SIX: Lawrence Dela Vega

2186 Words
Hindi pa rin nagrehistro sa utak ko ang nangyari. Napatingin ako sa natatarantang si ate Love habang papalapit ito sa akin. “Okay ka lang bhe? Medyo namumutla ka. Napagsabihan ka ba ni Sir Dela Vega? Pinagalitan ka ba? Ano daw mali nagawa mo? Hay naku, huwag mo na lang dibdibin. He’s really like tha. Brutally straightforward kind of a person.” She consoled me by tapping my back. Namilog ang mata ko sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Dela Vega????? “De----dela Ve----ga? Yun ba si Lawrence dela Vega, ate Love?” Tanong ko sa kanya sa nanginginig na boses. I was so stunned I thought my brain malfunctioned for a minute. I couldn't believe it! Nanlaki ang mga mata ni ate Love sabay nang pagsinghap. Para bang may nabuong konklusyon sa isip niya. “The one and only. Hindi mo ba siya nakikilala? Siya at ang kapatid niya ang may-ari ng hotel na ito. Ay sus! Kaya pala! Kasi hindi mo siya kilala!” Natampal nito ang noo. “Pero hayaan mo na, kilala mo man o hindi, ganun na talaga ang taong yun. He's cold and temperemental. Pero despite his coldness, hindi naman siya yung klase ng tao na mapagmata. Infact, he's treating everyone here with respect. Civil lang siya. Kaming mga empleyado ang medyo ilag sa kanya. Kasi naman, nakakatakot ang aura nya. Yung para bang may banta lagi. One wrong move and you're dead. Like that. Bihira mo nga lang siya mahagilap at busy lagi sa negosyo nila at sa mga flings niya. Kahit ang media hindi siya malapitan. Swerte mo dahil nakita at nakausap mo siya ng malapitan.” Wika ni ate Love at nagkibit ng balikat. Tumabi na ito sa akin at may inaayos na mga file sa gilid niya. “Pero aminin mo bhe, ang gwapo ni Sir! Jusko! Nakikita ko pa lang siya sa malayo napapahawak na ako sa bewang ko para e-check kung nalaglag ba ang panty ko! Grabe ang kakisigan! Hanep talaga! Hindi ba ilegal yung ganun kagwapo?! Hays, kaya hindi na ako magtataka kung bakit hinahabol ng mga babae si Sir Lawrence. Isang sulyap lang niya sa'yo, bibigay ka na agad sa mga titig niya!” Exaggerated na pagkakasabi pa nito at napapapikit pa. Nag iimagine na ata ng kung anu-ano. Pero oo, aaminin kong napakagwapo niya talaga. Nararamdaman ko pa hanggang ngayon ang nginig sa katawan ko. The way he stared at me is like a promise of pleasure aftter pleasure that a man gives to a woman. Ang intensidad ng kanyang titig ay nakakapangilabot, pero hindi sa nakakatakot na paraan. Parang may pinupukaw ito sa aking sistema at hindi ko mapangalanan kung ano man iyon. Ang alam ko ay kakaiba ang t***k ng aking puso. At tila may kung ilang paru-paro ang nagliliparan sa aking tiyan. At hindi ko pa ito kailanman naramdaman. And one more thing, he is somehow familiar. I wonder kung saan ko siya nakita. And the last words he said, hindi na ata mawala sa isip ko. Was he serious about it? Sa kanya lang daw ang mga ngiti ko? Anong ibig sabihin ng mga salita niya? He can't be serious! Sinong matinong lalake ang magsasabi ng ganun sa isang babae? And to think we are strangers to each other. I sighed deeply. That man must be crazy o baka naisip lang akong pagtripan? A week had gone by since I last saw Mr. dela Vega. Hindi ko na binanggit sa mga kaibigan ko na nakilala ko na nang harap-harapan ang pinaka-boss ng lahat dito. Hindi na rin nasundan pa ang pagkikita namin. Hindi ko na siya nakitang dumaan sa entrance hall. At hindi ko rin siya nakitang lumabas. I met Miss Veronica dela Vega once too. Minsang dumaan siya sa lobby at huminto para tanungin ako kung intern ba ako. Halos di ako makasagot ng maayos. She was very pretty and intimdating just like her brother. Pero sa loob ng mga araw na lumipas, wala akong matandaan na hindi sumagi sa balintataw ko si Mr. dela Vega. Those eyes were hunting me even in my dreams. I never had a crush before. Pero kung ganito ako palagi mula nang makit ko si Mr. dela Vega, maybe I have crush on him, kung crush ngang matatawag itong nararamdaman ko. Alas dose ng tanghali at andito kami sa cafeteria nananghalian. Magarbo ang cafeteria kahit para sa empleyado lamang. Masasarap din ang kanilang mga luto. Pumwesto kami sa gitnang mesa. Napatingin sa gawi namin ang ibang empleyado ng hotel. Nginitian namin sila bilang respeto. May isang mesa sa dulo na puro room attendants ang nakaupo, base na rin sa uniform nilang suot. Mukhang may pinagchichismisan ang mga ito at ipupusta ko hintuturo ko, kami na naman ang topic nila. Obvious naman kasi masyado dahil panay ang sulyap nila sa gawi namin. Nagkukwentuhan kami nang dumating ang mga kapwa namin trainees mula sa ibang school. Medyo maingay sila kaya halos naagaw nila ang atensyon ng lahat. Kilala na namin sila pero masasabi ko na hindi kami ganun ka close. There is always awkwardness between groups. “Girls, ang pogi ni Karlo, noh? Yung taga Butuan. May gusto ata sa'yo Emz. Lagi na lang sumusulyap sa gawi natin eh.” Ang biglang sabi ni Lizette habang tumutusok ng pork steak sa plato niya. “Ay, napansin mo rin pala? Pero bet ko rin itong si Juztin. Malakas ang appeal. At matangkad. Ang popogi nila sa totoo lang.” Kinikilig pa si Aireen. “Ikaw Mary, sino ang pinakagwapo sa'yo sa lahat ng trainees dito?” Baling ni Jaze kay Mary na busy sa pagkain. “Ahm, pag iisipan ko pa.” Simpleng sagot lang nito. “Ay nako wag nyo nang tanungin yang si Mary at si Henry lang ang apple of the eye niyan.” Singit ni Lizette at agad na nakatanggap siya ng irap kay Mary. Nag peace sign si Lizette dito pero may malaking ngisi sa mga labi. Si Henry ay football player sa school namin. Matagal na niyang crush yun ngunit sa tingin ko ay hindi siya pinapansin. “Etong si Emz ang tanungin nyo, lubayan nyo ako.” Pagsusungit pa ni Mary. Inabot niya ang lemon tea at uminom doon. “So pretty Emz, sino sa kanila ang bet mo? For sure, isang sulyap mo lang sa kanila, malulusaw ang mga yan. Sino ang pinakapogi for you girl?” Nakataas pa ang kilay ni Jade habang nagsasalita. Silang apat ay nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sagot. “None.” Bagot kong sagot sa kanila habang sumsimsim sa order kong lemonade. Wala akong ganang kumain at tinutusok-tusok ko lang ang repolyo gamit ang hawak kong tinidor. “Hala! Yung totoo, tomboy ka noh? Kahit isa sa kanila wala kang natipuhan? Aba! Matinde!” Si Jazy na biglang napahalukipkip. “Gaga, pag walang natipuhan tomboy agad? Hindi ba pwedeng hindi ko lang sila type? Makatomboy ka naman wagas. It's just that, they aren't attractive at all compared to Law....” I suddenly trailed-off. Napapikit ako. Damn it! Bakit ba bigla-bigla na lang siyang sumisingit sa isip ko! This is so wrong! At ang kapal ng mukha kong tawagin siyang Lawrence! Where the hell is your manners, Emz! “Ano yun, sino yun?” Halos sabay silang apat sa pagtanong. Lahat sila ay nakatingin sa akin. I blushed. God, I am a pretty bad liar and they know it. “Duh! Wala! Sabi ko kung kasing attractive sila ni Channing Tatum, baka may pag-asa pa!” Palusot ko na lang. Sana bumenta. “Ohhhhh….” Nag-hugis ‘O’ ang bibig nila bilang sagot sa akin. "Kung ganyan lang din pala, maglaslas kana girl, wala kang makikitang Channing Tatum sa Pinas! Asabells!" Jaze rolled his eyes at me. Tumikhim ako. Believe me, I've seen someone way gorgeous than Channing Tatum. Natigil kami sa aming huntahan nang lumapit ang magkaibigang Juztin at Karlo sa table namin, dala-dala ang kanya-kanyang tray ng pagkain. “Hello girls, makiki-share sana kami sa table nyo, ok lang?” Medyo nahihiya pang paalam sa amin ni Karlo. Ngumiti kami sa kanila. Ako naman ay sinabayan ng tango. “Oo naman, hindi namin pagmamay-ari tong cafeteria noh, kaya ok lang.” “Thanks, Emz. Ang ganda mo talaga lalo sa malapitan.” Ang nasabi ni Juztin. Bigla siyang siniko ni Karlo. Umiiwas ang huli ng tingin sa akin. Napataas ako ng kilay and almost gave them an eye roll. Alam ko na agad ang intensyon nila. But since they are polite, I will show them how polite I am too. “Thanks, pero bumenta na yan.” Ngumisi ako. Umupo sila sa bandang kaliwa ko since may dalawa ring bakanteng upuan doon. “I know but we can't help it. You are really beautiful. But we know where we stand. We just want to befriend you guys, if that's okay with you.” Pag e-explain ni Karlo sa akin, or rather, sa amin since iginala niya ang paningin sa aming lahat. “Not bad at all. We are friendly. Hindi kami nangangagat. Don't you worry.” Si Aireen. Nagsagutan lang kami ng ngiti at saka pinagpatuloy ang pagkain. “So Emz, kumusta ang pagiging receptionist? Bukam-bibig ka ng mga waiters sa kitchen. Ang dami mong tagahanga.” Tanong sa akin ni Juztin. Siniko niya ako nang bahagya. Patapos na silang kumain lahat. Hindi ko naman halos magalaw pagkain ko. I felt weird. Napasimangot ako. Hindi ko kailangan ng tagahanga. Hindi naman ako celebrity in the first place. Sasagot na sana ako ng biglang may tumikhim nang malakas sa bandang likuran. Lumundag ang puso ko at nagsitayuan ang balahibo sa aking batok. Why, I felt like the atmosphere suddenly changed? Hindi ko nilingon ang taong nasa likod ko. Sapat na ang nakikita kong ekspresyon sa mukha ng mga kaibigan ko na nasa harap para mawari kung sino ang taong iyon. Lahat ng taong kumakain ay napahinto at sumulyap sa gawi namin. Kitang-kita ko rin sa mga mukha nila ang pagkagulat at panggilalas. Tumahimik ang kanina lang na maingay na paligid. “Can I have a seat here?” Ang sabi nung lalaki gamit ang baritonong boses. Napatingin ako sa mesa namin. Wala ng bakanteng mauupuan. Samantalang mayroon pang bakante sa iba. Ang mga kaibigan ko ay halos hindi kumikilos at kumukurap. “You, are you done eating? If you don’t mind, I would like to take your seat.” He said using his authoritative voice. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero napagtanto ko iyon nang kumilos ang dalawang lalake sa gilid ko. Agad namang tumayo ang dalawa na sina Juztin at Karlo. Tumayo rin ang mga kaibigan ko. Dahan-dahan akong tumayo at umikot para makita ang lalaking ilang araw ng laman ng aking isipan. There he was, staring back at me. He was wearing a three-piece business suit. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot. He exuded power and authority. His aura had threatening effect that made him very intimidating. He's like a Greek god who stepped down from Mt. Olympus. Drop-dead gorgeous. Devastatingly handsome. “Sure Sir, tapos na rin po kaming kumain ng kaibigan ko.” Wika ni Juztin na medyo namumutla pa. He moved away to give way to this man. But he didn't move. He's still staring at me. I don't know but the way he looked at me, there was danger in there. He seemed mad and pissed. Did I do something wrong? May panunumbat at inis sa mga titig nito. His face was impassive and blank, but his eyes conveyed anger. Problema nito? Kanya-kanya silang bitbit ng tray and I tried to make a move too. Nagtangka akong umalis pero hindi pa ako nakakalayo sa kinatatayuan ako, bigla niya akong hinawakan sa braso at hinigit palapit sa kanya. My body was literally pressed against his side. Halos matapon ang laman ng tray ko because I was out of balance, bukod pa sa naginginig din ang aking mga kamay. “Join me, Emerald.” May diin sa mga salita niya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. Hinigit niya ako pabalik sa inupuan ko kanina. Wala akong lakas tumanggi. Namanhid ata ang buong sistema ko at wala sa sariling umupo sa pwesto ko. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa mesa. Natatakot akong iangat ang aking tingin. Natatakot ako sa maaaring isipin ng mga tao sa akin. Napansin kong nag-excuse ang mga kaibigan ko sa kanya at nagsimula na silang umalis sa pwesto namin. Kilala na ba nila kung sino siya? Umupo siya sa tabi ko. Nagulat pa ako nang may dumating na mga waiters at nilinis ang mesa namin na makalat dahil sa pinagkainan namin. I was speechless. Hindi ako makapagsalita at wala akong mahanap na tamang salita sa mga nangyayari ngayon. What does he want from me? Yun lang lagi ang tanong na nagpi-play sa utak ko. May mga dumating na panibagong waiters at nagserve ng pagkain sa harap namin. Tumikhim siya at bumaling sa akin. Maaliwalas na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malayo kanina na tila naghahanap ng kaaway. “Eat Emerald. You almost didn't touch your food and it bothers the hell out of me. Now, I want you to eat. And do as I say.” He spoke with authority. I gasped. Paano niya nalaman? I shook my head, trying to avoid his penetrating eyes. “Pero busog pa ako.” I replied. He raised an eyebrow. “Would you rather want me to spoon-feed you?” Napatanga ako sa kanyang sinabi. Nababaliw na ba ang lalakeng 'to? I saw a ghost of smile on his lips and it made my heart skip a beat. I hate this. Malakas akong umiling. The hell you will do that, Lawrence dela Vega! SEVEN   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD