FOUR: Orientation

1808 Words
Seven-thirty in the morning at dito na kami sa labas ng hotel. Napatingala ako at inaabot ang dulong tuktok ng hotel. Exterior design pa lang nito ay makalaglag panga na. We walked towards the employee's gate. Sa bandang gilid ito ng hotel. Meanwhile, the executives and bosses are using the main entrance of the hotel. Hindi na dapat pang ipagtaka ang bagay na yun. Hila-hila pa namin ang aming luggages nang makarating kami sa guard house. Hiningi ni Manong guard ang identification cards namin. Pagkatapos ay iniwan namin sa kanya ang aming luggages bago kami umakyat sa hagdan patungo sa receiving room ng mga intern. “Good morning Maam. We are from St. Bernadeth Academy. We are scheduled for orientation today.” Magiliw na sabi ko sa ladyguard na naka-assign doon. Tumango ito at tinignan ang form na galing sa school namin. Habang busy ito sa pagsulat ng mga pangalan namin sa logbook, I kept myself busy from looking around. Una ko agad napansin ay ang amoy ng loob ng maliit ng receiving area na iyon. Mabango at amoy mamahahalin, amoy malinis at hindi masakit sa ilong. Kasing bango ng room namin sa hotel na tinulugan namin kagabi. And to think na receiving area lang ito, paano na kaya pag nasa main lobby na kami ng hotel? Napansin ko ang isang pinto na may nakalagay na Timekeeper. Sa bandang kaliwa naman ang Human Resources Management. “Umupo na lang muna kayo diyan sa couch. Pakihintay nalang din si Ms. Babes. Siya ang secretary ng Human Rerources. Siya ang mag-aasikaso sa inyo. May paparating din na ibang grupo galing sa ibang schools. Sabay-sabay na kayong lahat para sa orientation. Medyo napaaga kayo. May washroom sa unahan kung gusto nyo maghilamos at mag-ayos.” Tiningnan namin ang aming mga sarili. Medyo magulo na rin ang aming ayos dahil sa paghila ng aming luggage mula sa main road. Malayo-layo rin kasi ang lalakarin mula sa doon papunta sa employee's gate. Tagaktak na rin ang aming pawis. “Jaze, okay lang kung maiwan ka muna at para may magbantay ng backpacks natin? Aayusin lang namin ang aming mukha.” Si Mary. Natawa ako. “May problema ba sa mukha natin at dapat ayusin?” “Sa'yo di mo kailangan, pero kami kailangang-kailangan namin.” Aireen was pouting at me. Humagikhik si Jaze at inakbayan ang babae. “Cute ka pa rin naman girl, kahit gulo-gulo na yang buhok mo.” “Sana all may 'Jaze' na taga-boost ng confidence.” Si Lizette na nakataas ang kilay, inaayos ang eyeglasses na natabingi. Umirap si Aireen at binigay ang backpack nito kay Jaze. “Hindi kami magtatagal. Huwag kang manlalake, ha.” She literally glared at him. Umiiling na natatawa na lamang kami ni Mary. I don't understand this two, really. First minute they're acting like best friends, the next minute they're on each other's throats. That's how besties act towards each other, maybe? We were wearing our OJT uniform. White long sleeve with collar na tinupi hanggang siko. Naka tuck-in sa black slacks ang laylayan nito. We were obliged to wear 3-inch black closed shoes. Ofcourse, Jaze wore the same but with masculinity and minus the girly shoes. Alangan naman kasi magpa-girl siya dito. I liked the simplicity of our OJT uniform. Once we're done fixing our hair, we applied light make-up. Pagbalik namin sa receiving area, we were surprised to see unfamiliar faces. They're probably the students from different schools. Humigit kumulang mga bente lahat ang bilang ng tao dito, including us. Napatingin sila sa direksyon namin. May ibang sumulyap lang at dedma. May ibang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Ang mga lalake ay napatikhim at pinasadahan ako ng tingin. Nagsikuhan ang ang mga ito at yumuko nang pinagtaasan ko sila ng kilay. I wanted to roll my eyes, but I just gave them my friendly smile. I hope there are no assholes in here. Mayamaya pa ay may isang babaeng umagaw ng atensyon namin. “She must be Ms. Babes.” I murmured to Mary na siyang lagi kong katabi. “Good morning ladies and gentlemen, I am the HR's secretary. You can call me Ms. Babes. As you all know, you have an orientation today. I am glad that everyone came early. Sana'y palagi kayong ganito, yung maaga pumapasok at hindi nagpapa-late. May iba diyan ay sa umpisa lang maganda ang performance, pag nasa kalagitnaan na, nagiging pasaway na at tinutubuan ng sungay.” Nilibot niya ang tingin sa aming lahat. “Anyway, si Madame Rosales, our HR manager, will be the one to conduct the orientation. I just want to let you know that Madame Rosales is a very intimidating person. She's very strict at mahigpit siya when it comes to rules and regulations. You are her business, so you all better behave at pakinggan siyang mabuti. Usually, ako talaga ang namamahala sa orientation ng trainees, but since the management requested you all to come here, that means you are special. Ngayon palang, I would like to congratulate you all and I'm looking forward to working with you.” Huminto siya sa pagsasalita at sinuri kami isa-isa. “Hmm, we have some pretty faces here huh?! This batch is interesting.” She smiled at us. As if on cue, saka palang kami tila nakahinga sa pag-ngiti niyang iyon. We proceeded to the Orientation Room at doon na daw namin hintayin ang HR Manager. While waiting, binabasa namin ang Hotel's Rules and Regulations na nakalagay sa folder. Ms. Babes gave it to us a while ago. After fifteen minutes of waiting, dumating ang isang babaeng nasa late 40's na ata ang edad. She was wairing a pair of black business suit. She gave us all a stern look. Hindi ito ngumi sa amin. Umayos kami ng upo at tumahimik. “As much as I wanted to spend more quality time with you all, I'm afraid I can't since the bosses summoned us for emergency meeting. Nabasa nyo na siguro ang nakasaad sa folder. I hope naiintindihan nyo ang rules and regulations ng hotel na ito. Si Ms. Babes na ang bahalang magdiscuss sa inyo about sa rotation ng trabaho nyo dito. Pagkatapos, pwede nyo ng kunin ang mga bagahe ninyo at tumuloy na sa apartment na nakalaan sa inyo. May food allowance kayo at kayo na rin ang bahala kung pano nyo ito gagastusin. Pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili ng liqiuors at pag inom sa apartment ninyo. Bawal din magdala ng bisita sa mga apartment ninyo maliban na lang kung may permiso mula sa akin. There will be a weekly inspections sa mga apartments ninyo. I hope nagkakaintindihan tayo?” Taas-kilay pa nitong paliwanag sa amin habang nkahalukipkip. “Yes Madame!” Pakuro naming sagot. She tilted her head upward as she looked around. Isang ismid ang binigay nito sa amin bago lumabas ng silid. Kaming lahat ay halos sabay-sabay nagpakawala ng hininga. That was nerve-wracking. After almost two hours na orientation, documentation, and the likes, natapos rin ang lahat. Bukas ang umpisa ng training. Bale sa apat na area (front desk, housekeeping, kitchen, HR/Finance office) tig iisang buwan ang duty namin per area. Ang una kong assignment ay ang Front Desk, a receptionist, for that matter. I did not expect na isasalang agad ako as a receptionist kahit na wala pa akong karanasan mag-estima ng guests. Pinaliwanag naman ni Ms. Babes na kulang nga raw ng tauhan sa Front Office dahil halos tatlo ata ang naka-maternity leave. Sa totoo lang, I do not like being in the front. I would much prefer to be at the back. I always love Housekeeping. Pero may rotation naman, so, I might as well enjoy myself at siguraduhing may matututunan sa bawat area ng hotel. Sa Housekeeping naman si Mary naka-assign, HR office si Aireen, kitchen sila Jaze at Lizette. After we had our lunch, Ms. Babes toured us around the hotel. Gosh! This is paradise! Our jaw literally dropped to the floor when we reached the main lobby. Pictures in the internet didn't give justice from what we are seeing right in front of our very own eyes. Napatingin sa amin ang ibang guests na tumatambay sa waiting lounge. Ang mga receptionists, doormen and bellmen ay pinakilala sa amin. And I must say that they are all good-looking. May mga foreigner pang empleyado kaming nakikita. One boy came near me. “Ang ganda ng hotel noh? Nakakamangha. Pwede nang ihilera sa mga hotels sa America at Europe.” I smiled at him. “Oo nga eh.” Ngumiti ito sa akin at tumitig. Pasimple akong lumayo sa kanya at lumapit kay Mary. After the tour, dumiretso na kami sa apartment na nakalaan sa amin. Limang apartment lahat ang nandito at medyo may kalayuan sa isa't isa. Ang mga bakod ang nagsisilbing boundaries sa bawat apartment. Hindi siya kalakihan. Dalawang palapag ang bawat isa. Nasa pangatlong pinto ang para sa amin. Agad kaming pumasok sa loob para magpahinga and to unpack our things as well. Dalawang kwarto sa taas at sa baba. May bawat bathroom din kada palapag. Maliliit lang ang mga kwarto kung susumahin pero sobra-sobra na ito para sa amin. Malawak ang sala na mayroong flat screen na nakadikit sa pader. It's a typical sala set. Ganoon din sa kitchen. Simple lang at kokonti ang gamit. Tanging mahahalagang bagay lamang ang laman ng kabahayan. “Jaze saan ang gusto mong kwarto?” Tanong ni Aireen. Andito kami sa sala para makapagpahinga at mkapagplano sa mga gagawin. “Siyempre, dito sa baba noh! Nakakapagod mag panhik panaog!” Sagot ni Jaze sa kanya. “Okay sa baba ka. Sa taas naman ang gusto ko. Paano yan lima tayo, aapat lang ang kwarto.” Napatingin ako sa kanila na bigla ring napaisip at nagtinginan din. “Please I need someone in my room. Ayokong mag-isa. Aireen share tayo, pretty please?” Nag-puppy eyes pa tong si Lizette kay Aireen. “I know you are going to say that. Of course, Zette, as if naman matatanggihan kita. Dito na din tayo sa baba para katabi natin si Jaze. Bantayan na rin natin tuloy baka may planong tumakas sa gabi at manlalake.” Nagtawanan at nagyakapan silang dalawa at kami naman ay nakangiting pinagmasdan sila. Kahit kabaligtaran ang kanilang pag-uugali, sila ang pinaka-close sa aming lima. Si Jaze naman ay piniling dedmahin ang panunuya ni Aireen. “So, it's settled then. Kami ni Emz sa taas, kayo sa baba. So, let's go to our room to unpack at nang makakain na rin tayo. I'm famished.” Wika ni Mary na hinihimas pa ang kanyang tiyan. “We still have time. Gala muna kaya tayo sa Abreeza tapos doon na tayo magdinner.” Aya ni Lizette. “Mas malapit ang SM Lanang, Zette.” Ani ko. “Sa pinakamalapit tayo na mall kung ganun.” She grinned at me. After we unpacked, gumayak na kami para tumungo sa mall. Nag-grocery na kami para sa stock namin na good for a week. We planned to buy our grocery tuwing Sunday, which is our day-off. Hindi rin naman kami nagtagal sa mall at umuwi din kami agad para makatulog ng maaga para bukas. Tomorrow will be a long tiring day, that's for sure. (THIS CHAPTER HAS LAWRENCE'S POV AND CAN ONLY BE READ IN THE PHYSICAL BOOK)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD