“Lawrence? Tinakot mo ako!”
He chuckled. “Mukha ba akong multo? Ang gwapo ko namang multo kung ganun.”
Napatanga ako na nakatingin sa kanya. Hindi ba ako dinadaya ng aking pandinig at paningin? Did he really smile and laugh? Kung sa ibang pagkakataon ay baka natunaw na ang puso ko. Ito ata ang unang beses na nakita ko itong tumawa ng natural. Sa mga panahong nakikita ko ito ay laging pormal o seryoso ang mukha nito. Oh, he did laugh at me last night, but in a very sarcastic manner.
Lawrence dela Vega is a very intimidating man. He has this powerful aura na pag nakita mo ito ay kailangan mong yumuko. He has a presence of a King. A ruthless king for that matter. Kaya ang marinig at makita itong tumatawa ng natural ay tila nakakapanibago.
“What are you doing here?” I know it was a stupid question. He has access sa lahat ng apartment dito dahil pag-aari niya ang lahat ng naririto. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nandito ito mismo sa aking silid. Hindi ko ito kailanman inaasahan lalo na't malinaw na sa aming dalawa na hindi kami kailanman mangyayari.
He sighed deeply as he combed his hair with his fingers. Bumalik na sa pormal na anyo ang mukha nito.
"I heard you are sick. I am here because I want to know how you are feeling. And why are you all alone? Bakit hindi ka nagpasama sa mga kaibigan mo? May sakit ka. You need someone to be with you."
Umusog ako para tuluyang sumandal ang aking likod sa headrest at pagkatapos ay tinupi ko ang aking mga tuhod at inayakap doon ang aking mga braso.
“Kaya ko ang sarili ko Mr. Dela Vega, at bumaba na rin naman ang lagnat ko. Hindi ako bata para mangailangan ng kasama sa bahay tuwing magkakasakit. Salamat sa pag-alala pero maaari mo na akong iwan.”
Lalong kumunot ang noo nito.
“You skipped your dinner. I brought chicken soup and fruits. Kaya mo bang tumayo at makababa sa unang palapag para makakain ka?”
I frowned. Saan ba ito nakakakuha ng mga impormasyon tungkol sa akin? Umiling ako bilang pagtugon. “Wala akong ganang kumain.”
Kung nandito siya para kumustahin ako, then nakuha na nito ang sagot. Walang dahilan para manatili pa ito dito. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang pagbisita niya dito. Kaya sana lang ay umalis na agad ito para hindi na umasa ang puso ko.
He stood up, bakas sa mukha ang iritasyon. “You're one frustrating woman I have ever known.” He said in a harsh voice saka ito tumalikod at tumungo sa pinto para lumabas.
Ditto Lawrence.....
Inangat ko ang aking paningin sa kisame upang pigilan sana ang mga luha kong nagbabadyang bumagsak pero huli na ang lahat. Impit akong umiyak na nakasubsob ang mukha sa aking tuhod. It hurts to see him, but it hurts more to see him walk away from me. Pero alam kong para din naman sa ikakabuti ko ang pagtaboy ko sa kanya.
God knows how much I want him to stay. Pero kung magtagal pa ito ay baka ipapahiya ko lang din ang sarili ko. I might beg him to stay. Ganun ako kabaliw pagdating sa nararamdaman ko sa kanya. At hindi ko akalain na ganito pala ang epekto ng pag-ibig sa akin. Na tila ba kaya kong kalimutan ang lahat para lang makasama siya. When he's around, naiwawala ko ang sarili ko at hindi tama iyon. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong malunod nang tuluyan sa kanya.
Lawrence dela Vega isn't the type of a person who stays. He always meant to leave. Kaya habang kaya ko pang ipangibabaw ang moralidad at dignidad ko, kailangan ko siyang itaboy. I will finish my studies, find a good job and achieve my goals in life. Magagawa ko ang lahat ng iyon kapag walang Lawrence sa buhay ko. I don't do casual relationships, katulad ng gustong mangyari nito.
Humiga ako ulit dahil kumikirot na naman ang sentido ko. I was about to close my eyes when the door swung open, na siyang ikinagulat ko. Pumasok ulit ang lalake na may bitbit ng tray na may mangkok sa gitna at hiniwa-hiwang mansanas sa tabi ng mangkok at isang basong tubig.
“Bakit nandito……”
“Hold your breath, lady.” Putol nito sa sasabihin ko.
“If you think I'll leave you, you better think again.”
“Lawrence….”
“Aalis ako pagkatapos mong maubos ang lahat ng ito. Hindi ako mapapalagay kung iiwan kitang walang laman ang sikmura.” Pagkababa nito ng tray sa side table ay hinawakan nito ang braso at kilod ko. Inangat ako nito para makaupo.
Sa pag-upo ko ay halos magtama na ang aming mukha, isang dangkal ang layo sa isa't isa. His ragged breathing fanning through my face. His gaze lingering on my parted lips. My heart skipped a beat.
“God, I missed you.” He whispered huskily as he closed his eyes. Tila nagtatalo ang isipan nito. Pagkatapos ay nagmulat ito and he came closer, para lang abutin ng mga labi nito ang gilid ng aking mata, brushing off the unshed tears na akala ko ay natuyo na.
“If my presence really hurt you this much, then I'll stay away. Pero utang na loob, bigyan mo ng kapanatagan ang isip ko. Eat this and I will be vanished from your sight immediately.”
Sa sinabi nito ay napahikbi ako. I am an emotional wreck mula nang dumating ang lalakeng ito sa buhay ko. How he could manage to melt and break my heart at the same time is beyond me.
“Damn it. Stop crying, baby. Images of you crying last night haunted me in my dreams, wag mo nang dagdagan pa. Trust me, I’m seconds away to punch myself for being a jerk.”
“You are a jerk.” I whispered in between sobs.
He chuckled at niyakap ako ng tuluyan. “Yes, I am. I'm sorry for being a jerk, Emerald.”
It feels good to be in his arms. Why can't I stay here forever?
“Your soup is getting cold, baby.” He let me go at inabot ang mangkok. Hawak-hawak ang kutsara saka inumang sa aking bibig. Umatras ako at inagaw ang kutsara mula sa kanya.
“May lagnat lang ako, Lawrence. Hindi ako disabled. Kaya kong subuan ang sarili ko.”
He pouted. “Sungit.”
Gusto kong ngumisi sa reaksyon nito. Oh Lawrence, what am I going to do with you?
Napapikit ako nang malasahan ang chicken soup. Ang sarap at malinamnam. Sa pagtikim kong iyon ay saka ko lang napagbatid na gutom nga ako. Sunod-sunod na subo ang ginawa ko at hindi ko pinansin ang naaaliw na pagmasid sa akin ni Lawrence. Tipid itong ngumingiti kapag naririnig ang paghigop ko ng sabaw.
Nang maubos ko ang sabaw ay ang mansanas naman ang inabot nito. Inagaw ko sa kamay nito ang hiwang prutas pero umilag ito. “Let me feed you, baby.”
Umirap ako sa kanya at hinayaan na lamang ito. Puno ng determinasyon ang ekspresyon ng mukha ni Lawrence kaya di ko na ipinilit pa. Napapayuko ako kapag sinusubo nito ang mansanas dahil masyadong malalim ang titig nito sa bibig ko. Tuwing ibubuka ko ang aking bibig, umaawang din ang bibig nito.
Ang ginawa ko'y kumuha ako ng isang hiwang mansanas at sinubo din sa kanya. “You look like you want to have a bite.” Wika ko.
“Yes, but not for apple though.” He smirked and intentionally bit my fingers na nakahawak sa mansanas.
I rolled my eyes at him. “Stop seducing me, Mr. Dela Vega.”
Tumawa ito. “I'm not even starting yet, Ms. Fitzgerald.”
Mabilis na naubos ang mansanas dahil sinubo ko sa kanya halos ang lahat ng piraso. After that ay ininom ko ang tubig na bigay nito.
“Salamat sa pagbisita at sa dalang pagkain, Lawrence.” Sabi ko. Ngayong naubos na ang lahat ng pagkain ay aalis na ito katulad ng ipinangako nito kanina. Parang pinipiga na naman ang puso ko. Ang dagliang kasiyahan kanina ay unti-unti nang nawawala. Humungkag ang aking pakiramdam.
Tumango ito at saka tumayo. He's leaving.
Pero laking gulat ko nang imbes na umalis ay naghubad ito ng hood niya, sinunod ang sapatos at medyas. Nakasandong puti lamang ito at maong.
“What are you doing?” Nanlalaki ang mga mata ko dito.
Umikot ito sa kabilang gilid ng kama.
“I changed my mind. I will stay here hanggang sa makabalik ang mga kaibigan mong nasa galaan.”
“At kailangan mong maghubad habang naghihintay? You can just stay in the living room, Lawrence.”
“I barely slept last night, Emerald. Baka sakali makaidlip ako pag katabi kita.”
Humiga ito sa kama kaya wala akong nagawa kundi ang umusog para bigyan ito ng espasyo. The size of the bed is good for one person only. Malaking tao si Lawrence, kung hindi kami magdidikit, alin na lamang sa dalawa, ang mahulog siya o ako sa kama.
Ganun na lamang ang gulat ko nang hinila ako nito palapit sa kanya. Ang ulo ko'y nakaunan sa kanyang braso, his one arm ay yakap-yakap ang aking baywang. Both of us were facing each other. Tanging ang aming paghinga ang aking naririnig at ang malakas na pintig ng aking puso.
“I canceled my dinner meeting nang malaman kung nagkasakit ka. I can't stop thinking about you, Emerald. I feel guilty and sorry for what I did to you last night. I was a jerk. Hindi ko naisip na wala kang karanasan.”
“Isa bang malaking pagkukulang sa babae ang wala siyang karanasan, Lawrence? You see, I am just eighteen years old. I've never been in love. Never been kissed and never been touched. Sa nangyari kagabi at sa reaksyon mo ay tila isang kasalanan ang pagiging mangmang ko sa makamundong bagay? And you knew that I was so willing to give myself to you last night, kaso you've made a point na hanggang doon lang ang gusto mong mangyari. s*x. That's all you want from me. But sorry, I deserve better than that.” Gumaralgal ang boses ko.
“I know, baby. I know. I was scared. Hindi ko maipaliwang kung ano ang mayroon sa'yo na gumugulo sa sistema ko. I've seen the prettiest women from all walks of life, but never did they bother me the way you bothered me, Emerald. Hindi ko mapangalanan kung ano iyon. But one thing I'm sure of, I wanted to be with you. I want to see you all the time, I want to embrace you like this, kiss you until we run out of breath. I want to stay with you with every minute of every day, baby. When you left last night, it felt like you snatched something away from me. At makukuha ko lang iyon kapag yakap-yakap kita ng ganito, kapag nahahalikan kita ng ganito.” He reached for my forehead and kissed me there.
“Emerald, wala akong gusto sa ngayon kundi ang manatili sa tabi mo. Kaya paki-usap, don't keep your distance.”
“Pero hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo, Lawrence. Hindi ako pang one-night stand lang. Hindi ako pampalipas oras lang. Wag sanang ganun kababa ang tingin mo sa akin.”
“Hindi kita masisi kung yan ang naiisip mo sa akin dahil yun ang pinaramdam ko sa'yo kagabi. Pero hindi mo rin ako masisi Emerald dahil sa tanang buhay ko, ikaw palang ang kauna-unahang babaeng nagpagulo sa isip ko. I lost my focus the moment I saw you. At hindi ko alam kung ano ang nararapat gawin. I never chased and wooed girls in my life, Emerald. Pero kung yan ang gusto mo, I will chase and woo you, my way. Not because you asked me to, but because you deserve it.” He sighed. Marahang hinahaplos ng kamay nito ang braso ko.
“Give me a chance to prove to you that I am serious. You are special, Emerald. And you deserve special attention.”
Makikita sa mukha nito ang pagiging seryoso sa kanyang sinasabi. “Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo ngayon sa akin, Lawrence? This isn't a trap, is it?”
“I am dead serious, Emerald. Trust me, I have never been so serious in my life but now."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango. “Okay.”
“Okay?”
“Yes.”
“Yes?”
I nodded. Nagpipigil ngumisi.
He then grinned wickedly. A kind of grin that would make my knees buckled. “So, we're okay now?”
“Uhm. Let's give ourselves a chance.”
“Hindi ka naman siguro kinukumbulsyon?”
I chuckled. “I’m sane, Lawrence. I know what I am saying.”
“Oh God. I might kiss you all night, baby.” Sa pagkasabi nito ay inabot nito ang aking mukha at kinintalan ng banayad na halik ang aking labi.
“Baka mahawa ka, Lawrence.”
“Okay lang. Para ako naman ang alagaan mo." He wiggled his eyebrows playfully.
“You're crazy.” I giggled.
“Only for you.”
Umirap ako at ngumisi lang din ito. Pagkapos ay umayos kami ulit ng higa. Ang isa kong hita ay nakapatong sa kanya. My face buried on his neck.
“It's time for you to sleep, baby. Good night.”
“Good night Lawrence. And thank you.” I whispered. Nakaramdam ng pamimigat sa aking talukap.
“No baby. Thank you. Thank you for making me this happy.”
Isang ngiti lamang ang nagawa ko bago ako tuluyang hinatak ng kadiliman.