SEVEN: Hindi Maabot

2335 Words
Tahimik akong kumakain kahit pakiramdam ko ay hindi ko malunok-lunok ang kinakain ko. Ang tahimik ng paligid. Kahit busy ang lahat sa kani-kanilang pagkain pero ramdam ko ang mga panakaw na tingin nila sa amin. Habang siya ay maganang kumakain at walang pakialam sa mga empleyado na nakatulala sa amin. Great! Now, I'm the instant celebrity here huh?! For sure, ako na ang nasa hot seat ngayon! Damn this! “I can't eat anymore, Sir. I'm sated.” Pabulong kong sabi but I know he heard me dahil nagtaas siya ng tingin sa akin. Ayan na naman ang mga titig niyang hindi ko matagalan. I looked away. He sighed. “Alright then.” Ang tangi niyang sagot. Inabot niya ang tissue at ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan. His hand held my chin at pinaharap sa kanya saka walang babalang ipinahid ang tissue sa gilid ng labi ko. Napakurap ako at napatanga. Did...did he just do that? Nanlaki rin ang kanyang mga mata na tila ba ay nagulat din siya sa kanyang ginawa. He cleared his throat. “You're eighteen.” He whispered. He was referring to my age, I guess. I wonder kung paano niya rin iyon nalaman. “I am, Sir.” Patango kong sabi. Ang tingin ko ay nasa mga kamay kong nakasalikop sa aking kandungan. Narinig ko na naman ang mumunti niyang mura. “Young....too young...damn it.” Tila inis ito sa sarili. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko kung paano niya pinikit ng madiin ang kanyang mga mata. Nalito na naman ako sa reaksyong pinapakita niya. “I'm ten years your senior.” Dagdag pa nito sa namamaos na boses. Kumunot ang noo ko. Lumingon siya sa akin. Ano naman kung sampung taon ang tanda niya sa akin? He doesn't look twenty-eight years old to me. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Hindi mo talaga magawang hindi suriin ito ng mabuti. Makakapal ang kanyang mga kilay. His eyes were dark gray and deep-seated na siyang magpapakinig ng kalamnan mo dahil sa lalim ng titig na maibibigay ng mga ito. Mahahaba din ang kanyang mga pilik-mata. He has pointed, prominent nose. Makinis ang kanyang pisngi at namumula pa. Nagtagal ang tingin ko sa mga labi niyang natural na mamula-mula. His lower lip is full that I'd love to take a bite. I blushed with the thought. This is not right! This is crazy! Why am I seating with the CEO and having lunch with him? A mere peasant like me has no right to be next to him! At mas lalong walang karapatang pangarapin ito! Everything is not making any sense at all! Marahas ang pagkakatayo ko kaya nakagawa ng ingay ang upuan. Nagsilingunan ang mga tao sa cafeteria. Pero sa ngayon, hindi ko na muna iintindihin ang nasa isip nila. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sa kanya. “My break is over, Sir. I need to get back to work. Thank you for the lunch.” Pinasadahan ko nang bahagya ang uniform ko para makaiwas sa kanyang mapanuring mga mata. Tumayo ito at nag-igting ang panga. Hinawakan nito ang aking kamay. I wanted to close my eyes and feel the touch of his skin against mine. “Ihahatid kita sa lobby.” Umiling ako. His actions were getting on my nerves. Pinalis ko ang kanyang kamay nang marahan. This is too much. Hindi ko na alam kung ano ang gusto niya sa akin. Why, of all people, ako ang nilalapitan niya? I have to end this habang maaga pa. “You don't have to, Sir. Surely, I can manage.” Matigas kong sagot sa kanya at nagmartsa na palabas ng cafeteria. Wala na akong pakialam kung nakita ng lahat ang pag walk-out ko. Kailangan ko pang dumaan sa ladies' room para mag-toothbrush at mag retouch ng make-up. I didn't come to Davao to play; I came here to work. I came here to learn. Pero hindi pa ako nakakalayo ay naabutan niya ako. He held my arm and pulled me towards him forcefully. “Damn strong-willed woman! When I say ihahatid kita, ihahatid kita at wala ka nang magagawa doon. You have no say to what I want to do! So, stop being difficult and follow me instead!” Halos pasigaw niyang sabi sa akin at hinila na ako pupuntang hagdanan palabas ng cafeteria. Napalunok ako. Bigla akong nanlamig at nakaramdam ng takot. This man is really intimidating, and I am starting to hate him. Hindi na ako kumibo dahil alam kong sa aming dalawa ay siya ang masusunod. Habang hila-hila niya ako, nagawa ko pa ring pansinin ang malambot na haplos ng kanyang kamay sa aking braso. At ramdam ko ang kuryenteng nanunulay sa aking katawan papunta sa aking batok. The friction of our skin was electrifying, enough for me to lose my mind. “Sir, sandali lang po. I need to go to the ladies' room.” Pigil ko sa paghila niya nang makarating kami sa hallway. He let me go. Huminto siya sandali at tinitigan ako. He heaved a sigh and nodded. Pagkatapos ay masuyong hinawakan ulit ang aking kamay at walang pag-alinlangang hinila ako papuntang ladies' room. “Get inside. I'll wait here. And don't utter a protest. Ang sabi ko ay ihahatid kita sa lobby, kaya hihintayin kita dito.” He said sternly. I expelled a huge breath. May mga dumaan na mga empleyadong babae at bumati nang nakayuko sa kanya. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung bakit ang may-ari ng hotel ay nasa labas ng ladies' room. Lawrence dela Vega didn't even bat his eye to them, and he was still looking at me intently. Pumasok na ako sa loob. Kinuha ko muna ang aking toiletries sa locker na nakalaan sa akin. Binilisan ko ang aking kilos. Nagtoothbrush ako, naghilamos at nag apply ng light make-up. Tinali ko ang buhok ko at inipit ang bangs ko sa kanang tenga. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko saka ako lumabas. Nakita ko siyang nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng maliit na hallway na yun. Sinuri niya lang ako mula ulo hanggang paa bago niya ulit hinawakan ang aking kamay. I wanted to protest. There isn't a need to hold my hand, really. “You're very pretty.” Patikhim niyang sambit. I blushed by his compliment instantly. Sanay akong nasasabihan ng ganun pero kakaiba ang aking pakiramdam kapag galing sa kanya. Nakarating kami sa lobby. Syempre nakaagaw agad kami ng atensyon mula sa mga tao. Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. “I'm sorry if I scared you. Hindi lang ako sanay na tinatanggihan. Don't worry, this will be the last time you'll see me. I mean, I won't come near you again just like this. I am aware that I am making you uncomfortable. I..... I.....just don't know what has gotten into me to do these things to you. I just hate it when boys are around you. I don't know why I'm even pissed. I wish I knew...God I wish I knew...” Nahihirapang sambit nito. Huminto siya at pinagmasdan akong mabuti gamit ang bigong mga mata. Sinuklay niya ang kanyang kulay tsokolateng buhok gamit ang kanyang mga daliri at namulsa. “Thanks for the time, Ms. Fitzgerald.” He sounded very sad. He turned his back from me, and he started walking towards his private lift. Hindi ko alam bakit bigla akong naging emosyonal. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang habulin at sabihing nagugustuhan ko ang atensyong pinapakita niya. Hindi ko alam bakit nanghihinayang ako. Never in my whole life did I feel like this. Literal na sumakit ang puso ko as I watched him walk away from me. Pero alam ko sa puso ko, na kahit ano ang gawin ko, hindi ko siya maaabot. Hindi ko kayang abutin ang isang Lawrence dela Vega. At hindi maaabot kailanman. Lumipas ang mga araw at nagpapasalamat ako na nagbalik na sa normal ang lahat. Wala na gaanong nagtatanong sa akin tungkol doon sa naganap sa cafeteria. Hindi lang daw sila makapaniwala na ang isang Lawrence dela Vega ay kakain doon at talagang ako pa raw ang napili nitong kumain kasama niya. Nakarinig ako ng masasamang salita mula sa ibang tao laban sa akin. Na baka daw inakit ko ang boss o binigay ko na ang sarili ko sa kanya kaya ganun nalang ang atensyong pinakita nito sa akin. Pero pinalampas ko na lang ang mga iyon at hindi na pinansin. Pero kung sa ibang pagkakataon ay talagang papatulan ko sila. Wala naman silang ibedensiya na inakit ko si Sir Lawrence. Ang mahalaga na lamang ngayon ay may mga taong mas naniniwala sa akin. Katulad ng mga kaibigan ko at sila ate Love at ate Vanz. My friends' initial thought when they first saw the man was, he's one of the big bosses. But when I told them he was THE Lawrence dela Vega, they freaked the hell out. Mukhang tinutuo nito ang sinabi na hindi na siya lalapit pa sa akin. It was a relief but deep inside me, gusto ko siyang makita ulit. Kahit sa malayo lang. Kahit gaano pa kalayo makita ko lang siya. Kahit minuto lang. Kahit isang sulyap lang. Hindi naman siguro masamang magkagusto ako sa kanya, di ba? Allowed naman siguro akong magka-crush sa lalake? Hindi naman siguro kasalanan iyon? “Good morning pretty bebe!” Bati ng dalawa sa akin isang umaga ng Huwebes. “Good morning too pretty Mommies! Anong atin at busy ata kayo sa chikahan? Ako ba?” Bati ko sa kanila at nakatanggap agad ako ng malambing na kurot sa tagiliran. “Loka! Hindi ikaw noh! May party kasing gagawin ngayong Sabado. Anniversary ng hotel at uuwi na rin daw si Miss Veronica from her fashion week attendance. Pinag-uusapan namin ang aming isusuot. Ang exciting kasi ng anniversary. Isa ito sa pinaka-highlight ng taon. May program at konting palaro.” Imporma sa akin ni ate Love na nakangisi. “Eh kasali pa ba kaming mga trainees lang, ate? Kung sakali, sa apartment na lang kami. Nakakahiyang makihalubilo sa mga tao na hindi namin kalevel.” Sagot ko. Nakakihiya naman talaga. Sino ba kami para masama sa party na iyon? Para lang yun sa mga regular employees. “Ay bebe hindi iyon pwede. Nakalagay sa memo na lahat ay kasali pati na rin kayong mga trainees. Tradisyon na yan ng hotel. This is their way of acknowledging your contribution for being a part of top-tier hotel service. By Saturday, half-day lang ang pasok natin. May mangilan-ngilan lang na may pasok sa buong araw pero yun yung mga taong nangangailangan ng dagdag serbisyo at pili lang din. At kukuha sila ng ibang empleyado mula sa Cagayan de Oro para tumulong at pumalit pansamantala sa mga trabahong maiiwan.” Paliwanag sa akin ni ate Vanz. “Ganun poh ba? Eh paano yan, kailangan din namin mag-gown? Parang ang awkward naman, Ate. Wala kaming idea kung ano ang gagawin namin sa party. Mga trainee pa lang kami.” Nakakunot-noong tanong ko pabalik sa kanilang dalawa. “Ay sus ang batang ito! Anong nakakahiya dun? Tska marami naman kayo. At isa pa, you don't have to worry about your gown, I gocha.” She winked at me. “May ibibigay ako sayong gown. Bagay na bagay tiyak yun sa'yo. Never ko pa yun nasuot. Sigurado akong lulutang pa lalo ang kagandahan mo. Who knows, baka makita mo na ang man of your dreams sa party na iyon dahil tiyak akong darating ang mga kaibigan at kakilala ni Sir Lawrence.” Si ate Love na nakangiti at sinusuri pa ang aking kabuuan. “These gentlemen na mga hari sa kanilang nasasakupan. Mga anak mayaman, the handsomest you have ever seen, mga lalaking kahit sa panaginip ay hindi maabot.” May panghihinayang pa na wika ni ate Vanz. Kung wala lang 'tong sariling pamilya, masasabi ko talaga na may pinaghuhugutan ito. My heart instantly somersaulted when I heard his name. How could the mere sound of his name affect me this much is beyond me. Napasimangot ako at napatingala na lang. Kumunot ang noo ko nang napansin ko na naman na dito sa area namin nakatutok ang CCTV cameras. May anim na CCTV sa bawat sulok ng lobby at lahat ay dito nakatutok. Ilang araw ko nang napapansin ang mga galaw ng camera. “Ate, bakit dito sa gawi natin naka standby ang lahat CCTV cameras? Aren't they supposed to angle them to the main entrance? Itong isa lang naman dapat sa gilid natin ang nakatutok sa counter. Bakit ngayon halos lahat na?” Hindi ko na mapigilan ang magtanong. “Wari ba? Hindi ko pansin bhe. Baka magrorotate din mga yan maya-maya.” Napatingala na rin sila ate Love at ate Vanz. Bigla ring nagsi-ikot ang mga camera at nakakatutok na sa kanilang mga tamang direksiyon. “See?” Wika ni ate Vanz at nagkibit-balikat. Uhmm...weird. Sa apartment kinagabihan, binanggit ko sa kanila ang tungkol sa party na gaganapin. “Talaga? May party tapos kasali tayo? Wow! That's great!” Bulalas ni Aireen. We were having our dinner. “Kailangan daw mag-gown. Mayroon ba kayong baon? Pahihiramin ako ni ate Love ng gown niya. Gumawa kasi ako ng alibi para hindi maka-attend tapos yon nag-offer tuloy ng gown. Wala akong lusot. May baon naman ako eh.” I pouted habang inikot-ikot ko ang aking spaghetti Bolognese using my fork. Jaze was a good cook. The food tasted so good. “Yep Emz, may baon kami. Di ba nga kasama yun sa listahan ng mga gamit na babaunin natin papunta dito? Buti na lang I brought my best dress.” Lizette grinned. “How about you Jaze, you brought some tux?” Mary asked. “Naman. Ako pa ba. Though, I wouldn't mind wearing a gown.” Napasimangot pa ito sabay subo ng kinakain. Napatawa kami lahat sa sinabi niya. Poor Jaze. Napalis ang ngiti ko nang maalala na naman ang gwapong mukha ni Sir Lawrence. Will I see him in the party? Papansinin niya kaya ako? I didn't really like to attend but if I get to see him, then I'll go for it. I am nervous and excited at the same time. God, I sounded so hypocritical. Masama na itong nararamdaman ko. I know what I feel for him is beyond attraction. Nararamdaman ko iyon sa bawat pintig ng puso ko. Nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Of all the men who showed affection to me, why it must be him? Lawrence dela Vega is as big as the world. He is next to impossible. We live in a different world. We won't fit in. Us will never gonna happen.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD