Touchdown Davao. Uggh! That was one tiring trip! My body was screaming and begging for a massage. Nandito kami pansamantala sa Holiday Inn nagcheck-in. Halos sabay-sabay kaming dumapa sa kama para maipahinga ang aming katawan. Kumikirot ang aking balakang at tuhod dahil sa mahabang oras na inupo namin sa bus. Imagine, halos pitong oras ang ibinyahe namin mula sa aming probinsya patungo dito sa siyudad ng Davao.
Tinignan ko ang aking relong pambisig. It's past three o'clock in the afternoon. Naghikab ako. Kulang ang inidlip ko sa biyahe. Umupo ako mula sa pagkakahiga at saka lamang niligid ang tingin sa kabuuan ng aming kwarto.
Malawak ang kinuha naming silid. May twin-size bed sa magkabilang gilid na para sa pandalawang tao ang kasya. Obviously, kaming mga girls ay dito sa kama while Jaze, well, the fact that he's a bona fide gay, and vain at that, ay nagkusa talaga siya sa pagrequest ng extra bed at sa tabi ng bed nila Aireen siya pumwesto. Sabagay, we are just going to spend one night here. Dahil bukas ay doon na kami sa apartment para sa mga intern mag s-stay. Nasa likod lang din yun ng hotel. Kung may isang bagay man na masasabi kong swerte kami sa pagpili sa amin na maging representative ng school, iyon ay ang pagkakaroon ng ganitong privelege. Accomodation is free! Bukod pa doon ay may monthly allowance kami para sa aming pagkain at iba pang pangangailangan.
"Girls, I’m so hungry na! Pwede bang magmerienda naman tayo? At pagkatapos let's take a rest and then we can start painting the town red! Yahoo!" kumekendeng-kendeng pa habang nagsasalita si Jaze. Binato namin ito ng unan.
Tahimik kong pinasadahan ng tingin si Jaze. Kung titignan mo ito, masasabi mo talaga na siya ay lalake but once he opens his pretty mouth, realization hits you. Maarte kasi ito magsalita.
“Baliw kang baklita ka. Okay ka lang, girl? May gana ka pang magbar mamaya? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka man lang ba nakaramdam ng pananakit sa katawan? Look at you, para ka na ngang kawayan sa sobrang payat. Nagdadrugs ka ba?!” Asik ni Aireen kay Jaze.
Sa aming lima, si Aireen at Jaze ang laging nagbabangayan kahit sa simpleng bagay. Hindi ko alam kung ano ang trip ng mga ito at lagi mainit ang dugo sa isa’t isa.
“Gaga! Adik ka dyan! At sinong payat? Masels yan girl! At oo adik ako! Adik sa boys! Maraming hombre dito for sure! Susme! Kayong apat! Kay gaganda nyo, keseseksi, dapat sa inyo nagbibilang ng lalake! Jusko! If I were in your shoes, baka tumitirik na ang mga mata ko sa sarap! Hahahaha!” Humahalakhak ito habang nagpagulong-gulong sa kanyang higaan sa lapag.
“Jaze, please stop daydreaming. Reality really hurts big time, you know." I told him while replying to my mother's texts telling her that I arrived Davao unscathed. Nakangisi kaming lahat sa kanya while waiting for his reaction.
"Damn, right. K, fine Iidlip ko na lang ito. But seriously girls, let's go out tonight even just for two hours. Lumanghap man lang tayo ng hangin ng Davao. Let's have fun a lil' bit, yah know." Saad nito at isa-isa kaming tinignan na tila naghihintay ito ng reaksyon mula sa amin. Halos sabay kaming apat nag-kibit balikat. Nag-inat muna ako saka umayos ng higa. Ako at si Mary ang magkatabi sa higaan. While si Aireen at Lizette naman sa kabilang kama.
“I think Jaze's idea isn’t bad at all. What do you think, ladies?” Lizette asked as she changed position to face our side.
Napaisip ako at tumango pagkatapos. “Alright, but just two hours, okay? We need to wake up early dahil kailangan nasa hotel na tayo bago mag alas-otso.”
“Call. May orientation pa atang gaganapin at hotel tour before the training starts. Am I right, Emz?" Si Aireen.
I nodded at her. "Yep. Okay, let's go out tonight pero matinong usapan ha. Walang iinom at walang mang iiwan. Tayong lima ay sama-sama sa iisang lugar. Kung may pupuntahan magpapaalam muna. Kasi baka hindi na makabalik, maloloka sa paghahanap ang maiiwan. I repeat, no alcohol girls, okay? And most importantly, walang manlalake! Hear me Jaze? Let's just shake our ass off on the dancefloor. Lahat ng pagod natin, ibuhos natin sa pagsasayaw. Para mas lalo tayong mapagod." Napangisi ako. Para pagbalik dito, madali nalang makatulog dahil sa buong araw na pagod.
Allowed na kaming uminom since we are all eighteen years of age. Pero ayokong makaranas ng hang-over bukas since tomorrow is the first day of our training. Napangiti na lang ako dahil kahit paano ay excited ako sa aming internship. Honestly speaking, I have been looking forward to this day. The hotel got some good, if not great, reviews.
Taliwas sa unang plano na mag-merienda muna, nagsipagtulugan na lamang kami. Malambot ang aming kama at si Jaze ang unang nakatulog sa aming lima. Around seven in the evening, nag-umpisa na kaming ayusin ang aming mga sarili. We planned to wear sexy shorts for tonight dahil na rin sa maalinsangan ang panahon. I chose to wear black off-shoulder tank top. Naka spaghetti strap naman si Aireen at Lizette while Mary wore the palest blue hanging blouse. Nag make-up kami ng bahagya just enough to emphasize our natural beauty. Para na rin magmukha kaming matured. Kaming apat ay mapuputi, magaganda sabi nila, but we differ in height. I stand 5'6 tall, while Mary and Lizette stand 5'4" tall. Aireen, on the other hand, is the petite in our group but she is difinitely a bomb. She has the cutest face, I must admit. While Jaze is, Jaze. Maraming abubot na suot-suot sa katawan. But he looks good though. He has some sense in terms of fashion. Kung hindi lang namin ito kilala, baka magkagusto kami sa taglay na kagwapuhan nito.
Nakarating kami sa Clubmix Bar via taxi. Isa ito sa pinakasikat na bar sa siyudad ng Davao. Marami-rami na rin ang nandito sa loob but fortunately, nakakuha kami ng bakanteng table. The smell of the cigarette fanning through my face made me cough. Buti na lang nawala na ang hika ko nang nagdalaga na ako. This is one of the reasons why I don’t fancy going to bars.
Nilibot ko ang aking paningin. The area is clean and modernize. Meron pang second floor ang bar but it's too crowded there already. Jampacked na ang buong bar. Napatingin ako sa mga sumasayaw sa dancefloor. I heard Justin Timberlake's Sexy Back echoing around the place. I felt good at hindi ko maiwasang sumabay sa pagsasayaw. Adrenalin started rushing though my veins. I love dancing and I wanna dance right now.
“Girls, shall we?” I asked them while pointing at the dancefloor.
“Hell, yeah!” They replied in unison. Sabay-sabay na kaming nagsipagtayo. Nasa gitna na kami ng dancefloor and humataw agad sa sayawan. Napahiyaw pa kami nang pumalit ang tugtog na Timber ni Kesha. Tawa kami ng tawa kay Jaze dahil nagpakitang-gilas ito sa pagsasayaw. He got them moves. He’s very flexible and graceful as he swayed his hips. Lumpit ito kay Aireen at pwesto sa likod ng babae. He placed his arm around her slim waist and they both danced in rhythm. Nagtinginan kami ni Mary at ngumisi.
Bigla akong nakaramdam ng uhaw at magpapaalam sana ako na babalik sa table namin nang biglang may pumulupot na mga braso sa bewang ko. Napasinghap ako ng malakas.
“Hey baby, you're looking hot tonight. Dance with me...” Bulong nito sa tainga ko. Kinilabutan ako. His voice was deep and manly. Ang mga kamay nito ay humihimas sa aking tagiliran. Agad kong hinarap kung sino mang Poncio Pilato itong nangahas na hawakan ako.
Nakahanda na ang palad kong manampal but the moment I looked into his eyes, napatigil ako. Why, he's so damn gorgeous! Kahit dim ang mga ilaw ay makikita pa rin ang kagawapuhan niya. Napatitig ako ng matagal sa kanya. I saw his lips twist in a mocking smile. That made me get back to reality. What a jerk! I find him good-looking but the way he smirked at me was so damn annoying! Like he was expecting my reaction beforehand. And the way his eyes glittered with amusement added to the hate I was starting to feel towards him.
“Nah, thanks but no thanks. I don't talk to strangers.” I said smirking at him too, sabay bigwas ko ng kanyang mga kamay sa bewang ko. Nakita kong medyo nagulat ito sa aking kinilos. Did he expect me to melt by his touch? No freaking way! Pero mas nagulat ako nang ngumiti ito. The kind of smile that was so genuine as if he were glad I dodged his intention. I also saw relief in his eyes o baka namalikmata lang ako? Nagtaas ito ng mga kamay sa ere at humakbang palayo. Inirapan koi to bago ko hinarap ang mga kaibigan kong nakamasid lang.
“Girls, balik na muna tayo sa table natin. Nauuhaw ako. Let's order some juice.” Aya ko sa mga kaibigan ko na until now ay nakanganga pa rin sa lalaking papalayo. And for a moment there, nakalimutan kong kasama ko nga pala sila sa dancefloor. Hinila ko na sila pabalik sa table namin dahil wala akong natanggap na sagot. Goodness! Are they going to act like that every time they see a handsome guy?
“Damn girl, he looks delicious! Gaaad! Pinalagpas mo yun? Ang gwapo, syemaay! Look oh! Ang gagwapo ng mga kaibgan nya! Umuulan ng Adonis tonight! Urggh! I kennat!” Kumikinang-kinang pa ang mga mata ni Jaze sa pagsasalita.
“Shut up Jaze! Gwapo nga halata namang manyak! Eww!” Ngumiwi si Mary at inirapan ito.
“Pero infairness, ang gwapo. Tignan nyo ang mga kasama niya, ang popogi din!” Pinapaypay ni Aireen ang kanyang kamay sa kanyang mukha na para bang naiinitan ito.
Pasimple naming nilingon ang table ng lalakeng humawak sa akin kanina. Hindi ordinaryo ang pwesto nila kumpara sa table namin. Kung tama ako ay VIP lounge ang area nila at hindi sila kalayuan sa table namin. Anim na lalake ang nakikita ko at parang kinakantyawan ng mga ito ang lalaking lumapit sa akin kanina. Halatang mayayaman ang mga ito, base na rin sa paraan ng pananalita ng lalake kanina. Tantiya ko rin ay nasa mid-twenties na ang mga ito. Nagtatawanan sila at humahalakhak pa ang isa. I rolled my eyes upward. Is it really a thing for men to hook up themselves with a random girl? Jokes on them, I am not the easy type. Although one thing is clear here, they're definitely the sons of Adonis.
Tinungga ko muna ang aking juice bago binalik ang tingin sa kanila. Nanliit ang mata ko. One man caught my attention. Medyo nakatalikod ito. He wears a black polo shirt. He seems quiet though. Bukod sa kanilang anim ay ito lang ang hindi nagsasalita at tumatango lamang. Seryosong umiinom lang ito ng beer at hindi nakikipaghuntahan. He has this msyterious aura na nakapalibot sa katawan niya. Nagulat pa ako nang bigla itong tumayo habang hawak sa kaliwang kamay ang cellphone at tila may kinakausap. Ang isang kamay naman ay nakapamewang.
Damn it. The shirt that he’s wearing is body fitted and nadepina ang masels sa kanyang dibdib at mga braso. He's six feet tall and above, I'm sure of that. Lumilinga-linga pa ito sa paligid. God, that prominent nose is so perfect! Kumunot ang aking noo. Did I happen to see him somewhere? Why, his physique looks familiar.
“Can you please glance at our direction? Even just for one second, please. I just want to see your face clearly,” My subconscious mind was yelling at the back of my head. Hindi kaya artista ito? Sa telebisyon ko ba ito nakita? I swear, I saw him before, hindi ko lang mapagtanto kung kailan at saan.
Maya-maya pa ay may mga babaeng dumating sa lounge nila at kumandong pa ang iba sa mga kasama nito. The guy with a black polo-shirt smirked at the blonde woman. Her arms went directly to his neck, clinging into him like a koala.
He went back to where he was seated and the woman shamelessly sat on his lap, her skirt rolled up, exposing her thighs. The man clutched her thighs with his palms, as he leaned closer to her.
Nanlaki ang mata ko when he kissed the girl fiercely. s**t. Hindi ko alam bakit napapikit ako. Biglang pumait ang panlasa ko sa juice na ininom ko, gayong kanina ay natatamisan ako.
“You okay, Emz? Parang anytime mababasag mo na yang baso sa higpit ng hawak mo.” Kunot-noong tanong ni Lizette.
I didn't even notice that I was gripping my glass tightly. Umiling ako sa kanya. “Nothing.”
“Oh, would you look at that. They got some hotties out there.” Jaze remarked.
“Nagtaka ka pa? That’s so typical of them, Jaze. Kanina nanghahanap ng mauutong babae, si Emz pa ang natipuhan, eh hindi umubra sa kanya, kaya ayan, ibang babae naman.” Si Mary na kanina pa nababanas sa mga pangyayari.
“Ang mainam pa ay umuwi na tayo. Let’s go back to our hotel. I think we’ve had enough for tonight." Tumayo na ako but Aireen complained.
“C’mon, Emz. Wala pa tayong two hours dito. We were just about to get started. The night is still young. Sayang naman ang oras na ginugol natin to prepare ourselves.”
I sighed dramatically. She has a point. The three of them nodded, agreing to Aireen. Mary shrugged her shoulders. “If you want to go back to the hotel Emz, I’ll go with you.”
I didn’t want to rain on their parade, so I nodded. “It’s okay. You can stay. Mary and I will just go back. Sumasakit na rin kasi talaga ang ulo ko. I don’t think I can last a minute here.”
“Are you really sure, Emz?” paninigurado ni Aireen. Her guilty face made me smile.
“I’m really sure. Basta balik kayo ng hotel after one hour, ha. Jaze, take care of Aireen and Lizette.” Jaze nodded at me with determination. Napangisi ako. He looked manly for a minute there.
“Now, off you go.” Ininguso ko ang dancefloor.
They looked at me with hesitation, but I shooed them out. For sure they’re wondering the sudden change of my mood. Kahit ako man ay nagtataka din sa nararamdaman ko.
Why am I pissed? I don’t know. Basta naiirita ako.
Mary put her arm around my shoulder. For us to leave the place, we need to pass by in front of the VIP lounge. Kagat-labing yumakap ako sa bewang ni Mary habang naglalakad kami palapit sa area nila. In my peripheral view, I saw him stop kissing the woman and thought he’s looking at our direction. Gusto kong iangat ang tingin para makasiguro pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong madagdagan ang pananakit ng ulo ko.
(THIS CHAPTER HAS LAWRENCE'S POV AND CAN ONLY BE READ IN THE PHYSICAL BOOK)