TWO: Mysterious

1799 Words
We are at the canteen, discussing the best way to deal with the situation even if we know it is completely out of our hands. I don't know if I'd be glad, sad or both. Kilala ang Dela Vega Suites bilang isa sa pinaka-elite sa lahat ng hotel sa Pilipinas. And yeah, it's indeed a great privilege to be chosen but what the fudge! Marami ang hindi nakapasang HRM students doon. Even our seniors were having a hard time. Maraming haka-haka na napakahigpit daw ng patakaran doon at hindi basta-basta ang trabaho. There was also gossips that Lawrence dela Vega, yes, the CEO and the owner himself, is not an approachable man. He’s vindictive, stern and cruel. But then, nobody knows the truth since he’s very distant from the public eye. It’s very rare to see him in public. He's very private person. Kaya nga wala akong makuhang matinong picture niya sa internet. Balitang nasa ibang bansa ito para asikasuhin ang iba pang hotel chains nila. He has a sister named Veronica. She’s the complete opposite of him. Veronica dela Vega is a famous celebrity. She’s one of the top models in Asia. I’ve read few articles and most of them painted him as a womanizer. Pero wala pa rin silang makuhang matinong litrato at hindi rin nila mapangalanan kung sino-sino ang mga babaeng nali-link sa kanya. I shrugged my shoulders. Why should I care? His social status isn’t my concern. I don’t understand why I’m curious about the CEO. Wala naman akong pakialam sa lovelife niya or anything for that matter. There is no possibility that we will rub shoulders in the future. Oh, mayroon pala. We need to interview him kung ipapahintulot nito. This is so frustrating! Iniisip ko pa lang ay alam kong mabibigo na kami hindi pa man. I sighed. I really didn’t see this coming. Nakaplano pa naman na kaming magkakaibigan na sa Cagayan de Oro kami mag-a-apply for internship. It would be a lot easier kung sa CDO dahil di hamak naman na mas komportable kami doon, ang sabi na rin ng mga seniors namin. I heard the feedbacks ng mga ibang nag-OJT sa Davao na hindi nga raw maganda ang naging experience nila doon. Sobrang tight daw ng schedules at napakaselan ng mga regular employees. Nahirapan daw silang maki-bagay sa mga iyon. Ang resulta, wala silang halos natutunan in the duration of their internship, kung mayroon man, hindi sapat para sa group report na kailangan isumite pag natapos na ang OJT.   I sighed again. Kung sakali man na mahihirapan din kami, we need to exert a lot of extra effort on this one. Pakapalan na rin siguro ng mukha. Hays. Ewan. Bahala na. We’d probably just cross the bridge when we get there. I was so engrossed with what I was doing when suddenly, may tumambad na iced tea drink sa harap ko. I was startled. Lilingon na sana ako para alamin kung sinong makapal na mukha ang nangahas na gulatin ako nang maramdaman ko ang mga labing bumubulong sa akin. Agad na kinilabutan ako and my blood instantly reached the boiling point. This man knows no bounds when it comes to his sly, cunning ways. What an arrogant jerk. "Woman, you are so f*****g hot just by sitting here. I wanna crush your body against mine." Napapaos na boses nito na may halong kahalayan. I rolled my eyes while making a fist. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino man ito dahil kilalang kilala ko na siya sa boses pa lang. This is like a replay, everyday. Hindi na nagsawa. I rose from my seat, mentally preparing for a war. “Really, Lance Lorenzo? I bet my life, matatalo ka lang ulit sa pustahan ninyo ng mga kaibigan mong hambog because there's no way on earth I'm gonna succumed to your seduction. Because first of all, you aren't seductive at all. You are disgusting. Secondly, you are just a so-so player who knows nothing but to f**k every hoes here in our campus who are so willing to be at your mercy. And lastly, You. Are. Not. My. Type, so try harder.” Padarag na pagkakasabi ko sabay nang paglingon ko sa kanya. Hindi pasigaw ang pagkakasabi ko, tamang lakas lang para marinig ng mga kaibigan niya sa kabilang table at ng mga bitches na fantards niya na nasa likuran namin. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. At nakita kong nakakuyom ang kanyang kamao. Nag-angat ako ng kilay. You gonna punch me? “What? Are you pissed? You want to hurt me now? Then do it! Hurt me! Once you lay a finger on me, iisipin kong isa kang bakla because no guy on his right mind would hurt a girl physically. At mas lalo lang bababa ang tingin ko sa'yo.” Napahalukipkip ako. Nakakatitig siya nang matagal sa akin. Yung klase ng titig na nagbabadya ng babala. “We'll see Emz...we'll see...” May banta sa boses nito. Isang sulyap sa akin bago ito tumalikod at bumalik sa pwesto ng kanyang mga abnormal na kaibigan. Since day one, Lance Navarro never fails to prove himself that he's one pathetic sonofabitch. Hindi ko ito kailanman pinapansin at dahil doon ay kung ano-ano nang kalokohan ang ginagawa nito sa akin. The worst thing that he did was when he forcefully dragged me into the men's lavatory at balak sanang gawan ako ng masama. Laking pasalamat ko lang talaga dahil nakasaklolo agad ang mga kaklase ko. “Hoy babae! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan si Lance ng ganun! Sino ka ba sa tingin mo? Akala mo ang ganda ganda mo! Don't you dare call him names, he's the school's MVP! He deserves your respect! You gonna pay for this b***h!” Sabay duro ni Tasha sakin. Tasha Gomez, the campus queen. But seriously speaking, siya lang ata ang nagbigay ng title sa kanyang sarili. Gosh! I'm not pulling my own chair but I'm way prettier than her! Pero hindi ko kailanman ipinagyayabang yun sa lahat simply because everybody knows that for a fact. Malakas lang ang apog niya palibhasa anak ng Mayor. Tsk! Tsk! Another pathetic creature. I rolled my eyes in annoyance. Pansin kong tahimik lang ang mga tao sa canteen at ang mga kaibigan ko naman ay tahimik lang din pero may mga nakatagong ngiti sa mga labi. They find this amusing. Pati ako napapangiti ng palihim. “Really? I can certainly pay you. Alam mo kung bakit? Dahil ang cheap mo. Mas mahal pa ang isang kilong galunggong sa'yo. And why would I respect someone who doesn't deserve to be respected? Alam mo at alam ng lahat kung ano ang ginawa niya sa akin! Paano ko rerespituhin ang isang taong unang pagkikita pa lang namin ay binastos na ako! Don't ask me to respect him when that person doesn't even know how to respect others. At hindi dahil MVP siya, dapat na siyang irespeto! Respect is earned, not given. Get it? Now get lost!” Bugaw ko sa kanya. Nanliliit ang mata nitong nakatingin sa akin. Para ngang may usok na lumalabas sa magkabilang tainga at ilong niya. Inirapan nya lang ako at umalis na sa harap ko. Hanggang ganun lang talaga ang kaya niya. Paulit-ulit na lang. Hays. Naupo ako at ininom ang orange juice na binili ng kagrupo ko. Nilayo ko ang iced tea na galing sa antipatikong lalakeng yun. Mamaya may halong gayuma pa yung inumin. “That was intense. Grabe taob talaga sila sayo.” Si Mary habang kumukagat sa sandwich nya. “Ang kapal talaga ng face nyang si Tasha, akala mo kagandahan. Susme! If I know "Salamat Dok" lang ang mukha at kutis nya. Mas maganda pa nga ako sa kanya e.” Sabat ni Jaze habang sinunsuklay ang imaginary long hair nya. Nagtinginan kaming apat sabay bumungisngis. "Pero seriously, nakakatakot din minsan yang si Lance. Oo, aminin na natin na gwapo siya at malakas ang s*x appeal pero umaalingasaw naman ang hambog sa katawan. Parang lahat papatulan nito at sasaktan, kiber kung babae man." Napailing pa si Lizette. Si Aireen naman, as usual, busy sa pagbutingting ng kanyang kuko sa kamay at tumatango-tango lang din. "Subukan niya lang na saktan ako, makikita niya ang hinahanap niya." Ani ko. Although may nakakapa rin akong kaba sa dibdib. Walang makakapagsabi kung ano ang kayang gawin ni Lance. Ganunpaman, nakahanda ako. I sighed heavily at pinagpatuloy ang naudlot kong ginagawa. Mayamaya pa naging busy ulit kami sa pagreresearch. "By May, ihanda na natin ang mga requirements na ipapasa sa hotel na yun. Ang sabi ni Madame first week of June tayo mag-uumpisa ng training. We might as well train ourselves first in our laboratory para naman hindi tayo kahiya-hiya pagdating dun. Alalahanin natin, it's our school's name we are carrying on our shoulders. Hindi ito biro. Pag tayong lahat nabigyan ng magandang record at the end of September, malaking bagay ito sa atin at sa school na rin. Baka excuse na tayo sa ibang minor subjects natin sa second sem kung makasurvive tayo sa internship na ito. We'll do some reviews too. And keep on stalking the hotel's backgound and activities every now and then para may idea tayo kung sakali.” Wika ko nang mawari na wala na talaga akong mapipiga pang impormasyon sa ngayon. Jaze is including in my team since lima daw ang kailangan ng hotel from our school. Nagsipag-tanguan ang lahat sa akin at tinapos na naming kainin ang inorder namin. Sa sobrang subsob ko sa pagre-research ay hindi ko na inalala pa ang nangyaring bangayan kanina lang. "I'm curious though, bakit itong si Lawrence dela Vega ata ay napaka-mysterious na tao? Wala man lang matinong kuha sa internet. Kung mayroon man ang lalayo at malalabo pati. But why did medias branded him as a certified womanizer when they couldn't get a f*****g picture to make the rumors believable?" Ang tanong ni Jaze habang nagsusurf rin sa laptop niya about this certain CEO. "That's a multi-million-dollar question Jaze. But honestly, I don't give a s**t. We don’t need to know those matters. It’s his life. His affairs have nothing to do with our internship.” My answer to him. Tinitigan ko ang larawan sa aking laptop screen. Malayo ang kuha ng litrato. Naka-dark shades ang lalake at bahagyang nakayuko ang ulo. Sa kanang kamay ay may hawak na Gucci traveling bag. Gayunpaman, hindi maikakaila ang pagkakaroon nito ng authoritative and assertive character na mangingilag ka talaga sa kanya makita mo lang siya sa malayuan. At hindi pa namin ito nakikita sa personal sa lagay na yan. Looking at his picture, hindi ko maipaliwanag bakit tila may kakaiba sa lalake. Maybe because he has this dark aura around him? Perhaps because he doesn’t look happy in the picture? I don’t really know. Kung makikita namin siya sa personal, saka pa lang siguro masasagot ang mga katanungan ko. But really, who are you Lawrence dela Vega? I asked myself as I let my fingertip touched the monitor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD