FIVE: Your Smile

1907 Words
I've checked myself in front of the mirror for the nth time. I wasn't really comfortable with the uniform I was wearing. Hindi naman kami na-inform na hindi pala OJT uniform from our school ang isusuot namin while working. Kung alam lang namin, hindi n asana kami gumastos pa doon. Sinipat ko ulit ang aking sarili. My upper was a white blouse na may red scarf sa leeg na pinatungan ng dark gray blazer. Ang lower ay dark gray pencil cut na hanggang gitna lang ng hita ko ang haba. I was also wearing a flimsy black stocking and a pair of 3-inch black shoes. I felt too exposed, but I was left with no choice. Tinaas ko ang buhok ko in a bun style at nag apply din ng medyo heavy make-up. Required daw kasi yun. Kahapon lang din inabot sa akin ang uniform na para sa Front Desk and thank God kasya ito kahit ba tingin ko ay medyo kapos sa akin. Bumaba na ako para puntahan sila sa sala. Sabay-sabay pa silang pumito nang makita nila akong pababa ng hagdan. “Graveehhh nakaka-insecure ang ganda mo, Emz. You are smoking hot! Lutang na lutang ang pagiging mestiza mo. Naku! Mukhang magkakagulo sa lobby mamaya. Baka mapagkamalan kang artista.” Si Jaze na nakasuot na ng kanyang kitchen attire. Lumapit pa ito sa akin para ayusin ang scarf ko. “Tigilan mo ako Jaze at buwisit ako sa itsura ko ngayon. Masyado ata akong exposed eh. Napaka-iksi naman ng palda na ito!” Hinihila ko pa ang laylayan nito pababa. Napasimangot ako. “Sis naman, what's wrong with that? May ipagmamalaki ka naman eh. You should be proud of it, you know." Si Aireen habang humihigop ng kape nya. “At hindi siya maiksi, sadyang mahahaba lang talaga yang biyas mo. Ang perfect mo sa totoo lang at walang halong biro.” I pouted at Mary. Sa aming lahat ay siya ang pinaka-prangka. And since sa kanya na mismo nanggaling, tatahimik nalang ako. Baka mamaya maasar ito sa akin dahil sa kakareklamo ko. Sabay-sabay na kami nag-breakfast at kahit wala ako sa mood ay magana pa rin akong kumain. Kailangan ko ng energy ngayong araw dahil sigurado akong mapapasabak ako sa trabaho. “Bilisan na natin ang mga kilos natin at baka ma-late tayo.” Si Mary ulit. “Ang epic kung malate tayo gayung nasa harap lang natin ang hotel. Hahahaha!” Tawa ni Lizette na sinabayan namin. Nakakatawa naman talaga ma-late sa trabaho mo kung nasa harap lang naman ito ng tinitirhan mo. Pero ang totoo ay isa ito sa ipinagbabawal ng management; ang ma-late kami. Sabay-sabay na kaming umalis ng apartment namin. Ang susi ay na kay Mary dahil sa aming lima, siya ang hindi makakalimutin. Hanggang ngayon napapatanga pa rin ako sa kagandahan ng lobby. Beautiful is understatement. It's beyond that. Pinaghalong mediterranian style at Spanish era ang design ng buong paligid. May naglalakihang mga painting sa bawat sulok na gawa ng mga kilalang pintor sa buong mundo. Binubuo ang paligid ng kulay ginto, brown at puti. Ang mga chandeliers ay halatang mamahalin rin. Entrance hall pa lang at ang buong lobby ay umaabot na ng milyon milyon ang tantiya kong kantidad. Napag-usapan naming magkakaibigan na sabay na kaming mag lunch. Isang oras na lang, lunch break na. Konting tiis pa Emz. Bulong ko sa sarili ko. So far naman naging maayos ang aking trabaho dito sa reception area. Mababait naman ang dalawang regular receptionists na siyang naatasan para maging guide ko dito. Hindi lang talaga ako komportable sa mga tingin ng bellmen at mga guests na lalaki na tumatambay sa lobby. Pag wala silang ginagawa ay nagbubulungan pa ang mga ito at gumagawi ang paningin sa aming pwesto. At ito na nga, may lumapit na bellman sa counter namin. Hindi ko ito napansin kahapon. Siguro ay day-off niya. “Hi Love! Hi Vanz! Maari ba akong magpakilala sa isang napakagandang binibini dito?” Wari nung lalake. Gwapo siya at halatang may dugong banyaga. Kulay asul ang kanyang mga mata at matangkad siya sa pangkaraniwan. Pero mukha siyang playboy at halatang sanay umuto ng babae. His sly smile makes me think that he's pro in flirting. “Hi pretty girl! I'm Evan. And you are?” He smiled sweetly at me. Naglahad siya ng palad. Hindi man lang hinintay ang sagot nila ate Vanz. Inabot ko iyon bago ko sinagot ang tanong niya. “Emerald. But I prefer to be called Emz.” I told him and we shook hands. Ramdam ko ang pagpisil nito ng bahagya sa aking palad. Mablis kong kinuha ang aking palad mula sa pagkakahawak nito. “Wow. Nice name. Sana mas makilala pa kita Emz. We should have lunch together, you know.” Malakas na tumikhim ang mga katabi kong receptionist. He cleared his throat. “Sige Emz, nice to meet you. Balik na ako sa pwesto ko.” He winked at me before he waved goodbye. Pagdating sa pwesto nito ay nakipag-apir pa ito sa kanyang kasamahan. Umiling na lamang ako sa pagkadismaya. “Ang ganda-ganda mo kasing bata. Masanay ka na sa mga yan. Magmodel ka kaya. Ang tangkad mo rin para sa edad mo. Sabagay may lahi eh.” Sabi ni ate Vanz, isa sa mga receptionist. Naramdaman siguro niya ang uneasiness ko. Nasa late 20's na siya at may pamilya na. She still looks beautiful and sexy kahit may baby na siya. “Naman. Kaya ako sayo dedmahin mo na lang. Don't tell me hindi ka pa sanay sa mga tingin nila. Sa school nyo ba walang nagpaparamdam sa'yo? Imposible naman yata.” wika ni ate Love habang tumitipa sa keyboard. By the way, she's equally stunning too. “Mayroon naman ate kaso I feel safe and secure pag sa school. Kumabaga comfort zone ko yun. Alam kong hindi ako mapapahamak. At kung mapahamak man, alam kong makakahingi agad ako ng saklolo. Kahit napapaaway ako sa mga lalaking maaangas at mahangin ay okay lang. Kaya ko naman silang i-handle. Kahit nga mga bitches sa school wala ng makita kundi ako but they never harmed me. Pero iba kasi dito, halos lahat sila ay estranghero sa akin. They make me feel uncomfortable. There's always something creepy on how they look at me. It freaks me out.” “Hayaan mo na bhe, masasanay ka rin. But make sure hindi ka magpapauto sa mga lalaki dito. Kahit umuulan ng adonis dito, eh mga playboy pa rin mga yan. Take that from my experience.” Tinapik pa ng bahagya ni ate Vanz ang balikat ko. Napatango at napangiti nalang ako sa kanila. Maya-maya pa ay naging busy na ulit kami sa pag-book ng phonecalls at sa pag-asikaso sa mga guests na dumarating. Habang nirereview ko ang guestlist, napaigtad ako nang may tumikhim. Agad akong nag-angat ng tingin at halos maipon ang hangin sa lalamunan ko. Medyo napalaki pa ang aking mga mata. And I felt like the time suddenly suspended. Pakiramdam ko ay nasa ibang dimension ako at walang nakikita kundi ang lalaking nasa harap ko lamang. Why, I was staring at the most expressive eyes I've ever seen in my entire life. Those dark gray eyes that are full of expression, kumikislap pa ang mga ito na tila ba nakakita ng magandang bagay. Pero habang tumatagal ay lumalim ang titig nito at kumunot-noo sa akin. Medyo nakaramdam ako ng pangangawit sa aking leeg. This man is tall. Kahit matangkad na ako ay nakatingala pa rin ako sa kanya. He's wearing a pale blue shirt and ripped jeans. Despite his simple, rugged outfit, he looked expensive to me. He was certainly the most gorgeous man I've ever seen. Utterly beautiful. Breathtakingly handsome. I couldn't even fathom a word. If words were enough to describe him. “Don't you know that staring is impolite?” His voice was husky and deep that I felt shivers down my spine. Nakakunot-noo pa rin ito. I think he's pissed or something. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya sa mukha ko as if he's trying to memorize every part of it. I blushed and I saw his mouth opened a little bit. “I'm sorry Sir, but it was you who stared at me first.” Sagot ko sa kanya. Thank God at may boses pa na lumabas sa bibig ko. I've gained back my sanity that I thought was lost a moment ago. I saw him smirk. “Guilty as charged.” He gave me his lopsided smile. Oh, dear lord, that was sexy. His expression softened at pakiramdam ko ay nagliwanag ang buong paligid. God, such a beautiful creature he is it's almost impossible to believe. He tapped his long, well-manicured fingers on the counter. And even with that subtle gestures, I find it distracting. “Who are you?” He suddenly asked. “I think this the first time that I've seen you here.” He frowned again at nilibot ang tingin sa paligid. I couldn't take my eyes off him. Nag-alis ako ng bara sa aking lalamunan. “Indeed Sir. As a matter of fact, this is my first day as an intern.” I paused for a while. “May I know what can I do for you? Do you like to book a room?” I politely asked him while getting the keyboard ready to tap it. Nenerbiyos ako at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. I tried to calm myself and relax. Get a grip, Emz! Wala si ate Vanz dahil naka-lunch break ito. Si ate Love naman ay nag bathroom break. Kaya walang sasaklolo sa akin dito. Kahit ang concierge ay naka-break din. He smiled again, a dazzling one. “Now I believe this our first meeting. Sabagay, If I had met you before, I'm sure as hell, I would never forget that face of yours.” Napatitig siya ng husto sa akin. I smiled at him and absentmindedly bit my lower lip. Smiling and acting like I was unaffected by his presence was my way to calm my nerves. But to my surprise, he uttered a curse under his breath. He combed his hair with his fingers at namulsa. He looked frustrated about something. Tinitigan ako nito pero pumikit lang din ulit. “Damn it.” He quietly cursed again. I saw him closing his eyes and he suddenly winced. May masakit ba sa kanya? Anong problema nito? “You alright Sir? Do you need help?” Nataranta naman ako bigla sa kinikilos niya. Pareho kaming napapitlag nang mag-ring ang cellphone nito. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. “Yeah, I'll be there in a minute.” Sagot niya sa kanyang kausap. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. Gumawi ang tingin niya sa akin after the call ended. “Nice to meet you...” Napatingin siya sa nameplate ko na nakasabit sa kaliwang bahagi ng aking dibdib. “.... Emerald.” Pabulong niyang binanggit ang pangalan ko. I swear, that was the first time that I heard someone call my name in a sultry voice. Pumihit siya para umalis nang bigla ulit itong humarap sa akin. Namungay ang kanyang mga mata. Nalito ako sa kakaibang titig na binibigay niya sa akin. Lumakas ang pintig ng puso ko. Napalunok ako. “When you are talking to the guests, don't smile like the way you did to me. I want that for myself only. Reserve your smile to me, Emerald.” Huli niyang sabi bago siya naglakad papalayo at sumakay sa lift na exclusive lamang sa mga big boss’s ng hotel. I was left dumbfounded by his last words. What the hell did he mean by that? Inikot ko ang paningin ko at nagulat pa ako na lahat ng tao ay sa akin nakamata. Nakita ko pa sa sulok si ate Love na nakanganga sa akin. Bakit tila nakakita sila ng multo?   (THIS CHAPTER HAS LAWRENCE'S POV AND CAN ONLY BE READ IN THE PHYSICAL BOOK)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD