi ng isang mataas na hotel lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan. Tinulungan siya ni Gawen na hubarin ang suot niyang headphone nang unti-unti ng bumabagal ang pag-ikot ng rotor blade ng helicopter. At nang bumukas ang pinto sa tabi ni Gawen, nauna itong bumaba at pagkatapos ay inilahad ang kamay sa kaniya upang alalayan siyang makababa. “Careful!” “Thank you, Tangi.” Aniya nang makababa na rin siya. “So, puwede na akong umalis? May date rin ako ngayong gabi,” sabi ni Abraham nang makababa na rin ito sa helicopter. “Thank you again, A!” anang Gawen at bahagyang tinapik ang balikat ng pinsan. “No problem, bro. You know I can’t say no to you kahit pa kanina pa naghihintay ang ka-date ko.” Pabirong saad pa nito at tumawa. “Nice meeting you again, Gelaena.” Saad nito at muli siyang nilapitan at hinalikan sa magkabila niyang pisngi. Kahit medyo nahihiya man sa binata at ngumiti siya rito. “Nice meeting you rin, Sir Abraham—” “Oh, come on! You’re Gawen’s girlfriend so don’t call me sir. Just Abraham or A.” Ngumiti siyang muli. “Okay. Abraham!” aniya. “So, I gotta go, bro! Enjoy your date.” Tumango naman si Gawen. “Thanks again, A!” “Adíos!” pagkasabi niyon ni Abraham ay kaagad na itong tumalikod at naglakad na palayo sa kanila. “Let’s go, L’amour de ma vie?” nang magbaling ng tingin sa kaniya si Gawen. “Okay!” aniya at magkahawak kamay silang naglakad papunta sa entrance ng hotel. “Oh, sa inyo pala ang hotel na ito?” tanong niya nang mabasa niya ang pangalan ng hotel sa bandang itaas ng gusali. “No,” sagot ni Gawen. “Pagmamay-ari ni Tito Demetrio ang Ildefonso Tower. Kapatid siya ni papa. Pero ngayon, ang pinsan kong si Judas na ang may-ari nito dahil sa kaniya ipinama ni Tito Demetrio itong Ildefonso Tower.” Tumango-tango naman siya. “Good evening po, Señorito Gawen, ma’am!” Bati sa kanila ng mga guards at empleyadong nasa lobby ng hotel nang makapasok sila roon. “Good evening everyone!” anang Gawen habang siya ay nakangiti lamang na nakatingin sa mga empleyadong sumalubong sa kanila. “Nancy, naka-ready na ba ang pinagawa ko kanina?” tanong ni Gawen sa isang babae. “Opo, Señorito Mayor! Kanina pa po nakahanda ang rooftop para sa inyo.” Nakangiting saad ng babae na tinawag ni Gawen sa pangalang Nancy. “Alright. Thank you!” “Enjoy your date po, Señorito Mayor, ma’am.” Igiya na siya ni Gawen papunta sa kinaroroonan ng elevator. “Sa rooftop ng building na ito tayo mag-d-date, Tangi?” tanong niya sa binata. “Yeah. Nandoon ang surprise ko para sa ’yo.” Napangiti siya nang malapad at mas lalo pang nakadama ng excitement sa kaniyang puso. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pinauna siya ni Gawen na pumasok doon. At ilang sandali lang din ay nakarating na sila sa huling palapag ng building. Pagkalabas pa lamang nila sa elevator ay may dalawang waiter agad ang sumalubong sa kanila. “The table is ready, señorito!” “Thanks.” Habang naglalakad na sila papunta sa pintuan ng rooftop, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na humugot nang malalim na paghinga at banayad iyong pinakawalan sa ere. Napalingon naman sa kaniya si Gawen. “Are you alright?” nakangiting tanong nito sa kaniya. “Kinakabahan lang ako, Tangi.” Aniya. Huminto sa paglalakad si Gawen kaya napahinto na rin siya. Humarap ito sa kaniya at kinuha na rin ang isang kamay niya at masuyo iyong pinisil-pisil. Tila ba tinutulungan siya nitong kumalma. “I’m excited too, L’amour. This is my first date so... kinakabahan din ako.” Anito sa kaniya. “First date ko rin naman ito, Tangi, kaya kinakabahan din ako.” Bahagya siyang hinila ni Gawen palapit dito kaya nagkadikit ang kanilang mga katawan. At kagaya sa laging nagiging reaction ng kaniyang katawan sa tuwing magkakadikit sila, nakadama na naman siya ng kuryente mula sa katawan nito. Pero hindi niya na iyon masiyadong binigyang pansin. Binitawan ni Gawen ang isang kamay niya at umangat ang kamay nito papunta sa kaniyang pisngi at masuyong humaplos doon. “I love you, Gelaena!” Mabilis na lumapad ang ngiti sa mga labi niya at ang pagkabog ng kaniyang puso ay lumakas din. “Mahal din kita, Gawen.” Aniya at dumukwang siya rito at hinalikan niya ang pisngi nito. Ilang saglit siyang tinitigan ni Gawen bago nito pinakawalan ang isa pa niyang kamay. “Come on. I need to cover your eyes.” Anito at kaagad na pumuwesto sa likuran niya. “Huh? Kailangan pa bang takpan ang mata ko?” “Yes, sweetheart. Come on!” anito at kaagad na tinakpan ang kaniyang mga mata gamit ang mga palad nito. Napahawak naman siya sa mga palapulsuhan nito. “Baka madapa ako, Gawen,” nag-aalalang sabi niya. “Don’t worry. Nakaalalay naman ako sa ’yo. Alright. Dahan-dahan lang.” Nagsimula na nga siyang humakbang habang gina-guide siya ni Gawen kung ano ang kaniyang gagawin. Mayamaya, ang malamig na pang-gabing simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya nang makalabas na sila ng pinto. At parang... may naaamoy siyang kandila at bulaklak sa paligid. “Are you ready?” dinig niyang tanong ni Gawen sa kaniya nang huminto na sila sa paghakbang. Tumango naman siya bilang sagot dito. At ilang segundo lang, dahan-dahang tinanggal ni Gawen ang mga palad nito sa tapat ng kaniyang mga mata. Sunod-sunod na pagkurap ang kaniyang ginawa upang makabawi at luminaw ang kaniyang paningin. Nang makita niya ang buong paligid nila, bahagya siyang napasinghap habang may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Tama nga ang hula niya kanina nang maamoy niya ang kandila at bulaklak. Sa sahig, halos mapuno ang buong paligid ng mga maliliit na kandila na nasa maliiit ding baso. Punong-puno rin ng red at pink petals ng rosas ang sahig. Simula sa may pinto ng rooftop, sa nilakaran nila kanina at hanggang sa kinatatayuan nila ngayon ni Gawen. Puro petals ng rosas ang inaapakan nilang dalawa. Habang sa isang sulok naman, mayroon doong malaki at hugis puso na gawa sa red roses. May nakalagay pa roon na pangalan nilang dalawa ni Gawen. At sa tapat niyon, isang lamesa ang naroon. Sa ibabaw n’on ay may candle light at isang bouquet ng red roses ang nakikita niya. “Do you like it, L’amour de ma vie?” Bigla siyang napalingon kay Gawen nang marinig niya ang tanong nito. Hindi pa rin nawawala ang malapad at matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. “Tangi, sobrang ganda!” aniya. “Ikaw ba ang nakaisip nito?” tanong niya pa. “Well, kinda. I mean, I asked for help. I don’t have any idea about valentine’s.” “Oh, Tangi! Ang ganda! Thank you!” aniya at walang paalam na yumakap siya rito at pagkatapos ay siya ang kusang humalik sa mga labi nito. “Do you really like it? I mean... If you don’t we can—” “Ano ka ba, Tangi! Sobrang ganda at sobrang gusto ko. Salamat.” Putol niya sa pagsasalita nito. “Halika!” aniya at hinawakan niya ang kamay nito at hinila na ito papalapit sa mesang naghihintay sa kanila. Nang makalapit sila roon ay kinuha naman ni Gawen ang bouquet ng rosas at ibinigay iyon sa kaniya. “This is for you, my love.” “Thank you, Tangi!” aniya at kaagad na dinala sa tapat ng kaniyang mukha ang mga bulaklak at inamoy-amoy niya iyon. “Thank you so much. Favorite ko ito.” “You’re welcome, my love.” Anang Gawen. “Come. Let’s have a sit.” Ipinaghila siya ni Gawen ng upuan bago ito umupo na rin sa puwesto nito. Pagkuwa’y sumenyas na rin ito sa dalawang waiter na naghihintay sa gilid ng pinto. At ilang minuto lang din, nai-served na sa kanila ang kanilang pagkain. “I asked Manang Hulya kung ano ang paborito mong pagkain. And she said you like Bistek kaya ito na ipinaluto ko kanina para kainin natin ngayon.” “Oo. Paborito ko nga ito,” nakangiting sagot niya. “Ito ang madalas na ipinapaluto ko kay mama noon.” “With rice.” Bahagya naman siyang tumawa. “With rice,” sabi niya. “Mabuti at may kasamang kanin. Kanina pa ako nagugutom, Tangi.” Dagdag pa niya. Habang pinagsasaluhan ang simpleng pagkain na ipinaluto ni Gawen para sa date nila, masaya rin silang nagkukuwentohan nang kung anu-ano lang tungkol sa mga sarili nila. At dahil sa date nilang iyon, labis na natutuwa si Gelaena, dahil kahit papaano ay may mga bagay pa siyang nalaman tungkol kay Gawen, at ganoon din naman ito sa kaniya. Parang feeling niya tuloy ay kilalang-kilala na niya ang buong pagkatao nito dahil sa mga kwento nito sa kaniya. “Do you drink, L’amour?” tanong sa kaniya ni Gawen pagkatapos nilang kumain ng dessert nila. “Kaunti.” “How about red wine?” “Okay lang,” sagot niya pa. Sumenyas ulit si Gawen sa waiter na kaagad namang lumapit sa kanila bitbit ang isang bote ng red wine. Nang mabuksan ng waiter ang bote ay si Gawen na mismo ang nagsalin niyon sa mga baso nila. “Thank you ulit, Gawen!” aniya mayamaya. “First date ko ito pero hindi ko ini-expect na mag-i-effort ka ng ganito.” “This night is special, sweetheart. So I really made an effort. I know it’s not a perfect place, and maybe not a perfect date... but I’m happy because I’m with you right now.” “Tangi... para sa akin, lahat ng nangyari ngayong gabi ay perfect,” sabi niya. “Perfect place ito. Nasa rooftop tayo. Maganda ang lugar, maganda ang view, at kitang-kita natin nang maayos ang kalangitan. Tingnan mo nga, ang daming stars at maliwanag pa ang bilog na buwan,” nakangiting saad niya at tumingala pa siya. “At lahat ng decoration sa paligid, perfect din. This night is perfect, Gawen, kaya labis akong natutuwa at nag-effort ka para sa first date nating ito. Thank you so much, Tangi. And I’m happy too dahil kasama kita ngayon dito.” “And I’m happy that you appreciate these, Gelaena.” Anito. Mayamaya, pumailanlang ang malamyos na tugtog. Napangiti siyang muli. Inilapag naman ni Gawen ang hawak nitong baso at pagkuwa’y tumayo sa puwesto nito. “I’m hearing a beautiful and soft music. May I dance with you, my love?” tanong nito at inilahad ang kamay sa kaniya. “Well of course. I love to dance with my boyfriend.” Aniya at tinanggap niya agad ang kamay nito. Masuyong inalalayan naman siya ni Gawen na tumayo sa kaniyang puwesto at iginiya sa gitna ng rooftop. Inilagay nito ang kaniyang mga kamay sa balikat nito kaya ipinulupot niya iyon doon. At pagkatapos ay hinawakan siya nito sa magkabila niyang baywang at nagsimula silang sumayaw upang sabayan ang malamyos na tugtog ng musika na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Wala naman kasi siyang nakikitang speaker sa paligid. Pareho silang nakangiti sa isa’t isa habang nakatitig sa mga mata nila. “You’re so beautiful, Gelaena.” Kinikilig na napahagikhik naman siya. Nang una ay naiilang siyang makipagtitigan sa binata. Pero habang lumilipas ang mga sandaling magkahinang ang kanilang mga mata’y nasanay na rin siya. Hindi na niya alintana ang kakaibang kabog ng kaniyang puso hatid ng kakaibang paninitig sa kaniya ni Gawen. Basta ang iniintindi niya ngayon, ang kilig at kaligayahang pareho nilang nararamdaman sa mga sandaling iyon. “At habang tumatagal na natititigan ko nang mabuti ang mukha mo, mas lalo kang nagiging-pogi sa paningi ko,” sabi niya. “Really?” “Oo naman. Basta huwag ka ng magsusungit sa akin.” Mahinang natawa naman si Gawen. “I promise, L’amour. I’ll be good and nice to you.” “Aba dapat lang,” sabi niya. “Kasi kung susungitan mo pa rin ako ngayong boyfriend na kita... baka magsisi ka Mr. Gawen Ildefonso.” Muling natawa si Gawen. “Well, actually it’s Gawen Mateo Hidalgo Ildefonso, L’amour de ma vie.” “Oh? Akala ko Gawen lang ang pangalan mo,” aniya. “At... ilang taon ka na?” “Thirty-three.” “Lagpas ka na pala sa kalendaryo, Yorme.” “But I still looked young. Don’t I?” Tumango naman siya. “Baby face,” sabi niya. “At Gelaena Ceorl Crisostomo naman ang fullname ko.” “Beautiful as you.” “Thank you, Tangi.” Nakangiting saad niya. Mayamaya, tinanggal ni Gawen ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg nito at hinawakan ang isang kamay niya at iginiya siya paikot at pagkatapos ay lumiyad siya. Yumuko naman si Gawen habang nakasuporta ang isang kamay nito sa likod niya. Nakangiti pa rin sila sa isa’t isa. “I love you, Gelaena!” bulong na saad sa kaniya ni Gawen at pagkatapos ay ginawaran ng masuyong halik ang kaniyang mga labi. Napapikit siya at napahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang nito. Ilang segundo lang ay naramdaman niyang pinakawalan ni Gawen ang mga labi niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata habang unti-unti na ring tumatayo nang tuwid si Gawen, pati na rin siya. Muli niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa leeg nito habang mahigpit na yumakap naman sa baywang niya ang mga braso nito. “Mahal kita, Gawen!” usal niya. Nakangiting ginawaran ng halik ni Gawen ang kaniyang noo at pagkuwa’y ipinilig niya sa dibdib nito ang kaniyang ulo at nakangiting ipinikit niya ulit ang kaniyang mga mata. Wala siyang ibang nararamdaman sa mga sandaling iyon kun’di labis na kaligayaha. At sigurado siyang ganoon din ang nararamdaman ni Gawen ngayon. Dinig na dinig niya kasi ang malakas na t***k ng puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD