TWENTY: The Real You

1646 Words
Napakabusy namin sa sumunod na mga araw. Bihira na lamang kami nagkikita ni Lawrence dahil palagi siyang nasa business trip. Hindi niya binabanggit sa akin ang schedules niya kaya hindi ko alam kung kailan ang araw ng balik niya. Nasusurpresa na lamang ako minsan dahil bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko o di kaya ay nagigising na lamang akong yakap-yakap niya. Napapangiti ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sigurado akong mahal niya ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw niyang aminin sa akin na mahal niya ako. Special at mahalaga. Yun lang ako sa kanya. Pero kuntento na ako sa ganun. Ayaw ko siyang pilitin sa isang bagay na alam kong ayaw niya. Hahayaan ko na lamang ang panahon ang magdidikta sa kanya kung gaano na niya pala ako kamahal. Katulad ng kung gaano ko rin siya kamahal. Kahalaga. Kaimportante. Masaya ako. Kami. Okay na ako na ganito muna. Kakatapos lamang ng lunch break ko at papunta na ako sa lobby.  Napahinto ako dahil may natanawan akong bulto ng isang lalake na nakatalikod malapit sa waiting lounge. May kausap ito na dalawa pang lalake. Lumapit ako sa kanila. “Nathan?” Sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat dahilan para lumingon siya sa akin. Napakunot-noo pa ito pero ilang saglit lang ay umaliwalas ang maamo nitong mukha. “Emz!” Pabigla nitong sambit bago ako niyakap nang mahigpit. Nagulat ako sa reaksyon niya pero hinayaan ko na lang. Medyo namiss ko rin kasi ang mokong na ito na halos araw-araw akong inaabangan sa daan at sinasamahan papuntang sakayan ng jeep. “Kumusta? Napagawi ka dito?” Pasimple akong bumitaw sa yakap niya. Nagkamot ito ng ulo na para bang nahiya. Gusto kong matawa. Bakit ba ang lalakeng to pag ako kaharap nagbabait-baitan? Samantalang pag nakikita ko siyang kasama ang barkada niya e ang angas ng aura. “Oo dito muna ako sa Davao ng ilang araw. Kagabi lang ako dumating. Naka check-in kasi ang mga pinsan ko dito sa hotel. Wait, dito ka ba nagtetraining?” Tanong niya sa akin. Ngumisi ako. “Malamang.” Tumawa ito. “I miss that attitude of yours.” Tipid nitong ngiti sa akin. Napahinto ito sa pagsasalita nang may tumikhim sa likuran niya. Nilingon namin ang dalawang lalake na sabay pang kumaway. “Oh! By the way, these are my cousins. Sila yung nasabi ko sayo kanina na nakacheck-in dito. Actually, ako na rin pala. We'll be staying here for a week or so. This is Dylan and Theo." Pakilala niya sa mga pinsan niya. Humakbang papalapit ang isang lalakeng naka board shorts. "Hi, I’m Dylan.” Nag-abot ito ng kamay sa akin. Tinanggap ko ito at tipid na ngumiti. “Emerald. But I prefer to be called Emz.” Sagot ko. Tumango ito at tingnan akong mabuti. "Ganda..." mahina niyang sabi pero rinig pa din namin. I smirked discreetly. “Ako naman ang magpapakilala." Wika nung isang guy na nakamaong shorts naman. “Hi Emz! Ako si Theo. Taga Surigao ka din pala? Galing na kami dun kina Nathan. Nagstay kami doon ng one-week din. Maganda doon pero mas maganda ang Davao kasi andito ka.” Banat nito at ngumisi. Nagtaas ako ng kilay. Hays. Boys. “Back-off dude." Tinapik ni Nathan ang balikat ni Theo at nakita kong pinisil niya rin ito. “Girlfriend mo couz?” Pasimpleng tanong ni Dylan. Nathan smirked before he looked at me. “How I wish…” Wika ni Nathan. Napailing ako. Alam niyang ayoko sa kanya. Higit na lalo ngayon na nakilala ko si Lawrence. There will be no other man for me than Lawrence. “I have to go. May duty pa ako. See you around guys.” Paalam ko sa kanila. Nakita ko silang tumango. Pero hindi pa ako nakakahakbang nang hilahin ni Nathan ang kamay ko. “Emz, pwede kang ma-invite magdinner sa labas? If you have time of course. Namiss lang kasi kita.” Mahinang boses na pagkakasabi niya. Napaisip ako. Ayoko ko siya bigyan ng rason para isipin na pwedeng maging kami. Alam ko naman ang intensyon niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw. Pero ang bastos ko naman kung hindi ko siya mapagbibigyan sa simple niyang hiling. At isa pa, may tiwala naman ako sa kanya. I have known him for years at masasabi kong matino naman siyang tao kahit babaero. Alam kong I'm secured whenever I'm with him. “Titignan ko muna Nathan. Hindi ko pa kasi masasabi kung ano ang sched ko. But don't worry, I'll bear in mind about your invitation. Maybe I'll text you one of these days.” Ang tangi kong sagot sa kanya. He let go of my hand and I can see the sadness in his eyes even though he’s smiling. “Of course. See you around.” Tumalikod na siya kasama ang mga pinsan niya pagkatapos kung kuhanin ang mobile number niya. Dumiretso na lamang ako sa pwesto ko para magtrabaho. Makahulugan ang tingin na ibinibigay sa akin nila ate Love at ate Vans. Sino yung boylet na yun? Ang pogi ha. Nagyakapan pa kayo. Ang sweet lang talaga.” Panimulang bwelo ni ate Vans. “Jowa mo bebe?” Panura rin ni ate Love. Umiling lamang ako sa kanila. “Hindi ate. Taga sa amin yun. Dito sila naka check-in. Kaibigan ko lang yun mga ate.” Depensa ko. “Bakit ba ayaw mo mag jowa? Nasa tamang edad ka na naman ah.” Dagdag na wika ni Ate Love. Bumuntong-hininga ako. If they only knew. “No comment nalang ako diyan, mga ate.” Ngisi kong baling sa kanilang dalawa na parehong nakataas ng kilay. Lumipas ang maghapon at wala akong natanggap na text o tawag man lang kay Lawrence. May problema ba kami? Hindi kasi ako sanay na ganitong walang text man lang sa kanya. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext pero walang reply. Ang alam ko pauwi na siya mula Maynila. He is supposed to be here by now. Umuwi ako ng apartment na malungkot. Pakiramdam ko may mali eh. Merong hindi tama. “Bakit hindi maipinta yang mukha mo, Emz. Kahit si Leonardo de Vinci magrereklamo sayo niyan eh. Cold war ba kayo ng jowa mo?” Nasa hapag na kaming lahat para kumain ng hapunan. “Tigilan mo ako Jaze.” Mahinahong sambit ko. Ayoko munang may umusisa sa nararamdaman ko ngayon. Nakita kong nagkibit-balikat siya. Tumahimik naman din ang iba. Alam talaga nila pag wala ako sa mood. At mainam na hindi sila sumasabay. Tahimik kaming kumain at kahit wala akong gana ay pinilit ko pa rin ang kumain para hindi sila magtampo. Nasa sala kaming lahat. Nanonood lang ng balita. For the nth time I sighed. Pinatay ni Mary ang TV na ikinagulat ko. She faced me. Magkatabi lang kami. “Kanina ko pa naririnig ang buntong-hininga mo at naiirita na ako. Ano ba ang problema?" Wala akong choice kundi ang sabihin sa kanila ang gumugulo sa isipan ko. “Ang weird kasi. Hindi man lang nagtext si Lawrence today. This is the first at hindi ko maiwasang hindi kabahan. Pakiramdam ko may mali eh. May nangyaring hindi maganda. Ewan ko hindi ko maipaliwanag.” Nakatungo ako at nilalaro ang aking mga daliri. “Emz malay mo busy ang tao kaya ganun. Besides, don't you trust him?” Nakakunot-noong sabi ni Aireen. Umabot ito ng chips sa bowl na nasa mesa. Tinabig ni Jaze ang kamay nito. “Nakakarami ka na day. Magdahan-dahan ka naman.” Pigil ni Jaze kay Aireen. “Ikaw nga tong parang patay-gutom na ayaw lumubay. Tsaka pera ko tong pinambili ng chichirya. Baklang to.” Umirap si Aireen dito. “Halikan kita dyan makita mo.” Irap din ni Jaze sa kanya. “Eww. Naduduwal ata ako.” Nag-inarte pa si Aireen na naduduwal kunware at napahawak sa sikmura. “Tumigil nga kayong dalawa. Mamaya niyan kayo na pala magkatuluyan.” Hindi namin maiwasang hindi tumawa sa sinabi ni Lizette. Nagbukas pa ako ng isang supot pa ng Piatos. “Emz, busy lang yung tao. Ikaw ba naman magboyfriend ng isang business magnate.” Wika ni Lizette nang tumahimik na ang dalawa. I shrugged my shoulders. “Yeah, I think so. But he should have texted me at least, right? Para hindi ako mag-isip ng hindi maganda.” Napapalatak pa ako. “Psssh! You are too clingy! Wag ganyan baka magsawa agad yung tao sa'yo.” Si Aireen na nakahilig na ang balikat kay Jaze. “I am not being clingy, I am worried.” I rolled my eyes at her. Kinabukasan naging mas abala pa kami sa pag iistema ng mga guests. Kahit sa mga oras na ito, wala pa rin akong narerecieve na text from Lawrence and I missed him already. So damn much. Napatigil at napalingon kami sa bukana ng lobby. Masyadong maraming tao at maingay. “Anong meron, sis?” Lingon ni ate Love kay ate Vans. Nakita ko pang siniko niya ito. “I've no idea. May taga media oh.” Sagot ni ate Vans at nakaturo rin doon. Napakanot-noo ako. Anong nangyayari? “Oh well, pag may taga-media, alam na. Sila boss ang pakay ng mga yan. Dumating na siguro ang magkapatid.” Wika ni ate Love. Maya-maya pa ay nakita kong pumasok si Miss Veronica na pinapalibutan ng security guards. Sa likuran niya ay si Lawrence! He's here! Pero ang ngiting sisilay na sana sa aking mga labi ay biglang napalis nang mapansin kong may magandang babeng nakayakap sa kanyang bewang. At ang kanyang kanang kamay ay nakayakap din sa bewang ng babae. Anong ibig sabihin nito? “Lawrence....” Bulong ko at wala na akong pakialam kong marinig man nila ate. Napakapit ako sa aking kinauupuan dahil bigla na lamang akong nanghina. "Lawrence....” Mahinang tawag ko kahit alam kong imposibleng marinig niya ako. Nakatanaw pa rin ako sa kanila while they're walking towards the private lift. Nakita ko ang bahagyang paghinto ni Lawrence at lumingon sa kinaroroonan ko. Madilim ang kanyang mukha and I saw hatred in his brown eyes. He smirked. Did I do something wrong? Natigil ang pagtitig ni Lawrence sa akin dahil sa paghaplos ng babae sa kanyang pisngi at may ibinulong ito sa kanya. Nagliwanag ang mukha nito at ngumiti sa babae. Ang sakit. Sobrang sakit na gusto ko na ata mamatay. Is this all a game? Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pasimpleng pinahid ko ang mga ito at nag-excuse kina ate. Ayokong makita nila akong ganito dahil paniguradong hindi nila ako lulubayan sa pagtatanong. Lawrence, is this your game? Are you revealing the real you this time? God, the pain is killing me…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD