TWELVE: Sick

2151 Words
Nakatihaya lamang ako at tinitigan ang kisame. Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon dahil mabigat ang aking pakiramdam. Nilalagnat ba ako? O dahil lamang ba ito sa nangyari kagabi? Nakatulugan ko na kasi ang pag-iisip at pag-iyak dahil sa kanya. I am disappointed with myself. Sinong mag-aakala na magkakaganito pala ako kapag nagkagusto sa isang lalake? Nasaan na ang pader na tinatag ko para hindi umabot sa ganito? Humugot ako ng isang malalim na hininga. Bakit ganun? Wala pa nga kaming nauumpisahan pero nasasaktan na ako. Tama ba ito? Tama. Tama lang siguro ang nangyari kagabi. Pero hindi ko maiwasang masaktan at manghinayang. Nanghihinayang ako sa nararamdaman ko sa kanya. Siguro ay masyado pang maaga para sabihing mahal ko na siya pero yun talaga ang nararamdaman ko. Never in my life did I have this kind of feeling. It's a lot deeper kumpara sa mga simpleng pagkagusto ko lang sa ibang crush celebrities ko. Malayo ito sa paghanga lang. Mahirap intindihin. You are special to me.... Special? Masaya na ako doon e. Kahit special lang. Dahil pwede namang maging love ang special pagdating ng panahon. But why can't he see na hindi madali sa akin ang lahat. Gusto ko lang maghinay hinay. One step at a time. Pero tama nga siguro siya. Gusto kong suyuin niya ako at ligawan. I deserve that, don't I? But it isn't his thing, just like what he said. Masakit. Kasi wala akong pinagkaiba sa mga babae niya kung ganun. He will be going to treat me the way he treated his flings. But I'm no fling. I will not let that happen to myself. Special my ass. Nahinto ang pagmuni-muni ko nang may kumatok sa pinto. Sumilip ang ulo ni Mary. “Hey, tinanghali ka na. Tara na at sabay na tayong lahat mag breakfast.” Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. “Did you cry last night? Namumugto mga mata mo. Care to tell me?” Dugtong pa niya habang nakamata sa akin. Umayos ako ng upo at sinandal ang likod sa headboard ng kama. “I'm fine. Medyo masama lang pakiramdam ko.” I looked at her and smiled. “Emz, don't lost me. You are not answering my question.” She looked at me sternly, trying to find the truth in my eyes. “Hindi ako umiyak, okay. I told you masama lang pakiramdam ko.” I told her at mas nilawakan pa ang ngisi. Baka sakali ma-convince ko siya. She rolled her eyes at me at sinalat ang aking noo. “Whatever, pero may lagnat ka nga. C'mon, freshen up. Hihintayin kita. Sabay na tayong bumaba. Para makainom ka na rin ng gamot.” She reached and grabbed my arm at inalalayang makabangon. Medyo nahihilo nga ako kaya nagpatulong na rin ako sa kanya. Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush, naabutan ko pa rin si Mary na nakaabang sa akin. She was sitting at the end of my bed. Umiiling ako pero inabot ko siya at niyakap. “I'm so glad you're my friend.” I whispered. Nag-init ang mata ko. Why am I getting emotional wreck all of a sudden? God, I'm pathetic. Hinimas ni Mary ang aking likod. "There. There. Why is our leader being like this? But it's okay, Emz. You will be okay. We are just here for you. Always." I smiled and nodded. Same here. Pagkababa namin, naabutan namin ang iba na kumakain na. “Kakaumpisa lang namin. Tagal nyo eh.” Wika ni Jaze. “Oh Emz, anyare sa'yo? May sakit ka ba? Ang putla mo ah.” Puna rin ni Lizette. Tumayo si Aireen at ipinaghila ako ng upuan. Umupo na rin si MarY sa pwesto niya. “Thanks.” Ang tangi kong nasabi sa kanila. Wala akong ganang kumain. Sumusubo lang ako ng iilang beses. Uminom lang din ako ng gatas even though I hate the taste of milk. Hay, wrong timing naman. Bakit ngayon pa ako nagkasakit. “Emz, tell us. What happened last night? Alam ko may nangyari. Nag-aalala kami. Tignan mo nga, nagkasakit ka pa ngayon.” Tapos na kaming kumain at nagkakape nalang sila dito sa sala. Tiningnan nila ako. Wala ata akong lusot sa kanila kahit na may sakit ako. “I'm in love, I think?” Panimulang sabi ko. Naibuga ni Jaze ang hinihigop niyang kape. Si Aireen ay agad na inabutan ito ng tissue at siya na ring nagpahid sa mga labi ni Jaze. “Kaloka ka teh! Wala ba munang WARNING dyan bago mo isiwalat ang dapat mong isiwalat? In love agad agad? Direct to the point? Hindi ka muna sumegway. Juice ko ang lips at dila ko napaso, Aireen!” Binatukan ito ni Aileen. “Ang arte lang.” “Tumigil ka Jaze, pagbubuhulin ko pa yang dila mo eh.” Irap ni Lizette. “Ang hard nyo sa akin, grabeh.” “Bwisit! Magtigil ka! Isa!” Singhal ni Aireen sa kanya. “Oo na nga, titigil na.” Ngumungusong sagot nito kay Aireen. “Seryoso ka sa sinabi mo, Emz? In love ka? Sure na yan? Mag-papamisa na ba kami at sa wakas napana na rin ni kupido ang puso mo?” Sabi nito na nakatanggap naman ng sabunot kay Mary. “Aray naman! Kayo ha kinakawawa nyo na ako! Wala talagang nagmamahal sa akin dito." He leaned on Aireen's shoulder at umirap lang din ang huli sa kanya. “Emz, are you really that serious?” Si Lizette. Bakas sa mukha nito ang pag-alala. I sighed. “I wish I was just pranking you guys.” Sagot ko at nanghihinang napasandal sa upuan. Tumahimik silang lahat at tumango. “Who's this guy? Kayo na ba? Bakit parang malungkot ka?” Aireen added. “Emz, don't get me wrong. Wala namang masama kung in love ka nga. Kaso di ko maiwasan magtaka. Kanino ka in love? I don't see guys courting you.” Si Mary. Tinaas ko ang aking mga tuhod sa upuan at niyakap ang mga ito. I put my chin on my knees and then looked at them. “We talked last night. I love him but he doesn't love me enough. He's not capable of loving, ang sabi niya. He said I'm special. Okay na ako doon eh. Kahit special. Kaso, I know his type. He's into modern relationship. He doesn't want commitment and I don't like it. I felt cheap. Ayokong bumigay sa mga gusto niya. I want to be treated the right way. Ligawan at suyuin. But those words never occured in his dictionary. Gusto ko lang ng oras at panahon para makapag adjust. At gusto ko rin mag adjust siya so we can meet halfway. But he doesn't want to give it a try. I was hurt last night, and still hurting. Kasi, alam nyo yung pakiramdam na ginugusto mo lang siya sa malayo tapos nung nilapitan ka na niya at nagparamdam siya na may gusto rin siya sayo. Tapos malaman mo, ibang gusto pala ang sadya niya sa'yo. Yung ang saya ko na sana kagabi kasi ilang araw ko na siyang di nakikita tapos nagka-usap na kami, sa wakas. When I finally embraced the fact that I am falling in love with him, tapos magka-iba pala ang pananaw namin sa relasyon. Nauwi lang pala sa wala ang sayang naramdaman ko.” Tumahimik sila at tila inintidi ang sinabi ko. “Nagmamadali ba siya kung sino mang Poncio Pilato siya? Dinadaan ka sa dahas ganun? Biglaan? Kayo na agad agad? Landian agad agad? Yun ang gusto nya? Ay nako kaloka ang ganyang mga lalaki. Anong akala niya sa'yo, easy to get?” Litaniya ni Aireen. “Emz, ano pa napag-usapan nyo? Pumayag ka ba sa gusto niya?” Lizette asked me. “Anong klaseng tanong yan. Zette. Kahit in love siya pero hindi ibig sabihin nun magiging tanga na siya. Syempre hindi siya papayag sa ganun. Di ba, Emz. God, tell me you said no.” Hindi mapigilan ni Aireen na manlaki ang mata sa akin. “No, kaya nga nasasaktan ako ngayon. He doesn't want to give it a try....” Napahikbi ako at agad silang lumapit sa akin. “It's okay Emz. It's not your loss, it's his. Tama na ang iyak. Magkakasakit ka lalo niyan.” Ani ni Mary. “Whoever that guy is a jerk! Tsk! Hindi ba niya nakikita na you are vulnerable, and you are not liberated for Christ's sake! This is your first time so dapat magdahan-dahan siya. He should know how to treat you properly.” litaniya ulit ni Aireen. Sa aming lahat siya ang mas maraming karanasan sa pag-ibig. Ang kaso nga lang walang tumatagal. Kinuha ni Jaze ang tissue box sa gilid ng upuan ni Aireen at inabot sa akin. “Tell us, sino yung guy para maresbakan at magahasa...este...masapak pala.” Wika ni Jaze. Tinignan namin siya ng masama. Tinaas ang dalawang kamay sa ere. “Sareeyy, joke lang oi! Masyado!” Bumuntong-hininga ako. “Si Lawrence...” Pag amin ko. Ang mga mata ko ay nakatutok sa sahig. Hindi ko kayang salubungin ang mga ttitg nila. “Lawrence who? Sorry pero wala akong kilalang Lawrence na trainee. Kung meron man akong kilalang may ganung pangalan, si Sir Lawrence dela Vega lang.” “Siya nga.” Nasamid ulit si Jaze. Sinuntok-suntok nito ang dibdib. Nakita ko sa mukha nilang lahat ang panggilalas at pagkagulat. “Lawrence dela Vega? As in The Great Lawrence dela Vega? The owner and CEO of Dela Vega Suites and Resorts?” Pabulong na wika ni Aireen habang sumisinghap. I sighed again. "The one and only." Napapikit ako. Sumagi na naman sa diwa ko ang gwapong mukha ng lalake. Nag-init na naman ang sulok ng aking mga mata. “O to the M to the G!!!!” Biglang nagtiliian ang tatlo maliban kay Mary na nakabusangot ang mukha sa reaksiyon nila. “Ang hot nung guy, gurl! Papalicious! Kung ako sa lagay mo papayag ako kahit ano pa yan! Gaad! It's a dream come true for me! Pumayag ka Emz para lagi natin masulyapan ang kagwapuhan niya! I kennat!” OA na sambit nito. I shook my head. Wala ka talagang maasahang magagandang salita mula sa bibig ni Jaze. Puro kahalayan at kalandian lang ang tanging alam nito. “Kinikilig ako, enevey....” Singit ni Aireen sabay yakap sa mga braso niya. “Same here. Goosebumps.” Sabay pakita ni Lizette sa mga nagtatayuang balahibo sa mga braso nito. Mas lalong lumaylay ang balikat ko. Tell me again why they are my friends? Kanina lang they were fuming mad. Ngayon naman halos mangisay na sa kilig. Pssh. Bipolar friends. "Magsitigil nga kayong tatlo. Masasampal ko na kayo eh." Paninita ni Mary. "Emz, seriously. Tama lang ang desisyon mo. Nakakatakot mahalin ang katulad niya. He's Lawrence dela Vega for Pete's sake! Pangalan pa lang niya nakakapanindig-balahibo na. Marami kang karibal sa kanya, Emz. Although sure naman ako na may laban ka." Wika ni Aireen na tuluyang umupo na sa sahig malapit sa paanan ko. “Yeah, I also agree. Pero ang haba ng hair mo Emz ha. Pang-CEO ang lebelan natin” Lizette chuckled. “Yeah, yeah but don't you think we're being judgmental on him? I think we should give him the benefit of the doubt. Malay mo, along the way, he might fall in love with you real deep. Oh at least, worth it, di ba?” Tumahimik ang lahat nang magsalita si Jaze. Can it be possible? Is he really capable of loving me? Am I that worthy to him that he can break his own rule? But I don't think so—I'm not worth it. Makakahanap din siya ng iba; besides been around the globe and I pale in comparison to his other women. I'm not worth fighting for. I closed my eyes. I can feel the pain again in my heart. Masakit talaga. It hurts to think of him with someone else. “You okay Emz?” Basag ni Mary sa pag iisip ko. “Yeah, sumakit lang ulo ko. I think I need to rest, guys. Pass muna ako sa lakad mamayang gabi ha. I don't think kaya kong lumabas.” Ang wika ko sa kanilang lahat. We planned to go to Abreeza Mall to watch a movie. Last showing na kasi ngayon ng Divergent. “No way. Hindi na lang tayo tutuloy. Hindi ka pwedeng maiwan dito na mag-isa Emz.” Si Lizette na sinabayan ng pag-iling sa akin. Umiling din ako. “I am fine, trust me. Sa kwarto lang naman ako. I'll be safe. Mas magkakasakit ako thinking na ako pa ang dahilan ng hindi ninyo pagtuloy. I don't want to spoil your night. Promise, I'll be okay.” I told them with conviction. Hindi ako papaya na mabulilyaso ang lakad nila dahil lang sa lovesick na'to. Mary sighed. “Okay, if you really insist.” Kinagabihan nga ay lumakad na sila at andito lang ako sa kwarto ko nagpapahinga at nagmumuni-muni. Tumawag kanina ang Mommy ko at si bunso. They were worried, ofcourse. Pero sinigurado ko sa kanila na ayos lang ako. In fact, hindi na ako mainit ngayon. Uhm, medyo lang pala. Though, nananakit pa rin ang aking katawan at ulo. Hindi na rin nila ako napilit na kumain ng dinner. Dahil na rin siguro sa gamot na ininom ko kaya agad akong nakaramdam ng antok. Naramdaman ko na may humahalik sa palad ko. Minsan naman ay sa aking noo. Nananaginip ba ako? Siguro. Masarap sa pakiramdam ang paghalik halik ng kung sino man sa noo ko at ang malambing na haplos na binibigay nito sa aking palad. Napakunot -noo ako. Parang totoo. I opened my eyes and was caught off-guard by the sight of the man sitting beside my bed. Nagtama ang aming mga mata. His worried eyes made my heart skipped a beat. What is he doing here?              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD