Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak pagdating ko sa apartment namin. I was a mess the entire day at dahil hindi ako makapag trabaho ng maayos ay maaga akong pinauwi ng front desk manager. They thought I was sick. But being sick is a far cry from what I am feeling inside. Nang nagsidatingan ang mga kaibigan ko ay agad akong pinalibutan ng mga ito and in between sobs ay kinuwento ko sa kanila ang nakita ko kaninang umaga.
“Tsk! Kaya tutol ako sa relasyon nyo eh. Sabi na nga ba't niloloko ka lang ng lalaking yun! Ay nako! Nakakagigil!” Aireen was fuming mad. She was crossing her arms over her chest at nanggagalaiti sa galit. Sa kanilang lahat ay siya itong boto na boto kay Lawrence.
Nilapitan siya ni Jaze at hinahaplos-haplos ang kanyang dalawang brasong nakahalukipkip.
“Chill sweetie.... ang wrinkles lumalabas.” He said. Kahit malabo ang paningin ko dahil sa luha ay kita ko ang reaksyon ni Aireen. Natigilan ito at tinitigan si Jaze nang matagal at saka bumuntong-hininga.
Kung ano man ang naiisip ko sa kanilang dalawa ay alam kong imposible. Baka nga ilusyon lang ang nakikita kong kinang sa kanilang mga mata habang nagtitigan.
“Emz, wala ka namang ginawang masama sa kanya di ba? Hindi ko magets bakit nagkaganito.” Mary was frowning while pressing my hands softly, reassuring me that everything will be okay.
But it will never be okay. The pain that I'm feeling right now is too painful to bear. I never knew such pain exists. Yung pakiramdam na literal kang dinudurog ng paunti-unti. Yung puso mo na piniga ng ilang beses hanggang sa sumabog nang tuluyan.
Sana man lang kinausap niya ako kung meron man akong nagawang mali sa kanya. Hindi sa ganitong paraan na pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang sama ng loob.
“Hey, Emz. Cheer up. Wag ka ng maghabol pa sa kanya. At least habang maaga pa lumabas na ang kanyang tunay na kulay. The best way to have a revenge is to move on. Don't show him that you are hurt, that you are affected. Mas lalo lamang iispin ng taong yun na nagtumpay siyang saktan ka.” Salaysay ni Lizette.
Tumango ako kahit pakiramdam ko ay mali. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Gustung-gusto kong malaman ang totoo niyang intensyon. Kung lahat ba ng ito ay planado niya sa umpisa pa lang.
But then, whatever he is thinking right now, I'm still the victim here. He hurt me without me knowing the reasons behind all of this.
At kung ang intensyon niya ay talagang saktan ako, he should know that I am indeed hurt. Hindi para kaawaan ako, kundi para malaman niya na totoong mahal ko siya kaya ako nasasaktan ngayon. Pero parang hindi ko pa kayang makita siya. Pasalamat ko nalang na matatapos na ako sa Front Desk. Housekeeping na ako ma-a-sign sa susunod na linggo at paniguradong hindi magkukrus ang landas namin doon. Hindi ko na siya makikitang dadaan sa harap ko na may kayakapang iba.
Damn you Lawrence dela Vega!
“Bar tayo? Friday ngayon. Girls bonding time!” Hiyaw ni Aireen.
Napapalatak ako. Solusyon ba talaga ang ganito? Mag enjoy at magpakalunod sa alak? Well, why not? I've never done that before. I sighed. Ofcourse, dahil ngayon ko lang naranasang masaktan ng ganito.
Sasagot na sana ako nang napalingon kami sa pinto dahil may kumakatok.
“Let me.” Ani ni Jaze sabay tayo patungong pinto. Kumekendeng itong naglalakad para patawanin ako. Tipid akong napangiti, kung ngiti nga bang matatawag ito. Samantalang napansin ko ang pag ismid lang ni Aireen kay Jaze.
When Jade opened the door, bumulaga sa amin ang isang tao na kahit sa panaginip ay hindi namin naiisip na dadalaw sa aming apartment.
Veronica dela Vega....
What on earth is she doing here?
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang gusto kong manghina na maiisip na kahit kailan ay hindi ako babagay sa mundo nila. Malayong malayo. Hindi ko nga kayang abutin sila. You can see them, but you can't touch them.
Napansin kong pinaikot niya ang kanyang mga mata sa loob ng bahay. Wala man lang nababakas na ngiti o kahit anong emosyon sa mukha niya. Kinakabahan ako. Is she here to tell me to stay away from her brother? Is she here to tell me that I am not good enough for Lawrence? Is she here to tell me that our relationship is done?
Humakbang ito palapit sa akin at napatayo ako sa kinauupuan ko. Kung aawayin niya ako ay hindi ko siya aatrasan. Even if it means that I have to lose my job.
“Emerald...” She stopped infront of me at arm's length.
Tumango ako ng bahagya sa kanya. “Anong maipaglilingkod namin sa inyo, Miss Veronica?"
Ilang segundo muna ang nagdaan bago ito sumagot. “Come with me. Kuya Lawrence needs you.” Umulap ang mga mata niya and all her facial expressions softened.
Kumunot-noo ako. Ano raw?
“He's sick. He needs you. Ayaw niya magpadala sa hospital. He keeps calling your name. That's the reason why I am here.” She spoke quietly.
Tumahip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ang lakas ng kabog ng aking puso. He's sick? Pero nakita ko pa lang siya kaninang umaga ah.
“Masama na pakiramdam niya mula pa kahapon pagdating niya mula Manila. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya naglasing kagabi eh instead na magpahinga na lamang.” She paused. “I don't know what happened, but I think he's hurting now. I haven't seen him so wasted until yesterday. Ayaw kitang sisihin sa kadahilanang wala namang akong alam sa mga nangyayari. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan ka niya.” Hinawakan niya ang aking kamay at pinaloob sa dalawa niyang palad. “Please Emerald, come with me. He needs you more than he needs anyone in the world.” Dagdag na sabi ni Veronica sa nakikiusap na tono.
Napakurap ako. Hindi ko pa halos naa-absorb ang lahat ng ito. Ni hindi ko alam kung ano ang isasagot. Lawrence is sick? He needs me right now? Sigurado ba siya na ako talaga ang kailangan ng kapatid niya?
“Bakit ako?” Hindi ko maiwasang hindi itanong ang tumatakbo sa aking isipan. “He's with someone else this morning. Nakita ko kayong dumaan sa lobby. Bakit hindi siya ang hingan mo ng tulong?” Walang emosyong sagot ko sa kanya.
Umiiling-iling ito at bahagya pang ngumiti sa akin. Nandun ang aliw sa kanyang ngiti. “Hmmm...you sounded very jealous.” Pagkatapos ay pinagkrus ulit ang mga braso sa harap.
“It's not my own story to tell. Pag magaling na siya, hayaan mong siya ang magpaliwanag sa'yo. And why should I call the woman he's with this morning? Dalawa na ba ang EMERALD na kilala niya? The last time I checked, ikaw lang ang nag iisang Emerald sa buhay niya...." Umangat ang kilay nito and then I saw a genuine smile forming on her lips.
I tried to swallow the lump behind my throat. Damn, ang sarap naman pakinggan nun. Nag-iisang Emerald sa buhay niya. Yes, I wanna see him. Kahit nandoon pa rin sa dibdib ang kirot ng tagpong nakita ko kaninang umaga, pero mas nangingibaw ang kagustuhan kong makita siya. Lalo na ngayon na may sakit siya.
He needs me so I must be there. Tiningnan ko siya nang may determinasyon. “I'll go with you.” I said. Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Tumango si Mary, Lizette and Jaze. Umirap naman si Aireen sa akin. Ngumiti akong lumapit sa kanya. "I'll be fine, don't worry."
She rolled her eyes on me. "I'll be fine, my foot. Parang hindi ka namin naabutang naliligo sa sarili mong luha noh? Be sure you'll be fine this time, Emerald. Pag ikaw umuwing umiiyak na naman, mag alsa balutan na tayo!"
Jaze suddenly hugged her from behind. He placed his chin on Aireen's shoulder. "Umuwi mang umiiyak si Emz pagkatapos makipagkita kay Sir Lawrence, at least, nakapag-usap na sila at naging malinaw na sa kanya kung bakit nagawa iyon ni Sir. We'll just be here for her and help her fix her broken heart. Kaya hayaan mo munang umalis si Emz, okay?" Jade kissed her on the cheek na siyang ikinagulat ko.
Samantalang si Aireen ay tila nagpahinuhod nalang at ngumuso lang sa akin. What's with this two?